bc

Not Promised

book_age18+
788
FOLLOW
2.6K
READ
arranged marriage
playboy
CEO
heir/heiress
drama
twisted
bxg
medieval
office/work place
seductive
like
intro-logo
Blurb

Althea Maureen Puntavera never liked someone as much as she likes Kaius Monteagudo. She got turned down after expressing her feelings towards him during their first meeting but regardless of what he said and his reputation as a notorious fuckboy of La Montes, she still wants him. She was known as a temptress but she was having a hard time taming this fuckboy.

And she got a very big problem.

They're not promised to each other.

He's promised to marry her sister.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Bruha ka. Hindi ka nagtext sakin kagabi. I was worried. I still have your things here!" "Worried my ass. E halos hindi ka na nga magising kagabi dahil sa pagkalasing mo." Nakarinig ako ng hagikgik mula sa kabilang linya. Kausap ko ngayon ang kaibigan kong si Quinn. "Ako pala dapat ang nagtext sayo." “Paano mo pa gagawin yun kung tulog ka na?” Umikot ang mga mata ko at umupo sa couch namin. Masakit pa rin ang ulo ko sa hangover. Hindi ko alam kung anong oras akong nakauwi kagabi basta ang alam ko may naghatid sa akin pauwi. I guess I'm too drunk to remember his face. Nakainom na kami noong lumipat sa Midlight kagabi. Galing na kaming party ng isang kaklase napaalis lang dahil nakahanap ng gulo sina Troy. “Promise, wala na talaga akong naalala kagabi. Buti na lang at naihatid parin ako ng iba sa bahay. But hey! Tanda ko pa yung dare mo a. Ginawa mo ba? You went missing after you followed your partner.” Dare? Partner? "Mama! Hindi ako makapaniwala na pumayag ka dito." Nangunot ang noo ko at nilingon ang pinanggalingan ng tinig ng kapatid kong si Artemis. Nagmumula iyon sa dining room namin. Nagsiiwasan ang mga katulong at bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho ng mapansin ako. "Ano bang problema sa paglabas, Artemis? Makikipag-usap ka lang naman sa kaniya." "Pero dad, siguradong magiging issue to. Ako na naman ang magiging usapan ng mga media. I don't wanna get involve with any man right now. I want to focus on my career." Anong pinag-aawayan ng mga ito? Tumayo ako at naglakad para makinig. Naririnig kong patuloy parin sa pagsalita si Quinn sa kabilang linya. "Bakit ba puro career mo yang iniisip mo? For once bakit hindi naman ang pamilya mo? You're just twenty three! Ang daming opportunities na darating pa sa iyo." ngayon ko lang narinig na ganoon ka galit si papa. Seventeen years old pa lang kami noong may makilala kaming talent scout sa isang mall. She asked for our names and our parents because they said we’re both pretty and we’ll make it to fashion magazine. Kinausap nito ang mga magulang namin and by the next day, our mom registered Artemis to a training for modelling. Siya lang. She didn’t bother asking me if I wanted to join to. Hanggang sa rumampa na nga ito suot ang iba't ibang brand ng damit, endorser na rin ito ng isang beauty products at iba pa at the age of eighteen. My sister became popular in an instant. She’s supporting herself now. "Makukuha ko pa po ba iyon oras na pinakasalan ko na si Kaius? Hindi lang naman paglabas yung gusto niyo. I'll end up marrying the guy." Nasa pintuan na ako nang dining room ng marinig ko ang sinabi ng kapatid ko. It made me stopped. Gulat din sa narinig. She’s promised to someone? "And you're right, I'm twenty three. Nasa tamang edad na po ako para magdesisyon para sa sarili ko at ayoko pang magpakasal. I don't wanna marry for business, papa." Nakarinig ako ng maingay na pag-atras ng upuan at ang papalapit na yabag. Hindi agad ako nakaalis kung kaya naabutan ako ng babae na nakikinig. She stop from her tracks and her eyes widened when she saw me there. She did not said anything and only looked away and continue walking out. Mababakas ang galit sa mukha nito habang padabog na umaakyat sa aming hagdan. "I told you to wait kasi hahanapan ko ng paraan, Franco!" "Our problem needed an immediate solution, Veronica. Hindi ako pwedeng umasa sa walang kasiguraduhang paghahanap mo. Kabuhayan natin ang nakasalalay dito." Nalulugi ba ang negosyo namin? Kaya ba halos araw-araw lumalabas ang Papa niya at kung sino-sino ang kinakausap at ginagabi sa pag-uwi? Napapansin ko din ang pagkukulong nito minsan sa library. "Bakit ba kasi umabot sa ganito?" I saw how my mom cried infront of our father. She covered her face with her palms. “We were at the top!” "Stop crying and talk to your daughter. Hindi na magbabago ang isip ko. Isa pa, matagal ko ng kilala at kaibigan si Kaizan." my father said with finality. “I know he won’t disappoint me. He said he’s willing to help and lately he opened up about his eldest. His eldest son is the one who’s currently managing the Distillery and winery. It’s getting big so they need company like us.” "Bakit... bakit hindi na lang si Thea ang ipakasal mo?” My lips parted when my mother mentioned my name. “Pagpa-party lang naman ang alam nun. Maybe that way titino siya if she'll marry that guy." Napakuyom ako ng palad sa narinig. Now she wants me to play Artemis part. I scoffed in disbelief. "Hindi pwedeng basta ko na lang ipakasal ang kahit na sino sa mga anak natin, Veronica." "Kung ganun bakit si Artemis? Bakit siya pa?" "Because she's the right woman for him! Monteagudo ang pinag-uusapan natin dito, Veronica. They want the best, kaya binibigay ko ang gusto nila." So, I wasn't one of the best? Is that it? Dahil ba laman ako ng party at bar sa gabi iyon na ang batayan nila? "Saka isa pa ito mismo ang pumili kay Artemis." Alam ko namang magkalayo kami ng pag-uugali ni Artemis. Magaling ito sa lahat ng aspeto. Lahat ng papuri natatanggap nito mula pagkabata habang ako, ako ang kalat ng pamilya nila. Matagal ko na namang alam iyon, hindi na iyon bago. Pinangatawanan ko na nga lang kasi kahit ano namang linis ko sa pangalan ko, si Artemis parin ang bida. Kuyom ang mga kamay na nilisan ko ang dining room. Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pintuan ng kwarto ko. Pinatay ko ang blower para marinig si Nana Celia na nagsasalita. "Thea, nag-aantay na sa ibaba ang kaibigan mo. Hindi na daw siya aakyat pa at sa kotse na lang mag-aantay. Bumaba ka na..” I looked at my wristwatch and saw that time. Hm, she is early today. "Pababa na ho ako." Binuksan ko ang drawer at dinampot ang lipstick para ilalagay na sana sa labi ng matigilan. Muling nagplay sa aking isipan ang sinabi ni Papa kanina. Pinakatitigan ko ang mukha sa salamin, I have a fair and soft skin, tall and have an hour glass body with curvy hips and round butt. Maraming nagsasabi na papasa ako bilang isa sa mga model ng victoria's secret pero binalewala ko iyon. I don't want the world that Artemis has. Though alam ko namang hindi nito gugustuhin ang ganoong klaseng pagmomodelo. Magkapatid kami ni Artemis kaya hindi nalalayo ang mukha namin sa isa't isa but I got most of my father feature. I have a symmetrical round face, small pointed nose and a plump lips. Yun nga lang, nakuha ko ang mga matapang na mga mata at kilay ni papa habang ito naman ay sa mama namin. I got a strong personality and she got the soft one. Naiinis ako noon pag nasasabihan na magkamukha kami pero magkaiba ng ugali. Pag kapatid ba kailangan pareho? Hindi naman kami kambal, at hindi lahat ng kambal magka-ugali din. Kaya taliwas dito, mas ginusto kong magsuot ng seksing damit to show boldness that's opposite to my sister. Iritableng itinapon ko ang paboritong lipstick at hinila pababa ang palda ng aking uniform. Kinuha ko ang bag at nagmartsa na palabas ng aking kwarto. Wala na akong nadatnan sa ibaba na myembro ng pamilya kaya dumiretso na ako palabas. What's new? Agad na nakita ko ang naghihintay na sasakyan sa labas. Alam kong nasa loob nun si Quinn kaya diretso pasok na ako at sinuot ang seatbelt. "Hey." Tamad na humalik ako sa pisngi nito. "Hi, morning! So, ano yung narinig ko sa cellphone kanina?" tanong nito at nag-umpisa ng patakbuhin ang sasakyan. "Yun na yun. Wala ako sa mood na magkwento." buntung-hininga ko. "Nakakatawa lang kasi yung ibang pamilya, yung mga sakit sa ulo nilang anak ang pinapakasal ng maaga. But your family was different. Tingin ko maswerte ka parin. Pashare ng prayers naman diyan." halakhak nito. Hindi ako sumagot at nakinig lang sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung maswerte nga talaga ako. Baka sa susunod ipagkasundo din ako sa hindi ko kilala at gusto. I need to be prepared for that. "Kilala mo ba yung lalaki? Sino sa mga Monteagudo ang pakakasalan niya?" "Hindi ko alam." Sagot ko habang ang mga mata ay nasa labas. Kilala ang mga Monteagudo sa bayan namin dahil sa mga successful na mga negosyo at malaking lupain ng pamilya nito na pinagpasa-pasahan mula pa sa ninuno. Kaya siguro doon lumapit ang Papa niya. "What? Dapat tinanong mo." "I'm not interested. Baka pag nagtanong ako maisipan pa nilang ipalit ako." "Hm. Sino kaya sa kanila? Si Orion ba? si Huge? Si Nyxx? Ay hindi na pala siya pwede. O baka si-" I cut her off. "Hindi parin naman pumapayag si Artemis. Baka nga maglayas pa yun. She cared so much for her career." "Oo nga pala. Pero sayang naman. Monteagudo is a good catch. Ang swerte niya pag nakasal siya sa isa sa kanila. There’s a lot of women who dream to be in her shoes." Natigilan ako nang marinig ang huling sinabi nito. Nakita ko na twice ang ilan sa mga apo ng matandang Monteagudo and they are all talented even hot and good looking. Kung nakayang ipagkasundo ng Papa ko si Artemis paano pa kaya ako? Sa isipin pa lamang na iyon ay naiinis na ako. "Can we stop talking about this? Mula paggising ko ito na ang naririnig ko sa bahay." iritable kong sabi. When will I have my good morning? Ngumuso si Quinn. "Sorry naman. Osige na, iba na nga lang pag-usapan natin." ____ Nagtaka ako nang makatanggap ng tawag mula sa kay Papa ng hapong iyon. Kalalabas pa lang namin ng school gamit ang back gate. Doon kami dumadaan pag nagpupuntang mixing. A small store who sell cigarettes to students like us. "Nagtext si Troy. He's inviting us to come in their house." "Ba't ngayon pa? Masakit parin ulo ko dahil kagabi. Palamig muna tayo baka sa susunod paglamayan na lang tayo." rinig kong reklamo ni Alex na katabi ko sa paglalakad. Nagtawanan ang kasamahan ko. "Swimming lang naman daw." winagayway ni Ash ang phone. “Anong sasabihin ko?” "Ulol. Sinong niloko niya? Baka swimming sa alak." Siniko ko si Quinn at sumenyas sa mga kaibigan na tumahimik. Agad na naintindihan yun ng mga kasama. Iniluwa ko muna ang lollipop na kinakain at sinagot ang tawag. Pumalibot ang braso ni alex sa bewang ko bago yumuko at sinubo sa bibig ang lollipop. I glared at him. He just wiggled his brows at me, kaya binitiwan ko na lang. "Pa?" "Thea, tapos na ba ang klase niyo?" "Opo." "Okay. Aantayin na lang kita dito sa labas ng school niyo." Natigil ako sa paglalakad. "What? I mean why? Nasaan si manong? Bakit kayo ang susundo sa akin?" "Sinundo niya si Artemis at ang mama mo sa shooting. Pauwi na naman ako kaya napagdesisyunan kong daanan ka na lang. Bakit, magtatagal ka pa ba?" Umiling ako. I wanted to say yes but I know he wil ask more questions like kung saan pa ako pupunta, sino na namang kasama ko and etchetera. "No. Uhh, palabas na po ako. Antayin niyo na lang po ako diyan." nagpaalam ako at pinatay ang tawag. "Papa mo?” tanong ni Ica. I nodded. “Wrong timing. Wala kasi yung driver ko isinama ni mama.” “So you're not going with us?” nakahinto na ang mga lalaki at nag-aantay na lang din sa magiging desisyon ko. "Kayo na lang muna. Nasa labas na kasi si Papa baka magtaka iyon." Akala ko pa naman masisibatan ko ang driver ngayon. Minsan kasi nagrarason ako na may gagawin pag school work pero ang totoo nasa labas na kami ng school at nagtatagay. "Your skirt." "A, s**t. Oo nga pala." Mabilis na tinanggal ko ang pagkakafold nun para humaba ang palda ng uniform ko. Ayaw kasi ni Papa na makitang mababa iyon. He always scold me for that, pero dahil talent ko ang pabingi-bingihan ay ginagawa ko parin pag nasa school nga lang. "Pass na muna ako. Bye!" kinuha ko ang bag ko kay Alex at nagmamadaling bumalik sa gate papasok. Tropa namin ang guard kaya pinapasok agad ako kahit na hindi chine-check ang bag at ID ko. Kinalma ko ang sarili nang matanaw ko na ang sasakyan ni Papa sa labas. Naglakad ako papunta doon at kinatok ang bintana. Bumukas naman agad ang pinto kaya agad akong pumasok. Una kong hinanap ang aircon at itinutok iyon sa akin. I was sweating. Tinakbo ko ba naman ang dulo ng school. "You good?" "Opo. Mainit lang sa labas." four thirty pa lang kaya pwede kong irason iyon. "May dadaanan lang ako sandali kay Kaius. Mabilis lang naman. You can stay in the car kung ayaw mong lumabas." Kaius? "Kaius who?" takang tanong ko sa kaniya habang binabagtas namin ang daan palabas ng bayan. Sumulyap ito sa akin. "Kaius Monteagudo. Your sister soon to be fiancé." "Ahh..." So, I am going to meet him now. Tumango lang ako at inilihis ang tingin sa daan. Nag-umpisang lumilitaw na sa aking paningin ang malawak na tubuhan tapos maisan. I saw some of the workers carrying pile of sugarcane at dinadala sa malaking truck. May mga tauhan namang nakatokang pumutol nun. Hindi ba nakakapagod yun? Araw araw ganun ang trabaho nila? Their body must be aching every night. "This place was huge." binuksan ko ang bintana at tinanaw ang dulo nun. Humalakhak ang papa ko. "Yes, It is. Pagmamay-ari na to ng mga Monteagudo. Kakabili lang nila nang kalapit na lupa nitong nakaraan." Wow. Hindi na ako magtataka kung bakit usap-usapan ang pamilya ng mga ito. Their plantation was big. Sigurado akong malaki ang kinikita ng mga ito doon pa lang. May lumalabas pa bang pera sa kanila? Parang lahat ata pumapasok. My sister will be lucky if she would be part of Monteagudo. Ang tanawing iyon ay napalitan ng linya ng ubasan ng lumiko si papa. Hindi ko maalis ang tingin sa paligid. Wala nang mas gaganda pa sa probinsya. Kahit na may choice akong makapag-aral sa syudad ayoko parin. Puro polusyon lang naman makukuha ko doon. Province will forever my home. The car stopped. Di kalayuan kita ko na ang ilang building at factory. "Monteagudo Distillery." basa ko sa isang gawa sa kahoy na signage. Hindi ko namalayan na lumabas na si papa ng kotse. Nagulat na lang ako ng katukin nito ang katabi kong bintana. Kinalas ko ang seatbelt at lumabas na rin. I wanna feel the fresh air outside. "Thea, halika muna." Nilingon ko si papa at lumapit sa kinaroroonan nito. He's talking to someone. Muntik nang mahulog ang lollipop na nasa bibig ko nang makita ang makisig na lalaking kasama nito. Kahit pawisan ito at may nadidikit na mga dahon sa balat ay hindi maipagkakaila ang angkin nitong kakisigan. Is this the guy he's been talking to? This is Kaius? He has a great body built na halatang hinubog sa pagtatrabaho o page-ehersisyo. Ang natural nitong kulay brown na buhok ay umaalon sa tuwing tatamaan ng hangin. It’s a bit dishiveled but it doesn’t making him less attractive. It even added to his beauty. He got pointed nose, deep brown eyes with thick eyebrows and eyelashes. His kissable lips that becoming more reddish whenever he bites and licks it. Hay. Ang gwapo talaga. Ang alam ko may lahi ang pamilya nito na espaṅol. His face looked foreign lalo na pag itinabi mo sa iba na purong pinoy. Talagang mangingibabaw ang kagwapuhan nito. Makapal ang mukhang pinasadahan ko ng tingin ang katawan ng lalaki. Damn, those abs. Kitang kita ko iyon dahil wala itong pang-itaas na damit. This guy know how to flex what he got. Tumutulong ata ito sa pagbubuhat ng mga ubas na hinaharvest. Magkano kaya ang sweldo dito? Mas gugustuhin ko atang magtrabaho kasama siya. "She's Artemis?" Of course not! Napatayo ako ng tuwid nang pasadahan ako nito ng tingin na siyang tumagal sa bandang hita ko. Matamis na nginitian ko ang lalake. Like what you see? Mula sa seryosong mukha ay napalitan iyon ng aliw. Kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi nito. Now what? Gusto mo parin si Artemis? Sinuklay ko ang buhok ng guluhin iyon ng hangin. "Naku, hindi iho. Nasa shooting pa si Artemis. She's kinda busy these days." At ako yung nandito. Inalalayan ako palapit ni papa para maipakilala. "This is Thea, my youngest. Thea anak, this is Kaius." "Hi, Kaius." I flashed my sweetest smile but I only received a nod. Iniwas nito ang tingin sa akin at ibinaling sa ama ko. Ano yun? Biglang malamig? "Do you have the papers Mr. Puntavera? Pasensya na po kayo at dito niyo pa ako nadatnan at hindi sa opisina. Kulang kasi kami ngayon sa tauhan kay tumulong na muna ako. " "A, yes. Wala namang problema iho. Nakakatuwa ngang makita kang tumutulong sa negosyo niyo. Ibig sabihin lang noon magaling kang amo. Teka at kukunin ko lang ang papeles." tumalikod si papa sa amin at lumapit sa sasakyan. Sa pag-alis ni papa ay bumalik sa trabaho ang lalaki. Inayos nito ang mga box sa tabi na magulo. "Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tanong ko nang mapag-isa kami. Kasi sa akin, oo. I change my mind. I want him. I don't mind taking Artemis position and marry him. "Anong ibig mong sabihin?" his biceps flex when he rub the dirt on his shoulder. Tinanggal ko ang lollipop sa bibig. Kita ko ang pagsulyap nito sa labi ko. Pinasadahan ko iyon ng dila para mabasa. "You chose to marry Artemis over me." His brows shot up. "And?" "She's boring and she’s committed to her work. You will never become her priority. She can’t cook so she will never be a good and useful wife for you.” paninira ko. I actually don’t do this to my sister but today’s an exemption. He laughed sarcastically. He comb his hair upwards but few still went down. "Okay? And so?” kumibit-balikat ito. “Are you suggesting that I should marry you instead?” wala ding prenong tanong nito. “Yes. I am suited for you and I think I like you.” “You like me? I'm sorry if choosing Artemis offended you Miss but you aren't my type. Kilala ko ang mga kabalat ko. Kung usapang fling pasado ka pero sa kasalan?” he smirked. “Nah." iling nito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. How dare him! "I hope that answer your stupid question."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook