KABANATA 22

1716 Words
*** ZYNE’S POV “Kie! Malapit na ba tayo? Konti na lang ba ay makakarating na tayo?” tanong ko kay Kie habang tinutusok-tusok ko ang pisngi niya, “Uy! Kie. Gumising ka na, please! Baka padating na tayo eh!” “Anak ng-------” sabi niya sabay talikod sa akin at tsaka nagkalabit ng headset. Hala! Napikon na yata sa kakulitan ko. Pupunta kasi kami sa white beach para sa shooting nung movie nila Kie. One week kaming mag-iistay doon at nung nalaman ko yun ay sobrang na-excite ako. It’s been a long time since nakapunta ako sa beach. Mahal na mahal ko talaga ang mga beaches kaya naman excited na excited ako. Sana makarating na agad kami. “Manong! Malapit na po ba tayo?” This time ay yung driver na naman ni Kie ang tinanong ko. “Naku! Malayo pa po tayo. Magpapa-gas muna ako ah!” tugon niya. “Ay! Sige po,” pagsang-ayon ko. Dumaan nga kami sa isang gas station then nagpa-gas si Manong driver. Nagpaalam din siya na mag-ccr muna siya. Kaya naman ay naiwan kaming dalawa ni Kie sa kotse. “Kie!” tawag ko sa kanya sabay kalabit sa braso niya, kaya lang ay di man lang niya ako nilingon. Mukhang natutulog na yata ‘tong isang ‘to. “Kie! Paghingi ako nung pagkain mo ah! Nagugutom na ako eh!” I said. Hindi pa rin kumibo si Kie kaya nagbukas na lang ako ng chichirya at tsaka ko kinain. Tinignan ko ang natutulog na likod ni Kie. Hayst! Siguro nga pagod na pagod siya lately sa pagaasikaso kay Asha. Tapos sabayan pa ng madami niyang shooting at mga kung ano-anong guestings at interviews. Dumagdag pa nga yata sa pagod niya yung pag-alaga sa akin nung nagkasakit ako eh! Imbis ako ang mag-aalaga sa kanya ay siya pa ‘tong nag-alaga sa akin. “Sorry, Kie! Promise ko mas aalagaan na kita ngayon. Promise ko yan!” Bulong ko sa kanya. Nagulat ako ng biglang tumagilid si Kie sa akin pero nakapikit pa rin. I waved my hand near his face, para i-check kung gising na ba siya or hindi. Pero ang lalim ng tulog niya. Maya-maya lang ay bumagsak yung ulo niya sa balikat ko. “U-Uy! K-Kie…” Napatingin ako sa mukha niya. Ang amo-amo nito habang natutulog. Akala mo hindi siya yung Kie na masungit at lagi akong sinisigawan. I smiled then hinahaplos ko yung pisngi niya. OMG! Agad-agad kong Inalis yung kamay ko sa mukha niya. Bakit ko ba hinahaplos ang mukha niya? Ano bang pumasok sa isipan ko? At isa pa bakit ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko? Seriously, ano ba talaga ‘tong nararamdaman ko? Bakit ba ako nagkaganito? Dahil sa awkwardness na nararamdaman ko ay kumuha na lang ako chichirya at kaagad ko itong isinubo. Kaya lang pagsubo ko ay nakagat ko naman ang dila ko. “Arghhhhhh! Aray ko po,” daing ko. Gulat na gulat namang napabangon si Kie at napatingin sa akin. “H-Huh? What happen?!” He asked. “Kie! Nakagat ko labi ko HUHUHUHU,” sambit ko. “Ano ba kasing pinaggagawa mo? Tskkk! Patingin nga ako!” Tinabig niya yung kamay ko na nakakapit sa labi ko. “Ang hapdi HUHUHU!” reklamo ko. “Hindi naman masyadong dumudugo eh!” Sabi niya then pinahiran niya yung konting dugo sa labi ko gamit ang daliri niya. Kaya lang ay nagulat ako nang bigla na lang huminto si Kie, while nakahawak pa rin siya sa labi at napatitig roon. “Uhmmm… Kie!” I did’nt finished what I’m going to say when he suddendly spoke. “Wag kang magsalita!” Halos pabulong niyang sabi at titig na titig siya sa labi ko. And again, bumilis na naman ang t***k ng puso ko and anytime ay pwedeng akong atakihin dito. Gusto kong tabingin ang kamay niya, pero sa ‘di ko malamang dahilan ayaw kumilos ng buong katawan ko. “Zyne! Tell me… May nakahalik na ba sayo?” He asked. “H-Huh? Ano bang sinasabi mo d’yan, Kie? W-Wala a-ano k-ka b-ba!” Tugon ko. “Paano kung sabihin ko sayo na meron ng nakahalik sayo? Anong gagawin mo?” He asked that made me confused. “H-Huh?!” Wala sa sarili kong tanong. Bigla akong naguluhan sa sinabi ni Kie. Teka lang! Ano bang nagyayari sa isang ‘to? Ganito ba talaga siya pag bagong gising? “Gusto mo take two?” Tanong niya pa. Before pa ako makapag-react ay nakita ko na lang na papalapit ng papalapit ang mukha ni Kie sa akin. Habang pabilis ng pabilis naman ang pagtibok ng puso ko. Sinasabi ng utak ko ns itulak ko siya papalayo pero di ako makakilos. Napapikit na lang din ako bigla habang hinihintay na dumapo ang malambot na labi ni Kie sa akin. Kaya lang ay bigla na lang siyang lumayo sa akin. “Uhmmm… B-Bibili lang ako ng… A-Alcohol!” Sabi niya sabay labas sa van tsaka tumabo sa may 7-eleven. O-Okay! A-Ano y-yun? KYLE’S POV Potek naman oh! Potek talaga! Sinipa ko yung haharang-harang na bote ng mineral water sa harap ko dahil sa sobrang yamot ko sa sarili ko. Seriously, ano bang masamang ispirito ang sumanib sa akin? Bakit muntikan ko na namang halikan ang babaeng yun? Nung nahawakan ko yung lips niya kanina ay naalala ko bigla yung paghalik ko sa kanya habang mahimbing siyang natutulog. At hindi ko alam kung ano na naman ang hinayupak ang tumama sa akin, parang gusto kong ulit-ulitin. Gusto ko ulit maramdaman ang labi niya sa akin. Aish! Potek talaga eh! Bakit ko ba naisip ang bagay na yun? And worst, bakit ko nagawa ang bagay na yun? In love na kaya ako sa chimay ko? No! That’s impossible. Ako? Si Kyle Montefalco? Gwapo, mayaman sikat, malinis at mabango ay maiinlove lang doon sa chimay ko? No, way! Ang type ko ay maganda, sexy at matangkad. Gusto ko yung artistahin talaga ang dating. Yung tipong pagpinagtabi kami ay aakalain nilang isa kaming Gods and Goddess. There’s no way na magkagusto ako sa isang chimay lang! Dumiretso na ako sa 7 eleven tapos kumuha na ako ng limang bote tsaka ko ito binayaran sa counter. After that ay bumalik na ako sa kotse at sakto namang nandon na rin yung driver. Instead na tumabi ako kay Zyne sa passenger seat ay sa backseat na lang ako umupo. Baka mamaya ay kung ano na naman ang sumanib sa akin pagkatabi ko yang babaeng yan. Feeling ko talaga ay may lahing mangkukulam ang babaeng ‘to eh! Maya-maya lang ay nakarating na din kami sa white beach. Kung saan kami magsho-shoting. “Wooooooowww! Ang ganda-ganda naman dito!” Sabi ni Zyne. Pagkababang-pagkababa namin sa kotse. Mukha yatang nakalimutan na yata niya yung nangyari kanina. Hayst! Buti na lang. “Kie! Kie! Kie! Tara mag-swimming na tayo!” Pagyayaya niya sa akin. “Manahimik ka nga d’yan! Kailangan ko pang magpahinga,” I said. “Eh! Kie! Gusto ko mag-swimming eh!” Pangungulit niya pa. “Edi! Mag-swimming ka! Pinipigilan ba kita? Hah? Basta ako matutulog ako! Wag na wag mo akong istorbohin kundi lagot ka talaga sa akin!” Pagbabanta ko sa kanya. Ang kulit-kulot kasi ng babaeng ‘to eh! Nakakaasar naman eh! Parang di chimay ‘tong kasama ko. “Oh! I see.” Bulong ni Zyne kaya napalingon ako sa kanya. “What?” I asked. “Uhmmm… Kaya siguro gano’n yung inasta mo kanina kasi inaantok ka. Siguro nag-sleeptalk ka kanina ‘no? Ikaw ah! Ano ang napaginipan mo ba’t gano’n yung ginawa mo kanina?” She said while smiling. Parang bigla na lang umakyat sa mukha ko yung dugo ko. Anak ng kabayo naman oh! Kailangan pa ba niya i-bring up yung ginawa ko kanina? Nakakaasar naman! Potek! Inalis ko nga yun sa isip ko eh! Tapos ipapaaalala na naman niya? Nakakabadtrip! “E-Ewan k-ko s-sayo!” Sagot ko sabay talikod. Nakakabadtrip naman ‘tong babaeng ‘to. “Zyne! Asawaaaaa kooooo. Gēgē Kyle!” Napalingon ako doon sa tumawag sa amin at nakita ko naman na palapit si Yuan at Kyla sa aming dalawa. “Kuya! Ang tagal niyo namang dumating,” bungad sa akin ni Kyla. “Medyo na traffic lang kami. Kanina pa kayo dito?” I said. “Oo, Kuya. Maaga din kasi akong umalis dahil may kailangan pa akong asikasuhin,” tugon niya. “Zyne!” Yuan called. Kaya napalingon kami kay Yuan na kasalukuyang papalapit kay Zyne. “Hi, Yuan!” Bati sa kanya ng chimay ko. “Zyne! Nakakain ka ba ng asukal?” He asked. “H-Huh?” Takang-takang tanong ni Zyne sa kanya. “Ang tamis kasi ng ngiti mo eh!” Tugon ni Yuan. “Ano ba, Yuan? Ikaw talaga sobrang maloko mo ‘no!” Sabi naman ni Zyne na ngiting-ngiti. “Sinong nagsabing nagbibiro ako? Totoo kaya yung sinabi ko. Ako ng magdadala nito, ayokong napapagod ka eh!” Sabi ni Yuan sabay kuha sa bag na dala-dala ni Zyne. “Salamat, Yuan!” Pagpapasalamat niya. Tskkk! Ang landi-landi ng dalawang ‘to. Tapos ‘tong Yuan makabanat pa sobrang corny. Nakakabanas. “Hoy, Kyla! Okay lang ba sayo na mapunta yang intsik na yan sa chimay ko? Hindi ka lang ba gagawa ng paraan? Tignan mo oh! Nilalandi na ng chimay ko si Yuan,” bulong ko kay Kyla. Nagulat na lang ako ng bigla na lang tumawa si Kyla. “Ba’t ka ba tumatawa? Kita mo namang seryoso ako dito!” I said. “Kasi naman, Kuya. Halatang nagseselos ka. Sa akin, ayos lang kung sino ang mahalin ni Yuan. Pero ikaw Kuya, okay lang ba sayo na mapunta si Ate Zyne kay Yuan?” She said. “A-Anong s-sinasabi m-mo d-d’yan?” Tanong ko. “Naku Kuya. Wag ka na kasing in denial. Sige ka! Mamaya ay maunahan ka na ng instik na yan. Madali pa namang mahalin si Yuan.” Tinapik niya ang balikat ko. “Pero, don’t worry. Pagdating kay Ate Zyne sayo pa rin ako boto, Kuya!” She winked at me then sinundan na rin niya sina Zyne at Yuan papasok sa white beach. Potek! Akala ba niya ay may gusto ako sa chimay na yun?! Hindi yun mangyayari!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD