***
KYLE’S POV
“Uwaaaahhhhhh Daddy tignan mo yung hamster oh! Ang cute-cute-cute-cute-cute-cute-cute!” Asha said habang itinatapat niya sa akin yung hawak niyang hamster. Tinignan ko naman ‘to ng maigi. “Hmmm… May kamukha yan!” I said. “Wahhhhh Sino po daddy?” She asked. “Hmmm…” Lumingon ako kay Zyne, “Tingin ko kamukha yan ng mommy mo!” Dagdag ko pa. “H-Huh? Di ko yan kamukha ‘no. Ang sama-sama mo talaga sa akin Kie! Kanina ka pa! Lahat na lang ng nakikita nating mga hayop ay sinasabi mong kamukha ko!” Sabi ni Zyne while naka-pout.
“HAHAHAHAHHAHAHAH Mukha ka kasing animal eh!” Pang-aasar ko sa kanya. While naglilibot kasi kami dito sa loob ng zoo, lahat na lang na animals na napuntahan namin ay lagi kong sinasabing kamukha yun ni Zyne. Aba! Ganti ko lang yun ng matapos niyang sabihing kamukha ko yung orangutan kanina! Kala siya lang ang marunong mang-asar, marunong din ako ‘no. Wag niyang maliitin ang isang Kyle Montefalcon! “Ang bad bad bad mo talaga Kie!” Pagmamaktol niya pa.
“Daddy! Wag mong awayin si mommy!” Saway naman ni Asha sa akin. “Ang ganda-ganda kaya ni Mommy! Mukha siyang angel!” Dagdag pa nito. Bigla namang nag-smile si Zyne at Humarap sa akin, “Oo nga Kie! Di ka ba nagagandahan akin?” She asked. Tinignan ko ng maigi ang mukha ni Zyne. May singkit siyang mata, maitim at mahaba ang buhok niya, she has a rosy cheeks and a very kissable lips. Kung titignan mo yung features ng mukha ay sobrang napakaamo nito at mukhang inosente. Idagdag mo pa yung _xgjvxffxxvjkifhhbj… Potek! Ano ba ‘tong pinag-iisip ko?!
“H-Hindi! Hindi ka maganda! Mukha ka talagang animal!” I said. Biglang namang nag-pout si Zyne, “Ang sama-sama talaga ni Kie!” She said. “Daddy! Lagi mo na lang pong inaaway si Mommy. Dapat sweet kayo sa isa’t-isa kasi mommy at daddy ko kayo! I say I love you to mommy na daddy!” Asha said. Nagulat naman ako sa sinabi ni Asha. “H-Huh?” Wala sa sarili kong tanong ko. “Ah! HEHEHE! A-Asha. Hindi na kailangan yun!” Sabi ni Zyne na mukhang gulat na gulat sa request nung bata.
Bigla namang lumungkot ang mukha ni Asha. “S-Sorry p-po! Kuya Kyle at Ate Zyne. Gusto ko lang po talagang magkaroon ng daddy at mommy kahit ngayong araw lang eh! Never ko po kasing naranasang magkaroon nun. S-Sorry po sa mga hiling ko!” Malungkot na malungkot niyang saad. “Asha!” Tawag ni Zyne rito. Tinignan ko ulit yung bata at mukhang ang lungkot-lungkot niya. Anak ng kabayo naman oh! Bakit ba ako binabagabag ng konsensya? Nakakaasar naman eh! Honestly, ano bang nangyayari sa akin at nagkakaganito ako?!
Huminga ako ng malalim at tsaka Tumingin kay Zyne. Hinawakan ko yung kamay niya kaya napalingon siya sa akin at halatang gulat na gulat na naman siya sa paghawak ko sa kamay niya. Ngingitian ko lang siya, “M-Mahal k-ko! Sorry sa pagbibiro ko kanina ah! Syempre di ko naman talaga yun meant kasi para sa akin…” Tinignan ko siya sa mga mata niya at pakiramdam ko ako yung natutunaw sa ginagawa ko. “P-Para s-sa a-akin, i-ikaw p-pa r-rin y-yung p-pinaka m-magandang b-babae s-sa b-buong m-mundo!” Lumunok ako, “I-I l-love y-you!”
Hindi sumagot si Zyne instead tinitigan niya lang ako na para bang may Lumabas na kung ano sa katawan ko. Her mouth is slightly hanging. ‘Tong chimay na ‘to talaga! Nahihirapan na nga akong umarte dito mas lalo pa niyang pinakukumplikado dahil sa expression niyang yan eh! I fake a laugh, “I-Ito t-talagang a-asawa k-ko! H-halika n-nga d-dito.” Inakbayan ko siya, “W-Wag k-ka n-ng m-magalit a-ah?” I said. “A-Aishiteru! A-Asawa k-ko,” bulong ni Zyne sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya nakatitig ako sa kanya. Anak ng kabayo naman oh! Ba’t ba ang awkward ng nangyayari sa aming dalawa?! Alam naman naming acting lang ‘to eh! Pero bakit gano’n nakakailang pa rin?! Potek! “Ang sweet-sweet ng daddy at mommy ko!” Nagkahiwalay lang ka ng tingin ni Zyne ng biglang magsalita si Asha. “Ang sweet-sweet talaga ng daddy at mommy ko!” Yumakap si Asha sa aming dalawa.
“Ang saya, saya, saya! May Daddy at mommy na ako ngayong araw. Tapos ang sweet-sweet pa! Love na love ko po kayo!” Asha said. Napangiti naman ako bigla sa bata. “Love na love ka din namin Baby Asha! Love na love na love!” Sabi ni Zyne dito while niyayakap niya ito ng mahigpit. “Ako ang baby ninyong dalawa ah?! Promise yan ah?!” Asha asked. “Oo naman! Ikaw ang nag-iisang baby girl namin ni Zyne!” I said then binuhat ko si Asha.
Naglakad-lakad pa kami sa loob ng zoo. Nung nagutom naman kami ay dinala ko sila sa isang restaurant malapit lang din dito at doon kumain. Grabe si Zyne ang dami-daming kinain! Hindi ko lang siya maaway dahil baka lumungkot na naman si Asha. Nag-request pa nga siya na subuan ko si Zyne. Syempre hiyang-hiya na naman kaming dalawa! Kung pwede lang pati yung pinggan ay isinubo ko na din kay Zyne eh! Pero syempre joke lang!
“Saan mo pa gustong pumunta baby Asha?” Tanong ko sa kanya pagkatapos naming kumain. “Gusto ko pong magpapicture kasama si Daddy at mommy!” Masiglang sabi ni Asha. “Magpapicture? Ah! Okay may alam akong studio na maganda magpicture! Let’s go!” After I said that ay binuhat ko na si Asha. Sumakay kami sa kotse then nagdrive na ako patungo sa studio kung saan madalas kaming mag-pictorial nina Yuan. Bago kami dumiretso sa studio ay dumaan muna kami sa isang convenience store.
Naubos na kasi yung dala kong alcohol. Paano ba naman lagay ako ng lagay ng alcohol sa kamay ko. Ang dami-daming hayop sa zoo eh! Mamaya magkaroon pa ako ng animal virus! Kumuha ako ng sampung bote ng alcohol then babayaran ko na sana ito ng mapansin kong kanina pang nakatitig si Asha sa isang pang-ipit ng buhok kaya nilapitan ko siya. “Gusto mo ba yang clip na yan, Baby Asha? Sabihin mo lang sa akin at bibilhin ko para sayo!” I said. Ngitian niya ako. “Naku daddy! Wag na po. Wala na naman po akong buhok eh! Nalagas na silang lahat kaya di ko din yan magagamit!”
Tinignan ko si Asha then again nakita ko na naman yung malungkot na expression sa kanyang mata kahit na nakatago ito sa isang ngiti. Kinuha ko yung clip na kanina pa niyang tinitignan. “Then kailangan mong magpagaling para tumubo ulit yung mga buhok mo. After nun ay magagamit mo na ‘tong clip na ‘to kaya bibilhin ko na ‘to ah!” I said. “D-Daddy! Sa tingin niyo po gagaling pa ako?” Asha asked. Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya binuhat, “Oo naman! Gagaling ka syempre! Basta ba sundin mo lang lahat ng sinasabi ng doctor mo, okay?” tugon ko rito
Ngumiti ng malawak si Asha, “Opo! Susundin ko lahat ng sasabihin ng doctor ko. Pero daddy, alam mo po ba ang dami nilang ini-inject sa akin tapos po sobrang sakit pa! Napapaiyak na nga po ako minsan eh! Pero promise ko po sayo at tsaka kay mommy na titiisin ko po lahat ng sakit para maisuot ko po ‘tong clip na binili niyo para sa akin!” She said. Niyakap ko si Asha. Alam kong hindi madali ang pinagdaanan niya ngayon. I still cannot understand why God let a child like her to suffer. But for the first time ay napapikit ako at bumulong sa Diyos na di ko madalas gawin.
‘God! Please save this child. Please… Wag niyo po siyang pabayaan… Please…’
After kong bayaran yung binili kong alcohol at clip ay sumakay na ulit kami sa kotse at dumiretso na sa studio. Nung dumating na kami roon ay sakto lang din at naka-duty si Paul siya yung photographer ng movie namin. “Hey, Paul!” Bati ko rito. Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo at nung narealize niya kong sino ako ay lumapit agad siya sa akin. “Kyle? Ikaw ba yan? Di kita nakilala Gawa ng cap at shade mo eh! Ano palang ginagawa mo dito?” He asked. “I have a request to you, Paul. Pwede mo ba kaming kuhanan ng picture?” I said while pointing Zyne and Asha.
“Sure! No problem.” He said then lumapit si Paul sa akin at binulungan niya ako, “Tell me, Bro. Who are they? Don’t tell me girlfriend mo yan at anak niyo yung bata? Ikaw ah! Paano mo yan nagtago sa media?” Tinignan ko siya ng masama, “Heh! Tumigil ka nga d’yan! P.A ko yung babae at yung bata naman ay fan ko. We’re sort of role playing as a family para doon sa bata,” sabi ko. “Ows! Baka mamaya maging totohanan na yan ah!” Pang-aasar niya sa akin. Nakakabadtrip naman eh! Kung hindi lang talaga ako humingi ng pabor sa kanya baka kanina ko na ‘tong nasapak.
Pinapunta kami doon sa dressing room at pinipilit kami ng gusto naming costumes. Creative shot kasi yung ipapakita ko para naman mag-enjoy si Asha. “Wow! Ang ganda-ganda ng mga costumes oh! Bagay kaya sa akin yung pang-princess? Yung pang-fairy kaya? Or yung angel?” Sabi ni Zyne habang manghang-mangha nakatingin sa mga costumes. Mukhang di lang si Asha ang nag-eenjoy ngayon pati na din ‘tong chimay ko. May kinuha akong isang wings ng angel tsaka ko ipinakita kay Zyne, “Eto ang custome ko!” I said. “Uwaaaahhhhhh Gusto ko din ng angel costume para pair tayo!” She said.
“No! Mas bagay kong ito yung sayo,” sabi ko while kinukuha ko yung isang kulay itim na pakpak. Parang pang black angel lang ang dating nito. “H-Huh? Ba’t yan yung akin? Eh! Gusto ko yung white!” Pagmamaktol niya. “Mas bagay sayo ‘to ‘no! Ang puti-puti mo na eh tapos white pa yung pakpak mo. Black naman para maiba,” I said. “P-P-Pero…” reklamo niya. Hindi ko na lang siya pinansin instead ay nilapitan ko na lang si Asha. “Baby Asha! May napili ka na bang costume mo?” I asked. “Opo, Daddy! Ito pong angel!” She said while flashing her smile.
“For sure bagay yan sayo!’'Kinalong ko si Asha then hinatak ko si Zyne patungo dun sa mag-aayos sa kanilang dalawa. Medyo inayusan din ako ng kaunti after nun ay isinuot ko na yung costume ko at tsaka ko hinintay sina Zyne at Asha na lumabas sa isang room kung saan sila inaayusan. “Daddy! Daddy! Daddy!” Naglakad palapit si Asha sa akin at napangiti naman ako sa ayos niya. Nilagyan siya ng wig at suot-suot niya na rin yung binili kong clip. Sumigla rin yung kulay niya Gawa ng make-up.
“Daddy! Bagay po ba sa akin?” Tanong niya. “Oo naman! Ang ganda-ganda ng baby namin oh!” Puri ko sa kanya. “Naku! Daddy. Paniguradong magugulat ka sa ayos ni Mommy. Ang ganda-ganda niya sobra!” Asha said. Magsasalita na sana ako ng bigla na lang nagsalita si Zyne, “Uhmmm… Ready na ako!” Kaya napalingon ako bigla sa kinatatayuan niya at napatayo naman ako sa kinauupuan ko ng makita ko yung ayos niya.
Nakasuot siya ng isang black na gown and suot-suot niya rin yung pakpak na ibinigay ko kanina. Meron inilagay na korona sa ulo then medyo kinulot din yung dulo ng buhok niya. S-Si Z-Zyne b-ba T-Talaga y-yan?! Ba’t gano’n? Ba’t ang ganda-ganda ng asawa ko este ng chimay ko?! “K-Kie! Maganda ba ako?” She asked na parang nag-aalangan sa itsura niya. Instead na sagutin ko siya ay Tinalikuran ko na lang siya, “Tara na! Magsisimula na ang pictorial natin!”
“Yeheyyyyyy! Ang ganda-ganda po ng mga Kuha natin oh!” Sabi ni Asha habang tinitignan niya yung mga pictures namin. “Nag-enjoy ka ba baby Asha?” I asked her. “Opo, Daddy! Sobrang saya ko po talaga ngayon! Gagala ulit tayo next time ah?” Mabilis niyang sagot sa akin. “Oo naman! Gagala ulit tayo!” Sagot naman ni Zyne. “Ay! Ito po,” sabi ni Asha while inaabutan niya kami ng tig-iisang picture ni Zyne. “Lagi niyo pong ilagay sa wallet yung pictures natin ah?!” Dagdag pa niya. Kinuha ko yung picture naming tatlo at inilagay sa wallet ko. “Syempre naman! Lagi lang ‘tong nasa wallet ko.” I said.
After nung pictorial namin ay inihatid na namin ni Zyne si Asha sa hospital kung saan siya naka-confine. Nung makarating na kami sa ospital, nakita kong mahimbing ng natutulog yung bata. “Ako na ang bahalang magbuhat sa kanya sa room niya. Just wait for me here, okay?” Sabi ko kay Zyne. “Okay, Kie!” She replied. Binuhat ko si Asha patungo sa room niya a kaagad rin kaming sinalubong ng Lolo niya. Nagpasalamat ito sa akin sa paglalakad ko sa Apo niya then bumaba na ako para bumalik sa kotse. Kaso pagdating ko naman dun sa kotse, tulog na ang magaling kong chimay.
Tinignan ko ang natutulog na si Zyne at nakita ko naman na nagtataasan na ang balahibo niya sa may braso. Mukhang nilalamig na ang isang ‘to. Hinubad ko yung jacket ko at ikinumot ko sa kanya. Nung nilalagay ko na yung jacket sa kanya ay Medyo napalapit naman ako sa mukha niya kaya napalunok ako. Hayst! Kahit gaano ko pa i-deny sa sarili ko, Oo na, maganda na si Zyne. Sobrang amo ng mukha niya tapos kada ngumingiti pa siya ay parang nawawala lahat ng pagod mo sa Katawan. Tinignan ko ng maigi ang mukha niya at napadapo naman ang tingin ko sa labi niya. I admit she has a kissable lips.
Hindi ko alam kung sinaniban ba ako ng multo o kung ano. But before I could stop myself, naramdaman ko na lang na unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kanya. Unti… Unti… Unti…. Hanggang sa maramdaman ko na ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko.
1 second….
2 seconds….
3 seconds….
4 seconds….
5 seconds….
Bigla akong nakahiwalay kay Zyne. Okay! What was that for? What the heck did I do? Napatitig ako sa natutulog na si Zyne na walang kaalam-alam sa nangyari. Oh sh*t! Napaumpog ako ng ulo sa manibela ng kotse.
Did I just stole a kiss from her?!?!