TINABI NI NOAH ang bistek.Pinagmasdan niyang kumain si Josie. Naubos nito ang isang mangkok ng sinabawang isda. “Oh, halos hindi mo nagalawa ang kanin mo, mahal.” “Kumain ka na rin,Noah.Ah, mahal. Malapit na iyong pagpunta ni Ethan sa Japan. Kung samahan kaya natin siya?” “Mahal ko hindi ka pa puwedeng magkikilos. Halos buong araw ang biyahe mula rito hanggang Japan. Isa pa hindi naman tayo makakasama sa mga aktibad sa eskuwela ni Ethan roon. Nakausap ko na ang punong guro sa akademya. Hindi pamamasyal iyon. Mag-aaral roon ang mga estudyante ng isang buwan. May ilang araw lamang nakalaan para sa pamamasyal. Si Ramiro at Zion na lamang ang magbabantay kay Ethan.” “Noah, paano kung—“ “Josette, kaya na ni Ethan ipagtanggol ang sarili niya. Ilang taon na siyang nagsasanay. Pagkatiwalaan na

