Sanay man ang mga ito na makakita ng dugo ngunit talagang gulat pa rin ang kanilang naging reaksyon. Si Jay na kasa-kasama ni Hiroshi ay umikot upang tignan ang buong sasakyan ni Ice upang tignan kung may naging problema ba sa sasakyan ni Ice.
Agad na pinulsuhan ni Hiroshi si Ice upang i-check kung buhay pa ito nang bigla itong nawalan ng malay kanina. Agad na huminga ito ng malalim dahil sa tuwa na buhay pa ang kanyang kalaban na si Ice. Sunod naman niyang tinignan ang pulso ni Gaon ngunit ramdam niya ang paghina ng pulso nito kaya frustrated itong tumayo dahil hindi niya alam ang gagawin.
“Hiroshi! May nakita akong kakaiba sa sasakyan nila. Sa tingin ko may gumalaw sa kanilang sasakyan bago pa mag-umpisa ang karera.” Seryosong sambit ni Jay at pinakita kay Hiroshi ang mga parteng sa tingin niya ay nagalaw.
Hingid sa kaalaman ng iba na si Jay ay isa sa mga magaling kumilatis ng sasakyan kaya kahit wala itong kahit anong tools o equipment upang matignan ang sasakyan ay kaya niyang tignan ito gamit lang ang kanyang mata at pakiramdam.
Hindi malaman ni Hiroshi ang kanyang gagawin at tila nababahala lalo na at iniisip niyang nanonood ang mga mafia sa kanila ngayon ngunit nakatanggap ito ng tawag sa kanyang ka-miyembro na agad niyang sinagot.
“Anong ganap dyan sa labas, Fin?” May seryosong tanong nito sa kabilang linya. Saglit na pinakinggan nito ang sasabihin sa kanya ni Fin nang kumunot ang noo nito sa narinig.
He immediately scan the area kung saan may mga nakasabit na mga cameras ngunit wala itong nakitang kahina-hinala.
“What do you mean, nagkaroon ng black-out dyan? The cameras here are all fine!” Naiinis na singhal nito. Nagulo niya ang buhok niya sa sobrang lala ng frustration niya.
“Okay, ganito. Something happened here inside the tunnel but don’t tell anyone kung ano ang sasabihin ko sayo. Now, dahil kailangan natin matapos ang race na ito without anyone being suspicious, I want you to post on your socials na we need the best driver now.” Mahabang lintanya ko. Napatingin si Jay nang marinig ang sinabi ni Hiroshi kaya agad itong lumapit na may nagtatanong na mata.
Nang matapos ang tawag ay agad na nagtanong si Jay sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin, Hiroshi? Bakit kailangan mo ng driver? Para kanino?” Nalilito nitong tanong. Hindi malaman ni Jay kung ano ang pinaplano ni Hiroshi kaya talagang magtatanong ito.
“Kailangan natin matapos ang karera na ito. Something happened outside, nagkaroon ng black out sa lahat ng cameras and monitors. What do you think will happen to us kapag nag-open bigla yung mga camera? They will eye us and we will be punished!” Singhal nito sa kanyang kasama.
“Pero hindi ba’t pabor na rin sa atin ang nangyari sa kanila? They are our biggest enemy, Hiroshi! Panahon na para tayo naman ang maghari kapag namatay na sila!” Sigaw nitong pabalik. Nagulat ito ng bigla itong kuwelyuhan ni Hiroshi na may galit sa mata.
“Gusto ko siyang matalo, Jay. Gustong-gusto ko! Pero hindi patas ang nangyari sa kanya! Gusto kong kalabanin si Ice nang kamay ko mismo ang lalapat sa kanya. Alam na alam mo yan!” Galit na singhal nito n animo’y mapuputol na ang ugat sa leeg sa sobrang galit.
“Isa pa, hindi ka ba nagtataka kung bakit ang leader ng Black Death ang tinarget nila? Mag-isip ka! They want him gone para sila ang pumalit sa pwesto! Kung bigla nilang malaman na tayo ang kumuha ng credit sa ginawa nila, tayo naman ang tatargetin nila,” Hinihingal na wika nito bago binitawan ang kwelyo ni Jay na ngayon ay nakatulala na.
Nagpabalik-balik si Hiroshi dahil nababahala siya. Maya-maya lang ay kinuha nito ang kanyang phone upang kontakin ang taong malapit kay Ice ngunit bigla nitong binawi ang dapat na pagtawag nito.
Seryoso itong umiling at nagsalita.
“Not him, not him. I don’t really trust that guy,” Bulong nito sa kanyang sarili bago may tinawagan na kakilala niya na alam niyang mapagkakatiwalaan.
Matapos tumawag sa kabilang linya ay lumapit muli ito kay Jay na hanggang ngayon ay wala pa rin sa ulirat kaya agad niya itong hinawakan sa balikat.
Tumingin ito sa kanya na tila ba bumalik sa reyalidad.
“I want you to fix Ice car now. May tools ang sasakyan nila for sure kaya gawin mo lahat ng makakaya mo para maayos sasakyan nila. Maya-maya lang ay tutuloy na ang karera dahil pitong minuto ang tinatagal sa loob ng tunnel bago makalabas.” Agad na tumango si Jay at sinimulang maghanap ng mga tools.
Mga dalawang minuto lang ang lumipas nang dumating na sa likod ang mga ilang kagrupo ni Hiroshi na may gulat nang makita nila sila Ice. Agad naman itong kumilos nang pakilusin agad sila ni Hiroshi. Binuhat at sinakay nila ang dalawa sa kanilang sasakyan upang dalhin sa kanilang quarters upang magamot ito. Hindi niya kasing pwedeng dalhin sa lugar ni Ice ito dahil paniguradong magugulat ang mga ibang miyembro at mga guards na nandoon sa bahay nila.
Kamangha-mangha naman na agad naayos ni Jay ang sasakyan ni Ice na kahit may ilang gasgas ay hindi na masyadong papansinin ng ilan. Ang kulang na lang ang magiging driver ng sasakyan. Maya-maya lang ay nakarinig sila ng humaharurot na motor na para bang lumilipad na ito sa sobrang bilis. Huminto ito sa kanilang harap pagkatapos ay tinanggal ang helmet nito.
“What the heck?! Bakit babae ang nandito?!” Malakas na sigaw nito nang makita ang isang babae sa likod ng driver ng motor.
Ang babae ay hindi man lang natinag sa malakas at nakakatakot na sigaw ni Hiroshi. Binigyan niya lang ito ng walang emosyon na tingin na nagpaliit sa mata ni Hiroshi dahil sa nakikita niyang pamilyar na ugali rito sa kanyang hate na haye na lalaki na si Ice.
“I am more than capable than the man beside you, sir.” Malamig na sambit nito at tinignan si Jay mula ulo hanggang paa.
“What the heck is your problem, you b—“
Napahinto si Jay sa pagsasalita niya ng putulin siya sa pagsasalita ng babae na nagpakuyom sa kanyang kamao.
“Wala akong pakialam kung ano ang ginagawa niyo dito. I’m here as your hired driver kaya I’ll make sure na makikita niyo kung gaano ako kagaling sa lalaking iyan. Now, ang gusto ko lang makuha ay ang kalahating milyon ko after this, maliwanag?”
Tuloy-tuloy na sambit nito na hindi man lang pinagsalita ang dalawa at agad sumakay sa sasakyan ni Ice. Dahil wala ng nagawa ang mga ito ay sumakay na rin sila at nagsimulang patakbuhin ang sasakyan.
Sa huli, the crowd that was in chaos a while ago suddenly cheered when they saw their anticipated winner na si Ice Faller, ang leader ng Black Death at si Gaon. Halos magkagulo ang lugar nang makita nila itong muli sa pang-ilang beses na pagkakataon na nanalo sa karera.