Chapter Fourteen

2165 Words
Isang linggo na ang nakalipas ng eksena ni Vince sa seaside. At isang linggo na din siyang nagpapadala ng bulaklak sa opisina ko. Okay lang sana kung isang bouquet lang ng bulaklak ang pinapadala nito. Ngunit hindi. Lagpas isang dosenang bungkos ng bulaklak ang pinapadala nito. Iba't ibang klase. Iba't ibang kulay. Kaya animo'y naging flower shop ang opisina ko sa dami ng bulaklak. "Ma'am Katniss." agaw ni Marie sa atensyon ko. "May delivery po ulit para sa inyo." napapakamot sa ulong anunsyo nito. "Don't tell me flowers na naman iyan?" tanong ko. "Hindi po ma'am." sagot nito. "O e ano?" tanong ko ulit. "Labas na lang po kayo ma'am. Para kayo na lang po ang makakita." aniya. Naiinis na tumayo ako. At sumunod sa kaniya palabas ng opisina. "Ano ba iyon? At hindi mo masabi sa akin?" nababagot na tanong ko. Ngunit bago pa sumagot si Marie ay tumambad na sa akin ang mga office staff ko na nagtatawanan at may mga hawak na isang maliit na box ng pizza at milktea. At ang may kagagawan ay busy sa pag aabot ng mga pagkain habang nakikipag biruan pa sa mga ito. "Mr. Vince Montecillo! What do you think your doing?" sigaw ko. Ano na naman 'tong pakulo mo! "Babe!" sigaw din nito na lalong kinainis ko. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Lumapit ito sa akin bitbit ang malaking box ng pizza at dalawang milktea. "Nagutom kasi ako. Kaya bumili ako ng pizza. Gusto kitang padalhan din sana kaso nagdecide ako na ako na lang magdedeliver sayo para sabay na din tayong kumain." pagpapaliwanag nito. "Pero buong opisina ko ang sinuhulan mo?" "Grabe ka naman sa sinuhulan. Napadami lang talaga ang bili ko." aniya. "At talagang eksakto kung gaano kadami ang staff ko no? Ano iyon hinulaan mo? Di ko alam kamag anak mo pala si Madam Auring." naiinis pa din na wika ko. "Fine! Tinawagan ko iyong sekretarya mo. Tinanong ko kung ilan lahat ng office staff mo dito. Kasama pati mga guards. Even iyong mga tao sa warehouse. Masama bang ilibre sila kung nagtratrabaho naman sila ng maayos para sayo?" aniya. Hinawakan ko ang sintido ko dahil parang biglang nanakit ang mga iyon. Tinaas ko ang mga kamay ko na parang sumusuko. Suko sa kakulitan ng isang 'to! Tsk. "Okay. Pero sana tinaon mo na lunch break di ba? Hindi iyong oras ng trabaho nila. Nagpapatakbo ka din ng kumpanya, Vince. Alam mo dapat iyan." "Naexcite kasi kong makita ka. One week din kita hindi nakita sa sobrang dami ng trabahong dapat kong unahin." aniya na ngiting ngiti pa. "Sorry babe." "Babe mong mukha mo." Tinalikuran ko siya at pinuntahan ang mga empleyado ko. "Kainin niyo na ang mga dinala ng baliw na iyon." sabay turo ko kay Vince. "Hindi masarap iyan kung lalamig at matutunaw ang yelo ng milktea. Enjoy your meal guys." "Thank you ma'am!" pasasalamat ng mga empleyado ko. Tinanguan ko lang sila at naglakad na pabalik sa opisina ko. "Thank you din po sir Vince." Nilagpasan ko lang si Vince at dire diretsong naglakad. "Babe, kain na tayo." habol niya sa akin. "Diyan ba ang office mo?" tanong niya ng nasa harap na kami ng pinto ng opisina ko. "Hindi doon." turo ko sa kabilang kwarto. "Dito kasi tayo papasok e 'no? Kaya doon ang office ko." sagot ko. Binuksan ko ang pinto at dire diretsong pumasok sa opisina ko. Umupo ako sa couch at isinandal ang katawan ko. "Ano pang inaantay mo diyan?" "Pwede bang pumasok?" tanong niya. "Hawak ko ba mga paa mo? Ihahakbang ko pa iyan para sayo." naiinis na turan ko. Pumasok ito at umupo sa tabi ko. Nilapag niya ang dala niyang pizza at milktea sa center table. Iniabot niya sa akin ang milktea. "Pangpatanggal ng init ng ulo." Kumuha ito ng isang slice ng pizza at sinubo iyon. "Bakit ba ang init ng ulo mo?" Humarap ako sa kaniya. At inirapan siya. Kumuha din ako ng slice ng pizza. At sinubo iyon. Tinanggal ko ang sandals ko at ipinatong ang mga paa ko sa table. "Ano ba kasing trip mo sa buhay? Una ginawa mong flower shop itong opisina ko sa dami ng bulaklak na pinapadala mo dito. Tapos ngayon pinakain mo ang buong opisina ko. For what?" "For you. Nanliligaw ako." aniya. "Wala akong maalala na pinayagan kitang manligaw. At wala akong maalalang nagsabi kang manliligaw ka. Paladesisyon ka?" "Kailangan pa ba iyon. Kung pwede ko namang iparamdam saiyo." aniya. "Engot! Bahala ka nga." naiinis na wika ko. Kumuha pa ako ng dalawang slice ng pizza at nilantakan ko ang mga iyon. Wala akong pakialam kung kain kargador ang ginagawa ko. Binuhat nito ang mga paa kong nakapatong sa table. At ipinatong niya sa mga hita niya. Nagulat ako sa tinuran niya ngunit hindi ko ipinahalata. Maingat niyang minasahe ang mga paa ko. "K-katniss?" tawag niya sa akin. Ngunit hindi ko siya pinansin at kinalikot ang cellphone ko. "H-huy Katniss." tawag niya ulit. Kinalabit niya pa ang mga binti ko. "K-katniss. Pansinin mo naman ako." "Ano ba iyon! Para kang bata diyan." "Liligawan kita ah." aniya. "Ano?'" tanong ko. Kunyari ay hindi ko narinig ang sinabi nito. "S-sabi ko liligawan kita." nauutal na wika nito. "Ang laki laki mong mama tapos magsasabi ka lang manliligaw ka uutal utal ka pa. Pag iisipan ko." "Bakit pag iisipan mo pa?" "Bakit nagmamadali ka? May taxi? Nakametro ka ba? Ikaw itong manliligaw ikaw pa itong atat." sagot ko. "Sa ganda mong iyan sinong hindi magmamadali. Malingat lang ako saglit ang dami ng pumuporma sa iyo. Mahirap ng maunahan." aniya. "Ang dami mong alam." saad ko. At tinaasan siya ng kilay. "Pumayag ka na kasi. Saka ka na magpakipot kapag sasagutin mo na ko." nakangiting turan niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagmasahe ng mga paa ko. Infairness sarap ng masahe! Balimbing lang girl? "Sige na Katnisss. Please?" ani Vince. "H-huy, sige na." pangungulit niya pa. "Oo na. Ang kulit!" Inalis ko ang mga paa ko na nakapatong sa mga hita nito. "Just please, no more flowers. Wala akong balak magbenta ng bulaklak." pakiusap ko sa kaniya. "Yes boss!" aniya na sumaludo pa. Tsk! Parang tanga. "Kung tapos kana kumain. Makakaalis ka na." wika ko at pumunta na sa table ko. "Pinapaalis mo na ako? Basted na agad ako?" aniya. Lumapit pa ito sa table ko at nangalumbaba sa table ko. Ang cute! "Wag kang OA. Magtatrabaho na ako kaya pinapaalis na kita. Makakaabala ka lang dito." turan ko sa kaniya. "Kinancel ko na mga appointments ko today. Kaya wala akong pupuntahan ngayon. Aantayin na lang kitang matapos sa mga gagawin mo. Tapos dinner tayo mamaya." aniya. "Vince, hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kung andito ka. Saka anong gagawin mo dito?" "Matutulog. Diyan sa couch." aniya. Hinubad nito ang coat nito. At nirolyo ang sleeves ng polo nito hanggang siko. "Gisingin mo na lang ako babe kapag tapos ka na sa mga gagawin mo." bilin niya. Tuluyan na itong nahiga sa couch at pinikit ang mga mata. Seryoso? Matutulog talaga siya. Tsk. Tsk. Hinayaan ko na siyang matulog. At nag umpisa na ako sa mga dapat kong pirmahan at basahin na mga papeles. Panaka naka ay sinisilip ko pa din ito kung tulog ba talaga ito. O kung maayos ba itong nakakatulog. Malaki kasi si Vince para sa couch. At kapag tumagilid siya ay siguradong malalaglag ito. Trip niya iyan e. Di pagbigyan. Lumipas ang ilang oras at naging busy na ako. Hindi ko napansin na lagpas alas tres na pala ng hapon. At hindi pa ako nakakapag lunch. Tiningnan ko si Vince na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Di ba nangangalay ang lalakng 'to! Parang hindi man lang siya kumilos simula kanina. Itinabi ko ang laptop ko at lumapit sa couch. Mukhang mahimbing ang tulog nito dahil hindi man lang nagising ng tapikin ko ang balikat nito. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para pitikin ang ilong nito. Ngunit nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko at bigla akong yakapin. Pilit kong inaalis ang mga braso ni Vince na nakapulupot sa bewang ko. Siguradong kapag may pumasok sa loob ng opisina ko ay iba ang iisipin sa posisyon naming dalawa. Nakadagan ba naman ako sa kaniya habang yakap yakap niya ako. Unti unti itong nagmulat ng mga mata. "Goodmorning babe." aniya. "Bitawan mo nga ako Vince. Sasapakin kita." banta ko. "Talaga? Pano?" nakangising sagot nito. At mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Pag may makakita satin dito. Patay ka sa akin." "Matagal na kong patay na patay sayo." "Kaya pala na brokenhearted ako noon." nakangising turan ko. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Sorry for that. But atleast now. Ikaw lang, wala ng iba." aniya. "Akala ko nasa langit lang ang mga anghel, bakit andito ka?" "Ang korny Vince. Todo na iyon?" asar ko dito. Binitawan ng isang braso nito ang pagkakayakap sa bewang ko. At bigla na lang ay hinawakan nito ang mukha ko. "Samapalin mo na lang ako pagkatapos." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Vince dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Dampi lang noong una. Ngunit lumalalim habang tumatagal. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tinutugunan ang mga halik niya. He was my first kiss. And I admit, matagal ko nang tinatanong sa sarili ko kung anong pakiramdam ang mahalikan ng isang Vince Montecillo. Kaya kahit pa paulit ulit kong sinasabi sa utak ko na mali ang magpahalik ako sa kaniya noong nasa seaside kami. Ay hindi ko kayang labanan ang bugso ng damdamin ko. Katulad na lang ngayon. Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Sa gulat ko ay bigla kong naitulak si Vince. At dahil nawalan siya ng balanse ay nalaglag ito sa couch kasama ako. Tumama ang siko ko sa lamesa kaya parang may dumaloy na kuryente doon. Tang*na! Sakit! "Katniss! Are you okay?" It was Aya. Nakita niya akong nakaupo sa sahig habang hawak hawak ang siko ko. Habang si Vince ay sapo sapo ang ulo nito. "Vince? Panong? Are you together?" nang uusig na tanong nito. "Yes." ani Vince "No." sagot ko. "Ano ba talaga?" tanong ulit ni Aya. Akmang sasagot ulit si Vince pero pinandilatan ko siya ng mata. At binantaan na wag ng magsalita. "We're not together okay? I mean magkasama kami ngayon. Pero hindi kami." paliwanag ko. Tumayo si Vince sa pagkakaupo sa sahig at inalalayan ako. Pareho kaming umupo sa couch. Habang si Aya ay nakatayo pa rin sa harapan namin. Interrogation te? saad ko sa isip ko. "E anong ginagawa niyo bago ako pumasok?" tanong ulit nito. "Wala." sagot ko. "Mamatay? Malugi man negosyo?" nakangising turan nito. "Ewan ko sayo! Humanap ka ng kausap mo." sagot ko. "So may nangyari nga?" aniya. Tumayo ako at bumalik sa lamesa ko. Lilingunin ko na sana ulit siya ng may biglang pumasok ulit sa opisina ko. "O pare. Andito ka pala. Pupuntahan ka na sana namin sa opisina mo e. Friday night, remember? Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ni Nathan kay Vince. "Gumagawa ng bata." ani Aya. Natampal ko ang noo ko at pinandilatan ko ito ng mata. Ngumiti lang si Nathan. Habang ang Vince ay mukhang tuwang tuwa pa sa tinatakbo ng utak ni Aya. Tuwang tuwa ah! Mamaya ka sakin. "Pwede ba Aya. Wala nga kaming ginagawa. Saka hello hindi na kami mga bata." "Kaya gumagawa na ng bata?" anito ulit. "Mindset mo talaga! Humanap ka ng kausap mo. Hoy Nathan! Ilayo mo na itong asawa mo dito. Isama mo na iyang bestfriend mo." "Babe, magdidinner tayo di ba?" ani Vince. Lalong lumaki ang pagkakangisi ni Aya sa narinig. And I'm dead. Babalatan talaga kita ng buhay mamaya Vince. "Now tell me bakit may pa babe?" ani Aya. "He's courting me, Okay? And kung bakit may babe tanong mo sa gunggong na iyan!" Lumapit si Nathan kay Vince. Mahinang sinuntok nito ang braso ni Vince. "Nakanaman! Lumalovelife kana 'pre." anito. "Ganoon talaga 'pre. Ang lagay ikaw lang ang lalagay sa tahimik. Syempre ako din." ani Vince sabay kindat pa sa akin. "E kung sakalin nalang kita ngayon. Para tatahimik ka talaga ng literal. Bet?" sabat ko. "Okay lang. Ikaw naman ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Willing na willing ako." ani Vince. Baliw talaga! "Kung ano man iyang tinitira mo. Tigil tigilan mo na! Nababaliw kana." wika ko. "Halik mo lang naman ang kinababaliwan ko e. At wala akong balak tigilan iyon. Never." "Vince!!!!!" sigaw ko sa kaniya. Sa sinabi nito ay kinunpirma lang niya ang iniisip ni Aya na ginagawa namin kanina. Tinatawanan lang kami ni Aya at Nathan. Para silang nanonood ng palabas at kaming dalawa ni Vince ang bidang artista. Habang ako ay pulang pula sa inis at sa hiya. Ang lalaking ito naman ay ngiting ngiti pa. Lord! Ano bang sumapi sa lalaking 'to? Alam kong maloko na si Vince noong mag bestfriend pa lang kami. Pero sumobra ata ngayon. Tsk. Tsk. "Love you babe." ani Vince. "Binabasted na kita." nakangising tugon ko. "Babe!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD