KABANATA 13

3313 Words
*** KYLE’S POV “Oh! Kyle. Kanina ka pang nakabusangot yang mukha mo ah! Mamaya mahipan ka ng hangin eh maging permanent na yang ganyan itsura mo. At pag nangyari yun di ka na binigyan ng mga projects HAHAHHAH!” Sabi ni Manager Zyra sabay tawa ng pagkalakas-lakas. I just glared at her at hindi na nagsalita. Mas mabuti ng Manahimik na lang kesa sagutin ko pa ‘tong babaeng ‘to! Mala tigre ‘to magalit eh! Nakakatakot! Mamaya pingutin na naman niya ako. Ang sakit pa namang maminghot nito. “Gēgē Kyle! Wag ka na kasing sumimangot d’yan. Nag-enjoy ka naman sa meet and greet ng fan mo, diba?!” Sabi ni Yuan sa akin. “Mabait naman yung fan mo!” Dagdag pa ni Zyne. “Manahimik nga kayaong tatlo! Mukhang ba akong nag-enjoy?! Sa itsura kong ‘to?! Kung makahanap nga sa akin parang tuko eh! Isa siyang makating tuko!” I shouted. “Ikaw naman oh! Mahal na mahal ka kaya ng fan mo. Ano ngang pangalan nun? Jason? Ay! Oo nga pala, ibinigay ko yung number mo sa kanya!” Bigla akong napalingon sa kanya, “Ano?!” Sigaw ko. “HAHAHAH Joke ‘to naman sobrang Seryoso. O siya mag-order na kayo d’yan!” Sabi niya sabay tawag sa server. Dinala kami ni Zyra sa isang restaurant after nung meet and greet namin sa hotel. Siya daw ang manlilibre sa amin. Syempre pumayag na ako, nakaladkad pa nga namin si Zyne at Yuan. Si manager Zyra kasi ay bukod sa pagiging manager ko ay isa rin siyang sikat na international model. Oo, aminado akong maganda siya at bihira lang ang mga taong nasasabihan ko ng maganda. Pero kahit maganda siya grabe naman kung magalit parang magtratransform siya bilang dragon kaya ang laki ng takot ko sa kanya eh! Pero wala akong nagawa kanina kundi ang sundin siya, kaya ngayon oorder ako ng madami bilang ganti sa babaeng ‘to. Mamulubi sana siya! Maya-maya lang din ay dumating na ang order namin. Kain lang kami ng kain habang si Manager Zyra naman ay patuloy lang din sa pagkwekwento niya about sa mga na-experience niya sa new York ng bigla na lang nagpunta ang usapan kay Zyne. “Oo nga pala, Zyne. Gaano na kayo katagal ni Kyle? In fairness bagay na bagay kayong dalawa! ‘Tong batang ‘to talaga may ka live in partner ka na pala di mo man lang sinabi sa akin!” Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa sinabi ni Manager Zyra. “Anong ka live in partner?!” I shouted. “Wahhhhhhhhh manager Zyra di po siya ka live in partner ni Gēgē Kyle! Personal assistant lang po siya nito and grabe niya pong pinapahirapan si Zyne!” Humarap si Yuan kay Zyne at hinawakan niya ang kay nito, “Konting tiis na lang at inalis na kita sa puder niya. Magiging Masaya ka sa piling ko promise!” Yuan said. “Oh! I see. Akala ko kasi si Kyle at Zyne eh! Kayo pala ni Yuan!” Sambit ni Manager Zyra. “Naku po! Hindi po kami ni Yuan,” pagtatanggi naman ni Zyne. “Hindi pa Ms. Zyra! Pero malapit na. Bridesmaid ka sa kasal namin ah!” Sabi ni Yuan. Tskkk! Hindi sila bagay ni Zyne mas bagay silang dalawa ni Kyla! “Ikaw naman, Kyle. Bakit wala ka pang girlfriend?” Manager Zyra asked. “Tskkk! I’m not interested,” I replied. “Diba kayo ni Maze?” Sabi ni Zyne kaya napatingin ako ng masama sa kanya. Potek naman oh! Ang pagkakaalam pala ng chimay na ‘to ay kami ni Maze. Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Manager Zyra. “Si Maze Winter? Kayo pala?” She asked. “Opo sila pong dalawa. Doon nga nakatira si Ma’am Maze sa condo unit ni Kie!” Masiglang sabi ni Zyne. Tinignan ako ni Manager Zyra at ningitian, “Ikaw Kyle ah! Kayo na pala ni Maze! Hindi ka man lang nagsasabi sa akin!” Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko habang nakatingin si Manager Zyra sa akin. Alam niyo yung feeling na kahit na nakangiti siya ay ramdam na ramdan mo namn ang masamang aura na lumalaban sa katawan niya at feeling mo ay any moment ay mapupugutan ka na niya ng ulo? Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko sa oras na ‘to. Pahamak talaga ‘tong chimay na ‘to. “M-M-Manager Z-Z-Zyra! A-A-Ano k-k-kasi?” Nauutal kong saad. “Wag ka ng magpaliwanag! Kumain ka na lang!” Sigaw niya kaya natamik ako. Potek! Nakakatakot naman ‘tong babaeng ‘to! Parang nababakla tuloy ako nito eh! Tskk! Ang daldal naman kasi ng chimay na ‘to eh! Hindi kasi magkasundo si Manager Zyra at si Maze sa di ko malamang dahilan. Malamng ay ayaw ni Manager na maging syota ko yung babaeng yun. Di ko naman pwedeng sabihin na nagpapanggap lang kami. Tinignan ko si Zyne na enjoy na enjoy sa kinakain niya. Kasalanan niya lahat ng ‘to eh! Sobrang daldal niya yan tuloy feeling ko nabawasan ng limang taon ang buhay ko. Patay sa akin mamaya ‘tong babaeng ‘to! After naming kumain ay nauna ng magpasalamat si Yuan dahil kailangan niya pang i-meet ang manager niya. After mabayaran yung bill ay napagdesisyunan na rin naming umalis dahil pagod na pagod na si Manager Zyra. Pagkalapag pala ng eroplano ay dumiretso agad siya sa hotel para pingutin ako. “Ah! Wait CR lang ako saglit hehhehe!” Sabi ni Zyne. “Bilisan mo! Aalis na eh!” Ngingitian lang ako ni Zyne tsaka siya pumunta sa banyo. Bigla naman akong Hinampas ni Manager Zyra. “Ikaw talaga Kyle! Lahat na lang ng P.A mo ay inaaway mo. Mamaya hindi makatagal si Zyne. Mukhang mabait at masipag pa naman siya ah!” She said. “Naku manager! Sa aming dalawa ako yata ang di tatagal sa kanya!” I said. “Eh! Ba’t naman? Ang bait-bait naman ng batang yan eh! At Uy! Ang ganda niya. Di siya bagay maging P.A mo! Ay Teka! Gaano na ba siya katagal na P.A mo?” Saad niya. “One month na siyang nagtratrabaho sa akin!” tugon ko sa tanong niya. Bigla namang napahampas ulit si Manager Zyra sa akin, “One month?! Seriously one month na?! Weh di nga?! Seryoso talaga yan?!” Tanong niya habang pinanlalakihan niya ako ng mata. “Oo nga! At tsaka ano namang nakakagulat dun?!” Wika ko. “Kasi sa pagkakaalam ko yung pinatagal mong naging P.A ay one week lang itinagal. Biruin mo yun umabot ng one month si Zyne! Magaling nga ang batang yan!” She said “Paanong hindi siya tatagal sa akin?! Kung umasta siya parang siya yung boss sa aming dalawa! Pag pinagalitan ko ay tinatawanan niya lang ako! Minsan nga pinicturan niya ako while pinapagalitan ko siya! Gawain ba yun ng chimay?! Tapos nung pinabili ko siya ng yosi alam mo ba kung anong binili niya, ha! Isang garapon ng stick-o! Nakakabadtrip siya sobra!” Paghihimutok ko kay manager Zyra. Tinignan ko siya at nakita kong titig na titig siya sa akin… Then she burst in laughter… “HAHAHAHAHAHAHAHAH I like her! I really, really, really like her! Bagay na bagay siyang maging P.A mo! As in! Nakahanap ka ng katapat mo HAHAHAHHAH!” She said while laughing. “Manahimik ka nga! Walang nakakatawa!” I shouted. “Eh! Bakit hindi mo siya magawang paalisin?” She asked. “E-Eh! A-Ano k-kasi…” I replied. “Baka naman gusto mo siya?! Ayieeee! Wag na dun sa malditang Maze! Kay Zyne ka na lang! Crush mo si Zyne eh! Aminin!” Pagwiwika niya. “H-Hindi ‘n-no!” Tumayo ako, “Nasaan na ba kasi yung chimay na yun?! Napakatagal! Puntahan ko na nga lang!” Naglakad na ako papunta sa restroom habang rinig na rinig ko namn ang tawa ni Manager Zyra. Tskk! Ako?! Magkakagusto kay Zyne? Hindi no! As in never! Over my dead body! Ang gwapong katulad ko ay hindi bagay kay Zyne! Di ko siya type ‘no! Kaya lang naman di ko siya mapatalsik ay kasi ano… ano… ano… Naawa ako sa kanya…. Tama naawa ako sa kanya. Nasaan na ba yung napakakupad kong chimay?! Pagkadating ko sa labas ng restroom ay nakita kong nakatayo doon si Zyne. Lalapitan ko na sana siya kaso parang di niya ako napansin dahil may kausap siya sa phone. ‘Tamang-tama day-off ko bukas kaya pupunta ako.   Right, so kita na lang. It’s a date! Ok, byebye!” A date?! Ay! Tokwa ‘tong chimay ko. Mukhang manang tapos nakikipagdate din pala siya?! Kanina na naman ‘to lumalandi? Kay Yuan? Impossible naman eh! Napakadami namang lalaki sa buhay ng babaeng ‘to! “Uy! Kie! Andyan ka pala. Tara na!” Pagyayaya niya sa akin. “Wait___ Aalis ka bukas?!” I asked. “Ah! Oo. Day off ko naman bukas diba?” Sagot niya. Nilapitan ko si Zyne at ningitian, “Uhmmm… Pwede ka bang wag munang mag-day off? Kailangan kasing i-general cleaning yung unit ko. Kahit next week dalawang beses ka pang mag-day off, ayos lang sa akin!” I said. “Huh? Eh! May importante akong lakad bukas eh!” Sambit niya. “Anong mas importante yun o ako?” I asked. “Yun!” Mabilis niyang sagot. “Anak ng kabayo naman oh! Hindi! Hindi ka aalis bukas! Mag-iistay ka lang sa unit ko at maglilinis, whether you like it or not!” I said. “P-P-Pero K-K-Kie!” Saad niya. “Wala naman tayong pag-uusapan pa!” Tinalikuran ko na siya then I grinned. Kala niya ah! Di ko siya hahayang makipagdate ‘No! “Hindi!” Natigilan ako sa paglalakad ng Biglang sumigaw si Zyne. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang galit sa expression niya. Lumapit si Zyne sa akin. “Hindi! Hindi! Hindi! Nangako ka sa akin na every Sunday ang day off ko. May importante akong pupuntahan bukas kaya susuwayin kita. Nangako ka kaya tuparin mo!'’ Pagkatapos niya yung sabihin ay nag-walk out siya at malamang nauna na siya sa loob ng kotse. Halos mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa takot. Potek! Nakakatakot paniwalaan magalit yung isang yun. “Woah!” Narinig kong sabi ni Manager Zyra, “Hindi lang pala ako ang makakatiklop sayo Kyle! Sabi na eh! Kaya gusto ko ang girl na yan! She’s so astig!” After that she left me standing there with my mouth hanging open. KYLA'S POV “Ma’am kakain na po ng breakfast. Pinapatawag na po Nila kayo!” Sabi ng isang katulong na inutusan nila mommy at Daddy para Puntahan ako sa aking silid. “Sige po! Yaya mamaya na lang po ako kakain. Busog pa po ako eh!” I said. “Sige po!” After she said that ay lumabas na siya sa kwarto ko. Nakakailang buntong hininga na ako ngayong araw na ‘to. Sa totoo lang wala akong ganang kumain at higit sa lahat wala ako sa mood makisalamuha sa kahit sinong tao kaya umabsent ako sa trabaho ko ngayon. Isa pang dahilan ay ayaw kong makita si Yuan. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi doon sa concert. Naiinis ako sa sarili ko para ipakita ulit sa kanya yung emosyon ko. Nakakayamot dahil nabring up ko naman sa kanya ang nararamdaman ko. It’s as if I got rejected for the second time. Sabi ko sa sarili ko na never ko ng babanggitin pa kay Yuan ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko ng mangyari ulit yung nangyari 5 years ago… … Kung saan unang beses akong nagtapat sa kanya. FLASHBACK: 5 YEARS AGO    February nun at Grade 12 kami nun ni Yuan. Kasalukuyang inaabangan ng mga junior at senior ang prom night. Inaabangan din ng mga junior at senior yung sinasabi nilang ‘magic’ na nadadala ng prom na ito. Meron kasing sabi-sabi na pag naging last dance mo ang taong mahal mo sa prom at nagtapat ka sa kanya ay magiging kayo at magiging Masaya ang relasyon niyo. Madaming naniwala sa sabi-sabi na yan at nagplano kung paano nila magiging last dance ang mga taong lihim nilang minamahal. Madaming nag-ipon ng lakas ng loob para makapagtapat na rin sila sa mga nararamdaman nila.    Isa ako sa mga taong yun…   Nung araw ng promise ang escort ko nun ay ang matalik kong kaibigan na si Yuan. Talagang pinaghandaan ko ang gabing yun! Hindi naman nabigo ang pag-aayos ko dahil pinuri niya ako. “Ang ganda-ganda talaga ng best friend ko! Mamaya n’yan ay mainlove ako sayo eh!” Pagbibirong sabi ni Yuan sa akin. Sa totoo lang, sobrang kinikilig ako sa sinabi niya. Mula preschool ay kasabay ko ng lumaki si Yuan. Sobrang lapitan namin sa isa’t-isa na halos lahat ay nag-eexpect na kami ang magkakatuluyan sa huli.    Inaamin ko simula nung 1st year highschool kami ay nagkaroon siya ng ka-fling. Dun ko naramdaman na nagkakagusto na ako sa kanya hanggang sa lumalim ng lumalim  to the point na di na best friend ang Turing ko sa kanya. Iniisip ko noon na mali at dapat ko ng itigil. Pero wala namang masama kung mamahalin ko si Yuan, diba? Malaki din ang posibilidad na may nararamdaman din siya sa akin, tutal sobrang lapit naman naming dalawa sa isa’t-isa. Isa pa, maraming may gusto na kami ang magkatuluyan sa huli. Kaya nag-assume ako nun na may gusto din sa akin si Yuan.   Nung mismong araw ng prom ay masayang-masaya ako dahil ilang ulit akong pinuri ni Yuan. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa sobrang kilig. Mas naglakad loob tuloy akong umamin sa kanya.  Lalo na nung last dance, siya mismo ang yumakap sa aking pakipagsayaw. “Grabe! Best friend. Di ka talaga nakakasawang pagmasdan!” Sabi niya sa akin  while ako naman ay halos matunaw na sq mga tingin niya. “Nǐ zhēn de hěn měi!” He added.   “Huh? Anong ibig sabihin nun?” I asked. “It means you are very beautiful!” Nang dahil sa tugon niya ay nahampas ko siya ng mahina sa braso, “Ikaw talagang intsik ka! Napakabolero mo!” I said. “Sus! Bolero na ba ang taong nagsasabi ng totoo ngayon?” He asked. Bigla akong nagulat sa sinabi ni Yuan. Halos hindi ako makapag-focus nun dahil sa umaapaw na kilig na nararamdaman ko sa mga oras na yun. Huminga ako ng malalim then I tried to clear my mind.   It’s now or never. Sabi ko sa sarili ko. Wala ng atrasan ‘to. Kailangan ko ng magtapat kay Yuan.   “Y-Yuan! M-May s-sasabihin a-ako…” Nauutal kong saad. Tinitigan niya ako sa mata at ngumiti siya sa akin, “Ano yun?” He asked. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinignan ko din ang mga mata niya, “Hindi ko alam kung paano nangyari ‘to eh! Nagising na kang ako isang araw na takot na mawala ka sa akin…” pagsisimula ko. “H-Huh?! Ano bang pinagsasabi mo, Kyla? Bakit mawawala naman ako sayo?” He asked confused. “Hindi mo naiintindihan Yuan?! What I mean is, natatakot ako na baka pag nagkaroon ka na ng girlfriend ay iiwan mo na ako,” I said.   Yuan tapped my head, “Ikaw talaga kung ano-anong iniisip mo! Bakit naman mangyayari yun? Kahit pa magkaroon ako ng girlfriend, ikaw pa rin ang nag-iisa kong best friend at hinding-hindi yun magbabago!” He said. “A-Akala ko dati yun yung ikinatatakot ko eh! Akala ko takot akong nawalan ng best friend. But as time goes by, narealize ko na takot pala ako na may mamahalin ka ng iba!” Sambit ko. Tinignan ko si Yuan sa mga mata niya at sinabi ang mga katagang pagsisihan  ko pala sa huli, “Dahil mahal kita! Hindi bilang best friend ko kundi mas higit pa roon!”    Nakita kong nawala ang mga ngiti  sa labi ni Yuan  at bigla kaming napahinto sa pagsasayaw tsaka naman siya napabitaw sa pagkakawak sa bewang ko. “K-K-Kyla! I’m sorry! Pero mahal kita bilang isang kapatid lang…” Ng sabihin niya yun ay parang gumuho ang mundo ko. Hindi ako nakapagsalita nun sa harapan niya. Pakiramdam ko nagmukha akong tanga sa mga sinabi ko sa kanya. Nag-assume ako na mahal niya rin ako kaya di ako nag-expect na ganito pala ang mangyayari ngayon.    Pakiramdam ko parang gusto ng kumawala ng mga luha ko nung mga oras na yun eh! Kaya dali-dali akong napatakbo palabas ng venue at sumakay sa kotse namin tsaka umuwi. Wala akong ibang ginawa nung gabing yun kundi ang umiyak. Gusto kong magalit at sisihin si Yuan sa mga bagay na yun pero alam ko namang ako talaga yung may mali sa aming dalawa. Ang tanga-tanga ko at umasa ako na pareho din kami ng feelings sa isa’t-isa pero hindi pala. Akala ko lang pala ang lahat. Ayan tuloy nasaktan ako. Tama nga ang sabi nila…   Expecting doesn’t hurt so much, assuming does…   After nung gabing yun ay hindi ko na kinausap si Yuan at tuluyan ko ng sinira ang pagkakaibigan naming dalawa dahil sa isang dahilan; Ayoko na ulit mag-assume at mas lalong ayoko ng masaktan at ma-reject.    END OF FLASHBACK… Limang taon na ang pangyayaring yun, pero hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin ito. Naging maliit ang mundong ginagalawan naming dalawa ni Yuan kaya nahirapan akong iwasan siya. Yun nga lang kahit anong iwas ko sa kanya ay hindi pa rin nakatakas ang puso ko. Dahil sa loob ng limang taon ay siya pa rin ang tinitibok nito. Napataklob ako ng kumot habang ramdam na ramdan ko ang pagbagsak ng mga luha ko. Hayst! Nakakabadtrip Talaga yung intsik na yun! Maganda naman ako at madaming nangliligaw sa akin! Pero bakit siya pa rin? Hanggang kailan ba akong magkakaganito? Sa totoo lang gusto ko ng mag-move on… “Ma’am! Ma’am! Ma’am!” Bigla akong napabangon ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko. “Yaya! Ano ba? Kumatok ka naman!” Reklamo ko. “Eh! Kasi Ma’am nagkakagulo sa baba! May mga press na gusto kang makausap!” Yaya said. “H-Huh? Bakit daw?!” I asked. “Eh! Kasi po… Bumaba na lang po kayo!” tugon niya. Huh?! Anong Meron?! Dali-dali and akong nagpalit ng damit at bumaba tsaka ko nadatnan ang sangkatutak na reporter sa may gate ng bahay namin. “Ayan na siya! Ayan na siya!” Ilan lang yan sa mga sigawan nila. “Bakit po kayo nandito?” Tanong ko sa kanila. “Ikaw po si Kyla Fallejo, diba? Anong relasyon niyo ni Yuan Chen?”   “Gaano na kayo katagal?”   “Bakit niyo nilihim sa media ang tungkol sa inyo?”   “Totoo bang may LQ kayo kagabi?” Sabay-sabay namang tanong sa akin. “Wait! Ano bang pinagsasabi niyo? Wala akong idea sa mga sinasabi niyo!” I said. “Diba ikaw ‘tong nasa litrato na kasama niya? May mga nakakita na magkasama kayo sa concert kagabi at ang sweet-sweet niyo daw. Meron ding nakakita nag-aaway kayo sa kalsada. Ano po ba ang totoong nangyari?!” Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang mukha ko sa isang showbiz magazine. Sa litarato ay nakayakap sa akin si Yuan patalikod. Malamang Kuha ‘to kagabi kung saan kami nag-away kagabi. Oh! No! Totoo ba ‘to? Naiissue ako sa lalaking yan? Pilit kong pinoproktektahan ang sarili ko sa mga media pero ano ‘to? Nakakalat na ang mukha ko sa mga dyaryo and nakadikit pa ang pangalan ko sa isang sikat na artista! “Yaya… Tubig…” Pagkatapos ko yung sabihin ay nagdilim na ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng Malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD