Chapter 15

2505 Words
“Hey.” Tinampal ko ang kamay na yumuyogyog sa akin. I want to sleep more. Kaius chuckled. “Gumising ka na. Tanghali na.” “No. Stay away from me.” masama parin ang loob ko kagabi. I did not even sleep properly! Gumalaw ang kama at maya-maya pa ay nasilaw ako sa sinag ng araw. Binuksan nito ang kurtina kaya kumalat ang liwanag sa loob ng kwarto. Itinakip ko ang unan sa mukha ko. “Bumaba na ka na.” Hindi ko siya pinansin. Napatili ako nang hilain nito ang mga paa ko dahilan para dumausdos ako sa dulo ng kama. "Kaius!" "Come on." hinuli nito ang mga kamay ko at hinila para bumangon. Tumama ang katawan ko sa dibdib niya. I immediately wrap my arms on his waist, at palihim na sininghot ito. Amoy shower gel ang lalaki. "Pag hindi ka pa gumalaw, hindi kita isasama." Nagsalubong ang kilay ko at kumalas. "Isasama? Saan tayo pupunta? Ide-date mo ako?" "No. It's not a date. Pupunta akong distillery. May magazine shoot akong gagawin, mukhang wala ka namang gagawin dito kaya isasama na lang kita." "Nagmo-model ka?" Pinilig nito ang ulo. "Dati? I quit years ago." "Bakit?" Natigilan ito at napakurap. Mukhang hindi nito inasahan ang sunod-sunod na tanong ko. I'm curious that's why. "I just stop. I don't really like it. I just do it because..." his voice slowed down like he suddenly remember a thing. Mas lalo kong ipinagtaka nang makita ko ang paggalaw ng panga nito. “...of some reason.” "You okay?" hinawakan ko siya sa braso. Bumuga ito ng hangin. "Yeah. Ang dami mo namang tanong." "Kasi gusto kitang makilala pa. I figured out na konti lang ang alam ko sa iyo." "Pwede mong tanungin si Artemis. Marami siyang alam sa akin." Sinamaan ko siya ng tingin. "You really know how to ruin the mood eh?" Tinakip nito ang kamao sa nakangising bibig. "Makaligo na nga!" Tinalikuran ko siya at dumiretso sa banyo.Wala pang isang minuto ay kumatok ito. "Twenty minutes. Please hurry up." "Whatever!" sigaw ko. Hindi mapirmi ang mga mata ko. Everyone moves around at ako lang ata ang totoong tao sa loob ng opisina ng lalaki sa oras na iyon. The staff were like animals, hindi ito magkanda-ugaga. Medyo naaasiwa ako na makita silang abala habang ako nakaupo at nanonood lang sa sulok. Why am I even here? "That's great Kaius! Eyes here. That's it!" sabi nung photographer na nasa harap ngayon at nag-iinstract ng pose na gagawin ng lalaki. Nakarinig ako ng mahinang pagtili sa mga babaeng staff. I looked at their side and found them staring at Kaius who's on his desk right now. Gwapong gwapo ito sa suot na navy suit at malinis na nakasuklay patalikod ang buhok. He's holding a glass of wine in his hand while sitting in his swivel chair. His lips was touching the tip of the glass and staring seductively straight on the camera. My lips parted. He's screaming hotness right now. Gusto kong takpan ang mga mata ng mga nakatingin sa kaniya ngayon. This is illegal, he should be illegal. This is for business shoot, pero bakit parang ibinibenta nito ang sarili?! "Excuse me po.” I looked up and saw a woman offering me a bottle of juice. Nanginginig pa ang kamay nito at halatang kinakabahan. Sinulyapan ko ang ID niya at nakitang intern ang babae. That explains why. “No, thanks. Ibigay mo na lang sa iba.” Nakakahiyang kumuha nun lalo na at hindi naman ako empleyado. “P-pero inutos po to ni Sir Kaius kanina. Para po talaga to sa inyo. Baka mapagalitan po ako.” Napanguso ako. Okay plus five ka sa akin. “Thanks.” Tumango ang babae at nagpaalam na aalis na. “Sige, next outfit tayo. Fifteen minutes break muna! Great job Kaius! As expected, magaling ka parin!” tinapik nung photographer ang lalaki. Mukhang magkakilala ang dalawa. Nilapitan agad ito ng isang stylist. Sandali itong nag-usap at may inabot na bagong damit ang babae. Tinanggap ni Kaius iyon bago umikot ang tingin sa paligid. When he found my location, agad na tinahak nito ang daan papunta sa akin. “Hindi ka pa ba naiinip?” “Medyo.” “I'll wrap it up and we'll go home.” Pumasok ito sa fitting room at nag-antay ako sa labas. “Pwede bang wag mong galingan?” “Huh?” Sumilip ako sa kurtina. I saw him half naked. “Wag mo masyadong galingan. Baka makahanap ako ng gulo.” Dinutdot nito palabas ang noo ko at sinara ng maayos ang kurtina. Nakasimangot na hinilot ko ang noo. The shoot continues, ngunit nasa sofa naman ngayon ang kinukunan. I feel soffocated kaya lumabas na muna ako para magpahangin. Hindi naman ako lumayo at baka bigla akong hanapin ni Kaius. Nasa labas lang ako at nakatanaw sa malawak na taniman sa labas. “Ang galing parin ni Kaius no?” “Oo nga e! Sayang nga lang at tumigil na siya.” Nasulyapan kong lumabas ang dalawang babaeng staff na malawak ang ngiti sa labi. “Sus! Alam naman natin kung bakit siya huminto saka nagmodelo dati. Tapos na yung istorya nila ni Aliana. Ilang taon na rin no! Nakamove-on na yun.” Hindi ko napigilang lingunin ang dalawa pero nakatalikod na sila. Sino yung Aliana? Anong pinag-uusapan nila? Bakit nasasali sa usapan si Kaius? “Oo nga e. Mas yummy na siya ngayon saka successful.” They both giggled. Tiningnan ko kung saan sila patungo at nakita na papuntang comfort room iyon. Umalis ako sa railings at sinundan ang dalawa. Nagpahuli ako ng konti para hindi halatang nakikinig ako. “Ang laki ng pinakawalan niya!” “Wala e. Iba talaga pag nasa ganitong industriya ka. Minsan lang yung opurtunidad kaya pag dumating susunggaban mo talaga. Hindi naman natin siya masisisi kung inuna niya yun.” Nanatili akong nakatayo sa labas at nakinig. They were loud so I can still hear them clearly. “Sabagay. Saka anong alam natin kung may usapan sila diba?” “Anong usapan naman?” “Like maghihintay si Kaius!” “Hoy! Malabo yan! Dalawang taon na rin no! Ni ha ni ho wala tayong nabalitaan sa kanila. Sinong kayang mag-antay nun? Nakakaloka ka. Isa pa, may ka-arrange marriage na siya no.” “Who knows! Pangalawang arrange niya na yun. Baka hindi pa talaga siya nakaka move on kaya papalit palit siya. Saka para sa business nila yun diba.” “Sira. Nagka-issue nga yung si Artemis diba? Hindi yun dahil sa kaniya. Kita mo naman sinama nga niya yung fiancee niya ngayon.” “Hindi naman niya pinakilala sa atin! Ibig sabihin nun hindi siya proud kay ateng! Nandoon lang sa sulok yung girl. Mukhang P. A na pamasid-masid.” Kumuyom ang kamao ko at sarkastikong natawa. Sinong mukhang P. A? Pasalyang binuksan ko ng malaki ang pinto at taas noong pumasok sa loob. Agad na napalingon sa akin ang dalawa na nakaharap sa salamin. Magkasalubong ang kilay ng mga ito at tila galit sa ginawa niya pero nang makita siya ng mga ito ay nanlaki ang mga mata nila pareho. I crossed my arms in my chest and eyed the woman who said I looked like a personal assistant. I stood infront of her and look at her from head to toe. Tila naasiwa ito sa ginawa ko. Ganda yan? “Mukhang malabo na yung mata mo. I suggest you to go see an ophthalmologist and check your eyes. Mukhang sira na kasi.” I sweetly smiled at her. Yumuko ito sa kahihiyan. I face the mirror and put my channel bag on the sink. “Look! Sa ating tatlo ngayon,” nilingon ko siya. “Who do you think look like a P. A?” i raise my brow at her. Parehong hindi makatingin sa akin ang dalawa at parang kuting na napagalitan sa tabi. Pinatay ko ang gripo at kumuha ng tissue para ipahid sa kamay ko. “Next time, read your job description first. Kasi ang layo ng aktwal na trabaho niyo sa pagiging chismosa niyo.” Insulto ko sa kanila saka inabot ang tissue sa palad nung feeling maganda na babae. “Pakitapon, thank you!” ___ I wasn't in the mood when I got back inside the office. Iniisip ko yung narinig ko kanina, obvious na may past si Kaius at ang babae. Sa inis ko dun sa dalawang babae hindi ko naitanong kung sino yung Aliana o apilyido niya man lang. Inilabas ko ang phone ko para isearch yung Aliana pero nakita kong may missed call si Artemis at text. From Artemis : Are you busy? Gusto lang sana kitang makausap.” Come to think of it. Kung nasa industriyang to din yung babae, hindi malabong kilala din iyon ni Artemis. I better ask her. To Artemis: No, I'm not. Kelangan din kitang makausap. I have something to ask. Nasaan ka ba? Muli akong lumabas ng magring ang phone ko. I talked to my sister for a minute. Napag-alaman kong nasa bayan ito at kakauwi lang kahapon galing New york. Napagkasunduan naming magkita na lang sa isang restaurant. Tanghali na rin kasi at medyo gutom na rin ako. Hindi na ako muling pumasok pa sa opisina ni Kaius. I just texted him that I left dahil may kikitain akong akong kakilala. Sinabi ko ring mauna na itong umuwi. He didn't reply so I guess the shoot still going on. “Hindi mo kasama si Kaius?” sinilip nito ang likod ko kung may nakasunod. “Hindi. Ang tagal niyang matapos kaya iniwan ko na siya.” kibit balikat ko. “Bakit, mas gusto mo bang kasama ko siya?” Her eyes widened. “No! Kasi sabi mo kanina kasama mo siya kaya ini-expect ko na nakasunod siya ngayon.” My eyes surveyed my sister's face. There's something unusual to her. Yung ngiti ba niya? Yung kumikinang na mga mata? ewan. “You look different.” naisaboses ko. “Huh? Wala namang nagbago sa akin.” pinasadahan nito ang sarili. “Ganiyan na ba ang resulta ng alagang Carl?” I smirked. “W-what?” namula ang mukha nito kaya agad na tinakpan nito ang pisngi. “Kung ano-anong sinasabi mo diyan.” Ngumiti ako. She's so clear as water. “Good for you.” i said wholeheartedly. Walang halong sama ng loob. Natigilan ito at napatitig sa akin. “Thank you.” Umiwas ako ng dumating ang pagkain. “Galit ka ba sa akin?” maya-maya ay tanong nito. Naninimbang ang boses nito. “Bakit naman ako magagalit? Nasa akin na si Kaius.” She gasped. “Kung ganun, may gusto ka talaga sa kaniya dati pa?” “Yes. Kaya nga sinasabi ko sayo noon pa na okay lang naman sa akin na ma-arrange sa kaniya because I like him.” I rolled my eyes. “I... Oh my god! I'm sorry I am so stupid, hindi ko man lang naisip yun.” napalingon-lingon ito at nagtakip ng bibig nang mapalakas ang boses nito. “You're not. May kasalanan din naman ako at hindi ko agad sinabi sa iyo kasi akala ko nahuhulog ka na rin sa kaniya.” Umiling ito at humagikgik. See? She doesn't giggled like that. “Wala no! Alam niyang may boyfriend ako. Inamin ko yun sa kaniya. Umaakto lang kami sa harap ng lahat. May naging usapan kami.” Ako naman ngayon ang nagulat. “That was all an act? Pero lumalabas kayo saka sweet sa isa't isa. Niyakap ka pa niya sa bewang nung nasa kusina kayo! Wag ka ngang magsinungaling!” “Hindi ako nagsisinungaling. He's my collegue before, kilala na namin ang isa't isa dati pa. Maybe you mistook our friendship into something. Lagi ko siyang nakakasama noon kaya medyo close kami. Saka kung may skinship mang nangyari, I assure you it was all an act.” “Nagkiss ba kayo?” “Kiss? Kiss saan?” “Anong saan? Ibig sabihin marami, sa iba’t ibang parte...” tiningnan ko ang katawan niya at pinanlakihan siya ng mga mata. I can't believe it. Muli kong naalala ang nalaman ko kanina. “So you know her past relationship right?” Nabura ang ngiti ng kapatid. “Past relationship? Alin doon?” Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “May naririnig kasi akong pangalan. Do you know a woman named Aliana?” Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. I wanna know if she's going to lie or not. “Siyempre kilala ko siya.” Thank God! “Pwede bang sabihin mo kung anong meron sa kaniya? I'm just curious.” Habang maaga pa, gusto ko nang malaman kung anong klaseng insekto yung papasok sa bahay namin. “Uh, Aliana she's a model too but currently base on France. Nakakontrata siya sa isang sikat na designer doon. But it was years ago, baka tapos na rin ang kontrata niya.” “And?” “And uh... hindi niya ba kinuwento sa iyo ang babae?” I sighed. “Hindi ko itatanong to sayo ate kung naikwento nga niya sa akin.” “Kasi... hindi ko rin alam kung anong nangyari sa dalawang yun kasi nga biglaan yung paghihiwalay nila. May naging usap-usapan noon na balak na daw nilang magpakasal kasi nagsasama naman na sila. I don't exactly know. Pribado kasi yung relasyon ng dalawa. And you know me, I don't meddle with someone's business. They were popular so they're all over the news when it happened.” Nagsasama na sila? “Kelan yun nangyari?” Sandaling nag-isip ang kapatid. “Two years ago?” “Two years ago...” “Kelan ba pinatayo tong bahay? Mukhang bago pa kasi tingnan.” intriga kong tanong. Tumingala ito na tila nag-iisip. “Mga dalawang taon pa lang ata.” Napaawang ang bibig ko nang maalala ang pag-uusap namin ni Mona. No way! Mali tong iniisip ko diba? Napasabunot ako sa buhok. “Thea? Okay ka lang ba?” Umiling ako. “Uuwi na ako.” tumayo ako. “Ha? Pero hindi mo pa gaanong nagagalaw ang pagkain. Can't you stay for a while?” “Next time na lang Artemis.” dinampot ko ang bag ko at tumalikod na. Pagkarating ko ng bahay ay hinanap ko agad si Mona. I found her in the back door. She's watering the plants. “Mona.” “Thea! Kaaalis lang ni seniorito. Hinahanap ka. Hindi ba kayo nagkasalubong?” pinatay nito ang hose at sumilong. “No.” “Teka, tatawagan ko.” Pinigilan ko siya sa braso nang akmang papasok sana ito ng bahay. Napatingin ito sa kamay ko. “May problema po ba?” Inilibot ko ang tingin sa loob at labas ng bahay. Alagang alaga iyon na parang hinahanda sa pagbabalik ng talagang may-ari. “Sabihin mo nga Mona, hetong bahay ba pinagawa ni Kaius para sana sa ex niya?” Bumakas ang gulat sa mukha nito. “Was this supposed to be their home?” Bumuka at sumara ang bibig nito. “P-pinagawa po to ni Seniorito para sa m-mapapangasawa niya.” Tumango ako. Kumalat ang pait sa bibig ko. “Yeah, two years ago. Nung sila pa nung Aliana diba?” Mona looked away. I tasted bitterness in my mouth but I swallowed it right away. “H-hindi ko po alam. Mas mabuting siya na lang po yung kausapin niyo. T-tatawagan ko po siya para malapag-usap kayo.” “No.” “Po?” “Ako nang magsasabi na nakauwi na ako.” ngumiti ako sa babae ngunit hindi iyon naka-abot sa mga mata ko. “Pakiusap, wag mo na ring banggitin na alam ko yung tungkol sa bahay. Ako nang bahala, salamat Mona.” I let go of her and started to walk away. Mabigat ang paa na inihakbang ko iyon papasok ng bahay. Maybe I should start packing my things?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD