"Napakalaking kawalan ka sa mga bampira." puri ni King Socorro kay Sonja matapos malaman ang mga ginawa niya para sa mga lycan. The king was scary. Malaking lalaki ito. Pula ang buhok na kulot at hindi maayos ang pagkakatali. Makapal ang kilay, bigote at balbas. Ni hindi kita ang paggalaw ng labi nito sa tuwing nagsasalita. His eyes were gray. It was full of desire to kill vampires.
Ayon kay Lucian, marunong magsalita ng wikang Filipino si King Socorro. Bilang hari ay kinailangan nitong matuto ng iba't ibang lengguwahe para madaling makapag-communicate. Gayunman, halatado iyon sa diction nito. Matigas ang bigkas nito sa letrang 'R'. Sa katagalan, natuto na rin ang ibang lycan ng ganoong lengguwahe at ginagamit na rin.
Sa pagkakaalam ni Sonja ay ganoon din ang mga bampira lalong lalo na si King Alucard. Bilang hari ay inaral nitong ang iba't ibang lengguwahe.
Hindi sinayang ni Lucian ang sandali nang dumating sila. Agad nitong sinabi ang lahat. Dinagdagan din ni Sonja iyon. Sinabi niya ang dahilan nang pagbaligtad at sumumpa ng katapatan sa mga lycan. But of course, she filtered the information. Sinabi lang niya na simpleng vengeance lang iyon. Umiiwas siyang magbigay ng impresyong balak niyang palawakin ang koneksyon para maging reyna.
"Thank you, my lord. I will take that as a compliment." malamig niyang sagot.
"I trust Lucian's judgment. Nakikita ko na gusto ka niyang makasama dahil sa abilidad at potential mo. Kaya magmula ngayon, mayroon na akong blessing para makasama mo ang grupo niya saan man sila magpunta." pinal nitong saad.
Mariing naikuyom ni Sonja ang mga kamao. Nangilid ang mga luha niya. She was so happy but at the same time, she was so damn angry. Hindi niya sukat akalaing sa kalabang lahi pa niya maririnig ang ganoong klaseng puri. Ang mga bampira ay pinagsilbihan nilang magina nang napakatagal na panahon pero trinato lang silang alila at minaliit!
"Thank you, my lord. Hindi ko kayo bibiguin." malamig niyang saad.
Bumaling si King Socorro kay Lucian. "About your request, considered it done. Kasama ninyong darating sa Pilipinas ang tatlong barko na naglalaman ng mga lycans. Dumating ang grupo nila Malakai mula Europe. Maraming lycans na dumating na puwede ninyong makasama." anito kay Lucian.
"Thank you." sinserong sagot ni Lucian.
"You know, Sonja. Mapalad ka dahil si Lucian ang makakasama mo. Lucian is one of my great generals. Tested ang leadership. Mabilis siyang magisip at magplano. Ang mga iyon ang nakatulong para manalo siya sa lahat ng laban." pagmamalaki ni Socorro.
Napalingon tuloy si Sonja kay Lucian na seryoso lang nakatitig sa hari. Hindi maiwasang mamangha at humanga ni Sonja. Tumaas ang pagtingin niya kay Lucian.
"Thank you for appreciating my efforts." ani Lucian.
Ngumisi si Socorro. "You deserve a reward." anito at sinenyasan ang dalawang babaeng mala-cleopatra ang itsura na nakatayo sa likuran ng hari. Lumapit sila at umabrisyete kay Lucian.
"Take them. Magpakasaya ka." anito kay Lucian at hinarap si Sonja. "Stay here. Mayroon pa tayong paguusapan."
Biglang nag-rebelde ang kalooban ni Sonja. Nataranta siya nang hilahin na ng dalawang babae si Lucian at naghagikgikan ng ubod landi. Gusto niyang mainis sa hari. Bakit ba siya nito pinaiwan? Dapat ay pinasama na lang siya!
Ah, nasisira ang ulo ni Sonja ngayon kakaisip kung paano paliligayahin ni Lucian ang dalawang magagandang babae. She knew his capacity. She knew how lycan's s****l desire drove him crazy. Nakagat ni Sonja ang ibabang labi. Nanggigigil tuloy siya sa naalala kung paano makipagtalik si Lucian. Dapat ay siya lang ang ginaganoon nito!
"Tell me. Have you met Alucard?" seryosong tanong ni Socorro.
Natigilan si Sonja. Mukhang gustong kumuha ng impormasyon nito. Tumango si Sonja. "Yes. Sa Ukraine. Pero hindi na siya roon nakatira dahil inatake iyon ng mga lycan. Dati akong nagsilbi sa kanya."
Napabuga ng hangin si Socorro at napailing. "Such a pity. Si Alucard ang may pakana ng batas na iyan. He only value full breed. Malakas. Mabibilis. Wala siyang pakialam sa mga mahihina. Para sa kanya, ang mga mahihina ay naninilbihan lang."
Nagngitngit si Sonja sa nalaman. Tinitigan niya si Socorro. "And a half breed will be his greatest downfall." determinado niyang sagot.
Ngumisi si Socorro. "I love your anger. Gawin mong motivation iyan para makaganti."
Tumango si Sonja at napatingin sa corridor kung saan pumasok sina Lucian. Nawala tuloy siya sa pinaguusapan nila ng hari. Nahahati na naman ang atensyon niya dahil sa pagkainip at pagaalala. Was he banging those to girls now? Is he ramming them hard? Ah, she wants to know!
"Promise me. Kapag nalaman mo ang pinagtataguan ni Alucard, ipaalalam mo agad sa akin. Sa akin lang. I don't want any lycan to kill him. I want to kill him in my own two hands." malamig nitong bilin.
"Yes, my lord." agad na sagot ni Sonja at tumikhim. "With all due respect, puwede na po ba akong umalis?"
"Sure." anito at tinawag ang isang lycan. "Samahan mo siya kay Lucian. Baka tapos na rin iyon."
Nainis na naman si Sonja. Dali-dali tuloy siyang umalis. Halos ipagtulakan na niya ang lycan na sumama para dalian. Hindi nagtagal, huminto sila sa isang saradong kuwarto. Kakatok sana ang lalaki nang hawiin niya ito. Hindi na siya kumatok. Binuksan agad niya iyon.
Bumungad sa kanya ang dalawang hapong babae. Hubad sila. Nakadapa sa tabi ng nakahubad na Lucian. He was in a bit transformation slowly turning into a human. He was gasping for air. Seemed sexually satisfied.
Naikuyom ni Sonja ang kamao dahil sa matinding inggit na naramdaman.