KABANATA 16

2120 Words
*** YUAN'S POV “Yuan! Sino yung kasama mo doon sa picture na babae?” “Girlfriend mo ba siya?” “Bakit kayo magkayakap nung gabing yun?” “According sa mga witnesses ay nang-aaway raw kayo. Totoo ba yun?” Yumuko ako habang padaan ako sa mga nagkakagulong reporter. Hinaharang naman sila ng entourage ko kaya naman ay di nila ako malapitan ng malapitan. “Diba yung name nung babae ay Kyla Fallejo?!” Napahinto ako ng marinig ko yun at napatingin sa isang reporter na nagsabing nun. “Please stop!” I said. “Siya yung fashion designer niyo, diba? Bakit mo siya kasama? Ano ba talaga ang relasyon ninyong dalawa?” Tuloy-tuloy pa rin niyang tanong sa akin. “Please stop!’ I said again. Ba’t ba ayaw nila akong tantanan? “Bakit siya umiiyak nun? Ano ang pinag-aawayan niyo? Ano ba ang tunay na nangyari?” Tanong niya pa. “Qǐng zhùshǒu!” I shouted. [ Qǐng zhùshǒu = Please stop ] Nang dahil sa sigaw ko ay natahimik sila but after a seconds, binato na naman nila ako ng mga tanong. Dali-dali na akong naglakad hanggang sa makarating na ako sa office ng manager ko. Hayst! Kakainis! Simula nung pumasok ako sa showbiz ay di ko na ininda ang mga issue ko. Pero Iba na ngayon. May nadamay pa akong isang tao. Pagpasok na Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko si Manager kasama si Kyla na nakaupo. “Yuan!” Tita Kris said. She’s my manager. Nagkatinginan kami ni Kyla pero kaagad niya ring iniwas ang tingin niya sa akin. Naupo ako sa tabi niya. “Bàoqiàn!” Bulong ko kay Kyla. “H-Huh? Di ko maintindihan!’ She said. “I-I s-said. I’m sorry!” Hindi sumagot si Kyla sa akin instead iniwas lang niya ang tingin niya sa akin. Nagu-guilty tuloy ako sa nangyayari Kyla is very a private person. Kahit na nagtratrabaho siya sa showbiz ay lagi pa ring siyang nag-iingat na di masangkot sa issue. Pinaka ayaw niya kasi na pag-usapan siya ng mga tao. Alam ko yun. Nung highschool pa lang kami nagkaroon din siya ng issue at kumalat yung Sa loob ng campus namin kaya lagi siyang nagpag-uusapan ng mga estudyante. Nakita ko Ang trauma nun sa kanya at ayaw ko ng makita siyang nagkakaganon ng dahil sa akin. Tumayo si Tita Kris at lumapit sa kinauupuan namin ni Kyla. Inilapag niya yung dyaryo sa table sa harap namin and puro mukha naming dalawa ang naroon. Meron doon times na naghahabulan kami pagkatapos nung concert and meron din nung umiiyak siya habang niyayakap ko siya patalikod. “Hindi ko muna kayo huhusgahang dalawa, pero gusto kong umamin kayo sa akin ngayon. May relasyon ba kayo?” My manager said. Iniwas ko ang tingin ko at wala akong planong sagutin ang tanong niya pero nagulat ako ng si Kyla na mismo ang sumagot nun. “Manager Kris! Wala po kaming relasyon. Isang malaking misunderstanding lang ang lahat. Wag po kayong mag-aalala willing po akong magpa-interview at sabihin ang mga nangyari!” “K-K-Kyla!” Instead na pansinin niya ako ay tumayo lang siya. “Mauna na po ako at may aasikasuhin pa po ako!” After yun sabihin ni Kyla ay lumabas na siya sa Office ni Tita Kris. “Yuan! Wala ba talaga kayong relasyong dalawa?” Tanong niya sa akin habang seryosong nakatingin sa akin. “Wala po talaga. Best friend ko lang po si Kyla!” I said. “Then, why don’t you say it on media? Bakit hindi ka nagsasalita? Wala naman pala kayong relasyon ni Kyla. Mas maganda kung magsalita ka na sa harap ng media para mawala na ‘tong issue mo!” She said. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Siguro kung hindi mahalagang kaibigan si Kyla para sq akin ay matagal na akong nagsalita. Alam ko ang nararamdaman niya para sq akin at alam ko rin kung gaano siya nasaktan dahil hindi ko maibabalik ang pagmamahal yun sa kanya. Magsasalita ako sa harap ng media? Anong sasabihin ko? Na kaibigan ko lang si Kyla? Na walang halong malisya ang pagkakaibigan naming dalawa? Oo! Nung una yan talaga ang Plano ko. Kasi wala naman talaga kaming relasyon ni Kyla. Kaso naalala ko yung araw na nagtapat siya sa akin. Naalala ko yung expression ng mukha niya nung sabihin kong parang kapatid lang ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya. Naramdaman ko noon na labis ko siyang nasaktan. Kaya paniguradong Magsasalita ako sa media at sinabi kong kaibigan lang kami ay masasaktan ko lang si Kyla. Mahalaga si Kyla sa akin at Gusto ko siyang protektahan. Pero sa kabila ng lahat ay lagi ko pa rin siyang nasasaktan. Ano ba ang dapat kong gawin? Nalilito na talaga ako kung ano ang pwedeng maging solusyon sa issue na kinakaharap ko ngayon?! KYLE’S POV Tinignan ko si Zyne na kasalukuyang nasa tabi ko at ngiting-ngiti habang Natatawa na mukhang kinikilig na ewan. Hinawakan niya ang braso ko at niyugyog. “Kie! HEHEHEH!” Tinabig ko yung pagkakahawak niya sa braso ko. Tskkk! Kaasar na ‘tong babaeng ‘to eh! Bakit ba ang saya-saya ng isang ‘to? “Kie!” She poke my cheeks. “Kie! Kie! Kie! Kie! Kie! Kie! Kie!” After she said that she poke my cheeks again. “Ano?!” I shouted. “Uyyy! Thank you talaga!” Pagpapasalamat niya sa akin while ngiting-ngiti pa rin. “Tskkk!” I hissed. “Kuya Kyle!” Lumapit yung batang kadadating lang sa condo ko, “Gagala po ba tayo ngayon?” She asked. “Oo! Asha. Gagala tayo ngayon!” Sagot ni Zyne rito. Oo na Oo na! Tinablan ako ng konsensya kahapon sa mga pinagsasabi ni Zyne sa akin kahapon. Kaya naman bumalik at hinanap ‘tong batang ‘to para ipaalam kung pwede ko ba siya ipasyal kasama ng chimay ko. Mabuti na lang at pumayag yung Lolo niya. And nung nalaman ni Zyne ang tungkol dito ay sobrang saya-saya niya. Hindi nawala ang mga ngiti ng mga labi niya. Akala mo eh! Nililigawan ng isang superstar! Nakakaasar! Kaya kesa nasa shooting ako ngayon ay nandito ako aalis para gumala at mag-babysit. “Excited na excited na po talaga ako!” Kinalabit ako nung bata, “Kuya Kyle! Kuya Kyle! Kuya Kyle! Thank you po talaga!” Pagpapasalamat niya sa akin while smiling. Tinignan ko lang yung bata kaya naman ay siniko ako ni Zyne at sinenyasan na kausapin ko yung bata. Ningitian ko yung bata, “Ok lang yun, Asha!” I said. After nun ay tumayo na ako at dire-diretsong lumabas sa unit ko kasunod sina Zyne at Asha. Sumakay na kami sa kotse, ako naman ay nagsuot na ako ng cap at shade. Mahirap na at may magkakilala pa sa akin. “Saan tayo pupunta, Kuya Kyle?” Tanong ni Asha sa akin. “Hmmm… Ano ba ang gusto mong Puntahan?” I asked. “Sa zoo!” Mabilis na sagot sa akin nung bata. “Maraming hayop dun!” I said. “Kaya nga zoo eh! Kaso madaming hayop. ‘Tong si Kie talaga! Pero gusto ko ding pumunta sa zoo! Gusto kong makikita ng bear!” Sabi naman ni Zyne. “Walang bear dito sa pilipinas! Tsaka isa pa Ayoko nga! Andaming germs ng mga hayop doon baka magkasakit pa tayo!” Pagwiwika ko. Tskkk! ‘Tong batang ‘to talaga sa dami ng pwedeng Puntahan bakit sa zoo pa talaga? “Eh! Gusto ko pong pumunta sa zoo. Promise po magpapakabait ako basta Punta po tayo dun!” Asha said. “Oh! Ayan Kie. Pagbigyan mo na si Asha!” Zyne said. “Oo nga po, Kuya Kyle. Hindi pa po kasi ako nakakapunta dun eh! Gustong-gusto ko po talagang pumunta dun! Please! Punta na po tayo dun, ah? Please! Please!” Pangngungumbinsi niya Asha sa akin. “Oo nga. Oo nga. Punta na tayo!” Zyne giggled. Tinignan ko yung dalawa at parehong nag-papaawa effect pa talaga sa akin. Potek naman oh! “Sige na nga! Punta na tayo dun!” Sabi ko sa kanila. “Yehey!”sabay na sabi nung dalawa. ‘Tong si Zyne parang bata! Pinaandar ko na yung kotse ko at ito’y aking pinaharurot papunta sa zoo. Nung makarating naman kami ay mabuti na lang at hindi madami ang tao. Siguro dahil lunes ngayon at kadalasang sa mga tao sa araw na ‘to ay may mga pasok. Buti na lang at di tapat ang araw na ‘to sa field trip ko. “Wow! Ang cute nung orangutan.” Turo ni Asha doon sa cage ng mga orangutan. “Oo nga! Kamukhang-kamukha siya ni Kie!” Zyne giggled. “Manahimik ka nga! May gwapo bang kamukha ang orangutan ha?!” Sabi ko kay Zyne habang Nakaturo sa mukha ko. “Oo meron. Ikaw yun Kie HEHEHEH!” Sagot niya sa tanong ko. “Ikaw! Kamukha mo naman yun,” I said while pointing the tarsier. “Hala! Malaki ba ang mata ko?!” She asked. “Hindi! Mukha ka lang talagang animal!” I replied. “Wahhhhhhhhh! Ang sama mo Kie!” Tumingin si Zyne kay Asha, “Asha! Mukha bang animal si Ate Zyne?!” She asked while pointing her face. Pero di siya nito pinansin dahil nakatingin ito sa malayo. “Asha!” tawag ni Zyne rito. “Ah! Ano po ulit yun?” Napalingon si Asha sa kanya. “Sino yung tinitignan mo dun?” Tanong ni Zyne rito. Pareho naman kaming napatingin sa direksiyon na tinitignan ni Asha. Sa di kalayuan ay may isang pamilya na mamasyal doon. Yung Tatay ay buhat-buhat yung anak niyang lalaki while hawak-hawak niya naman sa kabilang kamay Niya ang kamay ng asawa niya. “Namimiss mo siguro yung mama at Papa mo ‘no! Gusto mo pasunurin natin sila dito?” Tanong ni Zyne kay Asha. Umiling naman yung bata, “Hindi na po Ate Zyne. Hindi ko sila kilala eh! Sabi ni Lolo ay iniwan lang daw ako ng Mama at Papa ko sa kanya. Kaya po yung mama at Papa ko ay si Lolo na!” Nakangiting saad ni Asha. Napa tingin ako doon sa bata. Alam kong kahit Nakangiti siya ngayon ay may dinadaanan rin siyang kalungkutan. Parang si Zyne lang din. Hayst! Ba’t ba may mga taong sadyang mabibigat ang dinadalang problema? At bakit may ibang taong nakakuha pa ring ngumiti kahit na ang bigay na ng problema nila? Siguro kung ako ang Nasa kalagayan nila ay nababaliw na ako. Hay naku! Umupo ako para maging ka-level ko si Asha then hinawakan ko yung magkabila niyang braso. “Gusto mo ako muna ang magiging daddy mo ngayong araw na ‘to?’ I asked while smiling. ‘T-Talaga p-po?! Ikaw muna ang magiging daddy ko?!” She asked. “Oo naman!” I replied. “Yehey!” Biglang napayakap si Asha sa akin. “Gusto ko po yun! Ikaw ang magiging daddy ko tapos si Ate Zyne naman ang magiging mommy ko!” Masiglang sabi ni Asha. “Wahhhhhhhhh Sige! Sige! Gusto ko maging mommy mo!” Zyne giggled. “Teka lang muna! Ibig sabihin asawa kita?!” Tanong ko kay Zyne. Anak ng kabayo naman oh! Okay lang na maging ama ako ng batang ‘to ngayon! Pero ang maging asawa ang chimay ko! Ay! Wag na Uy! Dun na siya sa baklang malnourished na yun ‘no. ”Sige na Kie! Ngayong araw lang naman eh!” Pagpupumilit ni Zyne sa akin. Parang gustong-gusto yata akong maging asawa ng babaeng ‘to eh! “Yehey! May daddy at mommy ako ngayong araw!’ Biglang sigaw ni Asha. Kaya napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang saya sa mukha niya. Parang nabura lahat ng lungkot sa mga mata niya at napalitan ng sigla. Paano pa ba ako tatanggi nito? Binuhat ko yung bata tsaka ko tinignan si Zyne. Sige na nga! Ngayong araw lang naman eh! Isa pa artista naman ako at kayang-kaya kong umarte ‘no. “Halika na!” Tawag ko kay Zyne then hinawakan ko yung kamay niya. Bigla naman kaming nagkatitigan. “K-Kie…” sabi niya sa akin habang gulat na gulat dahil na rin sa paghawak ko sa kamay niya. “Wag ka nga’ng mag-isip ng kong ano d’yan! Asawa kita di ba? Natural lang na hawakan ko yung kamay mo ‘no!” I said. Nakita kong ngumiti si Zyne tapos tumango. Kaya napalunok ako ng wala sa oras. Anak ng kabayo naman oh! Sanay na sanay akong umarte sa kung ano-anong role. Ilang babae na ang naka holding hands ko. Pero Eto pa lang ang unang beses na para akong kinakabahan na ewan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD