KABANATA 14

1596 Words
*** ZYNE’S POV “Kie! Ready na yung almusal mo. Alis na ako ah?!” Sabi ko kay Kie na kasalukuyang nanonood ng TV sa living room. “Hmpf!” Nakasimangot niyang sagot sa akin sabay iwas ng tingin sa akin. Napangiti na lang ako sa expression niya tsaka ko kinuha yung gitara at lumabas na. Mula pag-uwi namin kahapon ay hindi na ako pinapansin ni Kie and talagang nakasimangot lang siya buong magdamag. Siguro nagtatampo yun sa akin kasi hindi ko napagbigyan yung request niya. Pero pagbibigyan ko naman siya eh! Sadyang importante lang talaga ‘tong lakad ko ngayon. Hayst! Dibale maglilinis na lang ako mamaya sa unit niya Pagkauwi ko. Dadalhan ko na lang siya ng alcohol pang-peace offering ko sa kanya para naman di na siya magtampo sa akin. Bumaba na ako sa condominium ni Kie tapos dumiretso na ako sa church kung saan kami magkikita-kita. Walang practice ng choir ngayon dahil nag-set ng children’s party ang church sa isang restaurant para sa mga batang may leukemia. Kaya ko tinanggihan si Kie sa request niya kasi gustong-gusto ko talagang makiisa sa project na ‘to. You see, some of those kids has a limited time to live. Bilang na lang ang mga oras nila sa mundong ‘to kaya gusto ko kahit papano ay makatulong akong pasayahin ang mga batang yun. Nang makarating ako sa church, nakita ko si Kyline. “Zyne!” Bati niya. Lumapit ako sa kanya, “Hi, Kyline! Good morning!” Bati ko din sa kanya. “Good morning din sayo. Buti nakapunta ka! Akala ko di ka papayagan ng boss mo eh!” Ningitian ko lang si Kyline. Naku! Kung alam niya lang, nagtatampo yung boss ko sa akin ngayon eh! “Ky!” Napalingon kami pareho ni Kyline doon sa tumawag sa kanya and nakita kong may isang lalaking tumatakbo palapit sa amin. “Hey, Ky! Dumaan ako sa bahay niyo kanina, naiwan mo ‘tong Inumin mo,” dagdag pa nito sabay abot kay Kyline ng isang water container na agad ring tinanggap nito. “Thank you, Kline!” Pagpapasalamat ni Kyline. “No problem!” He tapped Kyline’s head. “Ikaw talaga sobrang makakalimutin mo na!’ He said. “Sorry naman best friend heheheh. Ay! Oo nga pala!” Tinignan ako ni Kyline, “Kline this is Zyne, kasamahan ko sa choir. Zyne this is Kline, best friend ko! Ngingitian ako ni Kline, “It’s nice meeting you!” Then Inilahad niya ang kamay niya para makipag-shake hands. I took his hand, “It’s nice meeting you too!” I said. “Sige pasok na muna ako sa loob ng church ah? Baka nagsisimula na yung mass eh!” Sabi ni Kline sa amin. “Ay! Sabay na ako sayo best friend,” sabi naman ni Kyline. “Ikaw Zyne?” Tanong ni Kyline sa akin. “Hihintayin ko muna si Kuya Zach dito,” tugon ko. “Sige una na kami. Punta ka na lang sa may choir!” Pagpapaalam niya. “Sure!” I said. Tinignan ko yung dalawa na pumasok sa loob ng simbahan habang nag-aasaran. Napangiti naman ako at napatingin sa kalangitan. ‘Sorry Kuya Ryne! Mukhang may iba ng love si Kyline eh! Pero nararamdaman kong mabuting lalaki si Kline’ “Hey, Zyne!” Napalingon naman ako sa tumawag sa akin and nakita ko naman si Kuya Zach na palapit sa akin. Siya yung pinaka head sa choir namin and siya din ang napaisip sa project na ‘to para sa mga batang may sakit. Mabait na tao si Kuya Zach, yun nga lang ay madalas siyang nabubully at naaway ng iba kasi lalambot-lambot siya. Parang bakla kumbaga. Pero hindi naman siya umamin na bakla siya, hindi niya rin ito itinanggi. But either way, Kuya Zach still Kuya Zach. Ang mahalaga ay maroon siyang ginintuang puso. “Kuya Zach!’ Bati ko. Inakbayan ako ni Kuya Zach. “Oh! Ba’t di ka pa pumasok sa loob? Magsisimula na ang mass,” he said. Hinintay kasi kita!” Tugon ko sa kanya. “Ikaw talaga! Tara pasok na tayo?’ Pagyayaya niya sa akin bilang tugon ay tumango na lamang ako. Sabay na kaming pumasok ni Kuya Zach sa loob ng simbahan and pumunta na sa mga kasamahan namin sa choir para kumanta mamaya sa mass. KYLE’S POV Tskkk! Ano ba naman ‘tong chimay na ‘to?! Makikipagdate pero sa simbahan naman pumunta! Ang corny ng meeting places nila ah! Nandito ako ngayon sa likod ng puno while tinitignan ko ang chimay ko na nakatayo sq tapat ng simbahan at mukhang may hinihintay siya. Oo Tama ang hinala niyo sinundan ko siya ngayon. Aba! Gusto kong makita ang pagmumukha ng lalaking naging dahilan para suwayin niya ako. Pag yan pangit patay sa akin ‘tong chimay na ‘to. “Hey, Zyne!” Binalik ko ang tingin ko kay Zyne ng makita kong may isang lalaking palapit sa kanya. “Kuya Zach!” Nakita kong inakbayan si Zyne nung lalaki, “Oh! Ba’t di ka pa pumasok sa loob? Magsisimula na ang mass.” Tinignan ko ng maigi yung lalaki. Ayan?! Ayan ang date ng chimay ko?! Eh! Mukhang magnanakaw yan eh! Ang payat-payat pa! Parang malnourished! Pag hinipan ko lang ‘to paniguradong matutumba na yan eh! Ano ba yan?! Wala man lang ka taste-taste ‘tong chimay ko! Ang laki ng lamang ko sa lalaking yan! Nakita kong pumasok silang dalawa sa loob ng simbahan. Nararamdaman kong magiging boring ang date nila! Pumasok naman ako sa loob ng kotse ko while naghihintay na matapos ang mass. Hindi naman ako makakapasok sa loob ng simbahan, baka mamaya sa dami ng kasalanan ko eh! Masunog ako pag umapak ako sa loob niyan. Tskkk! Ano ba yan?! Nakakainip mag-intay dito! Teka nga! Bakit ko nga ba sinundan ‘tong chimay ko? Nagmumukha tuloy akong stalker niya! Dapat nasa bahay ako ngayon eh! And nilalasap ang free day ko! Pero sabagay mas nakakainip naman sa unit ko. Mas Magandang i-stalk ko na lang ang isang ‘to. Mamaya r****t pala ‘tong lalaking ‘to. Edi! Magagahasa ang chimay ko. Nung matapos na ang mass, nakita kong sumakay sina Zyne at yung baklang malnourished na boyfKiend niya and iba pang di ko kilalang species. Aba! Group date Ata ang pupuntahan ng mga ‘to ah! Kailan pang natutong makipag-group date si Zyne?! Kumekerengkeng na ang chimay ko! Sinundan ko kung saan pupunta yung van na sinasakyan nila hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang restaurant. Nakita kong nagsipasukan sila doon sa loob ng restaurant at may mga dala-dala pang instruments pati na din yung pang-party na gamit. Teka! Wait__ May birthday party ba diyan sa loob?! Bumaba ako ng kotse pero bago yun ay nagsuot ako ng cap at shade para walang makakakilala sa akin. Mamaya mahuli pa ako ni chimay na install ko siya and worse may makikita po sa aking paparazzi dito. Sumilip ako sa loob ng restaurant at nakita kong may mga bata doon. Pumunta ako sa entrance ng restaurant na ‘to at papasok na sana ng bigla na lang akong haranggan ng guards. “May invitation po ba kayo?” Tanong sa akin nung guard. “Wala eh!” I replied. “Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob!” Saad niya. Tinalikuran ko yung guard. Tskkk! Nakakabadtrip naman eh! Kung sabihin ko kayang ako si Kyle Montefalcon?! Malamang papasukan ako nun sa loob. Hindi makakatanggi yan sa sikat! Hmpf! Pero di ko naman pwedeng sabihin na ako si Kyle Montefalcon eh! Mamaya mahuli pa ako ng chimay ko na sinusundan ko siya. Baka kong ano pang isipin ng isang yun! “Opo! Nandito na ako. Sa back duct na lang ako dadaan!” Napalingon ako dun sa lalaking may kinakausap sa cellphone niya and nakita kong naglakad siya dun sa may likuran ng restaurant. Alam ko na! Sinundan ko yung lalaking yun at nakita kong pumasok siya sa likuran ng restaurant. Kung di ako makakapasok sa entrance, edi! Dito na lang ako dadaan sa likod. “Grabe taeng-tae na talaga ako! Bakit ngayon pa ako tinamaan ng Pesteng LBM na ‘to?!’ Rinig kong bulong nung lalaki kaya napalayo ako ng konti sa kanya. Kadiri naman yan! Paniguradong full of germs and virus ang katawan niya! Parang bigla akong kinilabutan kaya naman inilabas ko yung baon kong alcohol at naglagay ako sa kamay ko. Potek! Feeling ko sa pagsabi pa lang niya na natatae siya ay naglagyan na ako ng germs at virus eh! Kadiri talaga! Nung pumasok na si Mr. LBM ay sinundan ko siya at nakita kong dumiretso siya sa C.R ng employee. Malamang nagbabawas na yun eh! “Uy! Kanina ka pa naming hinihintay.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong lumapit sa akin yung malnourished na bakla na kinakausap ako. Napaturo naman ako sa sarili ko, “ Ako?!” I asked. “Oo! Ikaw yung mascot, diba?” Tanong niya sa akin. “Wait lang ah! Mukha ba akong___!” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako at dinala sa dressing room. “Isuot mo yung mascot at kanina pang naghihintay yung mga bata!’ He said. “H-Huh?!” Wala sa sarili kong sambit. May inabot siyang mascot ni Mickey Mouse. “Pagkatapos mo yang isuot ay bumaba ka na dun ah?” Pagkasqbi niya nun ay iniwan niya akong nakatayo dito. Wait! Wait! Wait! Ako si Kyle Montefalcon, gwapo, mayaman sikat, malinis at mabango eh papasuotin nila ng mascot ni Mickey Mouse?! Nakakabadtrip naman eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD