KABANATA 12

2470 Words
*** KYLE’S POV Saang lupalop ba ng mundo nag-susuot yung chimay ko?! Anak ng kabayo naman oh! Kailangan ko ng alcohol right now, right here! Paano ba naman kanina pa akong hinahawakan nung baklang make-up artist ni Maze. Grrr! Hanggang ngayon ramdam na ramdan ko ang kilabot sa buong katawan ko! Pero Teka nga! Nasaan na ba kasing yung chimay na yun?! Tskkk! Wag niyang sabihin na hanggang ngayon ay kinikilig pa din siya dahil sa ginawa ko?! Sus! Pakiligin ko pa siya everyday eh! Nakita ko namang nakaupo si Zyne sa sofa sa may lobby ng hotel. Aba! Ang galing ng chimay ko! Paupo-upo na lang! Ni hindi man lang niya naisipangpagsilbihan ang amo niya. Nilapitan ko siya, “Hoy, babae! Kanina pa kitang hinahanap!” I shouted. “U-Uy! K-Kie i-ikaw p-pala!” Tinignan ko siya. Sus! Nauutal pa rin siya hanggang ngayon?! Malamang kinikilig pa ‘tong babaeng ‘to! “Alcohol ko nasaan?!” Kinuha niya sa bag niya yung alcohol at inabot sa akin ng hindi umiimik.. Hmmm… Ganyan ba kagrabe ang epekto ko sa kanya!? “”Hey!” Kalabit ko kay Zyne. “Bakit tahimik ka d’yan?” Ningitian ko siya ng nakakaloko. “Wag mong sabihin kinikilig ka pa rin dahil sa akin?” Nagulat naman ako when she look at me with confusion. “Kinilig? Tinataasan ka ba ng balahibo pag kinikilig?” She asked me innocently. “H-Huh?!” Wala sa sarili kong sambit. “Kasi kanina tinataasan ako ng balahibo! Akala ko kinikilabutan ako eh!" Tinignan ko siya ng masama. “Ibig mong sabihin ay kinalibutan ka dahil sa akin?!” Madiin kong tanong sa kanya. Tumawa lang siya. “Heh! Wag na wag mo nga akong tawanan! Hindi kita sweswelduhan ng isang taong!” After kong sabihin yun ay Tinalikuran ko na siya while dinig na dinig ko ang pagpigil ng tawa niya. Potek! Kinilabutan daw! Sa gwapo kong ‘to kikilabutan siya! Maya-maya lang ay pinatawag na kami para masimulan na yung meet and greet sa amin ng mga fans namin. Bawat isa sa lead cast ay may isang fan na i-idate. Kakain lang naman kami ng lunch dito sa hotel habang nagkwekwentuhan. Parang ‘get-to-know-each-other’ ang dating. At syempre, habang ginagawa namin yun ay kinukuhanan din kami ng pictures para sa magazine. After nun ay magkakaroon ng interview. All in all halos buong araw kaming magkasama ni fan. Tskkk! Sana yung fan na i-memeet ko ay naliligo at mabango para ganyan naman ako! Pag dugyutin yun, mabaho at pangit ay ewan ko na lang. “Kie! Bakit nakasimangot ka?” Kalabit ni Zyne sa akin. Tinignan ko siya, “Malamang kasi hindi Nakangiti.” I replied. “Hindi ka ba Masaya na may mamemeet kang taga-hanga mo?” She asked. “Mukha bang Masaya ‘tong mukhang ‘to?!’ I shouted while pointing my face. “Bakit di ka Masaya?” She asked again. “Bakit ang dami mong tanong?!” Tskkk! Nakakaasar naman ‘tong isang ‘to. Ang kulit-kulit! Tanong ng Tanong! Dada ng Dada! Saan ba pinaglohi ‘tong babaeng ‘to. Maya-maya lang ay dumating na yung organizer ng event na ‘to kasama yung mga fans namin. Nakita kong may babaeng lumapit kay Yuan at nakipagkamay dito samantalang kay Maze naman ay isang lalaki. Ok? So, wala akong fan, gano’n?! Ayos lang mas preferred ko yun! At least di na ako mag-aalala sa health ko. Kaso nagitla ako ng Lumapit yung organizer sa akin kasama yung make-up artist ni Maze. “Kyle this is your fan. Be nice to him, okay?” sabi nung organizer. “Wait___ hindi ba ikaw yung make-up artist ni Maze?!” I asked. “Ano kaba? Fafa Kyle! Syempre ako yun. Isa akong dyosang bumaba galing Mt. Fuji para mameet ka lang. Anyways, Jason is the name. Jason kagandahan!” Sabi nung bakla sabay lahad ng kamay niya sa aakin parang gusto niyang makipag-shakehands sa akin. “Oh! Siya. Maiwan ko muna kayo!” Sabi nung organizer sabay iwan sa amin. Anak ng kabayo! Sino ba ang may balat sa pwet dito?! Mukhang nahawaan ako ng kamalasan ng taong yun eh! Pag nalaman ko kung sino ang may balat sa pwet ay ipapalapa ko talaga siya sa mga tigre. “Fafa Kyle! Can you make shaking my hands kanina pa si me nangangawit here eh!” Reklamo niya. Tinignan ko yung kamay niya ng diring-diri, “Naghugas ka ba ng kamay?” I asked. “Oo naman! Naligo pa nga ako eh! I’m so mabango! Amuyin mo oh!” Biglang dumamba sa akin yung baklang mukhang kabayo at pinagduldulan niya ang dibdib niya sa ilong ko. “What the f*ck?! Lumayo ka nga sa akin! Layo! Layo!” I shouted while itinutulak ko siya. “Zyne! Paalisin mo siya! Bilis!” I shouted again. “Ano ka ba, Kie? Mag-enjoy ka nalang d’yan! Balik na muna ako sa dressing room ah!” Pagkasabi niya nun ay bigla na lang siyang tumayo at iniwan ako. “Hoy, babae! Wag mo akong iwan!” Sigaw ko sa kanya pero ang walang hiya kong chimay ay inisnob lang ako. “Ano ka ba, Fafa Kyle? Kailangan nating magbonding-bonding kaya siya umalis. Ay! Wait! Di pa pala kita na beso-beso. Mwuah, mwauh!” Sabi niya habang hinahalikan niya ang magkabila kong pisngi. Itinulak ko siya, “Anak ng kabayo naman eh! Wag mo nga akong halikan kung ayaw mong mapatay kita!” pagbabanta ko sa kanya. “Asus! Gustong-gusto mo naman eh! By the way, fan na fan mo talaga ako! Kyahhhhhhhhhh! Ang swerte ko nahalikan at makakasama ko na yung idol ko! Kinikilig na si me here! Kyahhhhhhhhhh!” Oh God. Ganito na ba talaga akong makasalanan para parusahan ng ganito?!! ZYNE’S POV “Ayoko! Ayoko! Ayoko! Hindi niyo ba naiintindihan ha?! Sabing Ayoko na sa letsugas na meet and greet na yan eh!” I shouted. “P-Pero Sir Kyle…” nauutal niyang sabi. “Sige pilitin mo pa ako kung gusto mong makameet and greet si Satanas sa imperno!” Pananakot ko. “H-Hindi n-na p-po!” Sabi nung staff tsaka tumakbo palabas ng dressing room. Hayst! Kanina pang nagmamatigas si Kie. After kasing i-introduce sa kanya yung fan niya ay bumalik siya dito ng may madaming kiss mark sa pisngi at leeg. Kaya kaagad niya ring hiningi ang alcohol niya sa akin na binigyan ko naman tsaka niya pinagpupunasan ang katawan niya. Kung anong nangyari? Wala akong idea. “Kie! Dapat lumabas ka na. Kawawa naman yung staffs at yung fan mo. Mukha kanina ka pa nilang hinihintay,” Malumay kong sabi sa kanya. “Tumigil ka nga! Ayoko ng makita yung baklang yun! Kinilalabutan ako! Kita mo yung itsura ko kanina? Grabe hinalikan niya ba naman ako! Pinagsamantalahan niya ang p*********i ko. Ayoko ng makita yun baka mapaslang ko lang yun!” Sigaw niya. “Heheheh ‘to naman. Malay mo gano’n niya lang talaga ipinapakita ang Pag-angat at pagmamahal niya sayo!” Tinignan ako ni Kie ng may napakacute na panda eyes. “Hindi ko kailangan ng pagmamahal niya!” He told me in gritted teeth. “Ibili mo na nga lang ako ng panibagong alcohol. May convenience store sa tapat ng hotel na ‘to. Bilisan mo ah!” Inabutan niya ako ng pera at nang matanggap ko na ito ay lumabas na ako sa dressing room para makabili na ng alcohol. Hay naku! Mukhang bata talaga si Kie pag may topak. But still I find him very adorable. Naglakad na ako palabas ng hotel nang bigla kong makasalubong si Maze kaya napahinto ako. Naalala ko lahat ng nakita ko kanina… Hindi ko masyadong maintindihan ang nangyari pero kitang-kita ko kung paano siya sampalin at sabunutan ng Mama niya. Nakita ko rin kung paano umiyak si Maze at nagmakaawa sa mama niya. Para atang may ipinapagawa yung mama niya sa kanya na hindi-hindi niya magawa ng maayos. Kung ano yun? Ewan ko din. Naalala ko si mama. Minsan niya na rin akong napagbuhatan ng kamay. After niya yung ginawa ay ipinaliwanag niya sa akin kung bakit niya yun nagawa at pati na din yung maling nagawa ko. Nag-sorry ako kay mama at nag-sorry din siya sa akin tsaka niya ako niyakap at sinabing mahal na mahal niya ako. Pero iba ang kay Maze. Kahit anong paghingi niya ng tawad ay hindi siya pinapakinggan ng Mama niya. Matapos niya itong pagbuhatan ng kamay ay binantaan niya lang ito samantalang pinapanood lang sila ng daddy niya na para bang wala lang sa kanya na nasasaktan na ang anak niya tsaka siya iniwan ng Mama at Papa niya. Bigla akong tinamaan ng konsensya kasi wala man lang akong nagawa kundi panoorin sila. Alam kong ayaw ni Maze sa akin pero kahit na mali pa ring di ko siya tinulungan kanina. Huminga ako ng malalim at naglakad loob na lapitan siya. “U-Uhmmm… Maze!” Lumingon siya sa akin at nakita kong kumunot ang noo niya, “What do you want?!” She asked. “Nalaglag mo yung panyo mo,” sabi ko sabay abot sa panyo niya. Agad-agad niya rin itong kinuha sa kamay ko, “Sige, makakaalis ka na!” She said. “Ah! Ano Maze…” sabi ko. “Ano?!” Sigaw niya. “Uhmmm… Ayos ka lang ba?” I asked. “Ano bang pinagsasabi mo?! Pwede ba umalis ka sa harapan ko! Naalibadbaran ako sa itsura mo eh! You’re an eyesore!” Sabi niya. After that ay Tinalikuran niya na din ako tsaka naglakad palayo. Napabuntong hininga ako. Siguro kaya ganyan makitungo si Maze ay dahil sa mama niya. Inaamin ko na medyo naiinis ako sa kanya pero ngayon wala akong nararamdaman na iba kundi awa. Lumabas na ako ng hotel at Bumili ng alcohol ni Kie. Bumili na rin ako ng inumin dahil baka nauuhaw na yun. Kawawa naman. Pagbalik ko ng hotel ay nadatnan ko si Yuan na nakaupo sa may lobby habang nakapangalumbaba. Actually kanina ko pang napapansin si Yuan na walang imik. Nung makita niya kami ni Kie ni ‘Hinila ay wala kaming natanggap galing sa kanya. Parang kakaiba yata ang kinikilos niya ngayon. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. “Hello!” Bati ko sa kanya. “Oh! Zyne.” Kumuha ako ng isang juice na binili ko kanina sa convenience store at inabot sa kanya, “Inom ka muna. Baka nauuhaw ka na!” He smile then kinuha niya ito. “Thank you, Zyne!” Pagpapasalamat niya. “Uy! Kamusta yung fan mo?!” I asked. “Okay naman siya nakakatawa siyang kakwentuhan,” he replied. “Ah! Hehehe. Si Kie kasi hindi nakasundo yung fan niya eh!” I said. Yuan just smile then tumingin sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip niya. Ramdam na ramdan kong may gumugulo sa isipan niya ngayon. In some ways ay bigla naman akong nag-aalala sa kanya. Siguro dahil nasanay lang akong makulit at masiyahin siya na parang bang walang dinadaanan problema. “Uhmmm… Yuan ayos ka lang ba? May problema ka ba?!” I asked. Bigla namang napatingin si Yuan sa akin at parang nagulat siya sa sinabi ko, “Z-Zyne! N-Nag-aalala k-ka b-ba s-sa a-akin?!” Nauutal niyang tanong. “H-Huh? Ay! Oo naman.” This time ako naman ang nagulat ng bigla na lang siyang ngumiti, “You know what? You’re concern made me the happiest. It is somehow you cheered me up!” He said that made me confused. “H-Huh?! Bakit naman?” Biglang tumayo si Yuan at nag-unat, “Bigla akong ginahanan ah! Thank you so much, Zyne!” sabi niya. Umiling lang si Yuan at nagulat naman ako ng bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko, “Wǒ ài nǐ!” He said. “H-Huh?!” Ginulo lang ni Yuan ang buhok ko. “You’ll gonna understand that soon. Let’s go?” Saad niya. “Ah! Okay.” Tumayo na rin ako tapos naglakad na kami ni Yuan pabalik sa dressing room. Anong Meron kay Yuan? Ang weird niya yata ngayon eh! Tinignan ko siya at nakita kong ngiting-ngiti siya. But we’ll, at least he cheered up. “Nasaan si Kyle?!” Halos mapatalon kami ni Yuan nang Biglang may sumigaw sa likuran namin. Pareho kaming Napalingon ni Yuan at nakita ko na may isang Maganda, matangkad at mukhang anghel na babae na nakasunod sa aming dalawa. “Z-Zyra?!” Sabi ni Yuan. “Yeah that’s me! Hi, Yuan. Nakita mo ba ang alaga ko?” Sagot naman nung babae nakasunod sa amin. “N-Nasa d-dressing r-room s-si G-Gēgē K-Kyle!” nauutal na sagot ni Yuan sa tanong nito. “Hayst! Yung batang yun talaga.” Sabi nung Magandang babae sabay lakad papunta roon. “Ah! Yuan. Sino yun?” I asked. “Siya yung manager ni Gēgē Kyle!” He responds. “Manager?” Tanong ko ulit. “Oo! Patay! Lagot si Gēgē Kyle ngayon!” Sumunod kami ni Yuan doon sa babae na manager ni Kie and pareho naman kaming nagulantang ng ibinalibag nito ang pinto ng dressing room ni Kie. “M-Manager Z-Zyra?!" Nauutal na sambit ni Kie rito. “Hey, Kyle! Do you miss me?” Saad ng babaeng nagngangalang Zyra. “M-M-Manager a-akala k-ko l-limang b-buwan k-kang m-mawawala?!” Gulat na gulat na sabi ni Kie at kitang-kita ko ang takot sa mukha niya. “Hindi ko pala kayang pabayaan ang alaga ko dito eh!” Lumapit yung Magandang babae kay Kie tsaka niya ipinatong ang magkabila niyang kamay sa braso nito, “Pagdating ko dito nagsumbong agad sa akin yung organizer na ayaw mo daw makipag-meet and greet sa fan mo?” Sabi niya habang Nakangiti kay Kie. She looks nice pero bakit parang natatakot si Kie sa kanya? “H-Huh? Ano kasi eh…” Nagpout naman si Zyra aka Ms. Maganda. “I told you to be a good boy!” Saad ni ms. Maganda. “P-P-Pero k-kasi____” At yung sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan. Bigla na lang piningot ni Ms. Maganda si Kie at hinila ito Patayo. “Aray! Aray! Aray! It’s hurt!” Reklamo ni Kie pero hinila lang siya nito habang pingot-pingot pa rin ang kanyang tenga at tsaka kinaladkad siya nito palabas sa dressing room. “Now, Kyle! Be a good boy at sundin mo ang sinasabi nung organizer okay?!” Sabi ni Ms. Maganda while ngiting-ngiti pa ito. Dumaan sila sa harapan namin then she gave us a wink. “That’s Ms. Zyra, Kyle’s manager. Siya lang ang kaisa-isang taong nakakapagsunod kay Gēgē Kyle,” bulong sa akin ni Yuan. I just nod while pinapanood ko kung paano pinghutin ni Ms. Zyra si Kie. Isa lang ang masasabi ko. She’s so cool…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD