***
KYLE’S POV
“Where’s Zyne?!” Sulubong na tanong ni Tito Zin sa akin pagpasok niya pa lang sa loob ng resthouse habang kasama niya ang kanyang asawa na si Tita Min. Bakas sa kanilang mukha na labis silang nag-aalala kay Zyne. Ibinaba ko yung libro na binabasa ko then I look at them. “She’s in the room, sleeping. Nakatulog kakaiyak!’’ Bigla namang napabuntong hininga si Tita Min, “I’m glad nothing happens,” she told us in relief.
Tumayo ako at sila’y aking nilapitan. “Andaming kong gustong itanong sa inyo. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. You two!” Tinuro ko silang dalawa, “Will explain to me everything! Kundi, lulunurin ko talaga kayong dalawa sa beach.” Ngumiti si Tito Zin. “I guest kailangan na naming sabihin sayo ang lahat!” He said. “Okay! But before that, I want to clarify something.” Inilabas ko yung cellphone ko.
Then ipinakita ko yung picture na nakuhanan ko nung nakita kong magkayakap si Tito Zin at Zyne sa may parking lot ng condominium na tinutuluyan ko. “What’s the meaning of this? Tell me Tito Zin!” Tinignan ko si Tito ng diretso sa kanyang mga mata. “Is Zyne your mistress?” I asked. Katahimikan ang bumabalot sa loob ng lugar kong nasaan kami ngayon. Nakatitig pareho si Tito Zin at Tita Min doon sa picture na ipinakita ko.
Mukhang gulat na gulat silang pareho. I smirk. I guess my suspicious is right. Dahang-dahang lumapit si Tita Min sa akin at kinuha yung phone ko habang titig na titig siya sa picture. I pity her. She’s been a good wife to Tito Zin and di ko alam kong bakit nagawa ni Tito na lokohin siya. “Z-Zin…” sabi ni Tita Min while ipinapakita niya kay Tito yung picture. “M-Min…” Nagkatinginan silang dalawa.
“HAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHH” tawa nilang dalawa na ikinakunot ng aking noo. Napataas ang kilay ko while nakatitig sa kanilang dalawa. Okay! May nakakatawa ba sa sitwasyon? O sadyang sira na ang ulo nila? “What the hell is happening?!” I shouted. “And can you please stop laughing?! It’s freaking annoying!” I shouted again. “Uy! Relax lang pamangkin. You cuss to much,” sabi ni Tito.
“Ikaw naman kasi, Kyle. You’re such a joker,” sabi naman ni Tita. “Huh?” Lumapit si Tito Zin sa akin at ako’y kanyang inakbayan, “You know, Kie. You got it all wrong. Si Zyne, mistress ko? How come?” Natatawa niyang saad. “Eh! Bakit palagi kang nag-aalala sa kanya? Bakit mo siya binibigyan ng kung ano-ano? And how can you explain this picture?” I said sabay kuha sa phone ko sa kamay niya at itinapat ito sa mukha niya.
“Kyle! Malapit kami ng Tito Zin mo sa family ni Zyne.” Pagpapaliwanag ni Tita Min. “Zin’s their family doctor and also best friends namin ang mga magulang ni Zyne. Kaya naman gano’n na lang namin siya pahalagahan,” dagdag niya pa. “Right! Kung ano man ang ipinapakita ko kay Zyne it’s all a fatherly love. Alam mo namang wala kaming anak ng Tita Min mo kaya parang tinuturing na naming parang tunay na anak si Zyne.” Tito Zin says.
Napasimangot na lang ako. Grabe naman yang pagmamahalan na yan ah! Masyadong nakakairita. “HAHAHAHAH Pahiya si Kie!” pang-aasar ni Tito Zin sa akin sabay akbay sa akin. Tinabig ko ang braso niya na nakaakbay sa akin. “Ewan ko sayo!” Tinignan ko ulit siya. “Yung nangyari kanina. Anong ibig sabihin nun? Bakit gano’n na lang ang reaksyon niya nung nandun kami sa bahay nila mommy? Lalong-lalo na sa kwarto ni Kyla? And why did she cried? While paulit-ulit niyang tinatawag ang Papa niya? What’s wrong with her?” I said.
Sa totoo lang, kanina ko pa pinag-iisipan ang lahat ng yan. Nung yakap ko si Zyne I feel that she’s in pain. And I don’t know why? Beside my mom, I never seen a person cried before. Dati nung iniwan kami ng animal kong ama ay laging umiiyak si mom. During that time ay wala akong nagawa kundi yakapin siya ng mahigpit. Ayoko talagang makikita ng taong umiiyak. It reminds me of my past and I hate it. Nakita kong napabuntong hininga si Tito Zin at umupo sa sofa followed by Tita Min. Tinignan ako ni Tito ng seryoso. “Kyle, yung bahay niyo ay yung dating bahay nila Zyne.” Panimula niya.
“Wait___ You mean sa kanila yung bahay na yun? But, how come? Mayaman sila? Pero paano siya nauwi sa pagiging P.A ko?” Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila. “Yep! They’re rich. Sila din yung may-ari ng restaurant na pinatakbo ng mommy mo ngayon. Chef ang dad ni Zyne kaya nung nakaipon ay nagpatayo siya ng sariling restaurant,” tugon niya. “Sa kanila yun? How come?” Gulong-gulo na ang isip ko sa mga pinagsasabi ni Tito Zin.
Sa kanila dati yung bahay at negosyo ni Mommy? How come? Paano yung nagpunta sa kanila? Nahirapan ba ang pamilya ni Zyne? Bakit si Zyne lang ang nagtratrabaho? Nasaan na ang family niya? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko at alam kong di ako papatahimikin nito hangga’t hindi ko malalaman ang lahat. “Tito Zin! Please tell me everything about Zyne.” I beg. I know Zyne annoys me big time. Ang epal-epal niya pa sa buhay ko, but still di ko alam kung bakit ganito na lang ako ka-curios sa katauhan niya.
“I’ll just check on Zyne. Mag-usap na muna kayo d’yan.” Tumayo si Tita Min and ningitian niya kami then umaakyat na siya sa taas leaving me and Tito Zin alone. Pagkaalis na Pagkaalis ni Tita Min ay ipinaliwanag agad ni Tito sa akin ang lahat. “Kie! Zyne’s only 7 years old ng pinasok ng magnanakaw ang bahay nila. Her mom is in the other country while yung Kuya niya ay naroon sa isang camping. It’s around midnight ng pinasok ang bahay nila ng mga magnanakaw,” panimula niya.
“Sampung armadong mga lalaki ang nanloob sa bahay nila. Hindi ko alam ang exactly na nangyari that time, pero yung conclusion ng mga police ay nakita ng Papa ni Zyne ang mga ito kaya dali-dali niyang itinago si Zyne sa loob ng cabinet which is yung cabinet ni Kyla ngayon. Napatay ang Papa niya dalawangpung saksak at dalawangpung tama ng bala ang nakita sa katawan niya. Ang pinakasakit pa nun ay nakita mismo ni Zyne ang buong pangyayaring yun,” pagpapatuloy niya.
“But another tragedy into their family. After 3 years ng aksidenting yun ay namatay naman ang Mama niya because of a certain disease at tuluyan ng naulila si Zyne at ang Kuya Ryne niya. Ibebenta nila ang bahay at negosyo ng family nila. Ako ang tumulong sa kanila kaya napasakamay ito ng mommy mo. Ayun yung ipinambayad nila sa tuition ni Ryne. Huminto muna si Zyne at hinihintay niyang matapos si Ryne. Nang makahanap na ng trabaho ang Kuya niya ay tsaka lang ito nagpatuloy sa pag-aaral niya. But isang trahedya na naman ang dumating sa buhay nila,” he trailed off.
“Sa kalagitnaan ng pagiging third year college niya, na-confine sa hospital ang Kuya niya the same diseases as their mom. Kaya huminto si Zyne para maalagaan niya ang kanyang Kuya Ryne. “ Tinitigan ako ni Tito Zin, “ Last month, her brother died.” I am lost in words after hearing all those things. Hindi ako makapaniwala na ang isang taong may karanasan sa buhay ay nakakuha pang ngumiti at maging Masaya. “S-So she’s already alone?” Ayan lang ang tanging kong bagay na nagsabing ko after kong malaman ang pagkatao niya. Hanggang ngayon ayaw pa rin ma-process lahat ng sinabi ni Tito Zin sa akin.
Tito Zin just nod. “Hindi namin alam kung nasaan ang mga kamag-anak ni Zyne. I know her grandparents from her father’s side is living in Japan and wala kaming idea kung nasaan ang relatives niya sa mother’s side niya.” Biglang inilagay ni Tito Zin ang kamay niya sa balikat ko, “ Kie! Zyne’s is very a lonely kid. I know may mga times na pinipilit niyang maging masaya pero alam ko ring her past always haunt her. So, be nice to her. Anyway, I’ll just go and check her.” He told me then iniwan niya na din ako. Pagkaalis na Pagkaalis ni Tito Zin ay may naalala ako bigla.
“Ang hilig mong ngumiti ‘noh?” I asked again. Ngumiti lang siya at tsaka Tumingin sa kalangitan.
“Sabi kasi ng Kuya ko. Nakakabawas daw ng kalungkutan ang pag-ngiti.” Tinignan ko siya. “Malungkot ka ba?” tanong ko.
Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa akin at ngumiti. “Tara na uwi na tayo. May shooting ka pa bukas kailangan mong matulog ng maaga para may energy ka kinabukasan.”
Tumayo siya at nagsimula ng maglakad. This girl is so mysterious. And sa di malamang dahilan ay nacu-curious ako sa buhay niya.
Kaya ba lagi siyang nakangiti para itago ang lungkot na nararamdaman niya? Kaya ba niya hindi sinasagot ang mga tanong ko tungkol sa pamilya niya ay dahil nalulungkot siya everytime na naalala niya ito? After i-check nila Tito Zin at Tita Min si Zyne ay umalis na rin silang sa resthouse. Tinignan ko ang natutulog mukha ni Zyne. Parang napaka-peaceful niya yung tipong walang kahit anong iniindang sakit.
Madami ako akong nalaman tungkol sa kanya ngayon, but still, the more na may malalaman ako ay the more na parang napaka-misteryosa niya. Her Saint-like attitude annoys me to the core. Pero ngayong nalaman ko na ang lahat ay nagtataka ako kung paano niya napapanatili ang ganyan attitude. It’s like she’s an angel sent from above.
***
MAZE’S POV
“What?! You’re not going home?! What the heck?!!" Sigaw ko sa telepono. “Paano ako?! Ako lang ang mag-isa sa unit mo?!!” I shouted again. “Wag ka nga manggalaiti d’yan na kala mo ay girlfriend kita!” sigaw niya naman sa kabilang linya. “Hey! Kyle. Lissen to me______” Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niyang ibinaba ang tawag.
How dare him para iwan niya ako dito? After kong Bumili ng kama at bagong lingerie ay iiwan niya lang ako sa ere? At mas lalong nakakabadtrip ng mapag-alaman kong kasama niya yung tangang chimay niya. And worst di ko pa mabuksan ang kwarto ni Kyle ni-lock niya pala ito, kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako sa sala at pati na din yung binili kong kama.
May bigla na lang nag-doorbell na labis kong pinagtataka? At sino na naman kaya yan? Tumayo ako at padabog na binuksan ang pinto. “What the_____” Napahinto ako bigla ng makita ko kung sino ang Nasa pinto. “M-Mom, D-Dad!” nauutal kong saad. They gave me a cold stare at dumiretso sila papasok sa loob. “Mom, Dad. Bakit po kayang nandito?” Kinakabahan kong tanong.
Hindi nila ako pinansin instead ay patingin-tingin lang sila sa unit ni Kyle. “So this is where Kyle Montefalcon lives!” My mom said while tinitignan yung mga appliances sa living room ni Kyle. “Such a nice unit. For sure bilyon-bilyon na ang pera ng batang yan. Grabe na din ang kasikatan niya di lang dito sa pilipinas pati na din sa ibang bansa,” dagdag niya pa. Tinignan niya ako then say, “Unlike you!”
Iniwas ko ang aking tingin kay mommy at napatingin ako kay daddy pero wala man lang akong nakita kahit anong reaksyon sa mukha niya. “Where is he?” My dad asked coldly. “H-Hindi daw siya dito matutulog ngayong gabi_______” Napahawak ako sa aking pisngi ng bigla na lang akong sinampal ni Mommy ng malakas.
“Tskk! Ang tagal niyo ng magkasama pero hanggang ngayon ay di ka pa rin niya napapansin. Napakabagal mong kumilos! Ang inuutos ko lang naman sayo is to seduce him and hindi mo magawa-gawa yun!” She shouted. Yumuko ako, “S-Sorry, Mom!” paghingi ko ng tawad. “Sorry?! Kahit kailan walang mararating yang sorry mo! Para sabihin ko sayo isa ka pa ring pipitsuging artista, Maze.” She stares at me.
“Lissen to me, Maze! Kailangan mong higitan ang kasikatan ni Kyle kahit gumawa ka pa ng masamang bagay.” Nilapitan niya ako, “Even you sell your soul to the devil.” After niyang sabihin yun ay itinulak niya ako at ako’y kanyang tinalikuran while sumunod naman si Daddy sa kanya. “Mom, Dad! Samahan niyo naman akong mag-dinner. Miss na miss ko na kayo!” Pero di man lang nila ako pinansin at nagpatuloy sila sa paglalakad paalis.
Marami na akong naging awards. Maraming offers at ibang-ibang show but still, di pa din Nagiging proud si Mommy at Daddy sa akin. What I want to be is a newscaster! Pero ito ang gusto ni Mommy at daddy para sa akin kaya kahit labag sa loob ko ay tinupad ko ang gusto nila. Huminga ako ng malalim. Gagawin ko ang lahat maging proud lang sila sa akin. I’ll do everything para mas higitan pa ang kahit sinong artista dito. Kahit pa makuha ko ito sa masamang paraan.