02

1673 Words
TAIMTIM NA PINAGMASDAN ni Ashton si Yrrana habang nakaupo sa sofa ng sala ng penthouse nila. Malapit sa gilid, nakatukod ang parehas na siko sa braso ng sofa nito at pinapaikot ang may katamtamang laki na globo na nakapatong sa side table. Habang sila ay nakaupo lamang sa kanan na single sofa nakaharap ang puwesto sa kinaroroonan ni Yrrana. "She's mysterious, right?" Biglang nagsalita si Yrrana kaya naman nag-iwas agad ng pangin si Ashton. "Pakiramdam ko, iba siya sa atin. What do you think, Ash?" "You mean, she's a multi-peculiar?" "No, Ash. That's not exactly what I think of her, may iba pa." "She's weird?" Gulat siyang nilingon ni Yrrana na kanina lang ay busy sa globo. "Woah, that's a first." "First what?" "That you say things such as that?" Nahihiyang napatungo si Ashton. Umayos naman mula sa pag-upo si Yrrana at tuluyan siyang hinarap. "Oh well, curios lang ako kasi simula nang mag-umpisa ang yearly enrolment nasanay na ako sa mga estudyanteng attention-seeker, while Xionne?She had something to boast about but she didn't even care. Like she has her own world, at parang hindi siya interesado. Do you think, napilitan lang siyang pumasok?" "Maybe," maikli niyang sagot. "Pero, Ash. Hindi ka man lang ba nagkaroon interes kay X?" Natagal ang titig niya kay Yrrana. "Hoy, lover boy!" Napakurap siya at nagulat nang mapalitan ni Ian ang puwesto ni Yrrana kanina, umalis na talaga si Yrrana mga kalahating oras na ang nakalilipas. Sa kasamaang palad lang, kay Ian na pala siya nakatitig ngayon. Inis siyang tumayo at binalak na sanang umalis. "Matagal ko na 'yang napapansin, Ash! You have a thing for Yrrana, right?" Mabilisan siyang lumundag papunta kay Ian para takpan ang bibig nito pero huli na, nasabi na. Dahil nasabi na rin naman ni Ian ay wala na siyang nagawa kundi muling lumayo mula rito. "Dude, that hurts!" Inis niyang kinuha ang isang throw pillow at ibinato kay Ian na awtomatikong umilag. "What? Torpe ka, Ash?" Akma sana siyang magbabato muli ng unan pero natigil na siya nang mapadaan ang ikasiyam na ranggo na si Paiver, hindi ito nagtagal at kumuha lang ng bagong libro na nasa shelf malapit sa sofa. "It's natural for all of the living species who have a heart and a brain." Natahimik siya dahil sa sinabi ni Ian at hindi niya alam kung bakit. Dahil ba ito ang kauna-unahang beses nagsalita si Ian nang may sense o dahil may sense lang talaga ang sinabi ni Ian? Hours passed and it was already ten o'clock in the evening. Naisip niyang tama si Ian. Ano nga bang kinatatakot niya? Wala na ang batas. No one's restraining him from loving someone. He's just weak when it comes to expressing his feelings—his true feelings. But that night, yeah that's how fast he was convinced by Ian's precious words, he was about to confess to Yrrana who he knew was now on the balcony of the penthouse on the second floor watching the lights of the university from there. Dahan-dahan siyang naglakad paakyat sa paikot na hagdan. Matagal bago niya tuluyang hinakbang ang huling baitang sa itaas at nagpasiyang tumabi kay Yrrana na nakatukod ang dalawang siko sa veranda. "Ash." Gaya ng dati sa tuwing lalapit siya, si Yrrana ang unang magbibitaw ng salita sa kaswal na paraan. "Sa tingin mo ayaw ipakita ni X ang ability niya?" Dahan-dahan siyang nagbagsak ng paningin papunta sa ibaba. There she goes again. X again is their topic. "I don't know, but I want to tell you something—" "Nakita ko siya kanina, noong lunchtime. Hinarang ng mga bata ni Blan. Pinilit nilang palabanin si X pero ayaw niya, like she doesn't want extra scenes. Parang sa isa lang siya naka-focus." "Yrrana I..." "You what?" Nagtataka siyang hinarap ni Yrrana na mukhang atat pang magkuwento nang bago tungkol kay X. "Nothing..." Umalis mula sa pagtukod si Yrrana at tuluyan na siyang hinarap. "Ash, never in my entire life that I have been this curious to someone. I want to know something about her. I want to know her. I really do." Tuluyan nang bumuntong-hininga si Ashton. Paano niya masasabi ang nararamdaman niya kay Yrrana kung puro si X ang bukambibig nito? He's starting to get jealous of that X. ILANG BESES NA NGA BA siyang nilingon ng mga estudyanteng dumaraan sa gawi niya? Hindi niya na mabilang. Wala naman siyang nararamdaman, talaga lang na masyadong halata ang mga ito sa ginagawa na naaagaw ang pansin niya. Ang blangko niyang mga mata ay ibinalik niya sa kaniyang pagkain matapos ayusin ang salamin sa mga mata. Amoy na amoy niya ang bagong pintura ng kinauupuan niyang concrete bench na may katapat na lamesa. Tahimik ang lugar at masarap tambayan. Siya lang ang naroroon at ang ilang estudyante ay abala sa pakikipag-usap sa kaniya-kaniyang grupo ng kaibigan sa hindi kalayuan. Payapa na sana ngunit naantala ang lahat nang may mabilis na kamay na umagaw sa pagkain niya. Hindi na siya nag-abala sa pag-angat ng kaniyang ulo bagkus ay ang kaniyang mga mata na lang upang makita ang kumuha niyon. Nginisian siya ng lalaking may mahaba at tuwid na buhok, hanggang balikat iyon. "Bro!" Mabilis nitong napasa ang tray sa isang kasama. Natawa ang isa pa. Sa tinataya, anim ang kaharap niya. Imbis na alisin ang paningin sa lalaking iyon papunta sa mga kasamahan nito, pinanatili niya ang titig dito. Nakikita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang isa pang pamilyar na lalaking may asul na buhok. Tipid na tumawa ang kaniyang kaharap. Hindi niya matandaan ang pangalan. Nagpakilala ang mga ito sa kaniya kagabi para sa walang kuwentang pakay. Lumapit ang lalaking may asul na buhok papunta sa tabi ng lalaking katitigan niya, umasta itong itatapon ang laman ng tray sa lupa, dahilan kaya lumipat ang paningin niya roon. Nanunudyo ang ngisi ng grupo, iniinis siya. "Boss, kakasa na ba?" pang-aasar ng isa sa mga ito na nakasuot ng shades. Para saan? Para labanan niya ang mga ito? At anong mapapala niya? "Xionne Ishihara, are you just going to let us waste your food?" anang lalaki na may mahabang buhok. Bagama't naiinis ay kumalma siya. Masyadong maraming pakalat-kalat na maliliit na ligaw na d**o ngayon, kasama na ang Shasha na iyon kahapon. Hindi sila ang pakay niya. Hindi siya mag-aaksaya ng oras para sa mga ito. Marahan siyang tumayo nang hindi inaalis ang titig sa dalawa, saka lamang naputol ang kanilang tinginan nang tuluyan niya nang talikuran ang mga ito. Aalis na siya sa komusiyon dahil nararamdaman niyang marami nang nanonood sa kanila. "She doesn't care," anang naman ng mas malaki ang katawan kay Blan na mistula lider ng mga ito. "She might be scared then?" Marahan niyang nilingon ang dalawa. Samantalang, bahagya na nagulat ang mga ito pero mabilis din na naglaho at napalitan ng ngisi. "Everyone must want pain so much?" tuso niyang sinabi. Naging hudyat iyon ng pagsugod ni Blan papunta sa kaniya. Nakahanda na ang isipan niya sa pagsalag sa paparating na atake ngunit muling natigil ang nabuong tensiyon nang mahinto ang dalawa sa nangunguna nang matamaan parehas ng maliit na bato sa noo. Magkasabay ang mga iyon at nakagugulat para sa kaniya ang sakit na ipinakita ng mga ito dahil lamang sa maliit na pirasong mga batong iyon. Sabay-sabay na napalingon ang lahat kabilang na ang mga manonood, ang dalawang iyon, at ang mga ranggo na kanina niya pang nakikita. Ngunit wala sa mga iyon ang unang ranggo. Siya ang huling bumaling sa taong iyon. Walang reaksiyon niyang pinagmasdan ang kabuuan nito. Nakaupo ito nang parang palaka sa bandang kanan niya at tatlong metro ang layo mula sa kanila. Inosente itong ngumiti sa dalawang lalaki habang nilalaro ang maliliit pang mga bato na hawak nito sa kaliwang kamay. "Siraulo ka ba?" Nawala ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa lalaking iyon na napunta. Natatawang tumayo ang lalaki, sa asta nito ay para bang walang nanonood dito at sila lamang ang tao roon. Inginuso nito ang puno na katapat na ngayon ng dalawa. "Humarang kayo, e. Nakatakas tuloy 'yung ibon." "Are you playing with us?!" Nanginginig sa inis na sinabi ni Blan. Imbis na pansinin ito ay bumaling ang lalaki sa mga ranggo na nakatayo sa bandang kanan. Tumingin na rin siya roon. "Manonood lang kayo?" Nakaiinsulto ang ibinigay nitong inosenteng ngiti sa mga iyon. Awtomatikong natigilan ang mga ranggo. Hahakbang na sana ang isa sa ranggo, ang ikaapat, ngunit agad itong napigilan ng ikatlong ranggo. "Let me handle this, Juzsine." "The third rank again?" Tila ba dismayado nitong sinabi. Halos lahat ay napabuntong-hininga nang marinig ang sinabi ng lalaking iyon sa ikatlong ranggo, maliban sa kaniya. "Pardon?" Kalmado ngunit halata ang inis sa boses ng ikatlong ranggo. "Nevermind," mabilis na sinagot ng lalaki. "Nevermind?!" Inis na ulit ng pamilyar na ranggo. Naaalala niya na ito ang humarang sa kaniya kahapon para magpakilala. "Hi, bago ka? I'm Ian Chen. As you can see, isa ako sa ranggo..." Nandidiri siya kapag naaalala niya iyon, kaya hindi niya ito pinatapos sa pagsasalita at nilayasan na. Dumapo ang paningin ng lalaki sa kaniya. Mayamaya pa, hindi niya na namalayang kaharap niya na ito. Hindi pa rin naman nagbago ang kaniyang reaksiyon. Gusto niyang panatilihin ang paningin sa grupo pero hindi niya alam kung bakit pilit inaagaw ng lalaking ito ang atensiyon niya. Ngumiti ito sa kaniya at namistulang guhit na lang ang singkit nitong mga mata. Bumaba ang paningin niya sa hawak nito. Bahagya siyang nagulat nang makitang hawak na nito ang pagkain na binalak itapon ni Blan. Hindi niya iyon nagawang kunin iyon mula rito at ayaw niyang igalaw ang kamay niya para kunin iyon. Tila may kuryenteng dumaloy sa kaniyang mga ugat nang magdampi ang kanilang balat dahil sa ginawang paghawak ng lalaki sa kaniyang kaliwang kamay para alalayan ang paghawak niya sa tray. "Thank me later." Iyon lang ang sinabi nito matapos siyang iwanan na gulat dahil nagawa pa nitong kumindat. Dumiin ang hawak niya sa tray. Bakit biglang may pamilyar na galit na lumukob sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD