Chapter 3

1903 Words
Pabagsak na inilapag ni Laurenti ang susi sa kitchen counter at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Tuluyan na siyang nakipaghiwalay kay Cynthia ngayon. Kung dati ay pinagbibigyan niya ang dating kasintahan na itago lang ang relasyon nila, ngayon ay tuluyan niya nang tinapos ang ugnayan nila. "You're impossible, Laurenti! Alam mong iniingatan ko lang ang career ko!" "What's wrong with admitting having a relationship with me?! Mayaman naman ako ah! Kaya ko rin namang makipagsabayan ng gandang lalaki sa mga nakakasama mo sa shoot ah!" "Pero hindi ka artista! At gusto kong makapasok sa pag-aartista kaya't kailangan kong mapanatili na single ako sa mata ng publiko. My plano ang manager ko na bigyan ako sa bagong loveteam para makakuha ako ng projects. This is my chance to shine; to show my talent in acting. Alam mo namang pangarap ko ito noon pa!" Paulit-ulit lang ang pagtatalo nilang ganoon noon pa. Isang taon na silang may ugnayan pero hanggang ngayon ay hindi nila mailantad ang relasyon dahil ipinagbabawal daw ng manager nito. Madalas pa ngang nakatambay ang girlfriend niya dito sa condo kapag wala itong projects. Nag-offer pa siyang pakakasalan na lang ito kung ang iniisip lang ay ang pera. Pero mataas ang ambisyon ni Cynthia na maging sikat na artista na kailangan niyang pagbigyan at lunukin na lang ang pride kahit nakikipaghalikan ito sa kung sino-sinong lalaki sa harap ng camera. He hated it. He hated the thought that men can touch and kiss his woman for the sake of money and fame. Mas gusto pa kasi ni Cynthia ang mabigyan ng mga daring roles dahil iyon daw ang patok ngayon. Doon daw ito sisikat. Nabigo kasi nitong masilo ang korona bilang isang beauty queen kaya't sa pag-aartista naman ito sumusubok ngayon. Pero kahapon ay napuno na talaga siya matapos maabutan na kalandian ni Cynthia ang isang direktor habang nagso-shoot ng pelikulang kasama ang kasintahan bilang supporting actress. She was sitting on his lap. Sa galit niya ay nakipaghiwalay siya ora mismo. Tapos na ang pagbibigay niya. Malinaw na panloloko na ang ginawa sa kanya. He turned his thoughts to Kathleen. Mula nang maging estudyante niya ang dalaga limang buwan na ang nakalilipas ay hindi na ito nawala sa isip niya. Lagi niya itong tinutudyo na maging girlfriend niya. Tuwing mag-aaway nga sila ni Cynthia ay napapasaya siya ng dalaga kahit simpleng pag-ismid lang nito. Kathleen was a charmer. Nawawala lahat ng inis niya kay Cynthia kapag nasilayan niya na ang maamo mukha ni Kathleen. He might be cheating with Cynthia with his carnal thoughts about Kathleen, pero hindi niya kayang pigilan ang sarili. Lalo na ngayon na lagi niya itong nakikita sa university. Hindi niya kasalanan kung magbigay siya ng ibang damdamin para kay Kathleen. It was an infatuation that was growing deeper. Kanina ay nakipagsapalaran siyang maisama ito sa date. Kanina niya ulit naramdaman ang kilig matapos ang mahabang panahon. Pagkatapos ng pagtitiis niya sa relasyon nila ni Cynthia, desidido na siyang kay Kathleen na ibubuhos ang atensyon. Hindi niya na aayusin pa ang relasyon nila ng dating kasintahan na niloko lang naman siya at binalewala. Kathleen was his first crush anyway. Kaibigan din ng Daddy niya ang Papa nito. Masyado lang kasi itong bata noon kaya't hindi niya niligawan. Pero naroon na ang damdamin sa sulok ng dibdib niya na tila ba naghintay lang ng tamang panahon. Ngayong bente-uno na si Kathleen at malapit nang maka-graduate ng college, hindi na alangan ang pagitan ng edad nila. Bente-sais pa lang naman siya. Habang nakangiti ay kinuha niya ang telepono sa bulsa at nag-dial ng numero. Mataray namang sumagot ang nasa kabilang linya. "Anong ginagawa mo?" tanong niya na para siyang isang teenager. "Naglilinis ako ng bahay," tamad na sagot ni Kathleen sa kabilang linya. "Naglilinis ng bahay? Where's your maid?" "Pinatigil na raw ni Papa. Dalawa lang naman kami dito, hindi na kailangan ng katulong dahil malaki na 'ko." Bahagya siyang nakaramdam ng awa kay Kathleen. Kung tutusin, hindi naman mahirap ang maglinis ng bahay. Pero ang makasanayan ang buhay na may katulong pagkatapos ay mawawala ay tiyak na mahirap ding mag-adjust. May problemang pinansyal ang Papa ni Kathleen. Nabalitaan niya ang unti-unting pagbagsak ng advertising company na pag-aari ng pamilya nito. "Where's Uncle Luisito?" Ang tinutukoy niya'y ang ama ng dalaga. "Nasa opisina pa. Bakit ka napatawag?" Ramdam niya ang bigat sa dibdib nito dahil hindi ito nagtataray katulad kanina. "Can I come to your house?" "Kailan?" "Now." "Bakit?" "Itu-tutor kita, hindi ba?" pagdadahilan niya. Gusto lang niyang may makasama si Kathleen ngayon para mapagaan ang loob nito. "Gabi na. At saka marami pa akong gagawin." "Like what?" "Magluluto. Baka kasi hindi pa naghahapunan si Papa pagdating mamaya." "You know how to cook?" Napakunot ang noo niya. "Marunong akong magprito ng ham at itlog. Yun lang naman ang meron sa kusina." "Wait, huwag ka nang magluto. Magdadala na lang ako ng dinner para maumpisahan na natin ang pagtuturo ko sa 'yo." "Huwag nga muna ngayon. Ilang linggo pa naman bago ang mga exams eh." "Huwag ka nang makulit. Busy na ako by next week," pagpipilit niya. "I'll see you in a bit." Ibinaba niya na ang telepono bago pa makatanggi si Kathleen. Agad niyang dinampot ang susi sa kitchen counter at nagmadaling lumabas. Six-thirty pa lang naman ng gabi. Ibinili niya ng pagkain ang mag-ama para hindi na magluto ang dalaga. Pagdating niya sa bahay nila Kathleen ay naka-tank top sando lang ito dahil mainit ang panahon. Ngayon lang niya ito nakita sa ganoong ayos; nakataas ang buhok na may ilang hibla na nakalaylay, hindi balot ng tela ang balikat, at naka-short lang na nakabilad ang maputi nitong hita. Maliit lang ang baywang nitong kaya niya yatang dangkalin. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya para pigilan ang nag-iinit na katawan. Si Kathleen ang tipo ng babae na walang kalaswaan sa isip. He should behave like a gentleman. "What's that smell?" "Nagluto nga ako ng ham!" inis agad nitong sagot na balak pa siyang pigilan dahil papunta siya sa kusina. Nakasalang pa ang sunog na ham sa kawali. Gusto niyang bumulanghit ng tawa pero isang pigil na ngiti na lang ang pinakawalan niya. "Nakakatawa ba 'yan? Napaso pa nga ako!" "Sinabi ko kasi na huwag ka nang magluto, ang tigas ng ulo mo." Kinuha niya ang kamay nito at hinanap kung saan ito napaso. May nakaguhit na pamumula sa palapusuhan nito. Dinama niya iyon ng daliri niya. "Ano bang prito ang ginawa mo at naging inihaw?" "Malakas pala ang apoy. Buti nga hindi nasunog 'tong bahay namin." "Nagugutom ka na ba ulit?" Iginiya niya ito sa mesa at umupo silang dalawa. Nakatingin si Kathleen sa kamay nitong napaso kaya't malaya niya ulit napagmasdan ang kabuuan nito. "Hindi. Dapat hindi ka na nag-abala." "At ano ang ihahanda mo sa hapunan ng Papa mo, sunog na ham?" Idinaan niya sa tawa ang sinabi. "Kailan umalis ang katulong niyo?" "Kanina lang. Tara na nga, i-tutor mo na 'ko." Tumayo ito para umiwas na pag-usapan ang problema nito sa bahay. Sumunod naman siya nang umupo ito sa sofa. Nakalantad ang hita nito sa harap niya. Wala yata itong ideya kung ano ang damdaming naidudulot nito sa kanya. Kung si Cynthia ang kasama niya ngayon ay kanina pa ito nakapulupot sa kandungan niya. "Saan ka ba nahihirapan dito? Ano ang hindi mo maintindihan?" "Lahat 'yan. Ano ba kasi ang kinalaman ng Calculus sa pang-araw-araw kong buhay? Wala naman akong nakitang ganyang application at computation sa tagal kong nasa office ni Papa ah." Natawa siya sa inis na nakita sa mata nito pero naiilang na siya sa hita nitong kumikiskis sa braso niya dahil nag-indian sit ito sa sofa. "Lahat ba ng natitipuhan mong estudyante nag-o-offer kang maging tutor?" "This is my first time. Kung hindi lang kita girlfriend, hindi kita tutulungan eh." "Uy ha, nagpapanggap lang tayo. Baka akala mo makaka-score ka sa 'kin." Ihinarap nito ang kamao sa kanya. "Bakit ayaw mong totohanin? Am I not a boyfriend material? Gwapo naman ako ah!" "Wala pa kasi sa isip ko 'yan. Gusto ko munang maka-graduate." "Ilang linggo na lang naman 'yun. So, pagka-graduate mo official na tayo?" "Hindi noh! Masasaktan lang ako sa 'yo napakarami mong babae." "What?! Who told you that?" Gusto pa niyang i-deny ang pagiging palikero niya. Kahit naman marami syang naka-date dati ay si Cynthia lang ang naging seryosong relasyon niya. Na natapos na rin naman kaya single na siya ulit ngayon. "Kilalang-kilala ka sa campus bilang heartbreaker no!" "But I won't break your heart, I promise." "Mag-tutor ka na lang, huwag mo na 'kong isama sa koleksyon mo." Kinuha nitong muli ang libro sa kamay niya. Napilitan siyang magseryoso at sinimulan ang pag-tutor. Tahimik lang naman itong nakikinig sa mga paliwanag niya. Alas nueve na ng gabi nang mapansin niyang wala pa ang Papa nito. "Lagi bang ginagabi ang Papa mo?" "Oo, nitong nakaraang linggo. Marami daw kasing trabaho sa opisina." "Mag-isa ka lang dito kapag wala pa siya?" "Dati hindi kasi nandito pa si Manang." "Hihintayin kong makauwi ang Papa mo bago ako uuwi. Okay lang ba sa 'yo?" "Baka ikaw naman ang gabihin. Okay lang ako dito, huwag mo 'kong intindihin." "I'm sorry, babe... But I won't leave until your father arrives." "Inaantok na rin kasi ako. Umuwi ka na, may susi naman si Papa kaya't sa taas na 'ko matutulog." "No, you can't throw me out that door. Kumuha ka unan at dito ka sa sofa matulog. Lumipat ka na lang mamaya kapag dumating ang Papa mo at nakaalis na 'ko." "Ayoko nga, baka kung anong gawin mo sa 'kin kapag tulog ako." Isang halakhak ang pinakawalan niya saka inakbayan ito at inilapit ang mukha sa dalaga. Marahil ay nagulat ito dahil namilog ang mata nito at ang kamay ay agad lumapat sa dibdib niya para ilayo siya. "Bakit ko hihintayin na matulog ka kung may gagawin akong masama sa 'yo? I don't want to kiss a sleeping Snow White, ano ang thrill doon? If I were to taste your lips, how you would react to that kiss is valuable to me." Kumindat siya at ngumiti nang matamis. "E bakit ka kasi nag-aalala sa 'kin eh bahay naman namin 'to." Sa kabila ng pawisan nitong ilong at leeg, masarap amuyin ang pabango nitong kanina pa niya naamoy habang nasa campus sila. "Maraming masasamang loob ngayon, babe. Hindi mo ba alam kung gaano ka kaakit-akit sa aming mga lalaki? Baka akala mo sasantuhin ka ng mga 'yun." "Hindi ako nagbubukas ng pinto at magpapapasok ng hindi ko kilala. Ang OA mo." Kinuha nito ang kamay niya para paalisin na pero hinila niya pabalik dahilan para mawalan ito ng balanse at bumagsak sa kandungan niya. Agad niyang nahawakan ang pang-upo nito habang si Kathleen ay napatukod sa p'gkalalaki niya. "S-sorry..." Nautal pa itong humingi ng paumanhin saka inilipat sa dibdib niya ang mga kamay. Siya'y hindi pa bumibitiw at mas gusto pang paglandasin ang kamay sa pang-upo nito. He went still. Gahibla na lang ang pagpipigil niya. His eyes roamed into Kathleen's cleavage. Malapit niya nang masilip ang tuktok ng dibdib nito na nagpapabilis ng t***k ng puso niya. "My self-control has its limit, babe..." Akma niyang hahalikan si Kathleen sa labi nang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ng Papa nito. Holy sh't! Noon lang siya pinanlamigan sa buong buhay niya. Paano niya ipaliliwanag ang anak nitong nasa kandungan niya na balak niya nang halikan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD