DAPAT AY KAMPANTE NA SIYA dahil kinumpirma na ng lalaking hindi ito magsusumbong, pero binabahala siya ng kaisipang may alam ang lalaki sa kaniya. Hindi niya alam kung hanggang saan ang nalalaman nito, pero kailangan niya pa ring mag-ingat. Wala siyang dapat na pagkatiwalaan.
Marahan niyang isinara ang kaniyang locker matapos kunin ang damit na susuotin para sa taekwando. Biyernes ngayon kaya naman ang mga itinuro nang mga nakaraang araw para sa taekwando ay ngayon aktwal na isasagawa.
As if she still need to know that. Matagal na niyang alam ang mga bagay na iyon. Hindi na bago para sa kaniya. Napag-aralan niya na. She could even say confidently that what the instructors taught last day were just the basics, kumapara sa alam niya na ngayon.
Isinandal niyang ang kaniyang noo sa pinto ng locker. Kulang siya sa tulog kakaisip sa mga sinabi ng lalaking palaka na iyon.
Impit siyang napaingit nang umalog ang locker sa pamamagitan ng hampas at tumalbog ang ulo niya roon. Mabuti na lang at hindi nadamay ang kaniyang salamin sa mata. She would be dead if they find out that she broke her glasses.
Mabagal niyang nilingon ang may gawa niyon.
"Oh, sorry. I didn't mean to!"
Here they are again.
It was Blan, the long-haired mascular boy. Sa kaliwa niya naman ay nandoon si Blue, nakasandal sa locker paharap sa kaniya.
Naramdaman niyang magkukumpulan na naman ang mga estudyante para panoorin sila. Manghang-mangha sa pagiging isip-bata ng dalawang iyon.
Lumandas ang kaniyang kamay pababa, paalis sa katawan ng mga locker. She turned her back and throw a kick.
Malakas iyon. Halos mayupi ang manipis na materyal ng bakal na ginamit para sa locker.
Natahimik ang mga nagbubulungan dahil sa kaniyang ginawa.
"Is that all?" Mayabang iyong sinabi ni Blan sa kaniya. Inalis nito ang kamay at hinarap siya, lumapit.
Maging si Blue ay umalis sa pagkakasandal sa locker para lang kutyain siya.
"Really useless?" Tinignan nito si Blan, para pagkaisahan siya.
Nanatiling blangko ang mukha niya habang nagbibilang ng segundo. These stupid kids.
Sa wakas ay narinig niya na ang langitngit.
"Oh my God!"
"Move away, idiots!"
Bumalatay ang gulat sa mukha ng duo. Matapos ay halos sabay na tinignan ang locker na babagsak na sa kanila.
Daglian nila itong sinalo.
She knew, hindi tuluyang mababagsakan ang dalawa ng locker kahit pa gustuhin niya. Blan is a peculiar in body. She just wants to show them that she's not just an easy prey.
Dahil balanse ang sipa niya, alam niyang ilang segundo lang ay tutumba iyon.
Tumalikod siya sa dalawang iyon para makapunta na sa comfort room at maka-pagbihis. Male-late na siya sa hall, malayo pa kung lalakarin. If only she could teleport. Sa oras na ma-late siya, paparusahan siya.
Bago pa man siya makaliko ng daan ay narinig niya pa ang nahihirapang sigaw ni Blan. "You b***h! I'm going to kill you!"
Natawa siya sa kaniyang isip. "Sorry scumbags, but I don't have time to make a fuss with you."
Araw-araw, may humaharang sa kaniya. They were all asking for the same thing, a duel with her. Now she understands why. They think she's strong. Yes, she is. But she have limitations unlike the real peculiars in body.
The students in this university were hungry for victory, for the limelight, for the fame that might brought them to the top.
Bakit hindi na lang nila galingan sa klase kung ganoon?
Hindi niya namalayan ang oras habang nagpapalit siya ng damit. Nang lumabas siya ng pinto ng banyo ay biglaang tumunog ang bell, hudyat na huli na siya.
"Kuso!" Napamura siya.
She ran as fast as she could. Good thing, she's also trained in running. Mabuti na lang rin at wala gaanong nakaharang sa daan.
Matiwasay siyang nakarating sa hall, pero ganoon pa rin, huli pa rin siya.
Kahit na malayo ang kaniyang tinakbo ay hindi siya hiningal. Maayos pa rin ang kaniyang tindig, kalmado, pero bakit ganoon pa rin kung makatingin ang mga estudyanteng iyon sa kaniya?
"I know you have reasons for being late. But, late is a never for me." Pamilyar ang boses na iyon.
Tinignan niya ang guro nila na si Mr. Concepcion, nakayuko ito.
Now she have the lead about the person at her back.
The owner of that voice were now at her front. Teleportation.
The fourth rank. Juszine. "You're banned for the actual task as of now."
Blangko pa rin ang mukha niya. Hindi niya alam kung paano siya maglalabas ng reaksiyon. This is bit a big deal, sigurado siyang ang gagawin nila ngayon ay alam niya na. But the punishment really bothers her. Paano kung ang parusang iyon ay para lang sa mga peculiar in body? Para lang sa mga kakayanin iyon?
"What's my punishment?" Walang kagatol-gatol niya iyong itinanong.
Silence.
Napuno ng ingay ang hall galing sa mga estudyanteng nagtawanan.
Inilibot niya ang kaniyang paningin. Hindi lang pala ang ikaapat na ranggo ang narito. Mula sa harap ng limang pila ng mga estudyante ay nandoon pa ang apat na ranggo; ang ikalimang si Ruhence, ikawalong si Laxy, ikalawang si Quuor at ang unang ranggo.
Muling napako ang paningin niya sa unang ranggo.
Hindi rin naman nito inalintana ang pagtitig niya. Nakaawang lang ang labi nito habang nakatingin rin sa kaniya. Bagama't ayaw niyang alisin ang mata rito para mabantayan ng maayos ay ibinalik niya pa rin ang paningin sa ikaapat na ranggo.
Mangha itong nakatingin sa kaniya. "Are you really asking for a punishment?"
Nagtawanan ang mga estudyanteng nandoon.
Tinignan sila ng masama ni Juszine at sinaway ni Mr. Concepcion. "Quiet!"
Nabigla siya. Does it mean wala sana siyang parusa? If only she's that kind of person who takes back what she says.
"Juszine, hayaan na natin." Biglaang sumulpot si Quuor sa tabi ng ikaapat na ranggo.
She feels uneasy once again. Sandali niyang tinignan si Quuor bago ibalik ang paningin kay Juszine. "I accept whatever punishment you impose to me."
Muling nagtawanan ang mga estudyante. Naulit ang pagsaway ni Mr. Concepcion sa mga ito.
Bago niya tanggapin ang parusa ay tinignan niya muna ng masama ang unang ranggo. Palagi itong ngimi at walang gawa sa lahat, ayon sa naoobserbahan niya.
Pagod na pagod na siya, pero wala sa bokabularyo niya ang pagsuko. Madilim na ang gabi at nakaka apatnapung ikot pa lang siya sa palibot ng unibersidad. Masyadong malawak ang labas ng unibersidad kaya naman inaabot siya ng gabi.
"You don't have a shock emotion too?" Lumitaw sa harapan niya ang lalaking palaka.
Sandali lang siyang huminto at muling tumakbo para tapusin ang natitira pang sampu. Pero muli na naman itong sumulpot sa mismong harap niya at kung hindi kaagad siya huminto ay magkakabanggaan sila.
"You know you can stop already. No one will know."
"I'm not asking for your opinion. Masyado kang makulit."
Hinawi niya ito at muling tumakbo. Sinabayan siya nito sa pagtakbo. Inis niya iyong nilingon at mas binilisan para hindi siya nito maabutan. Bakayarou. She forgot that this guy is a peculiar in body
"I like the accent. Kawaii." Hindi iyon nagtunog papuri, para sa kaniya iniinsulto siya nito.
She impatiently stopped. "What do you need?"
Huminto rin ang lalaki. "Na-uh." Iwinagayway nito ang daliri sa kaniyang harapan. "You're the one who needs me, remember?"
She don't hell'a need him. But, yeah. They already talked about this at the rooftop. One wrong word that she might say and she's over.
"I just want to say that..."
Hinintay niya ang sasabihin nito. Bahagya siyang naging interesado 'cause the boy's playful smile vanished, it turned into a serious face.
"If you really want to make a revenge, do it slowly."
"Slowly? I don't have much time left." Nagtitimpi niya iyong sinabi. Alam niyang kapag sinabi nito, iyon ang masusunod. They have this agreement.
"Hindi mo siya puwedeng patayin kaagad, Xionne." Bahagya siyang natigilan nang banggitin nito ang buo niyang pangalan. "Mabilis kang maituturo na suspect. But, if you asked for a duel with him wala ng rason para ituro ka. Dahil sa eskwelahan na ito, kapag may nanalo na tapos na ang lahat - but if only patas ang naging laban."
"You're fooling me. Every student I fought with still threatens me."
"That's because you didn't fight 'til your hearts content. You always limit yourself. The fight between you and Shasha, the duo Blue and Blan and the latest Caroline all remained unfinished 'cause the ranks weaned you."
"And? If I fight the saiko ranku do you think no one will stop us? Bakayarou?"
"No one can stop Ashton... when he's mad."
"So are you saying that I should make him mad first? Is that too laborious?"
"It is..."
Okay, she feels enlighten now. She sees hope now. But, it takes too much waste of time.
"And how can I make him mad?" She can't think of any. She really doesn't know the first rank that much. That rank is too passive.
Tumingala ang lalaking iyon sa building ng university. "See that?" Itinuro nito ang ikalawang palapag kung saan bukas ang ilaw sa pinakahuling silid sa kaliwa.
Tumango siya at pinakinggan nang mabuti ang sinabi ng lalaki.
PUMASOK SI ASHTON SA LOOB ng bakanteng silid kung saan niya naririnig ang melodiyang nililikha ng violin. Natanaw niya na kaagad sa gitna ang ranggong tumutugtog niyon.
Nakatayo ito sa harap ng piano.
Inilibot niya ang kaniyang paningin. Ipinaayos na nga pala ang kwartong ito para magkaroon ng puwesto ang mga instrumento nilang mga ranggo. Nagmistula itong music room.
The wall has a wood accent, may mga halaman sa paligid, some were hanging plants. The dim light in the room gives sophisticated vibe. Very calming in the eyes.
Pero ang tunog ng violin ay marahas. The sound feels like it's coming from a curious and impatient person, that happened to be the third rank.
Natigil ito sa pagtugtog. Ibinaba ang violin mula sa pagkakaipit sa leeg at balikat. Yrrana is not in her mood right now.
"Anything you need?" Kalmado ang boses nito, gaya ng dati.
"I hear you playing, so I barge in."
"And? How was it?"
Pinagdikit ni Ashton ang kaniyang labi. "Good..." Tuluyan na siyang pumasok sa loob.
Tinalikuran siya ni Yrrana. Ibinalik sa lalagyan ang instrumento at muling idinisplay sa malaking babasaging kabinet kasama na ang mga wind instruments.
Namangha si Ashton. Damn his obsessions with cabinets.
"Walang nagbago. Hindi pa rin ako kasing galing niya."
Umawang ang labi ni Ashton. Magsisimula na naman sigurong magkuwento si Yrrana tungkol sa matindi niyang kakompetensiya sa larangang iyon. Sa pagtugtog ng violin.
"Maybe if you play a little calm?" Yrrana's personality is really calm and easy-going. So he always wonder why when in comes to playing that instrument her personality changes.
"I tried. I still can't. Hindi ko alam kung paano ko iyon matututunan."
The hopelessness is really evident on the half of her face. He is also a peculiar in sight. Kung gugustuhin niyang makita nang buo ang mukha ni Yrrana, sana matagal niya ng ginawa. Pero, hindi puwede. May batas na sinumpaan ang mga estudyante at kabilang na silang mga ranggo doon.
"Caroline said that X is not from the Philippines. May mga Japanese na naka base at nag-aaral dito, but when I asked Caroline hindi raw talaga taga-rito si X. Where do you think she came from? Paano siya natanggap?"
So, it is X again. Yrrana even waste time to ask Caroline.
Matapos niya makipagusap kay Yrrana ay napagpasiyahan niyang puntahan ang kaniyang pribadong lugar sa ikalawang palapag ng unibersidad para bisitahin ang kaniyang cabinet. He wants to open some of the gifts - not all of course.
Bubuksan niya pa lamang ang pinto niyon ay tumambad na kaagad sa kaniya ang magulong kwarto.
His cabinet. The gifts.
The gifts were scattered everywhere. Bukas na lahat, gula-gulanit at sira-sira.
Kalmado niyang pinasok ang kuwarto. Nilapitan niya ang kaniyang kabinet nang matanaw ang naka-ukit na mga letra sa loob niyon, sa may parteng kahoy.
"Have a duel with me, and I'll stop destroying your precious things." Mahina niyang binasa iyon.
Unti-unti siyang napangisi.
To be continued. .