MAYA-MAYA PA AY narinig ni Josie ang yabag ng mga paa ng kaniyang ina. Hindi nagtagal kumatok ito sa pintuan. Naabutan ni Emma na naghahalikan ang mag-asawa. Naghiwalay sina Noah at Josie nang biglang pumasok si Emma sa silid nilang mag-asawa. “Aba, isara ninyo ang pintuan kung balak ninyong sundan ang apo ko na hindi pa nga naipapanganak. Hinay-hinay, Noah. Maselan ang pagbubuntis ng anak ko,” pabiro ngunit nangangaral na wika ni Emma. Nagkatinginan silang dalawa sa binanggit ni Emma. “Nay, bakit naman kayo basta pumasok?” Naiiritang patanong na sagot ni Josie sa kaniyang ina. “Josette, kumatok ako. Walang sumagot. Dinalahan lang kita ng makakain. Akala ko natutulog ka pa. Iyon pala nagmimilagro kayong dalawa.” “Nanay naman, mag-asawa na ho kami ni Noah. Hindi na kasalanan na may ma

