03

1651 Words
NILIBOT NIYA ANG PANINGIN sa kabuuan ng kantina. Alam niyang katulad noong mga nakaraang araw ay nakatingin na naman sa kaniya halos lahat ng mga estudyante. Marahan siyang naglakad papunta sa counter para bumili ng makakain, kahit na para sa kaniya ay aksaya lang iyon sa oras. Alam niya ring iba ang tingin sa kaniya ng mga estudyante, weirdo. Kaya pinipilit niyang mamuhay sa loob bilang isang normal na estudyante, pinipilit niyang makisabay sa mga ito. Nilibot niya ang paningin, mabuti na lamang at mayroong pagkain na nakikita sa kanilang bansa o ang Japan, at hindi na siya mahihirapang mag-adjust at kumain ng pagkain na bago sa kaniyang paningin. Kumuha siya ng yakisoba at tubig. Bagama't nararamdaman niyang bawat galaw niya ay pinanonood, nanatili siyang walang pakialam. Nakangiwi siyang pinanood ng staff. Blangko ang mga mata niya itong tiningnan bago talikuran, pagkatapos ay hinanap niya ang lamesa na madalas niyang upuan. Nasa pinakasulok iyon na natatakpan ng konkretong hagdanan para sa ikalawang palapag kung saan roon hinahanda ang mga pagkain. "You are a fan of yakisoba too?" Mula sa harapan niya, sumulpot ang lalaki kahapon. Sa tuwing makikita niya ito ay "palaka" ang unang salitang pumapasok sa utak niya. Walang gana niya itong tiningnan bago siya nagbalik ng paningin sa pagkain. Marami pa siyang kailangang gawin pagkatapos kumain kaya wala siyang oras para makipagkwentuhan. "Woah! Mabubulunan ka!" Ibinaba niya ang chopsticks. Hindi niya sinasadyang maging malakas iyon para makatawag lalo ng pansin mula sa mga estudyante. Laking pasasalamat niya at wala sa pribadong silid ang mga ranggo. "What do you need?" Halos hindi na iyon tunog patanong. Samantalang, inosente lang na ngumiti ang lalaki, gaya ng palagi. "I am Simeon, we are classmates, but I wasn't able to attend Yesterday because I have some errands to run—" "Bakayarou..." Gamit ang kanilang lengguwaheng nihonggo ay sinabi niya kung gaano ka-estupido ang kaharap. Wala siyang pakialam kahit na nakita niya ang naging pagbabago sa ekspresiyon ng lalaki, hindi niya na rin hinintay na makapagsalita pa ito at mabilis na umalis dala ang kaniyang yakisoba at ang isang bote ng tubig. INAASAHAN NIYA NA ANG MAINIT na pagsalubong sa kaniya ng kapwa niya mga ranggo, pero imbis na iyon ang kaniyang matanggap ay kabaliktaran ang nakuha niya. Tahimik ang mga ito na sabay-sabay na kumakain sa dining room ng penthouse. Kompleto ang siyam na ranggo. Heto na nga sana siya para kompletuhin silang sampo pero parang wala lamang iyon para sa mga ito. "Have you eaten, Quuor?" si Yrrana ang unang bumasag ng katahimikan. It's not that he's expecting a surprise party, but this atmosphere is new. Sa mga nagdaang taon, sa tuwing uuwi siya sa penthouse pagkatapos niyang may isaayos na mahalagang bagay sa labas ng eskwelahan parati ay sinasalubong siya ng mga ito. This time, he can feel the mixture of coldness and everyone's autonomy in the air. "Why don't you join us?" anang naman ni Juszine. "I will, just a moment." Iniwan niya ang mga ito at pumunta siya sa kaniyang kuwarto para siguraduhing naroroon at nailagay lahat ng mga taga-pagsilbi nang maayos ang mga gamit na dala niya. Gaya nang nakasanayan, binuksan niya ang kaniyang mga bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Matagal siyang natulala dahil mula sa hindi kalayuan, nakita niya ang isang babae na bago sa paningin niya. Sa ilang taon niyang pag-aaral dito ay ngayon lang niya nakita na may nakatambay sa abandonadong fish pond na katapat ng gusali at natatanaw iyon sa pinakamataas na kinalalagyan nilang mga ranggo, ang penthouse. Kumakain ang babaeng iyon. "Yakisoba?" Namamangha siyang natawa, iyon kasi ang paborito niyang pagkain. The students in the university somehow have Japanese blood, but he hasn't even seen any who eat Yakisoba, so he's amazed. She wants to watch the girl longer, but he already needs to go back downstairs. Sinabi niyang sandali lang siya—at siya ang tipo ng tao na may isang salita. "What's with the smile, Zaragoza?" Maging siya ay nagtaka. The hell? Is he smiling? "May naisip lang," sinagot niya agad si Ian Chen. Knowing that guy, magaling manghula, he doesn't like the feeling when someone's mocking him. Tinapik niya sa balikat si Ashton. Noon pa man ay tahimik na ito at may sarili talagang mundo kaya hindi na siya nanibago rito. "How's your cabinet?" tunog kuya niyang itinanong. Sabay-sabay na tumingin sa kanila ang mga ranggo maliban na lamang kay Ruhence na nagpatuloy sa pagkain, halatang masama ang loob sa mga kasama. Karaniwang hindi ito sumasagot sa mga tanong. Kaya gaya ng kaniyang inaasahan, si Ian Chen ang sumagot niyon. "Umaapaw," ani Ian Chen. Tumawa siya. "What happened to the proposal?" Huminto sa pagkain si Yrrana. Ganoon na rin ang ginawa ng lahat ng ranggo para pakinggan siya sa kaniyang sasabihin. "This is our last year here in the university. Don't tell us that until now, hindi pa rin nila pinapayagan ang proposal natin? Halos apat na taon na tayong sumubok." "Like the usual, they told me that they will think about it first," sagot niya. "Isa pa, may mahalagang inaasikaso ang mga opisyal." "Ilang taon na nag-iisip? Apat? Talaga ba?" Sarkastikong natawa si Juszine. "Sino bang papayag sa proposal na gusto niyong ihain?" si Hazethe naman ang nagsalita. "You're wishing to let the students stab each other to death just to know who's worthy." "Hazethe," agad itong sinaway ni Laxy. "Bakit? Totoo naman, 'di ba? Bakit papatay pa ng mga estudyante sa Tokuyu? And if ever you forgot, iba na ang sistema at pagpapatakbo ng bagong Yomashi na nasa trono, so this is nonsense. Right, Yrrana?" dugtong ni Hazethe, hindi nagpatalo. "Excuse me?" Kalmado ngunit halatang naiinis na sinabi ni Yrrana. "Konting hirap lang para maging matatag ang mga estudyante. This is not a punishment, this is a challenge, a part of our training." Napailing siya. Hindi na mababago ang ganitong pangyayari sa penthouse nila. Ito siguro ang dahilan kung bakit tahimik ang lahat kanina, dahil baka ito na naman nga ang maging resulta ng inilakad niya. "And how about the Acquaintance Party?" Nyttea diverted the topic. "As usual, hindi na mawawala iyon." "And?" Nyttea again. "It's next next week." Nagbalik siya sa pagsubo ng kanin, parang gusto niya tuloy kumain ng yakisoba. PRENTENG SIYANG SUMANDAL sa katawan ng puno upang magtago. Nararamdaman niyang nasa likuran niya lang ang unang ranggo, naglilibot sa unibersidad sa kalagitnaan ng gabi. Magkakrus ang mga braso ni Xionne, hinihintay na mas mapalapit pa ito sa kinaroroonan niya. Magiging madali lang ang lahat kung aayon sa kaniya ang plano niya. Naririnig niya ang bawat yapak nito dahil sa mga tuyong dahon. Para sa kaniya, sa unang araw ng patago niyang pag-o-obserba, nalaman niya kung gaano ito katahimik. Madalas na walang kasama at parang ayaw nang may kasama. Kung hindi lang siguro ito ang unang ranggo ay walang ibang ipipilit ang sarili rito. Marahan niyang kinapa ang baril na nakatago sa lalagyan na nakakabit sa kaniyang hita na tinatakpan ng kaniyang palda. Hindi pala ganoon kadaling magpuslit niyon palabas ng kanilang unit dahil sa mga nakabantay kaya kinailangan niya pang sa bintana dumaan. "Just one step and you're done," bulong niya sa kaniyang sarili. Planado na ang lahat at kapag nagawa niya na ito, makababalik na siya sa kanilang lugar. Hindi na siya matatakot para sa mga pinahahalagahan niya. Mas mabilis na matapos, mas magiging maayos. Lumabas siya mula sa puno at mabilis na itinutok ang baril sa unang ranggo—para sana sa unang ranggo. "That's how you say thank you? Nakakatakot ka naman." Matapos ay nasundan iyon ng inosenteng pagtawa na tila hindi iniinda ang baril niyang nakatutok dito. Awtomatikong napalitan ng inis ang walang emosyon niyang mukha, dahil bigla siyang kinabahan. Inalis niya ang paningin sa lalaking nasa kaniyang harapan at inilibot iyon para hanapin ang unang ranggo, pero naglalakad na ito palayo at nakatalikod na sa kanila. Kumunot ang noo niya kasabay nang paghigpit ng kapit niya sa baril. Nadagdagan pa ang inis na kaniyang nararamdaman nagngitngit ang mga ngipin niya. Marahas niyang hinila ang damit ng lalaki palapit sa kaniya, nakapantulog na ito. Agad itong nag-angat ng mga kamay sa ere na parang sumusuko sa pulis. "Teka! Easy there..." Hindi na nito natuloy ang sanang sasabihin marahil siguro, nakita nito ang paglandas ng luha sa kaniyang kaliwang pisngi. Nabitawan niya ito at agad niyang pinunasan ang kaniyang luha. Hindi niya gustong may nakakakita sa kaniyang umiiyak dahil ayaw niyang magmukhang mahina, kaya tinalikuran niya ito kasabay ng pagbalik niya ng baril sa kaninang kinalalagyan. Kailangan niya na sigurong magtago. Wala pang ilang araw palpak na siya. At sa oras na magsumbong ito, mapapatay siya ng mga tokuyu. Hindi niya na alam ang gagawin niya kaya huminto siya sa pagtakbo. Nanlaki ang mga mata niya at huminto ang pagdaloy ng kaniyang luha nang maramdaman niya ang pagtama ng maliit na bato sa kaniyang ulo. Hindi iyon masakit, sapat lang ang lakas para maramdaman niya at mapahinto siya. Inis niyang nilingon ang lalaki, ang bumato sa kaniya, ang lalaking nagbalik ng libro niya, at ang lalaking nakiupo at nag-ingay kanina sa lamesa niya. "What do you think you're doing—" Napahinto siya nang sumabat ito. "If you want to kill the first rank, buo dapat ang loob mo." "I don't see any reason for you to butt in." "You are a certified freshman." Tumayo ito mula sa parang palakang pag-upo at lumapit sa kaniya. "I am a student here, and even if I loathe him he's still our future leader." "Go, tell them that I am planning to kill your future leader." Binigyang diin niya ang kaniyang huling sinabi. Umiling ito at biglang natawa. "Want some help?" Umawang ang kaniyang labi nang hindi makapaniwala sa narinig. Is he crazy or what? Sarkastiko siyang napasinghal. "Fuzakeru na..." Wala siyang dapat pagkatiwalaan dahil kakayanin niyang mag-isa. At sa tingin niya, kailangan niyang unahing itumba ang lalaking ito. Masyadong na itong nangingialam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD