Chapter 7

1191 Words
Dahil na rin sa paghakot ko ng mga gamit ko ay wala na akong choice kundi panandaliang tumira sa mansyon ng mga Black Swan. Nasa labas ako ngayon ng kanilang bakod at pinagmasdan ang tatlong magkakahiwalay na bahay. Dito ako lumabas sa gitnang bahay kanina at masasabi kong ito ang pinakamalaki sa lahat. “We will let you stay here for now, Hottie. Tandaan mo lang na you are not allowed to wander inside the other two house or else you’ll be dead.” Mga katagang iniwan pa sa akin ni Hiroshi bago niya ako hinayaang lumabas ng mansyon. Tinignan ko lang ang dalawang bahay at pumasok na muli sa pinaglabasan ko kanina dahil wala naman akong balak na ipahamak ang sarili ko. Dahil nakakain na rin naman ako ay pumasok ako sa kwarto na pinagtulugan ko at kinuha ang kontrata na ibinigay kanina sa akin ni Hiroshi. Binasa ko ang mga nakasulat doon ngunit binitawan rin agad dahil sa hilo. Kinagabihan ay napasilip ako sa malaking binta na may harang na salamin nang makita ang mga itim na sasakyan na nagsidatingan. Hindi man gaanong makita ay paniguradong nandito ang miyembro ng Black Swan. Nakita ko ang maangas na lakad ni Hiroshi habang may subo na naman na lollipop. Pinagmasdan ko lang ang pagpasok nito dito sa loob kasama ang iba niyang kasamahan na mukhang mga kaibigan niya. Tinignan ako nito at ngumisi. Hindi ko alam kung bakit nairita ako sa pagngisi na naman nito sa akin. “Hindi ba tatabingi labi mo kakangisi?” May kuryosidad na tanong ko rito. Sobrang nagtataka lang ako kung bakit panay ngisi ito. Kumunot ang noo nito nang marinig niya ang nagpipigil tawa ng mga kasamahan niya. Tinignan niya ang mga ito at sinamaan na ikinatigil nila. Umubo ito ng peke at lumapit sa akin. “Nakausap ko na ang Black Death tungkol sayo at pumayag sila na ngayon ka na pumunta doon sa Death’s Quarter. Pack your things quickly and I will drop you off there,” sambit nito na may seryosong mukha. “Okay.” Tipid na sambit ko at nagpatiuna ng umakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa ang mga bulong-bulungan ng mga ito na nagpatawa sa akin bigla. “Kung ako kay Hiroshi, sinakal ko na ito! Pabalagbag palagi magsalita eh!” “Pre, mali ka! Kung ako yun hinalikan ko na agad yun para tumahimik!” “Stop harassing the girl, tsk. She’s just a weakling,” Nakapasok ako sa kwarto na natatawa sa mga kagunggungan na mga sinasabi ng mga ito. I just find them funny the way they talked kahit na ako ang tinatarget nila. Mabilis kong kinuha ang malaki kong bag at ang iba ko pang gamit at bumaba sa first floor. “Ang bilis mo naman?” Taas ang kilay na tanong ni Hiroshi. “Bakit hindi? Mukha ba akong magtatagal sa lugar na ito para ilabas mga gamit ko?” Bored kong saad. “You should not talk like that when you meet the leader of Black Death. I’m sure na-meet mo naman ang lalaking iyon dati?” Paalala nito sa akin na may malalim na tingin ngunit tila wala lang ang pananalita ko rito. Lumapit ako rito at pinakatitigan at tumango. “Tama ka pero wala akong pakialam kung kinakatakutan niyo siya. Mukha lang naman siyang normal sa paningin ko eh,” kibit balikat na sambit ko. “You really don’t that man, lady.” Biglang sambit ng isang lalaki at lumapit sa akin na may matalim na tingin. “Kung ako sayo, makikinig ako sa sinasabi ni Hiroshi para mabuhay,” Sambit nito at hahawakan na sana ang mukha ko ng pigilan ito ni Hiroshi. “Leave her alone, Jay.” Malamig nitong sambit kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito. Pabalang na inalis ng lalaki ang kanyang kamay habang hindi inaalis ang matalim nitong titig sa akin. “Bakit mo ba pinipigilan si Jay? Kailangan turuan ng leksyon ang babaeng ‘yan!” Sigaw naman nung isa. Napaismid ako sa sinabi ng lalaki. Biglang humarap si Hiroshi sa mga kasamahan niya at tumindig ng maayos na nagpatigil sa pagwawala ng lalaki. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa kanila kaya lumapit na ako sa mga ito upang makadaan sa gitna nila. “Badass!” Singhal ng isang palaki kaya nginitian ko ito at nagsalita pabalik. “Gunggong ka naman,” Narinig ko pa ang sigaw nito ngunit hindi ko na pinansin at naglakad na palabas bitbit ang malaki kong bag. “Hey!” Pagtawag sa akin ni Hiroshi habang naglalakad. Hinagis nito ang malaking itim na jacket sa akin na ikinataas ng kilay ko. “Suotin mo yan at nang hindi ka makilala sa Death’s quarter.” Saad nito at nauna na sa sasakyan. Hindi na ako nagreklamo pa at sinunod na lang ito pagkatapos ay pumasok na rin sa loob. Bumyahe kami ng walang umiimik sa aming dalawa na pabir naman sa akin iyon dahil gusto ko ng katahimikan. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan at naalala bigla ang mabilis na pangyayari. May mga katanungan na pumasok sa isip ko ngunit alam ko naman na hindi ko masasagot ang mga tanong na iyon. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay ko once na pumasok ako sa mundo ng mga mafia group? Mabubuhay kayo ako o mamamatay? May magbabago ba sa buhay ko? “Kumusta siya?” Bigla kong tanong sa gitna ng katahimikan. “You mean, Ice Faller?” Tanong nito. “Iyon ba ang pangalan ng leader ng Black Death na sinasabi mo?” Tumango ito sa tanong ko. Bigla itong tumahimik ngunit nakita ko kung paano dumiin ang kanyang kamay sa manibela na tila may naalala ito na nakakagalit. “You’ll gonna find out later his condition basta lahat ng makikita at maririnig mo ay dapat ikaw lang ang makakaalam. There’s a consequence you’ll get once they find out you ratted the Black Death’s leader.” Seryosong sambit nito. Itinatak ko sa isip ko ang sinabi nito at hindi na umimik pa. Ang kailangan ko lang ay manahimik at sumunod kaya madali lang ang magiging trabaho ko. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa isang mala-gubat na daan kung saan walang makita na kahit anong bahay sa daan. Hindi ko rin makilala ang paligid dahil sa sobrang dilim at tanging ilaw ng sasakyan lang ang nagbibigay liwanag sa amin. Maya-maya pa ay huminto kami na masasabi kong narating na namin ang destinasyon. Humarap ito na may seryosong mukha. “Listen, Ms. Heaven. Hindi ako mabuting tao at lalong-lalo na wala akong pakialam sa kahit sino pero something’s urging me na I should protect and warn you.” Sambit nito sa akin na bahagyang nagpagulo sa isip ko. “Why would you do that? Hindi ko kailangan ng proteksyon ng kahit sino.” Mariin na sambit ko rito at lalabas na sana sa sasakyan nang pigilan ako nito. He looked at me intently. “Please, listen to what I’m about to say. Sa loob ng Death’s quarter ay wala kang ibang papansinin kundi si Ice lang dahil hindi lahat ng tao sa loob ng mansyon na iyan ay mapagkakatiwalan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD