Kabanata 1

1762 Words
1: Company Nurse "Nurse Jan paki-check ang vital signs ni patient 6," Agad na tumango si Janine sa utos ng co-nurse at nilandas ang corridor ng hospital. Samu't saring mga pasyente ang nagkalat sa sahig ng hallway. Nang sumalubong ang female ward, tumambad sa kanya ang natutulog na matanda sa hospital bed, si patient 6 mula sa wristband na naka-kabit sa pulsuhan. Chineck niya muli ang lagay nito. Mula sa temperatura nito, blood pressure, respiration atsaka pulse rate. Panandalian siyang napangiti sa sarili subalit nagnormalize na ng bahagya ang iilan sa mga stat nito. Bumalik na sa normal ang kanyang respiratory rate. It pains her to see people suffer. Afterall, she has always been an avid miracle worker among others as they say. Nothing fills her core other than the thought of helping people as much as she can. Kaya sa ganitong paraan, naging nurse siya to fulfill what she thinks she was mandated to do. To love and to care kahit minsan ramdam niyang iyon ang malaking puwang sa buhay niya. "Nagiging okay na si Patient 6, masaya akong sa gitna ng pandemya na ito may nakukuha pa rin tayong magandang balita. Though it's not the best condition," Aniya sa kapwa nars ng kaniyang departamento. 512 days and still counting. Hanggang ngayon ay bilang na bilang niya pa rin. Halos mag-dadalawang taon na bago niya muling masilayan ang normal na kalakaran ng mundo. Simula ng atakihin ang mundo ng hindi pamilyar na virus, unti-unting bumagsak ang ekonomiya ng mga bansa sa buong mundo. Iba ito sa mga nagdaan at nasaksihang virus sapagkat mas angat ito sa mga recent infectious diseases na naitala. Highly infectious ito at highly lethal rin. But her country fell with one of the worst scenarios. Tuluyang nagsara lahat ng industriya from grocery stores to pharmacies. Kakaunti ang private owned hospitals na patuloy na tumatanggap ng mga pasyente ngunit marami ring ospital kasama na ang ibang government owned ang hindi na kaya suportahan ang bigat ng epekto. Even the president stepped down from her position after acquiring the virus. One month she stepped down, it was a temporary attempt, then the Vice-President took over, instead things got worse. Mukhang huling sandali na pala iyon ng presidente. Anumang anomalya ang gawin, mahirap ang pamumuno lalo na ngayong nasa highest peak ng epicurve ang current outbreak. The virus that killed many was of unknown origins yet. Ang terminong ibinigay ay Obsidian virus. Obsidian because of how it appears to people who are infected. Ang mga balat ng taong infected ay nasa pagitan ng bughaw at itim na kulay. Namumula ang mga mata nito, hindi karaniwang sore eyes. Ayon sa mga doktor ay maaaring magprogress ito sa eye hemorrhage or bleeding. Ang mga pasyente ay maaari ring mag-develop ng onset of symptoms tulad ng vomitting, high fever, constant constipation, septic shock and many more. Kung hindi lang ito virus, iisipin niyang sinapian na ng demonyo ang mga infected. Like a monster from a piece of fairytale, pero nars siya, at anumang maging itsura ng taong naapektuhan, walang siyang pake. Ang mahalaga ay maalagaan sila at mabigyan ng proper intervention. "Code Blue! Code Blue!" Nagsitakbuhan lahat ng E.R nurses. Mabilis silang nagbigay daan sa paparating na stretcher. Ngunit nabigla silang lahat ng isa pa at sinundan pa ng iilang sasakyang may dalang pasyente ang sinugod sa E.R. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at matuling binagtas ang lipon ng pasyenteng nagpupumilit maadmit sa loob. "Isa isa lang po puno na po ang E.R!" Usal ng guard matapos pigilan ang dagat ng mga taong nais makapasok. "Mamatay na ang nanay ko!" Banggit ng isang batang kasalukuyang sapo sa likod ang umuubong nanay. Napangiwi ang iilang tauhan nang dugo na lamang ang lumabas sa bibig ng ina. Mas lalo lamang nag-hinagpis ang bata, hindi mawari kung ano ang gagawin. "Maricris, tulungan mo ako, wala na tayong kwarto pa, ihiga na natin sila sa sahig," Ani ni Janine sa kapwa nars. Tumango na lamang ang kasamang nurse at inalalayan papasok ang iilang pasyente na malubha na ang pakiramdam. Bagama't highly infectious ang disease, hindi na kakayanin pang ma-isolate ang mga pasyente. Miski ang disinfection ay hindi na rin sasapat sapagkat matagal ng nagkaubusan ng medical supplies. Miski ang mga dinonate ng maraming mayayamang organisasyon ay nagamit at naubos na. Sa panahong ito, kanya-kanyang kapit sa patalim ang nananaig. "Help me please!" Ani ni Maricris sa kapwa nurses na madatnan nilang katatapos pa lamang sa kanilang break. Agad silang gumawa ng makeshift tent mula sa pinaglumaang kurtina ng ospital. They set up two monoblocks to serve as posts and laid residue pillows to make up for a bed. Wala ng mattress at tamang innovation at utak na lang ang kailangan paganahin. Wala na silang opsyon. Sa sahig o mamamatay na lamang sa kani-kanilang tirahan. Bukod pa doon, hindi na nila kayang i-accommodate at sundin ang protocols sa lahat ng pasyente. Kailangan na lamang nila umasa sa kanilang mga protective equipment pero aaminin ni Janine na miski ang PPE ay hindi pa rin sasapat. They could only hope and pray for the better. Binigyan ng kaibigang nars ang bata ng face shield at kapirasong tela na itinatali sa mukha upang maging mask. Tulad ng sabi, everything is stripped. From masks to head caps, from alcohols to medicines. Mataas na ang death toll ng Pilipinas, halos 1/4 na ng populasyon ang namatay. Ngunit hindi rin accurate ang bilang, baka mas marami pa doon ang bilang ng namatay. Matapos asikasuhin ang lipon ng pasyenteng nagmumukhang nag-cacamping sa gilid ng hallway, pagod siyang napasandal at napaupo sa sahig. Miski ang mga kasamahan niya ay napapagod na rin. "Nurse Jan pinapatawag ka ng chief nurse," Wika ng kapwa nars na hinahanap siya. Tumango dito si Janine. Sinuyod niya ang daan sa opisina ng nakakataas at marahang kumatok. Makalipas ang ilang segundo matapos marinig ang pag-baling ng taong nasa loob, binuksan na niya ang seradura at pumasok. "Sir pinapatawag niyo daw po ako?" Mula sa pagbabasa ng dokumento, nilingap siya ng chief nurse. "Ah yes pinapatawag kita…” Bahagya itong nahinto. “Actually I have an offer to make Jan, have a seat first," Ani ng chief nurse habang iginaya ang bakanteng upuan. She quietly sat and waited for his reply. "Nurse Jan, I am quite impressed with the work you do everyday. Napaka-alaga at maasikaso mo sa patients" Napangiti rito si Janine. "Maraming salamat sir sa compliments pero duty naman po talaga nating mag-alaga lalo na ngayon panahon ng crisis," Marahang napatango rito si chief. "Well to be frank with you, the Wolff enterprise is asking for a private nurse to accommodate the CEO's son, the director, and I couldn't help but see someone like you to fit the job perfectly" He said smoothly. Puminta ang kunot sa mukha ni Janine sa narinig. "But sir masaya po akong naglilingkod para sa taong bayan...para sa mga nangangailangan. Nagkakaubusan na po tayo ng personnel and yet bakit po kayo papayag magpadala ng private nurses," She can't help but emphasize the word 'kailangan'. Totoo naman. Nagkakaubusan na ng mga medical workers like respiratory therapist, radtechs, medical technologist, doctors, pharmacists, at iba pang frontliners and yet may mga makasarili pa rin na organisasyon ang gusto ng special treatment sa gitna ng pandemya. Matagal na itong isyu, ang kakulangan ng medical workers ngayong krisis, kaya pinaghihigpitan na ang private hiring of medical workers ng mga kompanya at sa halip ay inanyayahan maglingkod sa publiko ang mga ito. Napahawak sa sentido ang chief nurse. "Look Jan, napakalaking halaga ang inooffer nila. Sobrang laki and in fact miski ang ospital na mag-susupply sa kanya ng nurse ay makakatanggap ng share sa pasahod. I heard the first pay would cost millions...millions you hear? Malaking pera iyon para sa ating hospital. Magandang tulong na rin sa mga nangangailangan," Bagama't masakit sa tenga marinig ang magsusupply ng nurse as if their job was something people can buy easily. Hindi niya maitatanggi ang magandang proposisyon neto kaya hinayaan na lamang niya. May katotohanan ang sinabi ng kanyang chief. Kailangan na kailangan ng hospital ang funding. Although Brion Medical Center is a very wealthy hospital, a top class one at that, nang dumako ang extended community quarantine. Tuluyang nalaglag sa laylayan ang institusyon kasama na ang mga competing hospitals dati. Sa ngayon halos sampung ospital na lang ang halos nag-ooperate, kahit hindi gaanong kahusay, upang tumanggap ng obsidian positive patients. Kung milyon nga ang unang pasahod. It would be great. Maaaring makatulong ito sa pagbili at pag-update muli ng stocks ng kanilang ospital. Alam niyang miski ang intravenous fluids at iba pang necessities ay nabibilang na lamang kaya kung tutuusin parang jackpot na ito. She smiled before reaching a hand. "It's a deal sir papayag po ako. For the hospital" Banggit niya, puno ng determinasyon ang boses. Masayang inabot ng chief ang kanyang kamay at magiliw na nakipag-kamayan. "Then it is settled then! I will give you the contract. This is to certify na pumapayag kang maipadala as a private nurse by the hospital." Tulad ng iilang beses, tumango si Janine at walang pasubali na pinirmahan ang dokumentong ipiniresenta. Hangga't di pa nagbabago ang kanyang isip, minabuti niyang pirmahan na lamang. "So how was it? Bakit ka daw pinatawag?" Nagtatakang ani sa kaniya ng mga kapwa nurse. Kasalukuyang breaktime nila at tanging tinapay na lang ang madalas nilang kinakain. Limitado na ang pagbebenta ng cafeteria sa mga tao kung kaya't kailangan magtipid sa kakainin. Bukod pa doon, kakaunti na lang ang food suppliers sa market. "Gusto nilang maging private nurse daw ako sa Wolff corp.," Napaawang ang bibig ng iilang nurse. "What? Tinanggap mo ba Jan?" Tinaasan niya lamang ng kilay ang mga naghihimutok na nurses na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala. "I don't understand what's wrong with it?" Bahagya pang napalinga ang kaibigan niyang si Maricris habang sinasalaysay kung ano ang alam niya sa kompanyang nasabi "I heard that the director of that corporation is a ruthless, brute devil. Siya ngayon ang nagtake-over as temporary CEO nang magkasakit ang tatay," "What do you mean?" Mas lalong napaawang ang bibig nila sa pagiging ignorante ng kaibigan. "I'm saying na may mga tabloids na nagsasabing parte siya ng mafia! And in fact baka nga siya ang boss ng underground," "Oo nga, bukod pa don puro sindikato ang laman ng samahan nila," Padagdag sabi ng isa pang nurse habang kinakain ang hawak na crackers. Mafia? Isang lipon o organisasyon ng mga kriminal. Hindi mapigilan ni Janine ang manghina sa narinig. "Maling mali ka ng pinasok friend. Baka isang pagkakamali, mapatay ka nila,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD