Unti-unti kong minulat ang nanghihina kong mata na tila ba nanggaling ako sa ilalim ng mahimbing na pagkakatulog. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
Anong nangyari? Bakit parang ang lalim ng pagkakatulog ko?
Mga tanong na pumasok sa aking isip.
“Gising ka na ba?” Bigla kong namulat ang aking mata dahil sa gulat sa tinig ng isang lalaki na tila pamilyar sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mukhang sumalubong sa akin na may nakakalokong ngisi. Mas dumagdag pa ang tila nang-aasar nitong itsura dahil sa supsop niton lollipop sa kanyang bibig na akala mo ay kina-cool niya na.
Pero teka! Pamilyar ang taong ito ha!
Kumunot ang noo ko sa lalaki at tinabig ang malapit nitong mukha sa akin at umupo sa pagkakahiga. Hindi nawala ang ngisi nito sa akin at pinakatitigan ako ng maigi.
“Sino ka?” Pagtanong ko rito na tila nag-aangas.
Yumuko ito at tumawa ng mahina. Inalis niya ang lollipop sa kanyang bibig na nag-iwan ng basa at namumulang labi.
“Tatlong buwan lang ang lumipas, nalimutan mo na agad ang perpektong mukha na ito? I can’t believe it, Ms. Hottie!” Natatawang wika nito.
Pabalibag na kinuha nito ang bakanteng silya at umupo doon tsaka lumapit sa akin. Tinagilid nito ang kanyang ulo na para bang sinusuri nito ng maigi ang mukha ko.
Pinakatitigan ko rin ito at pinanliitan ng mata. Mukha ngang pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko matandaan ang kanyang mukha.
“Okay! Dahil mukhang wala kang ideya, I will give you a hint,” Sambit nito na may ngisi.
“Ikaw bahala, nakakatamad rin manghula eh.” Sambit ko at pagod na tinignan ito. Napatingin sa akin ng masama ang dalawang lalaki na kasama nito.
Nagkibit-balikat lang ito at dume-kwatro.
“I was the one who hired you as driver of Black Death three months ago. Hindi mo ba natatandaan?” Seryosong sambit nito na nagpabalik sa akin sa ulirat.
Biglang bumalik ang alaala ko nang tinitigan ko ng maigi ang lalaking kaharap ko. Kumpara noon ay mas itim na itim na ang magulo nitong buhok ngunit para bang palaging bagong ligo at tila nabawasan ito ng timbang dahil sa kanyang slim na katawan. Hindi ko rin nakilala agad ito dahil parang ang daming nagbago sa itsura nito katulad na lang ng pagkakaroon ng hiwa sa kanyang kilay na nauuso ngayon sa lalaki.
“Mukhang naalala mo na ako, Ms. Hottie. Anyway, I’m glad at nahanap ka namin just in time,”
So I was right when I say na mabilis kumilos ang mga ito. Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil agad nila akong na-track matapos kong mag-online muli sa dark web na iyon.
“Kung minamalas ka nga naman oh!” Mahinang singhal ko sa aking sarili at ginulo ang buhok sa frustration.
Napahinto ako nang hawakan ng lalaki ang kamay ko at ngumiti sa akin.
“Relax ka lang, we will not hurt you, Ms. Hottie.” Sambit nito. Tinitigan ko ito ng masama at tinaasan ng kilay na para bang naintindihan niya agad ako kaya mabilis niyang binitawan ang kamay ko na may ngisi.
Napabuga ako ng hangin sa sobrang stress.
“Anong kailangan niyo sa akin? Tapos na ang trabaho ko sa inyo diba?” Seryosong sambit ko.
Inilahad nito ang kanyang kamay sa kasamahan niya at bigla na lang naging seryoso ito at malalim na tinignan ako nito. Inabot ng isang kasamahan niyang lalaki na may sariwa pang mga hiwa sa mukha nito ang isang papel at inabot sa akin.
Kinuha ko ito at nang makita ang nakasulat ay napakunot ang noo ko.
“You’ll hire me again as your personal driver?” Hindi makapaniwalang tanong ko rito. Binitawan ko ang papel at umiling. “Para sa kaalaman mo, huminto na ako sa pagmamaneho at nag-iba na ng trabaho so you can’t hire me as your driver,”
Inabot muli nito ang papel sa akin at nginuso ang mga nakasulat doon.
“You haven’t read the payment and condition, Ms. Hottie. Alam kong hindi mo matatanggihan ang offer ng kliyente mo,” Wika nito na may mataas na tingin sa kanyang sarili at ngumisi muli.
Huminga ako ng malalim at kinuha muli ang papel na inaabot nito sa akin. Ini-scan ko ang mga nakasulat doon upang makita ang sinasabi nito.
“500,000 a month?? Para lang maging personal na driver sa araw-araw?” Sambit ko na hindi makapaniwala.
Nakapikit ito na tumango-tango na may ngiti sa labi na tila alam niya ang magiging reaksyon ko.
“Pero hindi mo siguradong tatanggapin ko ang trabaho na ito,” Inabot ko muli sa kanya ang papel at sumandal sa higaan. Napatingin ako sa paligid nang maalala kong kinidnap pala ako ng mga ito.
Saan kaya ito? Tinignan ko ang bawat sulok ng kwartong ito upang malaman kung may CCTV ba pero wala akong nakita. Naikot ko ang mata ko dahil sa inis.
“I guess gumagana pa naman sa era na ito ngayon ang blackmailing diba?” Nalingon ko ito nang marinig ang sinabi nito na may nakakainis na ngisi. Hindi ba siya nangangalay kakangisi? Ako napapagod sa kanya.
“Kung iniisip mong gagana sa akin iyan, sinasabi ko na sa inyo kaagad na wala kayong maipapanakot sa akin.” Walang emosyon kong sambit at pumikit.
Narinig ko bigla ang halakhak nito na nagpangiwi sa akin dahil tila ba iniinis ako nito.
“Balita ko may orphanage kang sinusuportahan? Doon rin yata napunta lahat ng kalahating milyon?” Napadilat ako dahil sa rinig. Nakuyom ko ang kamao ng sobra sa galit sa sinabi nito.
Dang! Bakit ko nga ba nakalimutan ang orphanage? At paanong nalaman ng lalaking ito ang ginagawa ko? Did he background check me? Hindi ko maiwasang manggalaiti sa mga lalaking kaharap ko ngayon.
Sinamaan ko ng tingin ang mga ito. Kinuha ko ng pabalang ang papel at dinuraan. Tumawa ang lalaking nasa harap ko samantalng ang mga kasama naman nitong mga lalaki ay parang papatayin na ako sa kanilang titig.
“I guess, it is a deal.” Saad nito na tila nasisiyahan sa nakikita niya. Binalik niya muli ang kanyang lollipop sa bibig niya at tumayo ng nakapamulsa.
“Mga gunggong,” Diretsong sabi ko at pinakatitigan sila isa-isa.
“What’s gunggong, dude?”
“Get lost, Benamin! I also don’t know what’s that mean, tss.”
Bumaba ang tingin sa paglahad nito ng kamay niya sa akin at nagsalita na may kakaibang kislap sa kanyang mata.
“My name is Hiroshi, the leader of Black Swan and they are my members,” Pakilala nito sa akin.
Tinitigan ko lang ito at hindi pinansin. Nakita ko ang pagtaas nito ng kamay at hinagod sa kanyang buhok na may pitsik.
“Kayo ba kliyente ko?” I asked. Biglang dumiretso ang ekspresyon nito at naging seryoso.
“Nakalimutan kong sabihin sayo na hindi kami ang pagsisilbihan mo. Ang malas mo pala, Ms. Hottie dahil ang kliyente mo ay ang leader ng Black Death, ang pinaka kinakatakutan at pinakawalang puso sa lahat na si Ice Faller.”