KABANATA 23

1771 Words
*** ZYNE’S POV “Kie! Gising na. Kailangan mo ng maligo at malapit na ring mag-breakfast kaya bumangon ka na d’yan!” Instead na sagutin niya ako ay nagtalukbong lamang siya ng kumot at di niya ako pinansin. Hayst! Buhay. Every morning ganito kaming dalawa. Magse-set siya ng time sa alarm clock niya. Babangon siya para patayin para ang alarm clock tapos balik ulit siya sa pagtulog. Pag ginising ko siya ay magagalit siya, pag di ko siya gigisingin magagalit din siya. At ngayon nadito kami sa White Beach ay ganyan pa rin siya. May certain time lang yung breakfast sa buffet sa baba kaya naman pag di namin yun naabutan ay wala kaming breakfast. Nagugutom pa naman ako. “Uy! Kie! Bangon na. Mala-late ka na sa shooting mo oh!” Pananakot ko sa kanya. “Tskkk! Wag ka ngang magulo. Kita mo namang natutulog ang tao eh!” Sigaw niya. See? Galit na naman siya! Ang cute-cute talaga ni Kie magalit HIHIH! Hayst! No choice ako kundi gamitin ang huling alas ko para gumising na rin ‘tong isang ‘to. Huminga ako ng malalim, itinapat ko ang dalawa kong kamay sa gilid ng bibig ko tsaka ako sumigaw ng pagkalakas-lakas. “Wahhhhhhhh! May magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw! May nakapasok na magnanakaw! Uwaaaaahhh! Ninanakaw na ang lahat ng alcohol ni Kieeee!” Nakita ko namang halos mapatalon na sa kama si Kie at halatang gulat na gulat siya sa pagsigaw ko. “H-Huh? Magnanakaw? Nasaan? Nasaan na ang magnanakaw?” He shouted then kinuha niya yung lampshade na nakapatong sa isang desk malapit sa kama niya. “Nasaan na?!” Pasigaw niyang tanong habang lumilingon-lingon pa siya sa paligid at nakaamba yung lampshade na any minute ay ready na niyang ipukpok yun sa magnanakaw. “Hehehe… Kie… Joke lang yun. Sige na ligo ka na para makakain na tayo sa baba,” sabi ko sa kanya habang ngiting-ngiti. Nang matauhan si Kie sa sinabi ko ay ibinaba niya ang lampshade sa desk tsaka niya ako tinignan. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya dala na rin ng galit niya sa akin na akala mo ay para siyang isang bulkan na anytime ay pwede ng sumabog. But for me he looks so cute. “You! You! Yo---- Arghhhhhh! You’re making me insane!” Sigaw niya sabay pasok sa loob ng banyo tsaka niya padabog na isinara ang pinto nito. Hala! Napikon ko yata si Kie. Lagot na. Pero okay lang at least naliligo na siya, makakain na rin kami ng breakfast. I’m so excited! After maligo ni Kie ay bumaba na rin sa buffet hall para makakain ng breakfast. “Zyne!” Tawag sa akin ni Yuan ng mapansin niyang palapit na kami sa kanila, “Here!” Dagdag pa niya. Inusog niya yung isang upuan para sa akin. “Salamat, Yuan!” Pagpapasalamat ko sa kanya. Lumingon ako kay Kyla, “Good morning, Kyla!” Bati ko. “Zyne! Ako ng bahalang kumuha ng pagkain mo ah?! Wait mo lang ako…” “P-Pero----” Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang magsalita si Kie. “Hay, naku! Yuan. May paa naman yang chimay ko. Kaya na niyang kumuha ng makakain!” After he said that ay lumingon siya sa akin. “Hoy, babae! Kumuha ka ng pagkain ko!” sigaw niya sa akin. “Gusto ko nung bacon at tsaka nung omelet. Tapos yung fried rice. Ikuha mo na rin ako ng soup pati ng tinapay at peanut butter. Pati din pala yung kape!” utos niya sa akin. “Grabe ka naman, Gēgē Kyle. May paa ka naman, kaya mong pumunta sa buffet table ah!” Yuan said. “Bakit ba? Chimay ko yan eh! Kaya may karapatan akong utusan yan dahil ako ang nagpapasweldo sa kanya!” Sagot naman ni Kie. Sasabat pa sana ulit si Yuan kaya kaagad na akong pumagitna sa kanilang dalawa. “Okay lang, Yuan. Tama naman si Kie eh! Pwede mo ba akong samahan sa buffet table?” Pagyaya ko kay Yuan. “Sure! It’s my pleasure,” sagot naman niya. “Tskkk!” Kie hissed. Pumunta kami ni Yuan sa may buffet table tsaka ako kumuha ng breakfast na gusto ni Kie, kumuha na rin ako ng akin. “Hayst! Grabe naman si Gēgē Kyle. Ang dami-dami naman ng pinapakuha niyang pagkain. Tsaka isa pa, ba’t ang init-init ng ulo nun?” Yuan said. “Hihihi! Naasar ko kasi siya kanina kaya siguro na badmood siya!” Tugon ko naman sa tanong niya. Malamang yun talaga ang dahilan. Simula nung lokohin ko siya kanina ay nakabusangot na ang mukha niya. Tama nga ang sabi nila, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising. Pero---- Waaaaaahhhhhhhh! Pero ang cute din ni Kie kanina nung ginulat ko siya, kaya di rin ako nagsisisi sa nagawa kong panloloko sa kanya at least makakain pa kami ng breakfast. Dibale makabawi na nga lang sa kanya para mawala na ang pagka-badtrip niya sa akin. Kumain lang kami doon ng breakfast and after that ay pinag-pahinga lang saglit sila Kie at yung ibang cast tsaka nagsimula ang shooting. Tuwang-tuwa naman ako kasi sa beach kukunan yung mga scene. “Kie! Kie! Kie! Gala tayo mamaya dito sa beach pagkatapos ng shooting niyo! Please! Ang tagal ko ng di nakakapasyal sa beach eh! Pulot tayo ng sea shells tapos gawa tayo ng sand castle!” Yaya ko sa kanya habang nagbabasa siya ng script. Eksena pa kasi ni Yuan ang kinukuhanan pati nung ibang cast na kasama nila kaya nakapagpahinga muna si Kie. “Tskkk! Para kang bata!” He commented. “Dali na Kie! Please!” Pagmamakaawa ko sa kanya. “Hey, you stupid! Stop nagging him, will you?” Napalingon ako bigla doon sa nagsalita at nakita ko si Maze na palapit sa amin. “Hindi mo ba naisip na after ng shooting ay pagod si Kyle. Tskkk! What a very irresponsible P.A?” Dagdag pa niya. Then she rolled her eyes at me. Napayuko na lang ako at di na pinansin ang sinabi niya. Sabi kasi ng Mama ko, kung magpapaapekto ako sa masasakit na salita galing sa isang tao ay magiging miserable daw ako. At isa pa, alam ko naman kung bakit ganyan si Maze. Dahil sa Mommy at Daddy niya. Kung pwede ko nga lang siyang tulungan ay tinulungan ko na siya eh. “Anyway, Kyle. Siguro naman ay aware ka na sa scene natin mamaya, di ba?” She asked. “Yeah! Yeah! Yeah! I know that. Don’t worry I’m still an actor and I’ll give you a very good scene later!” Tugon naman ni Kie. “Kyle! Maze! Scene niyo na!” Sigaw nung director from nowhere. Tumayo na si Kie at inabot sa akin yung script. Nakita ko naman si Maze na nagtanggal ng bathrobe at halos mapanganga ako ng makitang naka-two piece lang siya. Ang puti-puti at ang kinis-kinis ng balat niya. Lumapit si Maze kina Kie at doon sa director while yung director ay may ipinapaliwanag sa kanilang dalawa. Napaisip tuloy ako bigla. Ano kayang tingin ni Kie kay Maze? Alam kong nagkaroon na sila ng issue na naging sila. Alam kong pagpapanggap lang yun but still… Lalaki pa rin si Kie. Sobrang ganda ni Maze, sexy, maputi, makinis. Ang tipong babaeng type ni Kie at hindi rin malabomg maakit si Kie sa kagandahan ni Maze. May nangyari na kaya sa kanilang dalawa? Bigla akong napailing sa mga naiisip ko. Ano ba, Zyne? Ba’t ba ang dumi-dumi ng iniisip mo? Tsaka bakit ba ako nabobother? Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit parang nai-insecure ako kay Maze na ewan? Para madistract ang utak ko ay pinanuod ko na lang yung scene nina Maze at Kie. Nakaupo si Maze sa may buhangin then may biglang lumapit na tatlong lalaki sa kanya na parang gustong makipagkilala sa kanya. Bigla-bigla na lang pumasok si Kie sa eksena tsaka kinaladkad si Maze palayo sa tatlong lalaki. “What are thinking?!” Sigaw ni Kie kay Maze na galit na galit. Bigla namang hinila ni Maze ang braso niya sa pagkakahawak ni Kie rito. “Bakit ba? Ano bang problema mo?!” She shouted. “Why are wearing those kind of clothes here?!” Sigaw ulit ni Kie. “Ano ba? Beach ‘to! Kaya natural na ganito ang suotin ko!” Pasigaw na sagot ni Maze. “Hindi mo ba napansin ang mga lalaking yun sayo hah?! Para kang isang dessert na pinagpe-pestahan nila!” Kie shouted. Huminga ng malalim si Maze then iniwas niya ang tingin niya kay Kie, “A-Ano b-bang p-paki m-mo?” She asked. Kaya biglang natigilan si Kie then I saw a painful expression on his face, “Oo nga. Ano nga bang paki ko? Sino nga ba naman ako?” After he said that ay tinalikuran na niya si Maze. Grabe! Halos mag-standing ovation na ako dito! Ang galing-galing nilang umarte to the point na dalang-dala ako sa eksena. Tumayo na ako at palapit na kay Kie para bigyan siya ng towel, kaya lang sinenyasan ako nung isang crew doon na di pa tapos yung scene at wag akong lalapit kaya napatigil na lang ako. “B-Bakit?” Halos pabulong na tanong ni Maze. “B-Bakit ka ba laging nag-aalala sa akin? Bakit mo ba ako inaalagaan? Ano ba talaga ako sayo hah?!” Nakita kong may tumulong luha sa mga mata ni Maze, “Ano ba talaga ako sa buhay mo?” She asked. Bigla ulit lumingon si Kie at halos patakbo itong lumapit kay Maze at niyakap niya ito ng mahigpit. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Bakit gano’n? Bakit parang may biglang kumirot sa puso ko? “Hindi pa ba malinaw kung ano ka para sa akin?” Tanong ni Kie then hinalikan niya ang noo ni Maze, “Mahal kita! Mahal na mahal kita! Na halos mabaliw ako sa sobrang selos pag nakita kitang may kasamang iba!” Pagkatapos nun ay humiwalay si Kie sa pagkakayakap kay Maze habang si Maze naman ay umiiyak pero may nakaukit na ngiti sa kanyang mga labi. “Alam mo bang ang tagal kong hinintay na sabihin ang mga salitang yun?” After that unti-unting naglapit ang mga mukha nila habang unti-unti namang naglalapat ang mga labi nila. It was a slow passionate kiss na kahit ako ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan nilang dalawa. Alam kong acting lang ‘to, pero sobrang galing nila na para bang totoong-totoo ang eksena. Yun nga lang, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kesa kiligin ako ay nakaramdam ako ng matinding sakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD