***
KYLE’S POV
“Ano yan?” Kunot noo kong tanong kay Zyne ng abutan niya ako ng isang garapon ng stick-o. “Yung pinapabili mo sa akin!” Nakangiti niyang sagot. Huminga ako ng malalim at ningitian ko siya, “Zyne!” Malumay kong sabi habang ngiting-ngiti ako. “Yes?!” Sagot niya habang ngiting-ngiti din siya. “Sabi ko yosi hindi stick-o!” sigaw ko sa kanya. Matapos kong malaman ang past niya ay pinilit kong maging mabait sa kanya. Kaso sadyang di ko kaya lalo na sa mga ginagawa niya. Wala ba siyang ibang alam kundi pasakitin ang ulo ko?!
“Relax ka lang! Lumalaki na naman ang butas ng ilong mo HAHAHAHHAH!” She said. “I’ll show you a trick,” dagdag niya pa. Binuksan niya ang garapon ng stick-o then kumuha siya ng isang stick nito at inilagay niya sa kanyang bibig in a way na parang nagyoyosi siya. “See? Ganyan lang yan. May yosi ka na, hindi pa masama sa katawan.” Masigla niyang saad. Tinitigan ko si Zyne, “Pinagloloko mo ba ako?! Pwede ba pakiayos na lang ng gamit ko? At lumayas ka na sa harap ko bago pa ko di makapagpiggil sayo!” I shouted.
“Yes, Boss!” Nagsalute siya sa akin at umalis na sa harapan ko. Hay buhay! Sa totoo lang naawa naman talaga ako kay Zyne lalo na nung nalaman ko yung past niya. Kung titignan mo siya ay para normal lang naman siya at di na kailangang kaawaan pa. At isa pa, bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-init ng ulo sa kanya?! Paano kasi lahat ng lang ay pinapakialaman niya! Hindi niya pa ginagawa ang lahat ipinapagawa ko sa kanya. Ang tigas-tigas pa ng ulo niya! Pag pinagalitan mo ay tatawan ka lang niya.
Para akong nagkaroon ng 7 years old na chimay… Tatanda ako ng maaga dahil babaeng yun! Magkaka-wrinkles at magkakaroon ng maputing buhok agad ako nito! Tskkk! Sayang ang gwapo kong mukha. Kumuha ako ng isang stick-o sa garapon nito at sinubukan kong gayahin yung ginawa ni Zyne dito. Tskkk! Walang kwenta! Nagmumukha lang akong tanga sa ginagawa ko! Ang layo naman nito sa yosi eh! Dahil sa inis ko ay kinagatan ko na lang yung stick-o. Nagulat ako ng nakadungaw si Zyne sa akin.
“Sabi ko naman sayo parang yosi lang din yan eh!” Sabi niya habang Nakangiti na para bang nang-aasar. “Tumigil ka at bumalik ka na sa ginagawa mo!” I shouted at her. Nakakainit talaga siya ng ulo! Instead na sundin niya ako ay mas lalo niya lamang akong inaasar. Pag talaga ‘tong babaeng ‘toh ay di titigil ay baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Kinabukasan maaga kaming pumunta ni Zyne sa isang hotel para sa inorganize na ‘meet and greet’ ng mga cast ng movie na ginagawa namin para sa mga fans. Yung mga fans na maswerteng nanalo doon sa isang texting game ang i-memeet namin. Eto ang pinaka-ayoko sa pagiging artista. Kung di lang kailangan ay aayaw talaga ako eh! I mean, minsan nakakatakot ang mga fans and minsan ginagawa kaming nazareno. Hinahalikan, pinupunasan ng pawis, niyayakap at kung ano-ano pa. Ang dami pa namang nagkalat na germs sa katawan nila.
“Dala mo ba yung alcohol?” tanong ko kay Zyne. Napatakip siya bigla ng bibig at nanlaki ang mata niya, “Hala! Nakalimutan ko!” Nanlaki din ang mata ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa ulo ko. “Nakalimutan mo?! Ilang beses kong ipinaalala yun sayo tapos kakalimutan mo lang! Anak ng kabayo!” Sigaw ko. “Relax lang! Nagbibiro lang naman ako eh!” Inilabas niya yung alcohol sa bag tapos pinakita niya sa akin.
“Eto oh! Makakalimutan ko ba naman ‘to!” Natatawa niyang sabi sa akin. “Wag na wag kang magbibiro ng gano’n!” I shouted. “HAHAHHAHA! Nakakatawa kasi talaga yung mukha mo pag nagagalit eh! Ang cute-cute mo sobra!” She said. Napakunot na lang ang noo ko sa babaeng ‘to. Nakakakunseme na talaga siya! Pagkadating na Pagkadating namin doon sa hotel ay sinalubong agad kami nung photographer and writer ng isang sikat na showbiz magazine kung saan lalabas yung ‘meet and greet’ namin with the fans.
Nagpakilala naman sila then hinayaan na nila kaming mag-ayos. Himala yata at hindi kami sinalubong ni Yuan ngayon. Kada dadating kami lagi ay niyang hinahawakan si Zyne kaya wala tuloy akong mautusan. Nagpunta na kami sa dressing room para makapagbihis na ako at pagdating ko doon ay wala si Kyla. “Nasaan si Kyla?” tanong ko dun sa isang staff. “Hindi po makakapasok. Masama po ang pakiramdam niya,” tugon nito.
“I see!” Masama pakiramdam? O baka naman hanggang ngayon ay kinikilig pa yun. While si Yuan naman ay narealize niya na bagay sila ni Kyla kaya hindi na niya guguluhin ‘tong chimay ko. Hinubad ko na yung T-shirt na suot ko at kinuha yung isang long-sleeved na nakasabit sa hanger. Napatingin din ako sa mga necktie. Ang babaduy ng kulay! “Zyne! Pakiabot nga nung necktie na pinadala ko sayo,” utos ko sa kanya.
“S-Sige!” Napalingon naman ako sa kanya and I saw her trembling. Ano na namang problema ng babaeng ‘to? “E-Eto na!” Inabot niya sa akin while avoiding my gaze. Scratch that, hindi talaga siya nakatingin sa akin. Instead her eyes are glued in the floor then tinalikuran na niya ako nagtungo sa table at naging busy-busyhan sa pag-aayos ng gamit ko. Napatingin ako bigla sa aking sarili then it hit me.
Babae nga pala si Zyne. Hah! Now I know!
Napangiti ako bigla ng may maisip akong kalokohan. Hmmm… Lagi akong pinipilit ng babaeng ‘to ah! This time gaganti ako. I put on my long-sleeved but leave it unbutton. “Zyne!” I called kaya napalinhon siya sa akin. I walk towards her in the most seductive way at nakita kong namumula na ang mukha niya. “B-Bakit?” Nauutal niyang sabi while pilit niyang iniiwas ang tingin niya sa akin. “Zyne…” Mas lumapit pa ako sa kanya hanggang sa mapasandal na siya sa table.
Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa gilid niya to trapped her then I leaned forward at bumulong sa kanya, “Tulungan mo naman akong ibutones ang long-sleeved ko oh!” I said in a husky voice. “T-Teka K-Kie! K-Kaya m-mo n-naman y-yan e-eh!” Sabi niya sa akin habang itinutulak ako palayo. Hinawakan ko ang wrist niya at tinignan ko siya sa mata, “But I want you to button it!” Ningitian ko siya at hinawi ang iilang strands ng buhok niya sobrang mukha niya then I stroke her cheeks using the back of my hands.
“Please, Zyne! Your my P.A, right? And dapat sinusunod mo ang utos ko dahil ako ang amo sa ating dalawa!” I told her in my most seductive tone. “P-P-Pero…” nauutal niyang sambit. Bigla kaming naghiwalay ni Zyne ng bigla na lang may bumalibag sa pinto and bumungad si Maze sa amin. “Uhmmm… May nakalimutan ako sa kotse kukunin ko lang!” Sabi ni Zyne at dali-daling lumabas sa dressing room. Tinignan naman ako ni Maze ng masama, “What are doing?” She asked.
“Playing around!” I replied. “She rolled her, “Makikipaglandian ka na nga lang sa chimay. So cheap!” Lumapit ako kay Maze. “Hey! You’re acting like a jealous girlfriend,” sabi ko sa kanya while tumatawa pa ako. Tinulak niya naman ako, “Hindi mo ba itatanong, kung bakit di ako natulog sa unit mo kagabi?!” Napakamot ako bigla sa ulo. Nakalimutan kong sa unit ko pa rin pala natutulog ‘tong babaeng ‘to.
“Wag mong sabihin nakalimutan mo, Kyle?!” She asked. “Parang gano’n na nga!” I replied. Tinignan niya ako ng masama, I hate you!” After that ay itinulak niya ako at lumabas na sa dressing room. Ano na namang problema ng isang yun? Kung maka-asta Kala mo girlfriend ko eh! Tskkk! Sayang di ko natuloy yung pang-seseduce kay Zyne. Istorbo kasi eh! Naalala ko bigla yung mukha ni Zyne habang nag-blublush siya dahil sa pinaggagawa ko kanina sa kanya.
Napangiti na naman ako. Nakakatawa kasi yung itsura niya kanina. Biruin niyo, naapektuhan din pala siya sa ganitong bagay! Kahit pala gano’n katibay ang loob nun kada nasasabihan ko ng masasakit na salita eh meron at meron pa rin talagang magpapatiklop sa kanya. Now I already found her Achilles heel. Mukhang mag-eenjoy na akong loko-lokohin siya. Napatingin ako sa salamin. Hay naku! I can’t blame her. Ang gwapo-gwapo ko talaga!
ZYNE’S POV
Pagkalabas na pagkalabas ko sa dressing room ay dadali akong umupo sa sofa while hawak-hawak ang aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko pati na din ang pag-init ng mukha ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Mamatay na ba ako? Agad-agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Dr. Zin.
[ “Hello, Zyne. Bakit ka napatawag?” ]
“Dr. Zin kasi parang may kakaiba sa puso ko ngayon,” I said.
[ “H-Huh?! Paanong kakaiba?” ]
“Ano kasi eh! Ang bilis ng t***k ng puso ko tapos pakiramdam ko ang init-init ng mukha ko,” I replied.
[ “May nangyari ba?” ]
“Ano po kasi…” tugon ko.
Biglang nag-flashback sa isip ko yung itsura ni Kyle kanina. Yung mga tingin niya sa akin while palapit siya sa akin, yung tono ng boses niya habang nagsasalita siyang pati yung amoy ng hininga niya. Napahawak ako bigla sa pisngi ko at parang nararamdaman ko ulit yung kamay niya sa pisngi ko. This time nakaramdam naman ako ng kung ano sa tyan ko.
[ “Hello, Zyne. Andiyan ka pa ba?” ]
“Dr. Zin! May kung ano sa tyan ko. Natatakot ako!” I said.
[ “Ha?! Ano ba ang nangyari sayo?” ]
“Wahhhhhhhhh! Hindi ko alam! Mamatay ba ako?!” Mangiyak-ngiyak kong tanong.
[ “Etong batang ‘to talaga napa-wild mag-isip. Gutom lang yan! Sige bye na may pasyente pa akong aakisuhin. Ikain mo na lang yan!” ]
“P-P-Pero------ Hello, Dr. Zin?” Binabaan niya ako. Hay! Nakakaloka naman kasi eh! Ano ba kasing nangyari kay Kie at parang sinaniban soya ng kong anong ispirito? Isa pa, bakit ganito ang nararamdaman ko? Ano bang nangyayari sa akin? Halos mapatalon ako sa upuan ko ng bigla na lang nagbalibag ulit sa pinto at nakita ko si Maze na lumabas ng dressing room na nakasimangot.
Dali-dali siyang naglakad ng mabilis at nakita ko ang nalaglag yung panyo niya habang di niya ito napansin. Dinampot ko yung panyo, “Ah! Maze!” tawag ko sa kanya kaya lang ay hindi niya ako narinig kaya no choice ako kundi ang habulin siya. Nakita kong pumasok siya sa dressing room niya at sinundan ko siya doon. “Wala kang kwenta!” someone shouted. “Hon! Sop it! Hon!” pagpipigil ng kung sino man.
Kakatok na sana ako ng Hindi ko sinasadyang masilip ang nangyayari sa loob ng dressing room. Kitang-kita ko kung paano pinagsasampal at pinagsasabunutan si Maze ng isang babaeng tinatawag niyang ‘Mom’, while may isang lalaking umaawat sa mommy niya at sa tingin ko ay yan yung daddy niya. At halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko sa sobrang pagkabigla.