"ANO ba kasing gagawin mo? Bakit kailangang takpan ang mga mata ko, huh?" natatawang tanong niya habang nakatakip ang mga kamay ni Zero sa mukha niya at hawak niya iyon. Hindi na rin niya alam kung nasaan na ba siya. Kakauwi lang kasi niya galing trabaho at sinundo siya nito. "It's a surprise, My Angel kaya dapat hindi mo makita," anito. "Alam kong magugustuhan no ito." Mas lalo naman siyang na-excite sa tinuran nito. Sa bawat araw naman na kasama niya ang nobyo, palagi siyang na-e-excite dahil sa pagmamahal nito na parang bago palagi. Hindi na lang siya umimik at hinayaan na lang niya ang nobyo kung saan siya nito dalhin. Hinayaan niyang sumigaw ang puso niya sa labis na galak at pananabik sa bubungad sa kaniya. Hindi mapawi ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Are you ready may, Angel?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


