Chapter 2

2012 Words
Ilang linggo na lang ay ga-graduate na siya. Malapit niya na talagang makamit ang diploma niya na apat na taon niyang binuno sa university. Iyon nga lang, may isa pa siyang subject na sunod-sunod ang mababa niyang scores sa mga quizzes at exams. "Ayan na naman ang manliligaw mo, Kathleen," bulong ni Lani sa kanya. Kumabog kaagad ang dibdib niya nang makita si Laurenti Albano na papalapit. Nakaupo sila sa bench habang naghihintay na umalis ang mga estudyante sa classroom para sila naman ang papalit. "Tara na nga, mangungulit na naman 'yan eh!" Tumayo siya pero pinigilan agad ni Lani. "Ano ka ba! Bakit ka aalis? Pasalamat ka nga ikaw ang binibigyang pansin ng gwapong Professor natin. Kung ako sa 'yo, sinagot ko na 'yan," nakangiting wika ng kaibigan niya. "Lahat naman ng babae dito niligawan niyan eh!" "At least nasama ka sa magaganda. Lahat ng mga babaeng nilalapitan niyan pang-beauty queen ang dating, hindi ba? Tapos ikaw ang nagustuhan kahit kulang ka sa height." "Makapanlait ka naman sa height ko ha! Maganda naman ako sa mga 'yun kahit kulang ako sa height.," pagtatanggol niya sa sarili. Marami ngang nagsasabing maganda siya at malakas ang appeal. Nakikita rin naman niya 'yun sa salamin. Pero kulang siya sa height dahil halos di pa nga siya tumuntong sa 5'4". Balingkinitan lang kasi ang katawan niya kaya't napagkakamalan siyang matangkad dahil dinadaan din sa mataas na heels na bagay naman sa uniform nila. "Hi, Lani! Hi, babe!" Hindi na naalis ang kunot ng noo niya dahil sa pagtawag ni Laurenti sa kanya ng 'babe'. Nakangisi ang mga kaibigan nito. Ewan ba niya kung bakit inangkin na yata ng lalaking ito na girlfriend siya nito. "May kailangan ka?" seryoso niyang tanong. Ipinatong nito ang isang paa sa bench at itinukod ang siko doon. Kahit nakakainis ay hindi rin naman mapigilan ni Kathleen na humanga sa kagwapuhan nito. Nakakadagdag pa ang mamahalin nitong pabango. "Balita ko malapit ka nang bumagsak sa Calculus? Need my help?" Umikot ang mata niya sa inis. Sa harap pa talaga ng mga kaibigan nito ibinalita ang problema niya? Kunsabagay ay lagi na itong nagbabanta na ibabagsak siya ulit dahil ito ang may hawak ng grades nila sa ngayon. Student professor si Laurenti sa Princeton University kung saan ito nagtapos ng Marine Engineering. Isa na itong lisensyadong inhenyero ngayon pero nagtuturo pa sa university ng subject na Calculus. Hindi lang basta matalino si Laurenti. Isa itong math genius. Hindi naman nakapagtataka dahil nananalaytay na dugo nito ang genes ng isang Albano. At take note, hindi lang matalino kung hindi saksakan ng gwapo, simpatiko, magandang lalaki, at higit sa lahat-- ubod ng yaman. Kilala ang pamilya nila sa buong Pilipinas dahil pag-aari ng mga ito ang Albano Air at ang nangungunang hotel na nakikipagsabayan sa magagandang hotel sa ibang bansa. Lahat yata ng kadalagahan ay pinangarap na makasilo ng isang Albano. Hindi na nakapagtataka na sikat ding palikero ang isang ito na halos sambahin na rin naman ng mga babae dahil sa lahat ng magandang katangian nito. Maliban lang sa isang bagay - ang pagiging loyal at faithful sa babae. "Bakit ko naman hihingiin ang tulong mo? Kaya ko ang calculus noh!" "Okay, I don't doubt you can, but I will make things easy for you. C'mon, two weeks and you'll definitely get an A+." At ang totoo'y kinakabahan na rin siya sa grades niya dahil isang exam na lang ay graduation niya na. Bumagsak na nga siya last semester. Hindi niya na gustong ulitin ulit ang calculus dahil gusto niya nang makaakyat sa stage sa susunod na graduation ceremony. Sawang-sawa na rin siya sa numbers at analysis at kung ano-anong calculation at reasoning. Pero hindi pa rin sana niya gustong humingi ng tulong kay Laurenti sa isang simpleng dahilan - ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya rito. Hindi na nga siya mapakali sa kilig pa lang kapag tinutukso silang dalawa. Ayaw niyang umibig sa isang palikerong tulad nito. "Kaya ko nga. Sige na, papasok na kami sa classroom." Iniwan nila ni Lani si Laurenti na nakatukod pa rin sa bench. Narinig niya ang kantyawan ng mga kaibigan nito. Naroon pa ang pag-aalala niya dahil next week na ang final exam sa calculus pero nasa below passing grade pa rin ang grado niya. Kapag bumagsak pa siya sa finals ay siguradong uulitin na naman niya ang subject sa ikatlong pagkakataon. Hindi naman niya gustong isuko ang kurso dahil nangako siya sa Papa niya na tutulong na siya sa pagpapalago ng advertising agency nila. "Bakit ba hindi mo pa tinanggap ang alok ni Sir Laurenti?" tanong ni Lani pagdating nila sa classroom. "Huwag ka nang magpakipot dahil halata naman na gusto mo rin siya." "E napaka-playboy nun eh, paiiyakin lang ako. E di lalo akong hindi naka-graduate." "Malay mo naman kung sa 'yo mag-seryoso? May mga ganun naman ah! From being a certified womanizer to a devoted and ever-loyal na boyfriend." "Eh hindi nga ako puwedeng mag-boyfriend hangga't hindi ako nakakatapos. Ayokong biguin si Papa. Baka isipin niya gusto ko nang mag-asawa." "Sus, boyfriend pa lang naman. Ang advance naman mag-isip. At saka twenty-one ka na no, wala nang masama kung mag-boyfriend ka na. Ako nga nakatatlo na hindi pa 'ko maganda niyan. Ikaw pa kaya na sangkatutak ang manliligaw?" Natawa siya kay Lani na prangka lagi kapag pinagsasabihan siya. Malapit na rin naman talaga siyang bumigay sa pangungulit ni Laurenti dahil ilang beses na rin itong nagtangka na ihatid siya. Nang mag-resign kasi ang driver nila, hindi na kumuha ang ama ng kapalit. Nagpresenta naman siya na magko-commute na lang para na rin makatipid. Isang sakay lang naman mula sa eskwelahan at unibersidad. Pero tama nga si Lani, nasa wastong edad na rin naman siya para sumubok na magkaroon ng boyfriend. At kasama naman talaga siya sa mga babaeng nahuhumaling sa binata. Kung hindi nga lang siya takot na masama lang sa mga babaeng pinaiyak nito ay matagal na siyang sumama na makipag-date. Pero sa susunod na aalukin siya ni Laurenti ay tatanggapin niya na ang panliligaw nito. Bukod sa ipapasa nitong tiyak ang subject niya, baka puwede niya itong kausapin na maibalik ang account ng Albano Corp. sa advertising company nila. Pagdating ng uwian ay nakaabang ulit si Laurenti sa kanya sa gate. Habang papalapit siya sa binata ay may mga babaeng nakaismid naman dahil sa inggit. "Hi, babe." "Babe ka ng babe, mamaya maniwala sila sa 'yo. Nakikita mo ba 'yang mga babaeng nadaanan ko kanina? Kulang na lang patayin ako sa tingin." "Huwag mo silang intindihin." Kinuha nito ang bag niya nang pilit na wala siyang nagawa. "Sandali, saan tayo pupunta?" "Sa date natin." "Anong date?! May sinabi ba akong sasama ako?" gulat niyang tanong. Hinawakan nito ang kamay niya hanggang marating nila ang mamahalin nitong sasakyan sa VIP parking lot ng university. "Get in, babe." "Mr. Albano, hindi ako sasamang makipag-date sa 'yo." "Hmmm... Paano kung sabihin ko sa 'yo na bagsak ka na sa calculus mo?" "That's---" "Blackmail? I know," buong kompyansa nitong wika. "Pero isipin mo na lang na ginagawan kita ng pabor kaysa sa bina-blackmail. Concern naman talaga ako sa grades mo." "So, kapag sumama ako sa 'yo ngayon, pasado na 'ko sa calculus?" "You have to work on that, babe... Ang gagawin ko lang ay i-tutor ka." "Wow, thanks." Binuksan ni Laurenti ang pinto ng kotse at pinasakay siya. Nang tangka niyang aayusin ang seatbelt ay naunahan siya ni Laurenti. Nagdikit ang mga kamay nila at naglandas pa ang kamay ng binata sa tiyan niya. Napigil niya ang paghinga. "May isa pa akong kundisyon para ipasa ka sa calculus," wika nito nang paandarin ang sasakyan. "May kapalit pala ang pagtulong mo sa 'kin? Ano naman 'yun?" "I need you to pretend as my girlfriend." Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan sa kotse lalo nang maramdaman ang mabilis na pag-andar nito. Umubo siya nang tila nasasamid. "Seryoso ka ba?" "May iniiwasan lang akong babaeng makulit na gusto pa yata akong pikutin. I badly need your help." "Sa sobrang pagkababaero mo, hindi mo na alam kung paano iwasan ang mga babae? Mabuti nga sa 'yo." "Gusto mo akong mapunta sa iba?" Naglabas ito nang nakalolokong ngiti. Isang ismid naman ang iginanti niya. Nahalata yata nito na kinikilig siya. Kahit pagpapanggap lang ang sinasabi nito ay boyfriend pa rin niyang matatawag ang binata. Gusto na yatang bumigay ng puso niya ngayon. "Is it a deal or a deal?" "Para namang may pagpipilian ako?" "Wala nga. Buti alam mo." Kumindat si Laurenti sa kanya pero pinigilan niyang ngumiti. "So, it's official, you are my girlfriend now." "Anong official? Unofficial 'yan kasi hindi naman totoo. Magpapanggap lang tayo, 'di ba?" "Malay mo, sa huli mahulog din ang loob mo sa 'kin. Hindi naman ako mahirap mahalin." "Ma-fall ka d'yan!" Inilihis niya ang tingin kay Laurenti na laging nasa labi ang pilyong ngiti. "Saan ba talaga tayo pupunta?" "We will have our first date." "Siguraduhin mo lang na papasa ako sa Calculus, Mr. Albano. Lagot ako kay Papa kapag hindi ako nakaakyat sa stage sa graduation." "Don't worry, babe, I've got you. Calculus lang naman ang nanganganib mong subject ayon sa ibang professors mo. Kayang-kaya mong ipasa 'yan." Sa isang fine dining restaurant sila tumuloy. Sinalubong sila ng waiter na nag-abot pa ng bouquet ng puting rosas sa kanya. Laurenti loves to shower her with white roses. Hindi maitatanggi na nakakakilig talaga ito. Tulad ngayon; sa halip na magkaharap sila habang kumakain ay magkatabi pa sila. Paminsan-minsan ay lumalapat ang kamay nito sa likod niya. Nang tangka nitong subuan siya ay napanganga siya para hindi ito mapahiya. "See? Masarap, 'di ba?" "Hmmm... Puwede na..." "Try this one." Steak naman ang sinubukan nitong isubo sa kanya. "Sino ba 'yung babaeng gusto mong iwasan?" Pinunasan niya ng white towel ang magkabilang sulok ng bibig. "My ex." "May iba kang girlfriend?" Hindi niya alam kung bakit siya nadismaya. Sa tagal ng palipadhangin ni Laurenti sa kanya, akala niya'y wala itong sineryosong babae. Ang alam lang niya'y mga biro-birong panliligaw lang katulad ng ginagawa nito sa kanya dati. "Huwag ka nang magselos, ex na nga 'di ba?" nakangiti nitong wika nang makita ang pagkadismaya niya. "Bakit kayo naghiwalay? Siguro nambabae ka no?" "Bakit ba ganyan ang tingin niyong mga babae sa 'kin? Marami akong kaibigang babae, oo. Marami rin ang nagpapansin sa 'kin. Pero loyal ako sa girlfriend." "Kailan kayo naghiwalay?" "A month ago." "Tapos sasabihin mong loyal kang girlfriend?! Eh ilang buwan ka nang nagpapadala ng bulaklak sa 'kin eh!" Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito. Hindi tuloy niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o gumagawa lang ng kwento para mapapayag siyang maging girlfriend nito. "So, hanggang kailan ang pagpapanggap natin na 'to?" "Until you get your A+." "Okay." Kibit balikat na lang ang isinagot niya. Hindi niya alam kung bakit siya nadismaya nang malamang may expiration date ang pagpapanggap nila at malapit na 'yun. "Kailan mo ba ako i-tutor sa Calculus?" sunod niyang tanong. "Bukas. Tapos araw-araw kitang ihahatid-sundo sa university." "Kailangan pa ba 'yun? Huwag na..." "Ang sabi ni Lani, wala ka raw sundo dahil wala na ang driver niyo. I need to make sure that my girlfriend is safe twenty-four hours a day." Pinigil niya ang pagngiti para hindi nito mahalata na kinikilig siya. Kung ganito siya nito tratuhin araw-araw ay mahuhulog na talaga ang loob niya. "Bakit naman ako hindi magiging safe? At saka sanay na akong nagko-commute araw-araw." Pagkatapos nilang kumain ng dinner ay inihatid naman siya kaagad nito sa bahay. "I'll see you tomorrow, babe..." Isang halik sa pisngi ang ibinigay nito bago muling sumakay sa kotse. Hindi siya nakakibo na ngumiti na lang at pinanood ang paglayo ng sasakyan nito. That was her first kiss. On the cheek nga lang. Hindi naman talaga siya dapat magpahalik dahil nagpapanggap lang silang boyfriend-girlfriend. Pero hindi niya alam kung paanong hindi mahuhulog ang loob niya kay Laurenti kung araw-araw itong ganito. Ang malaking konswelo lang talaga niya ay ang makapasa sa calculus at makamit na ang college diploma. Pero kung puso ang pag-uusapan ay iiyak lang yata siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD