HINDI NIYA NAPANSING MAAGA pala siyang nagising at nakapaghanda para pumasok. Matapos niyang ikandado ang pinto ng kaniyang unit ay tinahak niya na ang daan papuntang university. Nakakaramdam siya ng pananabik.
Magagalit na ba ang saiko ranku? Lalabanan na ba siya nito? Matapos ba niyon ay maaari niya ng gawin ang kaniyang misyon?
Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa bulwagan ng unang palapag ng gusali ay sumalubong na sa kaniya ang grupo ng mga babae.
Naguguluhan siya.
What the hell is happening?
Bagama't kinabahan ay pinanatili niyang kalmado ang sarili.
The girls were too furious and mad. Alam niyang sa oras na tuluyan na siyang malapitan ng mga ito ay masasaktan siya, pero bakit kailangan siyang sugudin? Anong ginawa niya? Ni wala siyang matandaan na nakasalamuha niya ang mga ito.
Hindi siya humakbang para tumakas. Hinayaan niyang makalapit nang tuluyan ang mga iyon.
May humatak kaagad sa braso niya. Kung hindi niya lamang suot ang coat ng uniporme ay paniguradong susugat ang kuko ng babaeng iyon sa kaniyang balat.
This early, nag-aabang na kaagad ang mga babaeng ito para sa kaniya?
Gusto niyang kumawala, pero inukupa ng pagkalito ang kaniyang isip.
Mayamaya pa'y dalawa na ang may hawak sa kaniya. Sa harapan niya ay naroon ang babaeng magkakrus ang braso. She look so stuck-up and proud.
The girl pushed her hair aside. Preparing for a loud and high-pitched yell.
"How dare you to destroy our gifts?! Ni hindi pa 'yon nabubuksan ng unang ranggo! You brainless cheap girl!"
Gusto niyang matawa sa kaniyang isip. Kuso. She's definitely fooled by that boy. Yes. Sinunod niya ang sinabi ng lalaki kagabi, but this is not what she's expecting! She's not expecting a bunch of mad admirers! Ang unang ranggo ang dapat niyang kaharap ngayon!
"How the hell did they know that it's me," natatawa niya iyong nasabi sa sarili.
"I heard you, b***h! There were CCTVs in the first rank's private room!" anang babaeng nakikipagkumpulan sa may bandang kaliwa. A peculiar in hearing, huh.
Guess she's an idiot. Sa sobrang pagkasabik niya hindi niya man lang naisip iyon. Tila walang silbi ang pageensayong ginawa niya, dahil ang simpleng bagay na iyon, nakalimutan niya pa.
"And you're asking for a duel? Are you really that desperate to die?" Hinila ng babaeng unang nagsalita ang kaniyang kurbata.
Nasasakal siya.
Bagama't naiinis, mas pinili niya pa ring magtimpi.
"Do you think the highest rank would fight a small fish like you? Dream on. Hindi magpapakababa ang saiko ranku para lamang labanan ang katulad mo. Maybe you forgot that you're useless?"
Nagtawanan ang mga ito.
Nagmistula siyang baril na kinalabit ang gatilyo. "Put your hands away from me."
"Huh? Are you saying something?" Nang-iinsulto pa itong tumawa.
Fine. Kapag siya ang unang sumugod, maaaring ma-suspend siya o maparusahan. People who have low boiling points are a real idiots. Hindi siya dapat na mag-init ngayon.
Sa halip na sugudin ang babaeng nangunguna sa lahat ay minabuti niya na lang na bawiin ang kaniyang kamay na madalian niyang nagawa.
She needs to find that boy.
KABADONG PINAGMASDAN NI IAN ang unti-unting paglilinis ng mga tauhan sa pribadong silid ng unang ranggo. Wala man lang miski isang itinira si X. Nitong umaga lang nila nalaman na ang bagong iyon ang may pakana ng lahat.
Hinahamon nito ng laban ang unang ranggo. Bagay na mahirap paniwalaan. Mukha itong walang interes sa anumang bagay, kahit ang mga estudyante na rito ang nag-aalok, pero bakit pagdating sa unang ranggo ay determinado ito. Kung ganoon, anong pakay ni X?
Lalabanan nito ang pinaka mataas na ranggo para itanghal na malakas? Ganoon ba kalakas ang loob ng babaeng iyon?
"What's your plan?" Nilapitan niya ang unang ranggo na tahimik na nakaupo sa mahaba nito sofa.
Seryoso itong nakatanaw sa malaking bintana.
Dahil nasa ikalawang palapag sila, madali lang makita ang kumpulan ng mga babae sa ibaba, ilang metro ang layo mula sa bulwagan papasok sa gusali.
Heck. He saw X. Pinagkakaisahan ito ng mga babae.
"Ash-"
"Let her suffer."
"Pero, baka magkagulo. This would affect your records as the first rank and surely the Highest Yomashi-"
"She destroyed my cabinet."
Napabuntong hininga siya. Hinihiling na sana hindi magkagulo. Pareparehas silang madadamay. Sana man lang ay may isa sa kanilang ranggo na pumigil kung magkakagulo man.
Thank God. Nakahinga siya nang maluwag nang umalis si X at hindi na ito muling hinabol ng mga babae.
Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at tinahak ang daan pababa para makasalubong si X na nakita niyang pumasok na sa loob ng gusali. Nang makita niya ito ay daglian siyang humarang.
"Wait!" He called for her attention.
Gusto niyang mapahiya nang parang wala lang siyang tinignan nito. Huminto lang ito sandali. Hindi niya alam pero kinabahan siya. Bubuka pa lamang ang bibig niya ay nilagpasan na siya nito. Tila naulit ang senaryo noong unang araw ng pasukan.
"I am a rank! How dare you to ignore me?!" Hinabol niya ito ng tingin.
Huminto ito mula sa paglalakad bagama't hindi pa rin pinipihit ang katawan paharap sa kaniya.
"Haven't you read the rules?!" Nasapo ni Ian ang kaniyang sentido. "You disobeyed a rule!"
Umere ang ilang segundong katahimikan bago niya pa marinig ang boses nito.
"Punish me then," she coldly said.
Matapos ay naglakad na naman ito palayo. Mukhang may hinahanap.
Wala siyang nagawa kundi ang habulin ito. Hinila niya ito sa pala-pulsuhan dahilan kaya muli itong natigilan.
Galit ang mga mata nito. Bigla siyang nakaramdam nang kakaibang kaba.
Nakakapagtaka. Hindi ba't dapat ay natatakot na ito sa maaaring mangyari rito sa mga oras na ito?
"Bawiin mo ang hamon mo para sa unang ranggo. Ask for forgiveness-"
Tipid itong natawa nang sarkastiko. "Bakayarou?"
"What?!" Hindi niya naintindihan ang sinabi nito, pero may hinala siyang nakakainsulto ang ibig sabihin niyon.m sa tipid na ngisi pa lang nito at sa tono ng pagkakasabi.
Marahas nitong binawi ang kamay mula sa kaniya. "I thought asking for a duel is common in here." Sarkastiko ang pagkakasabi nito sa kaniya.
"But why asking a rank? Unang ranggo, Miss. That's given, siya na ang pinakamataas. Siya na ang pinakamagaling. You think asking for a duel with him will change and soar up your rank?"
"Are you insulting me?"
Bahagya siyang nagulat. No, Ian Chen. Don't be harsh with ladies, a'right?
"No. What I'm saying is.." wala siyang maisip na maidugtong.
"You're just wasting my time. I'm not sorry, so I won't ask for his forgiveness and I'm serious for challenging him."
Wala siyang magawa kundi ang tuluyan na itong panoorin maglakad palayo. She's brave, she's serious about everything. Maybe Paiver is right. She is someone you shouldn't troubled with. Who really are you, X?
NGUMISI SI YRRANA NANG makita ang unang ranggo sa pribadong silid nito. Maayos na ang lahat wala na ang kalat na mga nasirang regalo. Binuksan niya ang doubled-door cabinet. Wala ng laman.
She's very interesting.
"You're not going to do anything?" Nilapitan niya ang unang ranggo na nakaupo sa sofa. Ngayon ay tinitingala siya nito.
Wala pa rin itong imik.
"Hindi puwedeng hindi mo siya parusahan. Paano ang titulo mo? It won't do good for your image."
Bahagyang gumalaw ang ulo nito, pero hindi pa rin tumitingin sa kaniya.
"Why don't you have a duel with her-"
Ashton immediately cut her with his stare. Hindi niya naman intensiyon na insultuhin si Ashton. Sadya lang na, "I just want to know if she can handle ranks." Nakanguso niyang iniwasan ang tingin ni Ashton. "Oh come on! Hindi ibig sabihin, ikaw lang ang tinanong ko. I also convince the other ranks, but they refused."
Sino ba naman ang papayag? Para sa kanila, ang paglaban sa nakakababa sa kanila ay isang insulto sa kanilang imahe.
"Malakas naman ako sa'yo e, kaya akala ko.."
"Why do you have to be this childish, Yrrana? This is so not you." Pumasok si Laxy sa silid. "If you really are curious, then bakit hindi ikaw ang lumaban kay X?"
Damn. She hates Laxy's red hair so much. Well, ofcourse. Bakit niya lalabanan si X? Bukod sa kasiraan iyon sa reputasiyon niya, may iba rin siyang pakiramdam dito. She can't even look at her straight in the eyes.
"Whatever."
"We need to go to the office of the officials. It's about the acquaintance party."
MATAPOS ANG ILANG minutong pagsuyod sa buong unibersidad, natagpuan na rin ni X ang kaniyang hinahanap. Mas nabubura ang natitirang emosiyon sa kaniyang mukha habang nakikita niya ang nakakalokong itsura nito.
He's in a vacant room. Mukhang hindi ginagamit. Abandonado.
"Tell me. What you are really up to? You promised that you'll going to help me. Now, what is this?" She's really angry right now.
"Nande? I never promised to help you." Maangmaangan pa nitong sinabi.
"Are you playing with me-"
"Chill. Mas lalo mo 'kong inaakit, e."
Can she vomit right now? This man is so disgusting. p*****t, indeed.
"I never said 'promise'. Sinabi ko lang. Itama natin, okay? I think promise is much deeper."
Nauubos na ang pasensiya niya. "This is it. I'm done with this."
She had enough. Niloloko lang siya ng lalaking ito. Napilitan lang siya. Noong una pa lang talaga dapat hindi na siya nagtiwala. Maybe it's his way to get rid of her, which is very lame.
She turned her back, preparing to leave, but then the boy spoke.
"Will you be my date?"
Natigilan siya. Natatawang napasinghal. Maybe girls would get crazy when they're asked by someone as handsome as him.
Inaamin niya, guwapo ang lalaking ito, pero hindi niya tipo.
Imbis na sagutin at lingunin ay nagpatuloy siya sa paglakad palabas ng pinto. Hindi pa man tuluyang nakakatapak sa linya na naghihiwalay sa silid at hallway, natigil na siya nang may muntik na siyang makabangga.
Isang ranggo.
Hindi siya gaano katangkaran kaya naman nagtatama ang mata niya at ang badge nito.
Ang unang ranggo.
To be continued. .