Chapter 13

2904 Words
The next day, I woke up early. It was the best morning of my life, lalo na at bumungad sa akin ang nakadapa at tulog pang si Kaius. He was now topless, maybe he remove it last night. His lower body was covered with white comforter, hair disheveled and lips are slightly parted. I can also hear his heavy breathing. If he would model this bed looking this sexy, women will go crazy. Mabuti na lang talaga at mukhang wala itong plano. Nang silipin ko ang labas ay maliwanag na. It's not raining anymore. Bumaba ako at binitbit ang uniform papasok sa banyo. I needed to prepare for school. I tried to stretch my feet at napatango nang wala nang maramdamang sakit doon. Pwedeng pwede na baliin ulit. I laughed at my own joke. I don't wanna experience it anymore. It was inconvenient for me. So no. Paglabas ko ng banyo wala na si Kaius sa higaan, pero iniwan nito iyong magulo. I even saw my pajama lying on the floor. Pinulot ko iyon at itinabi. Tinanggal ko ang tuwalya na nakabalot sa buhok ko at isinaksak ang blower. I was busy blow drying my hair when he entered the room. I look at him in the mirror. “Good morning!” I greeted. Still topless, he comb his hair and nodded at me. “Morning.” dinampot nito ang damit at sinuot iyon. “Si mona ba yung dumating?” Habang nasa banyo kasi ako kanina, narinig kong may nagdoor bell. Sigurado akong si Mona yun. Sino pa bang maagang pupunta dito? “Yes.” humikab ito. “She's now preparing your breakfast. You can come down if you are done.” “Matagal ka bang nakatulog kagabi? Bakit mukhang inaantok ka pa?” pinatay ko ang blower at naglagay ng hair serum. Padapa itong muling nahiga sa kama at binuksan ang phone. “You keep on wrapping your legs onto mine last night. Sinong makakatulog nun?” Napatigil ako sa paglalagay ng cream sa mukha at nilingon siya. “Really?” natatawa kong tanong. “What time will your class end?” he watch me doing my make up. “Bakit?” “I'll drive you home. Sasamahan na rin kitang bumili ng hotdog pillow mamaya pagkatapos ng klase mo.” Hindi ko talaga napigilan yung tawa ko. “There's no need for that. Malamig lang talaga kagabi kaya ganun ang reaksyon ng katawan ko.” I pulled the waitline of my skirt up and look at my reflection in the mirror. Nice. Ibinalik ko ang gamit sa tamang lalagyan at kinuha na ang bag. “But it was sweet. Are you that scared that I might cling or hug you again at night?” He shook his head and glance at my uniform especially the skirt. “Gusto ko lang matulog ng mahimbing.” kunot noong sabi nito saka bumangon mula sa pagkakahiga. “Bababa na ako.” paalam ko saka binitbit ang sapatos. I was still wearing my indoor shoes. Sa ibaba na ako magsusuot ng sapatos. “Was your skirt too high?” Napahinto ako at napasulyap sa tinutukoy niya. Kaka-parepair ko lang to nung nakaraan. May dalawa pa akong ipapagawa sana. “Hindi naman. Okay na to.” pinasadahan ko iyon ng kamay. Akala ko pa naman ngayong nakalayo na ako kay papa masusuot ko na iyon ng walang problema. Mukhang mali ako ng inakala, version number two ata ito ni papa. O baka naorient na ito? He stand up and put his hand in his waist. Umiling ito. “No it's not. Pinaputulan mo ba yan? You aren't going to the bar, it should be one to two inches above the knee. Napasobra ata yung sayo.” hindi ako agad nakareact nang yumuko ito at hilain nito iyon pababa pero bumalik lang iyon sa dati. Tumaas ang kilay nito. “See?” he said while looking at me. I laughed awkwardly. “Mababa lang yan tingnan pero sakto lang talaga yan. Lagi ko tong sinusuot. Naninibago ka lang siguro kasi ngayon mo lang ako nakitang nakauniform.” I tried to get away from him and started to walk passed him but he pulled my collar at the back, kaya napabalik ako. “Para sabihin ko sayo, hindi ito ang unang beses na nakita kitang naka-uniform. I also attended the same school as you. I know the dress code, at hindi pasok ang sayo.” itinuro nito ang walk in closet. “Get change.” Ipinadyak ko ang paa ko. “Malalate na ako!” “Mas lalo kang malalate kung hindi ka pa gagalaw ngayon. Go.” I heaved a sighed, at nakasimangot na sinunod ito. Wala na ito nang lumabas ako kaya dumiretso na ako pababa. Nadatnan ko siyang nakaupo na sa mesa at umiinom ng kape. “Oh, magandang umaga!” naglapag si Mona ng pinggan sa harap ng upuan ni Kaius. I smiled at her and take a sit. “Dala mo na ang gamit mo?” tanong ko kay mona habang kumukuha ng pagkain. Napaangat ng tingin si Kaius nang mapansing nilagyan ko din ang pinggan niya. “Oo. Mag-aayos ako mamaya.” “Great. Kaso maiiwan ka dito, may pasok ako e.” ngiti ko. Iwinasiwas nito ang palad. “Naku, okay lang. Sanay na naman ako.” I nodded. “Antayin mo lang ako dito. Magpapaturo ako mamaya sa mga kaibigan ko nung t****k. Let's try it later.” kindat ko. “Bakit hindi ka pa kumakain?” pansin ko kay Kaius. He's only drinking his coffee. “I only drink coffee for breakfast.” “Huh? Pero hindi siya healthy. Kelangan mo ng totoong breakfast.” Kumibit-balikat ito saka tumayo. Nakita niyang ubos na ang laman ng baso nito. He gave the cup to mona. “Just continue eating. Maliligo lang ako saka kita ihahatid.” anito saka kami tinalikuran. “Ang ganda niyo po sa uniform niyo.” Nang muling maalala ang uniform ay napangiwi ako. “Er, thanks.” Yung rubicon jeep niya ang ginamit namin paalis. Medyo maputik kaya mas okay ngang iyon ang dalhin nila. “Ano nga palang course ni Ox?” Sumulyap ito sa akin ng ilang sandali. “Bakit?” “Hindi kasi nagk-krus ang landas namin sa school. Pumapasok ba yun?” I joke. Talagang hindi ko siya nakikita o nakakasalubong man lang. Itinukod nito ang siko sa gilid ng bintana at hinayaang ang isang kamay ang humawak sa manibela. “You have his number. Bakit hindi mo na lang itext?” “Paano mo nalaman?” taka kong tanong. Kumibit-balikat ito at nagtanggal ng seatbelt. I saw some students stop and look at the car we are in. Mukhang may nakakakilala sasakyan dahil may kumukuha ng litrato o video sa oras na iyon. Umingay ang mga babae nang makita ng mga itong bumaba si Kaius mula sa sasakyan. “Omg! Siya nga talaga!” Umikot si Kaius sa side ko at binuksan ang pintuan. He then extended his hand, I removed my seatbelt and went out. Tinanggap ko ang kamay niya at hindi iyon agad pinaghiwalay. Narinig ko agad ang bulong bulungan ng mga estudyante. Ganiyan nga, mainggit kayo. “Thanks, love.” sweet na sabi ko at kumapit sa braso niya. Yung tipong maririnig talaga ng malapit na estudyante. Akala ko magiging kill joy siya at magsusungit pero nagulat ako nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Dagling tumingala ako para hanapin ang mga mata niya. He has this playful smirk plastered in his lips. Sinara nito ang pintuan. Napaawang ang labi ko nang lumapit ang mukha niya sa akin. He crouched down kaya bigla akong nalito. Anong binabalak niya? Napapikit na lang ako at nag-antay. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya malapit sa labi ko bago ko naramdaman ang pagpatak niya ng halik sa noo ko. It wasn't the kiss that I am expecting he will give, but it took my breath away. Mukhang naaliw ito sa pinakita kong reaksyon kasi nakangiti yung mata niya. “See you later, love.” bulong nito saka ngumisi. Tila robot na tumango ako. He chuckled and smiled at the students who were watching. Nagtilian yung mga babae kaya napairap ako. Parang artista namang pumasok si Kaius sa jeep nito. He really likes getting girls attention. “Ang swerte niya naman. Nakakainggit.” “Mas bagay pa ata sila kesa kay Artemis.” “Buti nga at pumayag siya na siya ang ipalit.” I glance at the student who said that. Kinalabit ito ng katabi niya ng makitang napatingin ako. Mga third year. “Shh. Hinaan mo boses mo. Marinig ka. Siyempre aayaw pa ba siya e Monteagudo na yun.” I sighed and flipped my hair. Binalewala ko na yung mga estudyante na nasa paligid at pumasok na sa gate. They should mind their own business. Like seriously? Wala naman silang mapapala kakachika sa buhay ng iba. Sila talaga yung sakit ng pilipinas. Mga chismosa. “Oh, I like this one. Let's try it.” pinosisyon ko sa bintana ang phone ko at pumwesto sa harap. We set the timer so we could prepare. Ginawa namin yung pinraktis naming moves sa t****k. Kanina pa ako nagpaturo kina Ica at Quin paano gumamit nung application na to and I find it fun. “Ano ba yan. Ayoko na nga!” pagsuko ni Quin matapos naming iplay at pagtawanan ang pagsayaw niya. “It was hilarious!” maluha luhang kantyaw ni Ica dito. “Kaya nga hindi ako sumasayaw sa t****k. I just do lip syncing and some silly dare videos. Mas madali yun. This dance is making me exhausted.” Nakikitawa na rin ang mga kaklase nila dahil kanina pa ang mga ito nanonood. She also asked her classmates to follow her para may followers din siya. Of course I followed them too. May nakita ako kaninang magjowang nasa t****k din. The girl was trying to see her boyfriend's reaction when someone, I mean a guy video call her but it was only sound just to make fun and I accidentally thought of Kaius. Maybe I should try it with him? Napabungisngis ako sa naisip. “Pero ang dami mong followers.” komento ko. Nakita ko kasi yung account niya kanina nung i-follow ko siya. Quin smirked and put the back of her hand to her chin. Like she's showing her pretty face. “Well, ganda lang talaga ang labanan.” kumurap-kurap ito. Nagtinginan kami ni Ica. We both shrugged and turn our backs at her. “Hayaan mo na. Nagmamaganda e.” “Mga bwisit kayo. Hindi ko ila-like yang video niyo.” Natawa kami. Lumabas kami ng room at sumandal sa railings. Kita ang field mula doon. Nag e-ensayo ang football team kahit maputik kaya nakakaaliw tingnan. “So, kumusta ang unang gabi niyo sa iisang bahay?” “Okay naman.” nakangiti kong sagot. “Kelan mo kami iimbitahan? You should do some house warming party.” “Kelangan pa ba yun? Baka pagalitan lang ako ni Kaius dahil magkakalat tayo. He's also busy.” “Tayo tayo lang naman. Overnight lang. Ash was still busy kaya hindi yun makakapunta. Wag niyo namang ipagdamot ang bahay niyo.” “O baka ayaw lang magpadisturbo. Baka busy siya sayo.” “Hindi na daw nila kelangan yun 'coz they can warm their house without our help.” taas baba ang kilay ni Quin sa pang-aasar. I coughed and glared at the two. “Pasmado yang bibig niyo. Kaya ayokong mag ganiyan e baka mamaya anong kalokohan gawin niyo at mapahiya ako sa fiance ko.” Suminghap ang dalawa. “Oh, wow. Narinig mo ba Ica? Fiance daw niya.” Ica nodded. “Sana all!” they echoed. I rolled my eyes at them. “Nga pala, saan niyo balak mag-ojt? May naisip na ba kayong kompanya na papasahan? O sa kompanya ng pamilya niyo na lang kayo?” Pumangalumbaba ako. “Oo nga pala. Kelangan na nating magsubmit nun this week.” “Nabanggit ko na kay papa to, and he said I should train in our company. Para madali na lang daw pag gumraduate ako, I could easily help him.” “Ayoko sa kompanya ni Papa.” “Me too.” I seconded. “Magiging busy tayo pareho. Kelangan talaga matuloy yang house warming mo, Thea.” Heto na naman tayo. “Itatanong ko muna kay Kaius kung pwede.” sagot ko para matigil na ito sa topic. “Pwede naman siyang sumali kung gusto niya. Basta ba isama niya yung ibang mga pinsan niya.” “Narecord mo ba Quin?” Nakangising pinakita ng kaibigan ang phone. “Siyempre, ako pa.” Hindi makapaniwalang tiningnan sila ni Ica. “Mga bruha! Walang ganiyanan. Burahin niyo yan.” Tinalikuran nila ang babae at naglakad na papasok sa room nila. “Yah!” Sinundo ako ni Kaius ng alas kwatro y medya ng hapon. That was the first time I come home early. Hindi na nagtanong pa ang mga kaibigan ko. They already know that I needed to go home when they saw his jeep parked outside. “Akala ko ba ibibili mo ako ng unan?” takang tanong ko ng mapansing diretso lang kami pauwi. “Tungkol diyan, sa susunod na lang siguro. My mom called me this morning nakalimutan ko lang banggitin sayo. Magdi-dinner daw sila sa bahay ngayon.” Mabilis na napalingon ako sa kaniya. “Ngayon?” gulat kong tanong. “Ngayong gabi?” pag-uulit ko, like I was making sure if I heard it right. Tumango ito. Sinilip ko ang oras at nataranta nang makitang mag-aalas singko na. “Bakit ngayon mo lang sinabi! Anong ipapakain natin sa kanila? Naggrocery ka na ba?” “Calm down. We have Mona. I informed her about the dinner, kaya siguradong naghahanda na siya para magluto ngayon.” “Tinawagan mo ba ulit?” Umiling ito. Inilabas ko ang phone ko at tatawagan sana ang babae nang maalalang wala nga pala akong numero niya. My goodness Thea. “Drive faster. I wanna help her saka kelangan ko ring mag-ayos.” Napakunot noo ako nang malingunan siyang nagpipigil ng ngiti. “Pinagtatawanan mo ba ako?” “No.” I glared at him. “Sinadya mo sigurong hindi agad sabihin sa akin tong dinner no?” “Nakalimutan ko nga.” Umirap ako at iniwas ang tingin dito. Kung sinasadya nga nito, para saan naman? Para mapahiya ako sa mga magulang niya? Well guess what? Hindi ako basta bastang magpapatalo. Bumilis ang takbo ng sasakyan. Maya maya pa ay nakikita ko na ang mataas na bahay namin. Agad na kinalas ko ang seatbelt at bumaba pagkahinto ng jeep at nagmamadaling pumasok. “Ingat, baka madulas ka.” Hindi ko pinansin iyon at pumasok na. “Mona?” I was breathing faster and run straight to the kitchen. “Oh, ang bilis niyo naman.” I exhaled when I saw her chopping the ingredients. May nakasalansan na ring kaldero sa kalan. “Thank god you already started. Uh, magbibihis lang ako saka kita tutulungan.” “Sige.” nakangiting tango nito. I hurriedly change and get down. Nakasalubong ko pa si Kaius na papaakyat ng hagdan. Unlike me, he look calm, at pasipol sipol pa ito. “Hey, watch your step. Hindi ka dapat tumatakbo sa hagdan.” “Yeah, yeah.” sabi ko na lang pero hindi parin sinunod ang sinabi nito. “Anong gagawin ko?” pumwesto ako sa tabi ni Mona. Dinampot ko ang isang kutsilyo at ready na tumulong. “Maluluto na yung una kong niluto kaya isusunod ko na yung paboritong ulam ni seniorito.” turo nito sa kalan. Napatingin ako sa kaniya. “Anong paboritong ulam niya?” “Pochero.” “Oh! Alam ko yun lutuin.” “Talaga? Gusto mo bang ikaw magluto nun? Tutulungan na lang kita.” Nakaawang ang labi na tumango ako kay Mona. Habang nagpapakulo sila ng karne ay inasikaso naman nila ang ingredients nun. Pasulyap sulyap ako sa oras. Hindi ko naitanong kay Kaius kung anong oras darating ang parents niya. Baka mapaaga at madatnan nila akong ganito ka haggard. “Ako? Adobo yung paborito kong ulam.” sagot ko nang magtanong si Mona. “Paborito naman ata yun ng lahat.” Nakarinig kami ng yabag mula sa hagdan. Ilang sandali pa ay nakita nila si Kaius na dumiretso sa couch dala ang laptop nito. Feeling senyorito talaga tong isang to. Nang malapit na kaming matapos sa pagluluto ay nag-umpisa na rin kaming maglinis ng kalat. Mona was cleaning the sink so I volunteered to clean the table. Hindi ko pa mahanap ang basurahan kaya umalis ako ng kusina para kunin yung nasa labas. Siyempre nadaanan ko si Kaius sa sala. He glance at me, nung nakakadalawang balik na ako. Mona left the kitchen for a while dahil may kukunin daw ito. I was tasting the pochero, napatango ako nang makontento sa lasa. I stopped when I felt someone presence in the kitchen. Nilingon ko ito. My eyes widened when I saw Kaius leaning at my back. Sinisilip nito ang nasa kaldero. “Oh, my favorite.” I gasped and step back. Hinuli nito ang bewang ko at hinila palayo sa kalan. Muntikan nang mapaso ang siko ko. “Careful.” salubong ang kilay na sabi nito at binitawan ako. “M-may kailangan ka ba?” I kinda felt awkward as he watch my face. “What?” Bumuntung-hininga ito at isinabit sa tenga ko ang ilang buhok na kumawala sa pagkakatali nun. I was flustered. Hindi ko ineexpect na gagawin nito iyon. There's nothing special on it but it wakes up those butterflies in my stomach. “Wear this.” Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Marahang inilapag nito sa sahig ang pangloob na tsinelas ko. Sa kakamadali ko kanina ni hindi ko iyon nagawang isuot. “T-thanks.” bulong ko saka isinuot iyon sa mga paa. Tumayo ito at lumingon sa paligid. Kinuha nito ang mop na nasa tabi then he started mopping the wet area, malapit sa lababo. Napangiwi ako nang makitang may bakas pala nun ng paa ko. “Naku, seniorito! Ako na po diyan!” Biglang litaw ni Mona saka inagaw sa lalaki ang mop. Walang reklamo namang binigay iyon ng lalaki. “Iwan mo na yan kay Mona at mag-ayos ka na. Maya-maya darating na sila mama.” nakapamulsang sabi nito. “Ako nang bahala Thea. Luto na rin naman.” Tumango ako. “Sige.” at nauna nang tumalikod sa dalawa. Kipkip ko ang dibdib habang papaakyat ng hagdan. Hindi na to maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD