Chapter 4

1867 Words
Hiroshi Nandito kami ngayon nila Jay sa headquarters ng Black Swan kung saan ang tanging mga matataas lang ang ranggo ang maaaring makapasok dito. Nandito si Jay, Fin, Benamin, Kaizer at Josh, ang mga matataas na ranggo sa Black Swan at ang mga pinagkakatiwalaan ko sa grupo. “Ano ng gagawin natin sa kanila?” Seryosong tanong ni Kaizer sa akin kaya sinagot ko ito. “Hahayaan natin silang gumaling ngayon. Hindi natin pwedeng ipagsabi na nandito sila sa teritoryo natin,” Sagot ko na tinawanan lang ni Benamin na parang hindi makapaniwala. Hindi ko ito pinansin dahil wala naman itong maitutulong kung magsasalita pa ako. “Anong sabi ng doctor?” Tanong ko kay Jay na ngayon ay mariing nakatingin sa dalawang lalaki na walang malay pa rin hanggang ngayon. “Ice is now okay. Wala naman masyadong nangyaring malala sa kanya aside sa maraming natamong sugat dahil sa pagkakabangga nila. There are some bruises sa kanyang katawan na tila ba may umatake sa kanya. While Gaon is still in critical condition dahil na rin sa maraming dugo ang nawala sa kanya,” Mahabang paliwanag ko. “Do you think someone attacked them without them knowing?” Tanong ni Josh na malalim ang iniisip habang nakapamulsa. Napaisip ako sa sinabi ni Josh. May posibilidad na may umatake sa kanila ng hindi nila alam kasi kung aware ang dalawang malalakas na miyembro ng Black Death, for sure sa umatake nila nangyari ang nangyari ngayon kina Gaon. “We all know how powerful Black Death’s group, lalo na ang leader nila. Kung alam nila na may aatake sa kanila, paniguardong patay na ang mga ito.” Saad ni Kaizer na kagayang-kagaya sa iniisip ko. “Who the heck attacked them? Mukhang planado ang ginawa nila dahil napuruhan nila sila Ice eh,” Nagtatakang tanong ni Jay. Walang nakasagot sa sarili naming tanong kaya halos natahimik kami at nahulog sa malalim na pag-iisip. “Probably the one who is not present in the Ceasefire Day,” Napatingin kami sa nagsalitang lalaking na may malalim at malamig na boses na nagbibigay talaga sa amin ng takot at kaba. Gulat akong napatayo nang makita ang leader ng Black Death na ngayon ay nakaupo na habang hawak ang ulo. “Ice!” Sigaw ko dahil sa gulat samantalang ang mga kasama ko naman ay parang naging alerto at tila hindi mapakali sa presensya na ibinibigay ni Ice sa amin lahat. Dahan-dahan itong lumingon sa akin at sa iba ko pang kasama. “Black Swan members?” He said with his low and deep voice. Wala niisang nagsalita sa amin dahil sa gulat. Maya-maya lang ay inilahad nito ang kanyang kamay na tila may hinihingi. “Anong kailangan mo?” Tanong ko rito na pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay takot pa rin talaga ako sa lalaking ito. “Give me water,” Malamig na sambit nito kaya agad kong sinenyasan si Benamin na kanina lang ay tulala at nanginginig. Agad itong sumunod sa akin at kumuha ng maiinom pagkatapos ay inabot ito kay Ice na hindi nakipag eye contact. “Are you Belamin?” Nakataas ang kilay na tanong ni Ice kaya halos hindi na makagalaw si Benamin sa gilid. “I-It’s B-Benamin,” Pagtatama nito kaya napalingon sa kanya sila Josh upang titigan ng masama. “Ah, yeah, Benamin. The one who always glares at me?” Tanong nito na tila wala lang habang si Benamin naman ay nanlaki ang mata dahil sa gulat. Of course, he is the Ice Faller! Bakit ko nga ba nakalimutan na he knows everyone in the mafia groups? Maski ang weakness at strength ng lahat ay alam na alam nito kaya siya kinakatakutan ng lahat at iniiwasang kalabanin. Tumikhim ako upang agawin ang atensyon nito. “Kumusta pakiramdam mo?” Tanong ko rito. “I’m fine. Who’s group is not present last night?” Balik nitong tanong sa akin. “Black Circle, Black Scorpio, Blood Star at Pentagon. Sila ang mga grupo na wala kagabi,” Nang sabihin ko ito ay agad itong tumango at tila wala itong pakialam. Tumingin ito sa kanyang kasama na si Gaon at nagsalita. “Let him stay here. Huwag niyong ipagsabi ang nangyari sa amin, maliwanag? Tomorrow will be the last day of our Ceasefire Day kaya that would be my last day to participate in the race.” Sambit nito sa akin na tila may pinaplano kaya agad akong nagsalita. “Para sa kaalaman mo, Ice. Magkalaban tayo dito at wala kang karapatan na utusan ako o kami dito dahil hindi mo kami ka-grupo. Maliwanag?” Saad ko na may halong inis ngunit tinitigan ako nito ng malalim at nagsalita. “I know what you want, Hiroshi. Gusto mong maglaban tayo ulit kaya pagbibigyan kita pagkatapos kong tapusin ang laban ko bukas. Sa ngayon, tulungan mo—niyo ako. Besides, kayo ang nakakita sa amin ng ganito,” Malamig nitong sabi kaya hindi ako nakaamik lalo nang sabihin niya na pagbibigyan niya akong labanan siya for the second time around na gustong-gusto ko talagang mangyari noon pa. “Did you win last night? For sure, nanalo kayo at naging history iyon.” Sabi nito kaya umiling ako na ikinataas niya ng kilay. “We hired a driver last night para matuloy ang laban kagabi dahil marami ang nangyari. Nagkaroon ng blackout at muntik ng magkagulo pero ginawa namin ang lahat para walang mangyaring gulo,” Lintanya ko. “Where’s the driver? I need him tomorrow night dahil sa estado ni Gaon ngayon,” Tumaas ang sulok ng labi ko ng maalala na naman ang babaeng driver kagabi. I doubted that woman at minaliit ko ang kakayahan no’n not knowing she can win a race against everyone dahil sa sobrang galing at bilis niyang magpatakbo. Akala ko rin kagabi na mananalo kami dahil alam ko naman ang strength namin ni Jay. Alam kong kami ang pangalawa sa pinakamagaling sa karerahan kaya inisip ko na na matatalo ko ang babaeng iyon but I was wrong. She is a strong woman! “The driver is not a he but a she,” Nakangisi kong wika rito at katulad ng inaasahan ay magtataka rin ito. Sino ba naman kasing mag-iisip o mag-aakala na may babaeng mas magaling pa sa lalaki kung magmaneho? “What is her name?” Nakataas pa rin ang kilay nito habang nagtatanong. “Her name is Heaven Gallero,” pag-alala ko sa pangalan ng babae at bahagyang napangiti nang maalala ko kung paano bumaba ang buhok nito matapos niyang tanggalin ang kanyang helmet kagabi. “Okay, let’s see her strength tomorrow but for now, iisipin kong walang kwentang driver ito.” Walang pakialam nitong saad kaya bahagya akong nakaramdam ng inis dahil sa pagiging mayabang na naman nito. Hindi ko na lang ito pinansin at hinayaang magpahinga. Bukas magkakaalaman kung ano ang mangyayari dahil sa tingin ko naman ay may plano si Ice. Iniwan na namin ito at sinugardong walang makakapasok dito sa loob. Lumabas kami ng headquarters at naghiwa-hiwalay na upang matulog dahil for sure, mahaba-habang araw na naman ang sasalubong sa amin. Someone’s Point of View Napahigop ako sa aking sigarilyo nang maalala na naman ang nangyari kagabi at mahinhing napahalakhak. May lumapit sa akin na isang ka-miyembro ko at nag-abot ng purple pills na agad kong kinuha at nilunok. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang epekto nito kaya napasigaw ako sa tuwa nang makita ang mga babaeng gumigiling sa harap ko na tila ba gustong-gusto ako ng mga ito. Ang paligid ay nagmistulang party studio dahil sa dami ng mga babae dito at halos lahat sila ay gustong lumapit sa akin kaya pinagbigyan ko ang mga ito at hinalikan sa sobrang tuwa. “Katapusan mo na, Ice Faller! Katapusan na ng Black Death!” Natutuwang sambit nito na tila ba nawawala na sa sarili sa lakas ng tama ng droga sa kanya. Nakangisi lang ang mga nasa paligid nito na mga kagrupo niya na tila nasisiyahan sa kanilang leader na lulong na sa droga. Ice Faller Maaga akong nagising sa quarters ng Black Swan upang ihanda ang aking sarili. Bagaman maraming natamong sugat dahil sa insidente kagabi ay tila wala lang ito sa katawan ko. Hindi ako umuwi kagabi sa mansyon dahil delikado pa ang buhay ko kahit alam ko naman na nasa kabilang kampo ako ngayon tumutuloy. Wala akong pake sa Black Swan dahil kumpara sa iba ay maaayos ang grupo na ito. Sobrang naa-amuse nga ako palagi sa kanilang leader na si Hiroshi tuwing hinahamon ako nito ng laban na para sa akin ay laban lang ng isang bata. Dumating ang gabi kaya hinanda ko na ang sarili ko. My car was brought here last night kaya maiging naayos ang sasakyan ko. Si Gaon sana ang mag-aayos nito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay kaya wala akong magawa kundi ipaubaya sa Black Swan ang sasakyan ko. “Where is the ‘she’ driver?” Tanong ko kay Hiroshi. Malayo pa kami sa lugar ng mga mafia groups kaya malaya kaming makapag-usap nito. Saglit itong sumipsip sa kanyang lollilop at tumingin sa isang pigurang papalapit na sa amin. “There she is,” Nakangising wika ni Hiroshi sa naglalakad papalapit dito. Nakasuot na ito ng medyo maluwag na itim na jacket at pants na iisiping isa itong lalaki. Kapigura niya rin si Gaon ngayon kaya walang magiging problema. “Hop in. Ako magda-drive ngayon,” Malamig na sambit ko sa babae. Nakaitim rito ito na shades kaya wala talagang makita sa kanya. Agad itong sumakay na walang sinasabi. Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko dahil magsisimula na ang karera na pangkalahatan. Nakita ko na ang iba ko pang kalaban na nakapwesto na. “Let the race of mafia’s begin!” Agad na pinaharurot ko ang sasakyan ko at inunahan ang mga kalaban ko. Halos lahat ay nagpapakitang gilas sa karera ngunit alam kong ako pa rin ang nangunguna na sa lahat kaya napangisi ako. So far wala pa naman akong makitang suspicous and I think hindi na nila matutuloy ang plano nila dahil ang akala nila ay patay na ako ngunit nang magtatatlong lapse na ay nabigla na lang ako nang biglang may tumutok na malalakas na ilaw sa sasakyan kaya napapikit ako sa sobrang liwanag. Naramdaman ko ang pag gewang ng sasakyan ko kaya kahit na nakapikit ay pilit ko pa ring inaayos ang takbo ko. Ngunit naramdaman ko na lang na may tumama sa balikat ko na nagpadaing sa akin. “What the heck?! Someone shot a fire!” Rinig kong sigaw ng kasama ko. Dahil sa hindi ko na ma-focus ang pagmaneho ko ay tinabig ako ng kasama ko at hinayaan ang sarili niya na magmaneho. “Argh! T-They will pay for this! I’m going to kill them!” Nahihirapang singhal ko. Maya-maya ay nagulat na lang ako nang makarinig na naman ako ng pagbaril at this time, narinig ko ang daing at sigaw ng babaeng kasama ko. Huli na ang lahat dahil nagpagewang-gewang na kami at bumangga ng sobrang lakas sa poste. Unti-unting dumilim ang paningin ko at hindi na muling narinig pa ang kasama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD