Chapter One
"Katniss!" tawag ni Vince.
"Bakit na naman ba? Ang aga aga ang ingay ingay mo!" Sagot ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Bakit wala ka na sainyo ng dumaan ako kanina? Di ba sabi ko sayo sabay tayong papasok." aniya.
Kinuha ko ang schedule ko at dinikdik ko sa muka niya. "Nakikita mo iyan? Paano akong di mauuna aber? Mas maaga ang first class ko compare sau." Kinuha niya ang notebook na hawak ko.
"Paano ko makikita nginudngod mo sa mukha ko! Pwede ba Katniss sugatan mo na ko sa kung saang parte ng katawan ko wag lang ang mukha ko. Dahil puhunan to! Gets mo?" Sabay abot sa akin notebook ko. Padabog na kinuha ko ito sa kanya.
"Puhunan your face! E di ka pa nga maka move on sa ex mong makati pa sa higad!"
"Change topic." Wika niya. Sabay yaya sa akin sa canteen. Napabuntong hininga na lang ako. It's been 2 years pero until now ganoon pa din. Bea Denise Laurel. Ang unang babaeng minahal ni Vince, siguro siya na din ang huli. I guess. And it hurts. Bigtime.
Nakarating kami ng canteen, umupo sa bakanteng upuan na malayo sa karamihan ng estudyanteng nakatambay doon. Nilabas niya ang cellphone at headset niya. Malamang matutulog na naman ito doon. Kung ang iba sa library ang natutulog, well iba si Vince. Mas gusto daw niya makaamoy ng pagkain habang natutulog. Abnormal!
Kinalabit ko siya. Tiningnan niya ako pero hindi pa din inaalis ang headset sa tenga niya. Inis na tinanggal ko ang headset sa kaliwang tenga niya. "Aalis na ako! Matutulog ka lang naman pala. May usapan kami nila Aya na pupunta sa field para manood ng practice ng crush niya."
"So, mas uunahin mo na sila kaysa sa akin na bestfriend mo?" Kunyaring nasasaktan na wika niya. Nakahawak pa sa dibdib niya.
"Baliw! Wag ka magdrama diyan. Ano ka bata para bantayan ko pa matulog? Baby?"
"Baby? Sounds sweet. Katniss, bakit hindi na lang kaya tayo maging mag jowa no! Tutal sabi mo di pa ko nakakamove on. Tulungan mo ko!" nakangising saad niya.
Pinukpok ko sa kanya ang bag ko. "Anong akala mo sa kin rebound girl! Bwiset ka!" Patuloy pa din ako sa paghampas ng bag sa kanya. Natatawang umiiwas siya sa akin. Alam kong joke lang iyon pero masakit. Dahil para sa kanya biro iyon pero sa akin heartbreak iyon.
"Ito naman hindi mabiro! Sige na umalis kana." Natatawa pa ding usal niya. Tumayo na ako at inayos ang bag at ang buhok ko na nastress sa kanya. Kinawayan niya ako at tumungo na sa lamesa. Tumalikod na ako ngunit tinanaw ko ulit siya. Vince, kung hihilingin mo ulit sa akin iyan sa ibang pagkakataon ibibigay ko saiyo. Handa akong maging rebound girl, makalimutan mo lang si Bea, baka sakaling ako naman ang makita mo. Baka sakaling mahalin mo na din ako bukod sa pagiging bestfriend mo. Naglakad na ako palabas ng canteen at tinext sila Aya.
_________
"Bakit nakabusangot ka na naman?" tanong ni Aya sa akin. Nakaupo kami sa ilalim ng isang puno habang nanunuod ng practice ng soccer team. Crush kasi ni Aya ang isa sa player doon. Pero just like me. Di siya bet ng bet niya. "Let me guess? Vince again."
"Aya, tingin mo ba wala na kong pag asa?"
"Wala ka ng pag asa girl! Certified tanga ka na. Legit mi!" Naiiling pang sagot niya. "Alam mo Kat, hindi ko ba naman alam saiyo bakit hanggang ngayon loyal na loyal ka pa din sa feelings mo diyan sa bestfriend mo. Girl, simula what? first year high school crush mo na siya, tapos nainlove ka, tapos until now, unrequited love pa din ang peg mo! Di ka napapagod? Di pa ba wasak yang puso mo?"
"Mahal ko e! Magagawa ko? Triny ko naman di ba? Nag entertain ako ng manliligaw. Kaso wala e! It's still him. Siya talaga e! How to unlove him? Kasi if there is only way para hindi ko siya mahalin, ga--"
"Hindi mo pa din gagawin." Putol niya sa sinasabi ko. "Girl lokohin mo ng sarili mo wag lang ako. Don't me!" Saad niya na may pahawi pa ng buhok niya. "Sabi nga nila kung gusto may paraan, Kung ayaw, ayaw talaga. No buts, No what ifs."
"Anong meron?" Tanong ni Mich. Umupo siya sa tabi ko. Hindi namin napansin na dumating na pala siya.
Aya and Mich are my girl bestfriends. Simula first year college ay magkaibigan na kami. Pare pareho kaming third year college ngayon. Same course which is Bachelor of Science in Business Administration, Major in Marketing. Same block kami noong first year college. Magkakatabi kami noon, Nagkachikahan, Then nagkasundo. Kaya ayon, BFF na kami ngayon. Hindi kami ganoon kayaman. Above middle class. Kapitan sa barko ang daddy ko. While my mother is a CEO of her own skin care products. Sikat na sikat ngayon ang mga products ni mommy online. Hindi niya kasi nirerelease ang product niya sa mga physical store katulad ng mga nasa malls. Mas gusto niya kasi makatulong sa mga gustong magbenta online. Iyong mga hindi kaya mamuhunan ng malaki. Madami siyang Distributors and Resellers sa iba't ibang parti ng pilipinas. Kaya siguro lalong lumalaki ang negosyo ni mommy dahil sa purpose niya kung bakit niya itinayo ang negosyo niya.
Nagpakilala na ba ako? Well, let me introduce myself properly. I'm Katniss Louise Mariano. May friends call me "Katniss" as i was saying Kapitan sa barko ang Daddy ko. At CEO naman ng sarili niyang skin care products. Dalawa lang kaming magkapatid. Ako at si Kuya Andrei. Sa aming tatlong magkakaibigan ako iyong gustuhin. Iyong ligawin. Hindi naman sa pagmamayabang mukha daw kasi akong koreana. Porselana ang balat. Glass skin katulad ng mga korean actresses sa mga korean drama series. Sabi nga nila kamukha ko daw si Park Min-Yang, iyong bida sa kdrama series na What's wrong with secretary kim. Pero kahit madami akong manliligaw wala akong pinapansin sa kanila. Kasi isang lalaki lang ang minahal ko since highschool. Si Vince lang.
Vince Montecillo. My bestfriend. Naging mag bestfriend dahil binubully ako noong grade six kami. Kahit kasi mga bata palang madami pa rin mean girls sa school. He is my savior sa madaling salita.
"Kausapin mo iyang kaibigan mo Mich! Kakasuya na ang subject. Pajuliet juliet e!" Naiinis na wika ni Aya. Kumuha ito ng cookies na binake ko kahapon. Sarap na sarap sa pag nguya pero grabe makapag salita sakin! Saad ko sa isip ko.
"Katniss, change topic." Ani Mich. At kumuha din ng cookies.
"Parang di kayo kaibigan." Nagtatampong baling ko sakanila sabay subo din ng cookies na dala ko.
"We're friends. Besties forever! Pero Kat, hindi ka namin matutulungan kasi alam naman namin na kahit anong layo namin sayo sa kanya, Wala. Babalik at babalik ka pa din sa kanya. So, sayang laway. Gets?" ani ni Aya. "Girl! Realtalk, Malala kana. Kaya siguradong mahihirapan ka ng bumangon. Lubog na lubog ka na. Mahal na mahal. Inlove na inlove."
"Iisipin ko pa lang kasi na layuan na siya, parang ang hirap hirap na. Parang di ko na kaya. Parang naninikip na iyong dibdib ko."
"Laki ng dyoga! Naway lahat." ani Mich. Binato ko ito ng cookies na hawak ko.
"Teka nga pala! Speaking of Vince. Asan ang bestfriend mo?" tanong ni Aya.
"Nasa canteen, natutulog." sagot ko.
"Hanep talaga sa trip iyang bestfriend mo e 'no! Iba ang trip sa buhay." aniya. "Totoo ba na na disband sila? Bali balita kasi dito sa campus, pumunta na daw sa Canada si Bryan. Sumunod na sa Kuya niya na doon din nag aaral."
"Alam ko hindi naman, umalis lang si Bryan pero buo pa din ang banda nila. Hahanap nga lang sila ng bagong bahista nila."
"Buti naman, sayang naman kasi sikat na sikat na sila dito sa campus. Saka magaling talaga sila."
"Kunyare ka pa Aya! E kahit ayaw na ayaw mo kay Vince, gusto mo pa din sumasama sa kanila dahil kay Nathan." ani Mich.
"Lampake!" Nakairap na wika ni Aya. Hindi pa nakuntento at hinawi pa ang buhok niya na akala mo ay commercial model ng shampoo. Natawa kami ni Mich.
Magaling talagang tumugtog ang banda nila Vince. Magbabarkada na ang mga ito simula pa first year highschool kaya kabisadong kabisado na nila ang tunog ng bawat isa. Nakakapag compose na din sila ng mga sarili nilang kanta. Pero hindi nila pinupursue ang pag babanda, iyong gawing propesyon ito. Dahil para sa kanila ay passion nila ito. Pero at the end of the day, alam nila na hanggang doon lang iyon dahil pag graduate nila ay may kanya kanya silang kumpanya na dapat patakbuhin.
"Tara na girls! May klase pa tayo ng 4pm. 3:30 na pala. Baka malate pa tayo." yaya ko sa kanila.
"Tara G! Sarap ng cookie mo ah. Pinakain mo na din ba iyang cookie mo kay Vince?" Nasamid ako sa sinabi ni Aya. "Malay mo mainlove si Vince sayo kapag pinakain mo iyang cookie mo sa kanya. Or better iyang dyoga mo na lang! Laki oh." Sabay hawak sa dibdib ko at kumaripas ng takbo.
"Bwisit ka talaga Aya! Pag nahabol kita, bobombahan ko iyang dibdib mo." Naiinis kunyaring saad ko sakanya at hinabol ko na siya. Sumunod si Mich sa amin na hindi magkandaugaga sa mga gamit niya.
_____
Nagbabasa ako ng libro sa library ng biglang umupo si Vince sa katabing upuan ko. Wala na akong susunod na klase kaya nag decide ako pumunta sa library para mag advance reading para sa mga susunod na topics namin. Wala naman akong ibang kasama sa bahay dahil nasa Australia si daddy samantalang si mommy ay nasa warehouse ng mga products niya para icheck ang mga bagong dating na products na galing japan. Si Kuya Andrei naman ay for sure kasama na naman ang barkada niya. Sila Aya at Mich ay nauna na sa akin dahil may mga aasikasuhin pa daw sila.
"Alone?" tanung ni Vince.
"May kasama ako, ayan o nakaputi, nakakandong sau." walang kagana ganang sagot ko sa kanya.
"Joke iyon?" aniya.
"Natawa ka ba?" Umiling siya. "O edi hindi. Ang joke nakakatawa. Abnormal!" Mataray na sagot ko sa kanya. Umiiling na natatawa ito. Binelatan ko naman siya.
"Cute." Sabay pisil ng ilong ko.
"Aray naman! Pwede ba Vince tigil tigilan mo iyang habit mo na iyan. Di na ko bata." Hinihimas himas ko ang ilong ko dahil sigurado akong namumula na naman iyon.
"Para ka paring bata. Your my little sister."
Aray naman! Sabi ko sa isip ko.
"Bakit andito ka pa? Asan na sila Aya saka Mich?"
"Nauna na sila, may gagawin pa daw sila e. Ayoko din umuwe agad, as usual wala na naman ako kasama sa bahay."
"Tara samahan mo muna ko sa Mall." yaya niya sa akin. Kinuha niya ang bag ko at tiniklop ang librong binabasa ko.
"Wow! Paladesisyon?" Nginitian niya lang ako at hinila palabas ng library. Naglalakad kami papunta ng parking lot sa campus ng matigilan ako.
"Magmomotor tayo?" nakangiwing tanong ko.
"Di ko dala kotse ko e. Malalate na kasi ako kanina pagpasok ko kaya nag motor na lang ako. Iwas traffic." Kinuha niya ang helmet at sinuot sa akin. Pinigilan ko siya.
"Alam mo naman ayoko sumakay sa motor e." Hindi niya ako kinibo at inayos na ang helmet sa ulo ko. Sumampa na siya sa motor.
"Angkas na! Don't worry ako kasama mo. Don't you trust me? Vince? Bestfriend o?" Sabay ngiti sa akin ng pagkalaki laki. Wala na akong nagawa kundi sumakay sa motor niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at yinakap sa bewang niya.
Sarap! Mukang enjoy pala ang mag motor. Yiee!!
_______
Naglakad lakad kami sa loob ng Mall. Sumasakit na ang paa ko kakaikot ikot namin, hindi ko naman alam saan bang lupalop ng Mall gusto ng kumag na ito kami pupunta. Huminto ako sa paglalakad.
"Why?" tanong niya.
"Kanina pa tayo paikot ikot Mr. Montecillo, nananakit na paa ko kakalakad. Saan mo ba balak pumunta?". Nakapamewang na litanya ko sa kanya.
"Hindi ko din alam." Nagkakamot sa batok na sagot niya. Sinuntok ko siya sa braso sa inis.
"Hanep sa trip! Lakas mambwiset! Lakas mo mag aya at manghila diyan, imbes na nag aaral ako, aayain mo lang ako ng walang dahilan. Sarap kabonding!" Gigil na saad ko.
"Timezone tayo?" Sabay hila sa akin papasok ng Timezone. Madaming naglalaro na istudyante. Nagpaload siya ng card at pumwesto kami sa basketball. Noong highschool kami mahilig kami tumambay ni Vince dito kapag sabado at linggo. Pareho kasing busy ang mga parents namin kaya kami lang lagi ang magkasama. Nagsimula maglaro si Vince at pinanood ko lang siya.
Ang gwapo talaga e. Kaso bestfriend lang. Aissh!
Naka anim na game siya ng mag decide siya tumigil. Nabobored na daw siya kaya lumipat kami sa Quantum. Bumili siya ng token at inaya ako sa videoke room. Kinuha niya ang songbook at nagsimulang maghanap ng kakantahin niya. Nang makahanap ay pinindot niya na ang numero at hinintay mag play ang kanta.
Binibini
Alam mo ba kung pano nahulog sayo
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sakin
Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako
Your still hurting. Until now. It's been two years, Vince. Bakit?
Kinakanta niya ngayon iyong kantang kinanta niya ng magpropose siya kay Bea para maging girlfriend niya. Yes alam ko. Dahil isa ako sa tumulong sa proposal na iyon.
Binibini
Sabi mo noon sakin
Ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba
Hindi ka ba nalilito
Totoo na bang gusto ako
Wag ng labanan ang puso
Alam kong mahal mo na ko
Kung ganon halika na't wag lumayo
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako
Nakita kong may tumulo na luha sa mga mata niya, ngunit maagap na pinunasan niya ito ng likod ng mga palad niya. Nilingon niya ako at ngumiti sa akin. "Kanta ka."
"May problema ba?" Nag aalalang tanong ko. Umiling lang siya. Kumanta pa siya ng ilang kanta ng magdesisyon siyang umalis na kami. Akala ko ay uuwi na kami pero dumiretso kami sa park sa loob ng subdivision namin. Pareho lang kami ng subdivision na tinitirahan ni Vince, ngunit medyo malayo ang mga bahay namin sa isa't isa.
Umupo kami sa swing. Nakatingin lang ako sa langit habang inuugoy ang swing.
"Katniss, nainlove ka na ba?" Napalingon ako kay Vince sa tanong niyang iyon. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya at pinaglalaruan ang mga d**o gamit ang mga paa niya.
"Oo." maikling sagot ko.
"Kilala ko? Bakit hindi mo nasabi yata sa akin iyan. Hindi ko yata iyan alam." Akala ko ay titingin na siya sa akin, ngunit patuloy pa rin siya sa paglalaro ng mga d**o sa paanan niya.
"Hindi mo kilala. Hindi mo na din kailangan malaman. Hindi naman naging kami. NBSB nga di ba?" Kunyaring pagbibiro ko pero kinakabahan ako sa takbo ng mga tanong niya sa akin.
"I still love her, Kat. Tell me, how do i unlove her. I want to be happy. Nakakapagod na masaktan." Hindi pa din siya nag aangat ng tingin sa akin. "Kat, can you be my girlfriend?"