CHAPTER: 4

1115 Words
“Manang,” bati ko sa matandang laging nag-aasikaso sa akin. Isang linggo na ako dito sa Mansyon Saavedra, at halos hindi pa ako lumalabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong humakbang pa palabas. Parang may pumipigil sa akin, kaya mas pinili ko na lang na manatili sa loob. Kaya noong inalok ako ng homeschooling ni Uncle Zeven, agad ko itong sinang-ayunan. Sa isip ko, ito na ang mas ligtas at mas maayos para sa akin. Alam ko kasing kung babalik pa ako sa paaralan, hindi ko rin maiiwasan ang mga kaklaseng mahilig manlait at manakit. Sariwa pa sa alaala ko ang mga pang-aasar, at ayaw ko nang ulitin pa ang pakiramdam na parang wala kang halaga dahil wala ka ng yaman. “Magandang umaga, Miss Nica. Nandito na ang tutor mo,” sabi ni Manang habang inaayos ang mga kurtina sa bintana. Tumango lang ako bilang sagot at dahan-dahang tumayo mula sa gilid ng kama. Sa totoo lang, wala na akong ganang gumalaw. Wala na akong ganang mag-aral, wala na akong ganang bumangon sa higaan. Mas gusto ko na lang humiga at manatiling nakapikit. Kahit ang mga pagkaing dati kong paborito, parang nawalan na ng lasa. Kahit anong lutuin ni Manang, parang tuyo at walang buhay sa dila ko. Ang mundo sa paligid ko ay gumagalaw pa rin, pero pakiramdam ko ay nakahinto ako sa isang madilim na sulok. Maging ang aking Doktor, sumuko na siguro sa akin. Dahil bawat therapy, ayaw ko magsalita. “Kung hindi mo lalabanan ang lungkot na nararamdaman mo, sa huli ay magiging pabigat ka lang sa sarili mo at sa mga taong nagmamalasakit sa’yo,” biglang sabi ni Manang ng naglalakad na ako papunta sa pinto. Hindi siya lumingon, pero ramdam ko ang bigat ng kanyang mga salita. “Habang may mga taong handang tumulong sa’yo, sana makipagtulungan ka rin. Alam kong hindi madali ang pinagdaanan mo, hindi ko rin hinihinging mawala agad ang sakit na nadarama mo. Pero sana kahit paunti-unti, isipin mo rin ang mga taong nandyan sa paligid mo. Yung mga taong nag-aalala, naghihintay, at umaasang makikita kang sumigla at kumilos muli tulad ng normal na dalagita.” Natigilan ako at hindi na natuloy ang pagbaba ng hagdan. Si Manang ang nagsalita, at ang kanyang sinabi ay tumagos ng diretso sa puso ko. Mahinahon ang kanyang boses, pero may halong panginginig na parang pinipigilan lang niyang umiyak. Sa loob ng mahabang panahon, ito ang unang pagkakataong marinig ko ang katotohanang matagal ko ng iniiwasan at aminin. Umupo ako sa pinakatuktok ng hagdan at itinakip sa aking mukha ang dalawang palad ko. Hindi ko na napigilan ang mga luhang matagal ng pinigilan at tinago. Bakit ko ba hinayaang lamunin ako ng lungkot ng ganito? Bakit hindi ko naisip na hindi na ako nag-iisa? Halos isang buwan na akong nakakulong sa sarili kong mundo, iniisip na ako lang ang may pasanin, habang ang mga taong nasa paligid ko ay tahimik ding nag-aalala sa akin. Pagkalipas ng ilang sandali, pinunasan ko ang aking pisngi at bumalik saglit sa kwarto para maghilamos. Gusto kong itago ang bakas ng aking pag-iyak, kahit alam kong mahirap itong itago sa taong matalas ang tingin tulad ni Manang. “Miss Nica!” tawag muli ng matanda mula sa labas ng pinto. Naririnig ko ang dahan-dahan na yabag ng kanyang mga paa papalapit. “Lalabas na po!” sagot ko ng malakas habang inaayos ang aking mukha at damit. “Akala ko sumunod ka na agad. Bumalik ka pa pala,” sabi nito ng buksan ko ang pinto. Tumingin siya sa mukha ko at agad na kumunot ang noo. “Bakit namumula ang mga mata mo? May napasok bang alikabok o may nangyari ba?” Lumapit ito at akmang hahawakan ang mukha ko para masuri nang mabuti ang aking mga mata. Pero mabilis akong umatras ng konti para umiwas. “Ayos lang po talaga. Napuwing lang ako kanina,” paliwanag ko habang pilit na ngumingiti, kahit alam kong hindi ito masyadong kapani-paniwala. “Baba na po tayo, baka naghintay na si Teacher Mary. Nauna akong bumaba ng hagdan para hindi na ito makapagtanong pa. Mabigat pa rin ang bawat hakbang ko, pero may kakaibang pakiramdam na gumagapang sa dibdib ko, na parang bigla akong natauhan sa sinabi ng matanda. Pagdating sa pasilyo ng ibaba, sinalubong agad ako ng tutor ko. Pero bago pa man kami makapasok sa silid-aklatan, may napansin akong pamilyar na pigura sa loob. Hindi ko inaasahang nakauwi na pala si Uncle Zeven galing sa mahabang byahe mula sa ibang bansa. Nakaupo ito sa malaking umiikot na upuan, nakatuon ang buong atensyon sa kanyang harap. Mabilis ang paggalaw ng mga daliri nito sa keyboard, at seryoso ang mukha na parang walang ibang iniisip kundi ang trabaho. “Teacher Mary!” tawag ko para gisingin ang diwa ng babae na tila nananaginip ng gising, dahil nakita kong nakatayo lang ito at nakatingin kay Uncle Zeven na parang nawala sa sarili. “Ano ka ba, Nica! Bigla ka namang nagsalita, nakagulat mo tuloy ako!” sagot nito sa mahinahon at tila malambing na tono, sabay kurot ng mahina sa tagiliran ko. Inikutan ko lang ito ng mata at bahagyang ngumiti sanay mahinang pabulong. Kunwari pa siyang mahinhin at kalmado, pero halata naman sa kanyang mga mata at galaw na parang natigilan at namangha sa presensya ni Uncle. Kahit sa maikling panahon, madali ng mahulaan ang mga bagay na itinatago ng mga tao sa paligid ko. Tulad na lang ng mata ni Uncle na nasa gilid, nakatitig sa akin. Pumasok na kami sa loob ng silid-aklatan. Tahimik ang paligid, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Ang mga salitang binitiwan ni Manang ay muling umalingawngaw sa isipan ko. Marahil ay panahon na para unti-unti kong harapin ang mga takot ko, kahit paunti-unti lang. “Nica, halika dito. Tapos ka na ba?” malakas na tawag ni Uncle Zeven sa akin. Tinitigan ko muna ang aking guro na nakangiting tumango sa akin. “Sige lang, review ko muna mga papel mo. Para malaman ko kung sa next lesson na ba tayo o hindi pa,” sabi ni teacher Mary. Pagdating ko sa table ni Uncle, hinawakan ako nito sa braso at pinaupo sa kanyang kandungan. Binuksan ang parihabang kahon at sinuot sa akin ang isang kwintas. “Nagustuhan mo?” tanong nito. “Happy sweet fourteenth birthday, baby girl.” Sabay hawi nito sa buhok ko at hinalikan ako sa noo. Hindi ko alam kung bakit mabilis na kumakabog ang dibdib ko. May kung ano din sa katawan ko na para bang may mga paru-paru na nagliliparan sa aking tiyan. Kaya't mabilis akong napatayo at nagmamadali akong tumakbo pabalik sa aking silid sa taas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD