Kabanata 21 (SPG)

1961 Words

LAYLAY ang mga balikat ni Angelica nang bumalik siya sa bahay. Naglaho ang lahat ng pag-asa niya na makikita at makakausap niya si Zero para ayusin ang lahat sa kanila pero nabigo siya. Tuluyan na siyang iniwan at sinukuan ng binata at kasalanan niya iyon. Walang lakas na binuksan niya ang pinto ng bahay. Bukas iyon pero hindi na siya nagtaka. Wala rin siyang nadatnang tao sa bahay at hindi na siya nag-isip kung nasaan ang kaniyang ama. Pabagsak na umupo siya sa sofa habang nakatulala. Pakiramdam niya'y gumuho ang lahat sa kaniya at lahat ng sakit na nararamdaman niya, sinisisi niya sa kaniyang sarili dahil kung pinakinggan sana niya si Zero, baka hindi siya nito iniwan. Baka masaya sila ngayon. Pumikit siya kasabay ng mga luhang naipon sa gilid ng kaniyang mga mata. Wala na ba talagan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD