Naging tahimik ang pagpasok namin ni Hiroshi sa napakalaki at lawak ng mansyon ng Black Death na kung tawagin nila ay Death’s Quarter. Kahit madilim na ang paligid ay hindi pa rin matago ang lawak at laki ng Death’s Quarter kumpara sa lugar ng Black Swan kanina.
Biglang may sumalubong sa amin na dalawang guard kaya nagsalita agad si Hiroshi.
“We are here to see your leader. Tell him that his driver is here,” sambit nito na may diin kaya agad na may tinawagan ang lalaki. Maya-maya lang ay may naglalakad na dalawang lalaki na may malalaking hakbang ang sumalubong sa amin.
Hindi ko alam pero bigla kong napansin ang mabilis na pagbabago ng mood ni Hiroshi nang makita ang isang lalaki na sumalubong sa amin. Nakatingin ito ng diretso kay Hiroshi na may mayabang na tindig at nakamamatay na awra.
“Are you one of Ice servant now? You even escort his new driver here, Hiroshi.” Sambit nito na wala man lang nagbago sa reaksyon ng lalaki ngunit nakikitaan ko ng parang kakaiba ang lalaki na ito.
“Ibig bang sabihin wala ka ng kwenta sa grupo niyo kung ako na papalit na tagapagsilbi ni Ice? Yun lang naman ambag mo sa grupo niyo diba, Zach?” Nalingon ko si Hiroshi nang sumagot ito sa tinatawag niyang Zach at ngumisi.
Napataas ang kilay ko nang maramdaman ang awra nila na tila ba sobrang galit sila sa isa’t-isa. Dahil ba siguro ay nasa magkabila silang kampo?
“You.”
Dumako ang paningin ko sa lalaking nagngangalan na Zach nang ituro ako nito. Binigyan ko ito bored na tingin.
“Bakit? May kailangan ka sa akin?” Pabalang na tanong ko. Biglang nagbago ang mood nito at tinitigan ako ng masama.
“You are being rude, woman. Gusto mo bang mamatay dito mismo sa harap ko?” Pagbabanta nito sa akin na hindi naman tumalab sa akin. Ewan ko ba kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob ko to speak rudely with these mafia men.
I was about to speak when Hiroshi spoke with his coldest voice.
“Do you want to taste your leader’s madness? Masyado naman mainit ang ulo mo sa driver niya. Hindi mo ba nakuha gusto mo sa kanya?” Pabalagbag na salita ni Hiroshi.
Nagulat na lang ako nang biglang may dumaan sa akin na mabilis na bagay na hindi ko napansin ngunit nang makita ko si Hiroshi ay nanlaki ang mata ko dahil may hawak na itong dagger ngayon na tila sinalo niya sa pagkakabato sa kanya habang tumatawa na parang baliw.
“Yung kamay mo nagdudugo na!” Sambit ko na may taranta nang makita ang tumutulog dugo sa kanyang kamay na may hawak na dagger.
Bigla akong natahimik nang tumingin sa akin si Hiroshi na may nakakalokong ngiti na tila ba he’s a madman. Napalunok ako dahil bigla akong nakaramdam ng takot sa tingin nito na akala mo ay baliw na.
“I love seeing a blood, Ms. Heaven. Binibigyan ako nito ng kakaibang excitement!” Nakangiti nitong wika at lumingon muli kay Zach na ngayon ay may ngisi na kay Hiroshi.
Dahan-dahan itong bumaba na nakapamulsa at sinalubong ang tingin ni Hiroshi.
“Nalimutan kong leader ka nga pala ng Black Swan kaya wala lang sayo ang sugat na iyan,” Sambit ni Zach.
Kinuha ni Hiroshi ang dagger sa kanyang kamay na punong-puno ng dugo at pinahid ito sa mukha ni Zach. Nagulat ako nang makita kong nagkaroon ng hiwa ang mukha ni Zach na sinaluhan pa ng dugo ni Hiroshi.
Tinitigan nila ang isa’t-isa na may ngisi kaya tumikhim na ako upang hindi matuloy sa p*****n ang kanilang pagtitigan.
“Saan ang boss mo, Zach?” Pagtanong ko rito ngunit nakatanggap ako ng matalim na tingin mula rito sa hindi ko malaman na dahilan. Agad itong lumapit sa akin at hinawakan ng mariin ng pisnge ko na tila ba gusto nitong durugin ang panga ko.
“Bitawan mo ‘kong isa ka pang gunggong ka! How dare your dirty hands touch my face?!” Inis na singhal ko habang pilit kong tinatanggal ang kamay nito sa mukha ko ngunit ano nga ba ang aasahan ko sa mga mafia people, malalakas at walang pakialam kung makapatay sila.
Dahil sa inis ay hinawakan ko ang manipis nitong patilya at hinila ng malakas na ikinasigaw niya kaya nabitawan ako nito.
“Ouch! What the heck?! Ang talukap ko!” Sigaw nito na may maarteng accent ngunit hindi ko mapigilan matawa bigla sa sinabi nito.
“Bobong gunggong! Patilya yung hinila ko sayo, baliw!” Natatawang sigaw ko rito ngunit tinignan ako nito ng masama habang namumula ang mukha.
“Ugh! You psycho duo!” Singhal nito sa amin ni Hiroshi at mabibigat ang hakbang na pumasok na ito muli sa mansyon habang hinihimas ang kanyang patilya. Tinignan ko si Hiroshi upang yayain na sana ito nang makita ko ang patuloy na nagdudugo nitong kamay na para bang walang balak itong takpan. Nakatingin ito sa kawalan na tila natulala kaya lumapit ako rito at dahan-dahang hinawakan ang kanyang braso.
“Nasaan panyo mo?” Tanong ko rito ngunit umiling ito. Napapitsik ako at kumuha sa bag ko ng panyo.
Maingat na hinawakan ko ang kamay nito at pinunasan ang paligid ng kanyang kamay na puno ng dugo. Pagkatapos ay tinapal ko ang panyo sa kanyang sugat upang hindi ito mainpeksyon.
“Pag-uwi mo pumunta ka ng Ospital para ma-check at malagyan ng bandage yang kamay mo.” Sambit ko rito at binitawan na ang kanyang kamay.
Tinignan nito ang kanyang kamay at ginalaw pagkatapos ay tumingin sa akin ng matagal ngunit bigla rin nagbawi ng tingin at pumasok na sa loob kaya sinundan ko na ito.
Hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng mansyon dahil sa elegante ng bawat makikita mo. Dapat ay hindi ako namamangha ngayon ngunit hindi ko maiwasan. May mga nakaupong mga lalaki na nakaitim na t-shirt sa bawat sulok at nag-uusap ngunit napapatingin sila sa amin kapag napapadaan kami sa lugar nila na hindi ko na pinapansin.
Maya-maya lang ay natanaw ko na si Zach na ngayon ay seryoso na ang mukha. Tinignan niya pa kaming dalawa ni Hiroshi bago iginaya sa loob ng isang malaki at malawak na kwarto. Tumambad sa akin ang napakalinis na kwarto na masasabi mong panglalaki talaga dahil sa dalawang kulay lang ang makikita mo sa paligid.
Binitawan ko ang bag ko dahil sa bigat nito. Maya-maya lang ay may lumabas na naka wheelchair habang tinutulak ito. Nanliit ang mata ko nang makilala ko ito kaya binigyan ko ng nagtatanong na tingin si Hiroshi ngunit hindi ako nito pinansin at nagpamulsa lang sa harap nito.
“It’s nice to meet you again, Ice Faller. Did you miss me?” Pilyong sambit ni Hiroshi at ngumisi. Hindi sumagot ang lalaking may kakaibang awra sa katawan na tila ba nagbibigay ito ng takot sa akin.
Sinenyasan ni Hiroshi ang lalaki na nagtulak sa wheelchair ni Ice upang palabasin ito na una ay ayaw pa sumunod ngunit tinitigan ito ni Ice kaya wala itong nagawa. Ngayon ay tatlo na lang kaming nandito sa loob.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Ice sa pagkakaupo at biglang mabilis na yumakap kay Hiroshi na talagang nagpalaglag ng puso ko sa gulat.
“I missed you, Hiroshi! Omo! Omo! Gosh it’s been a while!” Excited na wika ng lalaking sinasabi na si Ice daw.
Tinignan ko ang reaksyon ni Hiroshi ngunit lalo lang akong nabigla at napaataras ng yumakap ito pabalik kay Ice at ngumiti.
“Kaya nga, bro. Are they treating you well here?”
Kinusot ko ang mata ko dahil sa nakita. Did I just saw a strange behavior of Ice Faller and Hiroshi smiling at each other?! What is happening with these mafia leaders?!