KABANATA 10

2064 Words
*** KYLA'S POV “Kuya talaga! Nakakaasar ka sobra,” sigaw ko kay Kuya Kyle habang kausap ko siya sa telepono. [ “Hay naku! Wag ka na nga’ng mag-inarte d’yan. Alam ko namang namimili ka na ng damit na isusuot mo para sa date niyo ni Yuan HAHAHAHHA! ] Tinignan ko yung mga damit na nakalatag sa kama ko. “H-Hindi ‘no! Wala akong planong pumunta!” pagsisinungaling ko sa kanya kahit kanina pa talaga akong namimili ng damit. [ “Ay gano’n! Hahayaan ko na bang sumama si Zyne kay Yuan?” ] Medyo natigilan naman ako. Sa totoo lang gusto kong sumama kay Yuan ang problema nga lang ay di ko alam kong paano ko siya pakikitunguhan. Highschool pa nung huli kaming lumabas yung kami lang dalawa. Ilang taon na rin ang lumipas and isa pa… [ “Wag mo ng pag-isipan, Kyla. I’m doing you a favor kaya  iappreciate mo na lang!” ] Napabuntong hininga nalang ako. “Sige na nga. Pasalamat ka at idol ko si Taylor Swift!” I said. [ “Sus! Wag mo na nga’ng idahilan pa si Taylor Swift. Alam ko namang gusto mo talagang pumunta. O Sige na! Naiistorbo mo ako eh! Nagluluto pa ako!” ] Natigilan naman ako, “Ikaw ang nagluluto? Seriously? Diba kasama mo naman si Ate Zyne? Ba’t di siya ang nagluluto?” I asked confused. [ “E-Eh! Ano kasi… Yung babaeng yun ay di marunong magluto kaya ako na lang ang nagluluto. Wag ka na nga’ng magtanong! Bye!” ] Tapos bigla na lang niya akong binabaan ng tawag. Problema ng isang yun? Palagi na lang yatang may dalaw! Well ako naman kay Yuan sa kanya lang ako mataray. And ewan ko ba kung paano ko naka-close ang napaka-sungit kong Kuya. But oh well! Back to business tayo. Tinignan ko yung mga damit na nakalatag sa kama. Hayst! Nakakaasar naman. I’m a fashion expert but how come na nahihirapan akong mahilig sa aking susuotin?! Ano ba kasi magugustuhan niyang outfit ko? Oh my gosh! I’m going insane. Bakit ko ba iniisip yung lalaking yun? Bakit ko pinoproblema kung magustuhan niya ang damit na isusuot ko ngayon? Eh! Ano naman ngayon? Still wala pa ring nagbabago! Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Dapat pala ay di na ako pumayag na makipagkita sa kanya ngayon eh! Alam ko namang si Ate Zyne talaga yung gusto niyang kasama at hindi ako. Pero kasi…. Namimiss ko na siya. Napabuntong hininga ako then I grab the simpliest outfit In my bed. “Hi, Kyla!” Bati ni Yuan sa akin pagkadating ko sa colesium kung saan mag-coconcert si Taylor Swift. “S-Sorry, I’m late!” paghingi ko ng paumanhin sa kanya without looking at his face. “It’s okay. Di pa naman nagsisimula eh! Tara na sa loob?” I just nod then pasok na kami sa loob. Habang naglalakad kami doon sa seat namin ay napatingin ako sa kanya and doon ko lang napansin na naka-cap at may suot siyang malaking eye-glas. Siguro para hindi siya masyadong maidentify ng mga tao rito. Kung iisipin, sikat din si Yuan at malamang baka magtakbuhan sa kanya yung mga tao pag nakita siya. Pero kahit na ganyan ang itsura niya ngayon napakagwapo niya pa rin. “Kyla!” I was back to reality nung Biglang hawakan ni Yuan ang kamay ko kasabay nun ang paghatak niya sa akin. Ano ba ‘to? Naiilang ako sa kanya eh! Hindi ko talaga alam kong paano ko pakikitunguhan. Ilang taon ring puro katarayan at kasungitan lang ang ipapakita ko sa kanya. Ngayon lang ulit kami nakalabas na magkasama and swear di ko alam kong paano ko pakikisamahan. Nakarating na kami sa seat namin at naupo na. Medyo malapit kami sa stage and super ganda ng view sa pwesto namin. Halatang pinagkagastuhan niya talaga ‘to and nararamdaman ko ring disappointed siya kasi di niya kasama yung babaeng gusto niya talagang isama sa concert na ito. We both sat on silent while hinihintay naming magsimula ang concert. Tinignan ko si Yuan habang busy siya sa paglalaro ng kung ano sa cellphone niya. 5 years ago, pumunta din kaming dalawa dito dahil sa concert ng favorite band namin. Hindi pa siya artista noon pero nag-momodel na siya nun. While papunta kami sa concert ay nagkwekwentuhan din kami, walang humpay ang tawanan namin noon at komportable pa akong kasama siya unlike ngayon. But that was 5 years ago when we used to be best friends. Nung mga panahon di ko pa naamin sa sarili ko na mahal ko siya. I guest love can ruin friendship. Bakit kasi ako na-inlove sa best friend ko eh? Sounds cliché, right? Pero kahit gaanong ka-cliché ang situation ko, anak ng kabayo! Abot hanggang hell naman ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Miss na miss ko na si Yuan. Gusto ko ulit makipagtawanan sa kanya at makipagkulitan. Gusto kong mayakap ulit siya at masabihan ng mga sikretong ko but I don’t dare to. Alam ko kasing, the more I got close to him, the more that I will yearn for his love. Ilang taon na ang lumipas, but still, hindi ko magawang Bitiwan ang pagmamahal ko sa kanya. “Kyla!” Nagulat ako Biglang magsalita si Yuan. “B-Bakit?” nauutal kong saad. “Naalala mo yung mag-concert yung Paramore dito 5 years ago? Same colesium tapos pareho din yung pwesto natin noon.” Medyo iniwas ko yung tingin ko sa kanya. “Uhmmm… O-Oo!” I said. “Magkasama tayong dalawa nun eh! Tapos habang kumakanta sila ay nagtangkang ang mga tao,” pagpapatuloy ni Yuan. “At dahil sobrang liit mo kaya nagmukha kang giraffe dahil nagkanda-habahaba ang leeg mo! Tapos yung suot mong blouse ay may giraffe pattern HAHAHHAHAHH!” Bigla ko namang naalala yung mga panahong yun at nahampas ko si Yuan sa balikat. “Napakasama mong lalaki ka para ipialala mo sa’kin yun! Eh! Gusto kong makita si Hayley.” I said. “Kaya ang ginawa mo ay tumugtog sa silya! Muntik ka nga’ng mahulog nun eh! Kaya pinasan kita sa balikat ko and after nung concert kinakailangan kong tampalan ng madaming salonpas ang likod ko kasi sobrang sakit! Para kang giraffe na baboy HAHAHAHAH!” Hinampas ko ulit siya. “Ang sama-sama mo talagang intsik ka! I hate you!” I shouted. Hayop talaga ‘tong lalaking ‘to! Sukat inaalala niya ba naman yung nangyari noon. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko while pinapanood ang katabi kong walang humpay sa pagtawa. Binatukan ko siya ulit, “Aray ko! Kyla. It’s hurt!” Reklamo niya. Binelatan ko lang siya. “Kyla!” He called. “Ano? Mang-aasar ka na naman ba?!” I asked. “Bù, wǒ hěn gāoxìng!” He said. [ Bù, wǒ hěn gāoxìng = No, I’m glad ]. “Wag mo akong ma-intsik intsik kong ayaw mong mabugbog kita!” I yelled. Tskkk! Nakakayamot talaga siya sobra. Tinignan ko ulit si Yuan at nang makita kong Nakangiti siya habang nakatingin sa stage. Ngayon ko lang napansin na medyo nawawala na yung pagkailang ko dahil sa pang-aasar niya sa’kin. I smile to myself. Well, di naman masamang i-enjoy ko ang company niya kahit ngayong gabi lang, diba? I well let myself fall for him tonight. Kung ano man ang consequences ang mangyari ay bahala na. “Woah! What a concert!” sabi ni Yuan pagkalabas na pagkalabas namin sa colesium while magkaakbay pa kaming dalawa. “Grabe! Hindi ko ini-expect na mag-eenjoy ako ng ganito ngayong gabi,” sagot ko naman sa kanya. Tinignan niya ako, “What do you mean by that? Ibig sabihin expected mong di ka mag-eenjoy kasama ako?” He asked me while pouting. Pinitik ko naman ang noo niya.”Oo, kasi ang boring mong kasama!” tugon ko. “Ah! Gano’n pala ah!” Tinignan ako ni Yuan ng nakakaloko. “What are you planning?! I asked. “Hmmm… Saan nga ba ang weakest point ni Kyla Fallejo?” Sabi niya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko. “Hoy, Yuan! Kung ano man yang binabalak mo ay wag mo ng ituloy kundi babalian ko talaga yang spinal cord!” I shouted. “I’m not scared, Kyla!” He said then naglakad siya palapit sa akin. Naku po! Mukhang alam ko na ang gagawin ng lalaking ‘to. Napalunok ako bigla at tumakbo palayo sa kanya. Pero masyadong siyang mabilis kaya naman ay nahabol niya agad ako. “Gotcha!” Sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko. Halos mapagulong-gulong na ako sa kalsada sa kakatawa. Ramdam na ramdam ko na ding nanghihina na ako, kasi naman ‘tong intsik na ‘to. Alam niya naman kung saan ang weakness ko tapos dun pa ako kiniliti. “Tama na!” Kakawala na sana ako kaso ayaw niya pa rin akong Bitiwan. Kaya natabig ko ang Sombrero niya at nalaglag yun. Pareho kaming natigilan ni Yuan sa paghaharutan at napalunok kami pareho. “Si Yuan Chen, yun diba?” Dinig kong sabi nung babae na malapit sa kinatatayuan namin. “Uwaaaahhhhhh! Ang gwapo-gwapo niya. Tara pa-picture tayo!” Uh-oh. I think we’re in trouble. “Naku po!” Kinuha ni Yuan yung kamay ko, “Takbo!” He shouted. Kumaripas kami ng takbo ni Yuan papunta sa Parking lot. Buti na lang at malapit lang ito, kundi yari kaming dalawa. Nung makasakay na kami sa kotse ay dali-dali ring nag-drive si Yuan. “That was close!” sabi niya. Napahawak naman ako sa dibdib ko habang hingal na hingal. “Akala ko katapusan na natin eh!” Nagkatinginan kaming dalawa then pareho kaming natawa. “Hayst! Siguro Masaya siguro kung kasama natin si Zyne ‘no?” Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya. “Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Baka pinahihirapan na naman siya ni Gēgē Kyle! Lagot talaga si Kuya sa akin! Kyla tingin mo bagay kami ni Zyne?” Iniwas ko ang tingin ko, “Ewan ko!” tugon ko. “Alam ko na bagay talaga kaming dalawa! I really, really, really like Zyne. Pag ako nakakuha ng tyempo liligawan ko siya. Tulungan mo ako best friend?” Hindi ako umimik sa sinabi niya. “Kyla! Are you okay?” He asked. “Y-Yuan! Pakihinto yung kotse,” I said. “H-Huh? Why?” He asked. “Basta!” I replied. Inihinto naman ni Yuan yung kotse sa isang tabi at nang huminto ito ay Agad-agad rin akong lumabas. “Uy! Kyla!” Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo sa kanya. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Napakatanga ko talaga sobra! Dapat di na lang ako sumipot! Ang saglit na kasiyahan, pang matagalang sakit naman ang katumbas. Napahinga ako ng malalim dahil nararamdaman kong tutulo na naman ang luha sa mata ko. Nakakaasar naman eh! Bakit ba naapektuhan pa rin ako sa kanya hanggang ngayon? “Kyla!” Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Yuan ang kamay ko. “Anong nangyari sayo? Bakit ka bumaba?” He asked. Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, “Kailangan ko ng umuwi!” Wala sa sarili kong sambit. “Hatid na kita!” pag-aalok niya. “No need kaya ko naman ang sarili ko eh!” pagtanggi ko. “Kyla!” He tried to made an eye contact pero kaagad ko ring iniwas ang tingin ko. “Ano bang problema? I thought okay na tayo kanina? Akala ko bumalik na ulit tayo sa dati pero bakit ganyan ka na naman?” He asked confused. Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko, “Hindi na ulit babalik ang dati, Yuan!” Pagkatapos ko yung sabihin ay Tinalikuran ko na siya at ako’y naglakad paalis. Kaya lang ay nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod. “Kyla! Please naman. Let’s bring back our friendship back. You don’t know how much I miss you!” Please! Bumalik ka na sa akin, best friend!” Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. “Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin maintindihan, Yuan?! Hindi na ako pwedeng maging best friend mo!” Tinulak ko siya palayo sa akin at tumakbo na ako. ‘Best friend ’ Hanggang doon na lang ba talaga ang Turing niya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD