Paano nga ba nag-umpisa ang kwento nila Ice at Heaven?
One month ago
Isang malalim na gabi sa isang tunnel na daanan ng mga sasakyan ay may isang kaganapan kung saan ang iba’t-ibang mafia groups ay magkakaroon ng pagtitipon at labanan. Dahil malalim na ang gabi, kakaunti na lamang ang mga sasakyan na dumadaan sa lugar na ito ngunit dahil nga sarado at halatang may nagaganap na kababalahan ay walang isang sasakyan ang nangahas na dumaan sa tunnel dahil sa kanilang nakita.
Sa gilid ng kalsada ay may mga halos hindi mabilang na mafia members at gangsters ang nakahilera. Ang iba sa kanila ay nagsisitawanan at nag-uusap lalo na ang mga magkaka-grupo samantalang ang iba naman ay halos kumikilos na parang mga lasing at high na dahil sa kanilang mga ginagawa. May mga hawak itong mga pakete ng drug pills at alak na tila ba nasa isang party sila.
“Yuhoo! Nasaan na ang mga magpapatayan sa pagtakbo ng kanilang mga sasakyan?!”
“Kanina ko pa hinihintay si Ice at yung ibang magagaling sa karerahan!”
“Sa Black Death talaga ang hinihintay ko eh! Teka—mag purple pills muna tayo guys, woohoo!”
Halos nakabibinging mga sigawan ng mga mafia members ang maririnig sa lugar. May mga nagsusunog baga, nagdo-droga at nag-iinuman na dahil sa kanilang tinaguriang Ceasefire Day. Dalawang araw ang pagce-celebrate nila sa kanilang holiday kung saan walang magaganap na p*****n, awayan, o anumang form ng violence ang pwede nilang gawin sa dalawang araw na iyon at nagsimula ang kanilang ganitong tradisyon dahil sa Black Death. Ang Black Death ang isa sa kinakatakutang mafia group ng lahat not only because they are the strongest group but also because Ice Faller is their leader—a heartless, coldest and ruthless man on earth kung kanilang ihalimbawa. Walang sinasanto kahit babae ka pa.
They suddenly heard a four times of horn indicating that Ice Faller is here. Halos nagtinginan ang mga ito sa isang itim na sasakyan na paparating habang ang ilaw nito sa harap ay patuloy na nagpapatay sindi. Nagsitabihan ang mga iba’t-ibang miyembro ng mafia nang bigla itong huminto sa kanilang harap. They suddenly felt a chilly vibes na talagang nagpanginig sa kanilang kalamnan kahit isa sila sa mga taong kinakatakutan rin.
“Why still afraid of him? Mas malakas naman si Hiroshi dyan!” Bulong na sambit ng isang miyembro ng Black Swan, ang matinding kalaban ng Black Death.
May lumapit sa lalaking ito na miyembro ng Black Swan at agad itong hinawakan sa batok at bumulong.
“Huwag kang gumawa ng gulo, Benamin. It’s a ceasefire day, remember?” Mariin at nakakatakot na bulong ng lalaki na si Jay sa kanyang ka-member na ikinatahimik ni Benamin.
Samantalang ang sinasabing si Hiroshi naman walang pakialam lang itong nakatingin sa sasakyan ng leader ng Black Death habang may nakapasok na lollipop sa kanyang bibig. Nakapamulsa ito at titig na titig lang sa loob ng sasakyan at bahagyang tumaas ang sulok ng labi.
Maya-maya ay lumabas sng leader ng Black Death na si Ice Faller na may magandang tindig, nakakapangilabot na awra at may nakakatakot na tingin kahit na wala naman itong ipinapakita na kahit anong emosyon.
Naglakad ng prente si Hiroshi habang nakasilid pa rin ang dalawang kamay sa kanyang bulsa at tumungo sa harap ni Ice na agad siyang napansin. Tanging isang tingin na walang pakialam lang ang ibinigay nito sa leader ng Black Swan na si Hiroshi.
“You still come in this nonsense event your father made? Sabagay, parehas na parehas kayong mayabang ng tatay mo.” Saad ni Hiroshi na may ngisi na tila nang-aasar ngunit alam naman nito na walang talab ang kanyang ginagawa na talagang nagpapainit sa kanyang ulo noon pa.
Agad na naglakad paalis si Ice na hindi man lang bumanat o naapektuhan sa sinabi ni Hiroshi. Nakuyom ni Hiroshi ang kanyang kamay dahil sa inis na kanyang naramdaman ngunit malalaking hakbang itong sumunod sa paglalakad ni Ice at kinausap ito.
“Sino maglalaro sa inyo ni Gaon?” Tanong nito habang sumasabay sa lakad ni Ice.
“I will let Gaon to play today,” Isang malalim at malamig na tinig ang narinig ni Hiroshi galing kay Ice na bahagyang naapektuhan siya. Hindi man niya sabihin o ipakita sa iba ngunit maski na katulad niyang malakas ay nakakaramdam ng takot sa leader ng Black Death kaya hirap na hirap itong kalabanin ang lalaki.
Nang mahimasmasan ay nagsalita rin ito.
“That’s good. I will let Jay to play para naman patas ang labanan,” Saad nito na may ngisi na ulit. Walang naging reaksyon si Ice sa sinabi ni Hiroshi kaya tahimik na kumunot noo na lang ito.
The two of them stopped from the place where they can watch the players na maglalaro sa karerahan. May isang monitor doon kung saan makikita ng live ang mga maglalaro mamaya.
There are a lot of monitors sa iba’t-ibang bahagi ng kalsada kung saan may mga mafia dahil maraming participants sa iba’t-ibang mafia group na hinihintay rin ang kanilang mga representative. Napuno ng hiwayan ang kalsada nang makita na nila ang mga naghahanda ng mga players. Ang labanan ng mga ito ay dalawahan lang muna kaya kung sino ang mananalo sa dalawang grupo ay papasok sa susunod na round kung saan doon na magsasama-sama ang mga nanalo at makikipag-karerahan sa isa’t-isa. Bale, sampung grupo ang magpapaligsahan ngayong round ngunit dala-dalawa lang muna ang maglalaban.
“Round 1! Let the race of mafia’s begin!”
Halos dumoble ang hiyawan ng mga tao nang magsimulang magpatakbo ng sasakyan ang dalawang grupo. Kitang-kita kung paano nangunguna ang grupo ng Red Clover against sa Black Cover. Hanggang sa nagsigawan ang lahat nang magpangalawang laps ay nanalo ang Red Clover.
Sunod-sunod na naglabanan ang ibang grupo hanggang sa mag-advance ang isa kanila sa next round. Nang huling sumabak si Ice at Gaon ay lahat ay hindi makapaghintay. Sumakay ang dalawa sa kanilang sasakyan kung saan iba ito sa personal na sasakyan ni Ice. Ang lahat naman na mafia group ay may sasakyan pagdating sa kanilang race kaya walang problema ito.
“Are you ready to win the race again, Ice?” Sambit ni Gaon na may ngisi.
Sumandal lang ng prente si Ice at tinanguan ito.
“I’m always ready to win,” Huling wika nito bago magsimula ang karera.
Ngunit ang labanan sana sa pagitan ng Black Swan at Black Death ay magiging smooth ay bigla na lang nagkaroon ng misteryosong disgrasya. Isang disgrasya kung saan halos ikinagulat at ikinataranta ng lahat.
The mafia groups didn’t saw what happened dahil biglang namatay ang mga cameras at monitor na tila ba sinadya. They just heard a loud thud na nagpagulantang sa kanila.
Sa kabilang banda ay padausdos na huminto ang sasakyan nila Hiroshi upang tignan ang nangyari sa kanilang kalaban at halos magulantang sila sa nangyari. Puno ng sugat ang mukha at katawan ni Ice Faller habang nanghihinang tinuturo si Gaon na lalong nagpagulat sa kanila.
Gaon was filled with blood. Naghihingalo habang nakasandal ang ulo sa manibela.