05

1815 Words
HINDI NIYA ALAM KUNG anong dapat niyang maramdaman dahil sa ginawang pagsagip ng lalaking iyon sa kaniya. Naramdaman niyang may palapit na bagay sa kaniyang likuran at sinadya niyang hindi ito iwasan. Inis siyang natawa. Nagkaroon pa siya ng utang na loob sa lalaking sagabal na pinaplano niya na sanang itumba. Hindi siya Pilipino, pero dahil sa maagang pag-aaral ng kultura ng mga ito ay naisabuhay niya ang mga bagay na gaya niyon: ang utang na loob. "Kuso," mahina lang ang pagsambit niya niyon sa wikang Nihonggo. It was just that this boy was a hindrance. Kung nasaksak sana siya at magiging malalim ang sugat, baka ipadala siya sa labas para mapa-hospital at doon na sana siya kukuha ng tiyempo para tumakas. Hindi bukas ang lagusan, hindi pa hangga't patuloy ang klase. Dahil hanggang ngayon, iniisip niya pa ring nagsumbong ang lalaking palaka na ito. Yes, that night this boy offered to help her. Pero magtitiwala ba siya? Of course not. She's not useless, kaya niyang mag-isa. Hindi niya kailangan ng tulong ng iba. She's born and trained to stand on her own feet. She doesn't need anyone's help, kusang-loob man na inalok o hindi. Shinjimae? Gusto niyang matawa. Iyon ay isang salitang Nihonggo. Go to hell, that's what that boy just said to Caroline. So, does he know how to speak Japanese? Hindi niya na ba ito mamumura gamit ang sariling lengguwahe? "Why are you still watching? Bring her to the officials!" the nuisance said with authority. Maging siya, napansin ang paninigas ng mga ranggo. Halata ang gulat at kaba sa bawat asta ng mga ito. Muling dumapo ang paningin niya sa unang ranggo. He's not his usual self. Parang may iba, hindi niya iyon mahinuha. "And who do you think you are to order the ranks, you asshole?" Samantalang, hindi pa rin nagpatalo ang Caroline na iyon. Nakita niya agad ang ginawang pagtingin ng ikaapat na ranggo na si Juszine sa unang ranggo. Tumango lang ito, mukhang nagbigay ng permiso. Ang alam ni Xionne, hindi dapat maging sunud-sunuran ang mga ranggo, pero agad na kumilos ang mga ito. "Get her," anang ikaapat na ranggong si Juszine na matapos iyon sabihin ay agad na lumabas ng silid. Kanina niya pa napapansin na dismayado ito sa tatlong ranggo na naunang dumating pero hindi sila inawat, kundi pinanood lamang. Mabilis namang sumunod ang iba pang ranggo, ang ika-pitong si Nyttea, ang ika-walong si Hazethe, at ika-sampu na si Laxy. Ganoon niya kadaling nakabisado ang mga pangalan nito dahil noong unang araw, badge lang ang ginawa niyang basehan. Sa kabila niyon, hindi pa rin niya nililingon ang nagaganap sa likuran dahil hanggang ngayon, nasa unang ranggo ang paningin niya na nanonood sa nangyayari. "This is your fault, Miss! You'll be going to pay for this!" pahabol pang sigaw ni Caroline nang tangayin ito ng mga ranggo palabas ng silid. Tamad niya itong tiningnan hanggang sa mawala na nang tuluyan sa paningin niya. Gusto niyang mapailing. Ganito ba talaga ang ugali ng mga estudyante rito? Hindi na nga marunong makuntento, ang sarili kasalanan ay isisisi pa sa iba kapag nagkamali ang resulta ng sariling desisyon. "Are you alright?" Mula sa harapan niya ay naroon ang isang ranggo. Hindi ito pamilyar sa kaniya. Who is this trying-to-be-cool rank? Tinitigan niya lang ang ranggo, ngunit nabigla siya nang hawakan pa nito ang magkabila niyang balikat na para talagang nag-aalala. She's not used to physical touch, a gentle touch. Pervert. Inis siyang tumingin sa gilid. Balak niya na sanang alisin ang kamay ng ranggong iyon, pero naunahan na siya ng salita ng ikatlong ranggo. "Quorr! Let's go!" Nanatili ang paningin sa kaniya ng ranggong kaharap niya na ayaw pa rin siyang bitawan. If only she wasn't that lazy to break this boy's arms, she would gladly do it, because she's feeling uncomfortable right now. Dumapo ang paningin niya sa badge nito. "The second rank, huh?" bulong niya sa kaniyang isipan. He hasn't seen this rank on her first day. Why just now? Muli niyang binalak na alisin ang pagpatong ng mga palad nito sa kaniyang balikat, pero kusang nahulog sa ere ang mga palad nito nang hilain siya ng kung sino. Hindi niya pa man nakikita, sigurado na siya na ang lalaking palaka ang humila sa kaniya. Matangkad ito kaya ang dibdib nito ang naramdaman niya sa likod ng kaniyang ulo nang panandalian silang magdikit dahil sa puwersa ng ginawa nitong paghila sa kaniya. At kahit hindi niya man aminin, nakaramdam siya nang kaunting kaba. Nagpalitan ng paningin ang dalawang lalaki. Samantalang, nanatili siyang hindi interesado. "Are we on a romantic drama or what" sarkastiko niya iyong sinabi sa kaniyang isip. Wala siyang panahon para sa ganito. "I have some business matters to discuss with her. You already shown your concern as the second rank so now, leave us alone." Business matter? Ano ang dapat nilang pag-usapan? She doesn't have an idea how many times she has said to herself that this boy irritates her. Umawang ang labi ng ikalawang ranggo. Pasimple pa itong umubo bago muling bumaling sa kaniya. So, she doesn't have any choice but to look at the man with laziness. "Please, be sure to be careful next time," he sweetly said. He sounds concerned and she doesn't know why. It gives her creeps, even though she knows that the second rank is genuine in his feelings. Matapos ay naglaho na ito. Ang una at ikatlong ranggo naman, lumabas na ng pintuan na nararamdaman niyang may iba nang iniisip habang nanonood sa kanila kanina. Because what happened was just so cheesy. Kahit ayaw niya, nilingon niya ang lalaking palaka. Nakahawak pa rin pala ito sa mga braso niya, kaya binawi niya agad ang kaniyang mga braso. Umawang ang labi niya nang muli nitong ipulupot ang kanang kamay sa braso niya. "What do you need?" tinatamad niyang itinanong. "Good thing, you're interested now. I thought I needed to punch you first before you showed me your interest." Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya. Gusto na ba nitong mamatay? "Shut up," ani Xionne. "See? Alam ko nang 'yan ang sasabihin mo. Kahit sino yata, papatulan mo." "I already asked you, what do you want? You're wasting my time." "I already said earlier, I have something to discuss with you." This man is importunate. "Fine, just don't touch me." Dinala siya ng lalaki sa rooftop ng university. Hindi man lang nito sinuri ang paligid para makita kung may tao dahil mukhang kampante. Sabi nito, pribadong bagay raw ang pag-uusapan nila. "Make it fast." Inip siyang nauna sa paglalakad papunta sa pasamano ng rooftop at tinanaw ang mga nasa ibaba. "You really don't know how to say thank you?" "I never asked for your help. You did it willingly," she straight-forwardly said. "Seriously?" Tila hindi ito makapaniwala sa kawalan niya ng pasasalamat. Nagtagal sila roon nang ilang minuto habang magkatabi sila at parehas na tinatanaw ang field. Nakakalat ang mga estudyante, ngunit dahil nasa mataas na palapag ay hindi sila nakikita ng mga ito. "I didn't tell them that you tried to kill our first rank." Nagulat siya. Marahan niyang nilingon ang lalaki. He didn't? But why? Gustuhin niya mang tanungin kung bakit ay natahimik na lang siya, dahil alam niyang may sasabihin pa ito. "You're afraid to do it, aren't you?" "Excuse me?" Walang reaksiyon ang kaniyang mukha pero halata sa tono ng kaniyang pananalita ang inis. "I decided to join you." "Bakayarou—" "I find you interesting, X. So, I want to know you more." "Tanga ka nga." Ito ang unang beses niyang magmura gamit ang wikang Tagalog. Hindi niya alam kung tama ba ang pagbigkas niya, pero dahil sa gulat sa mga sinasabi ng lalaki ay hindi niya na ito inalintana. "The reason you have? It's childish." Aalis na sana siya, pero muli niyang naramdaman ang kamay ng lalaki na nakapulupot sa palapulsuhan niya. "Are you trying me?" Kinabahan siya, iyon kasi ang tonong gamit ng lalaki kanina nang utusan niya ang mga ranggo. Hindi siya nagsalita bagkus ay inalis ang kamay ng lalaki. "I know you have this important mission. If you fail, a life would be at risk." Nanlaki ang mga mata niya at daglian niyang nilingon ang lalaking iyon. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na kaniyang naramdaman. "Who are you?" She tried her best to not stutter. Nginisian lang siya nito. "What now, Xionne Ishihara? Are you just going to let me choose what to do rather than you to atleast save your luck?" Tumalim ang titig niya sa lalaki. Namalayan niya na lamang na nagpakawala na siya ng suntok, pero agad nitong nasalo ang kamao niya. Malakas ito na hindi niya nagawang patamaan man lang ang mukha nito dahil hawak na nito ang kanan niyang kamay. Muli niyang sinubukan na patamaan ito gamit ang kaniyang kaliwang kamao, pero muli nitong nasalo iyon gamit ang walang hawak nitong kamay. How can he be this fast? Nanginig ang parehas niyang kamao habang binubuhos ang lakas para makawala, pero hindi niya magawa. Tila napakadali lamang para rito ang hilain siya gamit ang pagkulong sa mga kamao niya para magkalapit sila. Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't isa pero hindi niya binali ang tinginan nila. This boy is giving her the feeling of being threatened effortlessly. Ngumisi ito, titig na titig sa kaniyang mga mata nang walang takot, panghuhusga, ngunit naroon ang pakiramdam na tila kayang-kaya nito siyang kontrolin. "I wonder why are you distant from everyone, is it because I was right? Are you being monitored?" Ang matalim niyang titig sa lalaki ay biglaang napalitan ng kaba. Pinilit niyang lumayo. Gusto niyang tumakas, pero mas hinila lang siya nito palapit. "You're already tamed, or is it not enough—" "What do you need, you chikusou?!" nagmura na siya sa inis. "Enough with the swears, Ishihara. I know everything about you, like why you can't escape from me right now even though I let go of you... because you don't have the ability!" Nilapit nito ang labi sa kaniyang tainga. "You are not peculiar in the body." Nanginig ang kalamnan niya. Sino ang lalaking ito? Paano nito nalaman ang lahat ng iyon? She taught everything about her is secure. Hindi siya makapagsalita. Nilamon siya ng takot, kaba, at kilabot. Kung anu-anong mga isipin ang pumasok sa kaniyang utak. Hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan. It seems like she's frozen. Marahan siya nitong binitawan, pero hindi pa rin siya nakagalaw. "You'll be safe, just let me do what I want to. if you want to take revenge, I will let you and I will help you, but that doesn't mean I am with you. It doesn't mean I consider it right." Matapos iyong sabihin ng lalaking palaka, naglaho na ito sa harapan niya. Habang siya, hindi pa rin makapaniwala sa lahat. This boy could ruin her—and she doesn't think she has the choice to defy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD