Pinanood niya mula sa pintuan ang pag-alis ng pulang sasakyan ni Kaius.
"What's with you? Bakit biglang pumayag ka na makipag-date sa kaniya? Akala ko ba ayaw mo?"
"It's just a date, thea."
Nauna nang maglakad papasok si Artemis. "Alam mong hindi lang basta paglabas ang ibig sabihin nun, Artemis! Ibig sabihin nun pumapayag ka sa gusto nila." she irritably said.
"I haven't said I do. Hawak ko parin ang kapalaran ko."
"Pero-"
"Don't stress yourself. Alam ko ang ginagawa ko."
Suminghap siya. Ilang sandali pa umalingawngaw ang boses ng Mama niya mula sa itaas.
"Come to the library, thea! Let's talk about your attitude earlier!" bakas ang galit sa boses nito.
Mariing pumikit siya at bumuga ng malalim na hininga. Siguradong le-lektyuran na naman siya nito. Sana pala umalis na lang siya kanina at namasyal. Hay.
Alex stop kissing her lips at lumakbay iyon pababa sa leeg niya. Humigpit ang hawak nito sa bewang niya at isinandal siya sa puno. Napangiwi siya ng tumama ang likod niya sa kulubot na katawan ng puno.
"Alex, stop."
He moaned and tried to reach her panty. She's wearing a skirt so it's easy to access. Doon na siya hindi nakatiis, kinagat niya ang labi nito. He groaned loudly at iritadong pinakawalan siya, sapo ang bibig.
"Tangina, thea naman!"
Inayos niya ang damit. "I told you to stop."
"Wala namang tao dito. Hindi rin tayo kita ng mga kaibigan nating kaya bakit ayaw mo?"
Umirap siya. "Ayokong makipaglaro ngayon, Alex. Kunin na lang natin yung pagkain."
Tumingala ito at sumuklay sa buhok. "Anong nangyayari sayo?"
Pinulot niya ang stick at mineral na nakasupot at naglakad na sa talahiban. "Dahil ba sa lalaking yun? Kay Kaius?"
Tumigil siya at pinanood ang pagsayaw ng mga damo sa hangin. "Hindi."
He laughed sarcastically. "Come on, what's this? Ayaw mo na makipaglaro ngayon kasi nakukuha niya na ang atensyon mo? Wala kang makukuha sa kaniya, thea. Parehong alam nating paglalaro lang din ang ginagawa niya kaya anong kaibahan?"
She rolled her eyes. Iritado na. "Shut up. Bumalik na tayo."
"Tss."
"You can take your time here. Mauuna na ako."
May ginawang ingay ang lalaki pero hindi na siya nag-abalang icheck pa iyon. Sinuong niya ang matataas na talahib at sinundan ang trail papunta sa ginawa nilang tambayan. Narinig agad niya ang tawanan ng mga kaibigan nila. Limang araw na ang nakalipas mula nung huling kita niya kay Kaius. Hindi na ito napupunta sa bahay nila, pero hindi nakakaligtas sa kaniya ang laging pagbabad ni Artemis sa cellphone nito. Minsan naabutan niya itong may katawagan sa terasa nila pagkauwi.
It was Kaius for sure. Wala ito sa umaga dahil sa trabaho kaya hindi niya sigurado kung nagkikita ba ang dalawa o hindi na siyang kinaiirita niya.
Kaya ngayon siya na ang gumawa ng paraan para makita ito. Nang sabihin niya sa mga kaibigan na gusto niyang pumunta sa lupain ng mga Monteagudo pumayag agad ang mga ito. Hindi na bago sa kanila ang ganitong gawain, they sometimes cross some private land at doon magcamping kuno pero inuman lang talaga iyon. Tinapos nila ang kase bago tinungo ang lugar.
May nakita silang nagpapatrolya na nakakabayo na kalalakihan kanina kaya hanggang doon lang na pwesto ang nakaya nila. Malapit sa maisan. Iniwan nila ang truck ni Troy sa labas.
"Tarantado! Nalaman din yun ni Papa, isang linggo akong hatid sundo nun."
“Bakit di mo na lang kasi binintang sa iba.”
Naabutan niyang nagtatapunan ng mani ang mga lalaki. Ica, Ash and Quin are busy talking to each other. Si Troy ang unang nakapansin sa kaniya.
"Heto na ang tubig." Nilagay niya sa tabi iyon.
"Si Alex nasaan? Di mo kasama?"
Kita niya ang pagsulyap ni Leon sa relo. The guys looked at each other and grinned. "Nakabalik agad, may hindi pinalad." saka ang mga ito nagtawanan.
Pinilig niya ang ulo at umupo sa kahoy. "Ano? Uupo lang tayo dito at antayin gumabi? Akala ko ba pupuntahan mo si Kaius" Quin
"Sasamahan mo ko?"
"Oo naman!"
"Antayin na lang namin kayo dito. Baka kung maraming sumama, mahuli agad tayo." Ash
"Sisilipin ko lang kung magkasama ba sila ni Artemis." Ganitong oras kasi lumalabas lately ang kapatid.
"Basta pag may narinig kayong boses, umalis na agad kayo. Wag kayong magbo-bofire!" paalala niya.
Baka biglang magkaroon ng sunog sa lupain ng nga Monteagudo. Minsan na kasing ginawa nila iyon sa lupain nila Ash at hindi na nila gugustuhin pang maulit yun.
"Alam na namin yun!"
Pinaningkitan niya ang mga lalake. “Sige na. Kami nang bahala.” Ash assured.
Tumango siya at tahimik na sinuong nila ni Quin ang daan. Napapangiwi siya ng matatalim na dahon na tumatama sa balat niya. Bakit pa kasi nagpalda siya.
Ilang lakad pa, natanaw na nila ang ubasan. Ibig sabihin malapit na sila. Hindi gaya ng huling punta niya, wala nang taong nandoon. "Hindi ba tayo maliligaw dito?"
"Basta, diretso lang."
Pinitik niya ang kamay ni Quin ng mahuling namimitas pa ito ng ubas. "Gaga. Anong ginagawa mo? Itigil mo nga yan!" mahinang saway niya.
Nakasilip na siya ngayon sa building na nasa harap. Pero wala siyang makitang anino ni Kaius. Nakita niya ang pulang sasakyan nito kaya nasisiguro niyang nasa loob ito.
"Tikim lang e."
Nanlaki ang mga mata nila pareho at mabilis na nagtago nang makarinig ng ingay ng sasakyan at boses. Nang silipin niya ay dalawang lalaki ang nandoon, ang isa'y nagmamaneho nung truck na di kalakihan habang ang isa ay nagkakarga nung mga naiiwang box ng ubas.
"Huli na ba yan?"
"Oo."
Natatanaw na nila ang building, at ang ingay ng mga makina. Nakarinig pa sila ng yabag ng kabayo."Oh, sam?"
"May nakapasok daw na taga labas. Mukhang may iba pang kasama yung nahuli.”
“Taga kabilang ransyo ba?”
“Hindi pa sigurado pero mukhang hindi. Basta maging alerto kayo. Siguradong nasa paligid lang ang iba."
Kapwa nagtinginan sila ni Quin. Panic was written in her face. Siguradong ang mga kaibigan nila iyon!
“Ano nang gagawin natin?”
Bumuntung hininga siya. Nang maglakad na papaalis ang dalawa ay hinila na niya si Quin. Pero ang babae, nakakapit pala sa isang bunga ng ubas kaya nung paghila niya naglikha yun ng ingay.
They both gasped. Napako ang tingin nila sa ubas na nasa sahig. Huminto ang paglalakad nung lalaki. "Sinong nandyan?!"
“Oh my God! Pasensya na.” ang pagiging matakaw ni Quin ang huhuli sa kanila.
“L-let's run.”
“Nandito yung dalawa!” sumigaw ang lalake ng makita sila.
Mahigpit na kumapit sila sa isa't isa at tumakbo na paalis. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang hinahabol sila nung nakakabayo. Dalawa na sila, hindi niya alam kung saan galing ang isa.
“Tigil! Tumigil kayo!”
They were both catching their breath at walang balak magpahuli pero napatili sila ng magpaputok ang mga ito.
Automatic na tinaas nila ang parehong kamay. “Hindi na kami tatakbo! Wag na kayong magpaputok.”
Bumaba ang dalawa sa kabayo at pinagmasdan silang dalawa. “Hindi niyo ba alam na private property tong pinapasok ninyo?”
Tumango sila. “Namamasyal lang kami.”
“Hindi pwede ang pagpasyal na ginagawa niyo. Baka mapagkamalan kayo at biglang mabaril ng mga gwardya.”
Nilingon nung matangkad ang kasama. “Naireport na to kay Seniorito diba?"
“Oo. Naitawag ko na.” may hawak itong walkie talkie.
“Si Kaius! Si Kaius talaga ang sadya ko dito.”
Nagtinginan ang dalawa. Halatang hindi naniniwala. “Sabi na e. Mukhang isa rin.”
“Miss, maraming gumawa na nang tulad nito. Puro kababaihan din na may gusto kay Seniorito Kaius. Pag ayaw sa inyo nung tao wag niyo nang ipilit. Hindi naman lahat pinapatulan ni Seniorito.”
Blankong tiningnan niya ang mga ito. Ayaw niyang gamiting rason yung huling naiisip niya pero wala na siyang choice. Baka kung ano nang ginawa ng mga ito sa iba niyang kaibigan.
“Puntavera ako. Ako ang mapapangasawa ni Kaius!”
Nakarinig siya ng pagsinghap mila kay Quin. Mahinang siniko niya ito. “Y-yeah! Siya nga! Ang kapal ng mukha niyong paputukan kami, paano kung natamaan kami ha?”
Napaawang ang bibig nila ng malakas na magtawanan ang dalawa sa harap nila.
“Miss, hindi niyo kami maloloko. Kasama ni Seniorito ang girlfriend niya sa loob. Kung ako sa inyo, umuwi na kayo. Nasa labas na yung iba niyong kasamahan. Warning na muna ngayon dahil wala naman kayong ginawa, pero sa susunod na mahuli namin ulit kayong pagala gala dito pasensyahan na lang.” bakas ang pagbabanta sa tinig ng lalake.
“Sige na!” iminuwestra niyo ang daan.
“Tara na, Thea.” hindi na siya nagpapigil pa ng hilain siya ni Quin paalis.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang dalawa at saka ang building. Kung ganun kumpirmadong magkasama nga sila.
“Bilisan natin. Bibigay na ata ang tuhod ko.” rinig niyang sabi ni Quin.
She's scared too. Ikaw ba naman paputukan ng baril. Mabilis nilang narating ang nakacyclone na bakod. May tatlong bantay doon ang isa ay may nakasinding sigarilyo. “Tangina. Mga babae lang pala hindi niyo pa mahuli-huli.” usal nung isa.
May lumapit at nagbukas ng gate.
“Ingat kayo, miss.”
Inirapan niya ang mga ito at lumabas na. May bumusina sa kanila na sasakyan. Naaninag nila ang truck ni Troy. Mabilis na tinungo nila iyon ni Quin. Nakita nila sa frontseat si Troy at Ash. Sa likod ay nandoon sina Alex at iba pang kaibigan.
“Akala ko ba hindi kayo magpapahuli?!”
Itinapon ni Troy ang sigarilyo.
“Tanungin mo si Alex, siya unang nahuli tapos itinuro kami. Gago talaga.”
Tinulungan silang umakyat ng mga kasama na makasampa sa truck. Hinanap niya si Alex, tahimik ito sa tabi at nakaiwas ang tingin. She felt iritated. Sinira nito ang plano niya. Sa susunod hindi na niya ito isasama.
Pinukpok ni Leon gamit ang palad ang tuktok ng truck senyales para paandarin na ni Troy ang sasakyan. “Tara na!”
“We heard gunshot. Kaya nag-alala kami na baka ano nang nangyari sa inyo. Matagal din bago kayo nakalabas e.
“Ang daming sinasabi nung dalawang nakahuli sa amin. Malapit na sana kami.” inis niyang sabi.
“Paano yan, hindi ka na makakabalik dito. Binalaan na tayo.”
Hindi siya sumagot hanggang sa ibinaba siya ng mga ito sa kanila. Umusal siya ng pasasalamat at walang lingon na tinungo ang pintuan ng bahay nila.
Hindi siya ang tipong titigil lang basta basta.
“Walang magmamaneho sayo papuntang paaralan bulas, Thea. Gamitin mo na lang yung isang sasakyan.”
Tumango siya at pinagpatuloy ang pagkain. “One more thing, our lunch with Monteagudo family ay gaganapin sa susunod na gabi.”
“Nagkausap na kayo ni Kaizen?” tanong na mama nila.
Hindi pamilyar sa kaniya ang pangalan pero hula niya iyon ang ama ni Kaius.
“Yes. Kaya ayusin mo ang schedule mo Artemis nang walang maging problema. I hope you're prepared.”
“Ako nang bahala diyan Franco. I'll talk to her manager.”
Wala siyang narinig na tugon mula sa katabi. “So, it will be official.” aniya.
“Ngayon pa lang Thea sinasabi ko sayo, wag kang gagawa ng gulo. Mahalagang okasyon yun para sa kapatid mo. Kailangang maganda ang unang impression ng kabilang pamilya sa atin.”
Whatever. Isip niya.
“Of course Mama.”
“Kung pwedeng tumahimik, tumahimik ka lang. Ayokong maging tulad nung nakaraan ang nangyari.” ang tinutukoy nito ay ang huling lunch ni Kaius sa kanila.
“Stop it, Veronica. Nagtatanda naman yang anak mo.”
Sigurado ba silang kailangan siya doon?
“Babatiin na ba kita?”
Bitbit ang baso ng wine, tinabihan niya si Artemis sa kanilang terasa. Kakatapos lang nilang kumain. “Babatiin saan?”
“Well, months from now sigurado akong matatali ka na kay Kaius. Aren't you excited?” itinago niya ang pagiging sarkastiko niya ng sabihin iyon.
“I don't know.”
She smirked. “Ano ka ba. Wag ka nang umarte pag tayo lang dalawa. You can laugh, alam ko namang nagbago na ang isip mo. Now, you want him.” Just like how I crave for him.
Nagsalubong ang kilay nito. “What?”
“Pwede mo namang aminin sa akin na nahuhulog ka na sa kaniya. Sino ba kasing hindi magkakagusto kay Kaius. He's a package deal. A big catch. Kaya nga ayaw mo nang bitiwan diba?”
Gusto niyang banggitin na alam niyang lagi itong nasa distillery kung saan nagtatrabaho ang lalake.
“Wag mong kalimutan na para sa business natin to. Tayo ang babagsak pag pinakawalan ko siya. We are in need, not the other way around.”
She smiled. Okay, sabi mo e.
Nagtagal silang dalawa doon at nag-usap ng kung ano-ano. Natigil lang ng makarinig ng pagtawag mula sa katulong.
“Miss Artemis, pinapatawag ho kayo ng Papa niyo sa opisina nito.”
“Bakit daw?” intriga niyang tanong.
“Hindi ko po alam. Wala ho siyang nabanggit.”
“It's fine. Susunod ako.” tugon ng katabi. Tumango ang katulong at umalis na.
“Wag mo ngang tinatakot yung mga katulong natin.” baling nito sa kaniya.
“Tinatanong ko lang siya.”
Umiling ito at sumunod na sa babae. Umirap siya sa hangin at muling hinarap ang kalangitan. May iilang bituin na nandoon at kumikinang.
It look so close, yet it's so far.
Inubos niya ang wine na nasa baso at nang mabagot ay tinungo ang mesa para ipatong iyon doon ng may mapansin siya.
It was Artemis phone. An idea popped into her head. Tiningnan niya ang pasilyo kung may tao ba nang makitang wala ay dinampot niya iyon at binuksan. She knows her password kaya madali lang sa kaniyang buksan iyon.
Mabilis na tinungo niya ang contact list nito at hinanap ang number ni Kaius.