CHAPTER: 5

1001 Words
Mahigpit kong isinapo ang aking dibdib habang nakaupo sa gilid ng aking kama. Parang may kung anong bigat akong nararamdaman, pero hindi naman masakit, parang kakaiba lang. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Wala naman akong ginawang mabigat, pero parang ang bilis ng t***k ng puso ko at tila hindi mapakali ang buong katawan ko. Kaya tumayo ako ng dahan-dahan at pumasok sa banyo. Binuksan ko ang gripo at isinawsaw ang aking mga palad sa malamig na tubig, saka ibinuhos sa mukha ko ng paulit-ulit. Nagbabakasakali na kapag lumamig ang pakiramdam ko, mawawala rin ang kakaibang kaba na nararamdaman ko. Pero kahit anong gawin ko, walang pagbabago. Kakatapos ko lang punasan ang aking mukha gamit ang tuwalya ng marinig ko ang mahihinang yabag papalapit sa pinto. Bumukas ito ng bahagya at sumilip si Uncle Zeven. Ang mga mata nito ay puno ng pagtataka at pag-aalala, pero may halong lambing na laging nakapagpapakalma sa akin, kahit na sa pagkakataong ito, parang lalo lang nito pinagulo ang isipan ko. “Nica, what happened baby? Bakit mo ako biglang tinakbuhan kanina?” tanong nito sa mahina at malambing na boses. Sa sandaling marinig ko ang boses nito, parang may tumakbong kuryente sa buong katawan ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko, tila may gustong kumawala mula sa aking dibdib. Pinilit kong huminga ng malalim, pero parang kulang pa rin ang hangin na pumapasok sa baga ko. Nang magtama ang aming mga tingin, naramdaman ko ang init na dahan-dahang umakyat sa aking mga pisngi. “U–Uncle,” nanginginig ang boses ko ng magsalita. “Pwede ba… pwede ba samahan mo ako sa ospital?” nabubulol kong pakiusap habang pinipigilan ang luhang gustong tumulo. Mabilis itong lumapit at kumunot ang noo dahil sa labis na pag-aalala. Agad na nagbago ang kanyang itsura, mula sa kalmado ay naging puno ng pag-aalala. “Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Saan ang masakit? Bakit hindi mo agad sinabi kay Manang? Kung alam ko lang, sana kanina pa kita dinala doon, hindi ka pa nagtitiis ng mag-isa dito,” sunod-sunod nitong tanong, halatang kinakabahan para sa akin. Inabot ko ang braso niyo ng dahan-dahan. Sa sandaling dumampi ang aking mga daliri sa balat nito, bigla siyang natigilan sa paghakbang palabas ng aking kwarto. Hinawakan ko ang palad nito at dahan-dahan itong inilapat sa gitna ng aking dibdib, kung saan malinaw niyang maririnig at mararamdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. “Ito po, Uncle,” naiiyak kong sabi habang nakatingala sa kanya. “Parang may malalang sakit po yata ako sa puso. Kasi kanina, noong nasa kandungan mo ako… ang bilis po ng t***k nito, parang hihimatayin ako anumang oras. Tapos sa tiyan ko naman, ang daming paru-parong parang lumilipad sa loob at nakakakiliti ng sobra. Hindi ko po maintindihan, pero nakakatakot po ang pakiramdam.” Tinitigan lang ako ni Uncle Zeven ng matagal, parang pinag-aaralan ang bawat ekspresyon ng mukha ko. Pagkalipas ng ilang sandali, namula ang dulo ng kanyang mga tainga at gilid ng pisngi. Sinubukan nitong pigilan ang ngiti, pero sa huli ay napalitan ito ng malawak, magaan, at mapaglarong ngiti. Marahan nitong kinurot ang dulo ng ilong ko bago sumagot. “Sa tingin ko naman, hindi sakit ang nararamdaman mo, Nica,” panimula nito, may halong asar sa kanyang boses. “Sa palagay ko lang… crush mo ako.” Nanatili itong nakatingin sa akin, at may kislap ng tuwa at pang-aasar sa kanyang mga mata. Sa narinig ko, lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon ay parang tatakbo na ito ng mabilis pa sa hangin. May halo itong gulat, kaba, at kakaibang saya na hindi ko maipaliwanag. Kahit na, naramdaman ko rin ang kakaibang pakiramdam sa ibabang bahagi ng katawan ko, parang gusto kong umihi pero hindi naman talaga, basta mahirap ilarawan. “H–Hindi naman po siguro,” pagtanggi ko habang ibinaba ang tingin para itago ang pamumula ng aking mukha. “Masyado ka pong matanda para sa akin, Uncle. At saka… pamilya po ang turing ko sa inyo, ‘di ba?” Tumawa ito ng mahina… tawang mainit at nakagagaan ng loob. Dahan-dahan nitong itinaas ang aking baba para magtama ulit ang aming mga paningin, at mas lalo kong nakita ang mapaglarong tingin sa kanyang mga mata. “Sige, kung sabi mo ay hindi, edi hindi,” sagot nito ng nakangiti. “Pero tandaan mo, hindi mo kailangan matakot sa kung ano man ang nararamdaman mo. Darating din ang panahon na malalaman mo mismo kung ano ang ibig sabihin ng mga paru-parong ‘yan sa tiyan mo.” Sabay kaming tumayo ng tuwid at humakbang ito papunta sa pinto. Bago tuluyang lumabas, lumingon pa ito at may idinagdag habang nakangiti ng nakakaasar. “At saka, baka makalimutan ko, inaayos na ni Manang ang lahat ng dala kong pasalubong para sa’yo. Mga damit, sapatos, bag, at ilang maliliit na gamit na sa tingin ko ay magugustuhan mo. Nakapatong na ang mga ‘yun sa ibabaw ng kabinet mo. Pwede mong sukatin mamaya, kapag kumalma na ang puso mo at nawala na ang mga paru-paro sa tiyan mo. Sure ako, pag wala na ako sa paningin mo,” sabi pa nito. Isang mabilis at mapaglarong kindat ang ibinigay nito sa akin bago tuluyang lumabas ng kwarto at isara ang pinto ng dahan-dahan. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid, hawak pa rin ang dibdib, at may kakaibang ngiti sa aking mga labi. Kahit hindi ko pa lubos na naiintindihan ang lahat, may isang bagay akong sigurado. Ang nararamdaman ko ay hindi sakit, kundi isang bagong damdamin na unti-unti kong matutuklasan, kasama si Uncle Zeven. Dahil ilang minuto matapos mawala nito sa aking paningin, kumalma nga ang t***k ng aking puso at nawala ang mga naglikiparang paru-paro za aking tiyan. Katulad ng kanyang sinabi kanina bago umalis. 'Totoo kaya na crush ko si Uncle Zeven?' pero parang ang bata ko pa naman masyado para sa kanya. O baka naman siya ang mas matanda sa akin. Ang gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD