Kabanata 2

1587 Words
2: Manual "Sir hindi niyo naman po sinabing may bad reputation ang kompanyang iyon!" Pagmamaka-awa ni Janine sa chief nurse matapos ang pagdidiskusyon kasama ang mga kaibigan. "Look Jan I had already sent out your application paper sa telegram nandon na. Nakapirma ka na. You can't retract now or you'll surely lose your job," Halos manlumo si Janine sa narinig. "But sir!" Hindi na lamang siya pinansin ng chief at nagpatuloy sa pag-iikot at pag-inspect sa mga pasilidad. Totoo ngang makapangyarihan ang nasabing kompanya, they can easily wipe her off from her title and job. From being a nurse to no one. Maraming impormasyon ang naimplanta sa kanya ng mga kaibigan. Ang pagkakarinig niya, once an agreement was made there's no turning back from it. At ang stupido niya para hindi mapansin ang nakasulat na hanay sa itaas ng papel na nagsasabing, once you come, there is no pulling out. Parang iba nga ang naging dating sa kanya nung unang pagkakabasa. Paminsan ang patuloy niyang pagtanggi sa pakikilahok sa kung ano man ang laman ng social media ang magiging dahilan ng pagbagsak niya. Her ignorance would be the death of her. She tried to calm herself pero kalaunan ay napahilamos siya sa sarili. Kaya pala nung oras na iyon, nagdadalawang isip na siya. Bakit ba hindi niya na lamang sinunod ang nararamdaman niya? Something was whispering to her to retract. "Ano nakumbinsi mo ba?" "Hindi Maricris..." Tinatapik-tapik na lamang ng kaibigan ang kanyang balikat. "It's going to be okay. Look at the bright side. Magiging life saver ka ng hospital sa gastusin. Just think of the possibilities" Bahagyang napabuntong hininga si Janine. Wala namang masama sa alok nilang pera, sobra pa nga sa klase ng trabaho niya. "And besides I think para sa iyo talaga iyang trabaho. Maraming nurses na ang tumanggi sa iba't ibang ospital. Ikaw lang naman may lakas ng loob akuin lagi ang mga problema." "Iba ito Maricris. Totoo ba talagang kriminal ang mga iyon? And besides, mas lalo lamang sumasama loob ko kapag pinapamukha mo sa aking tinanggihan ng ibang ospital ang offer." Tinaas ni Maricris ang kanyang kamay sa ere as if a surrender. "Sorry na...basta Janine ako sayo tatanggapin ko na lang and do the job like a normal nurse would. Hindi ka naman nila siguro papatayin...The hospital and the company had a contract right? I'm sure kasama doon ang kaligtasan mo." Tila nabuhayan ang dalaga sa narinig mula sa kaibigan. Kinuha niya mula sa envelope ang kanyang kopya at binasa ito. At tunay nga sa winika, magiging prioridad rin nila ang kanyang kaligtasan. She breathed a relieved sigh. "Oo nga...masyado naman ata ako nagpadalos-dalos," Mahina niyang sambit bago ipasok muli sa envelope ang kopya. "There? Okay na? Settled ka na?" Kinagat ng dalaga ang labi. Truth be told, hindi niya pa rin alam. Nakakaramdam pa rin siya ng pangamba sa hinaharap. Una, she didn't know the place. Ano ba ang itsura ng workplace niya doon? Pangalawa, yung mafia nga. "Hindi pa rin malamang," Napailing ang kaibigan. "Alam kong naiinis ka wag ka masyado mafrustrate baka naman hindi naman pala totoo rin. Sige na magstart na shift ko." Aniya bago mamaalam sa kaniya. Hindi pa tuluyang nakakaalis ang kaibigan ay nilingon siya nito. "Nga pala...wag ka lang magkakamali Jan sa trabaho. Baka sila makalaban mo, be careful always," Nanlamig si Janine. After signing the contract, the hospital relieved Janine from her shifts. Kinakailangan daw niyang maghanda at basahin ang ipapadalang manual bukas ng Wolff enterprise at para magawa iyon, binibigyan siya ng panahon para makapag-pahinga. She can't help but feel na baka binibigyan siya ng oras para makapag-handa sa kaniyang kamatayan. Matapos makapag-paalam sa iba niyang co-workers gayundin ang paglilinis ng kaniyang munting locker. Umuwi na lamang siya sa kanyang apartment complex. Along her way she can't help but feel lonesome. No longer she sees busy lights from the city, no longer does she see busy vehicles passing by. No more laughter, no more people flooding the streets after a tiresome day at work. Napaka-tahimik ng mundo. Napaka-lungkot na lugar. Ni kusing na tao ay walang makita. She missed those days. Ang dating masikip na kalsada, ang mga overpass na ubod ng dami ng tao at iba pa ay tila alaala na lamang. Kung dati naiirita siya sa maliit na bagay, ngayon namimiss niya ang lahat ng iyon. Sa kasalukuyan, napakadilim ng mundong kanyang nilalakaran. The electricity already broke down months ago. At tanging ospitals na lamang ang pilit binubuhay ng naluging electricity provider. Ito na siguro ang hudyat ng katapusan. Bagama't madilim ang mundo, Janine seem to know that someday, somehow, may ilaw rin sa dulo nito. May liwanag ring mamamayagpag. Not now. Pero baka bukas o sa susunod pang bukas. Her tomorrow would be endless. And her hope would always be timeless. Marahan niyang binuksan ang pintuan ng apartment complex. Binuksan niya ang kanyang bintana at sinalubong ang malamig na simoy ng hangin. Inilawan niya ang kandila at dahan-dahang ipinatong sa ligtas na lugar kung saan hindi ito mabubuwal o magdudulot ng sunog. After days and months of hard work, ngayon lang ata siya nabigyan ng day off. And somehow she was thankful for the little rest. Tao rin siya sa gitna ng epidemyang ito. Tao sa rin gitna ng laban na ito. Ilang minuto ang lumipas, binalot na lamang siya ng antok hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. ** KINAUMAGAHAN nagising si Janine sa marahang katok sa kanyang pintuan. Binuksan niya ito at tumambad ang dalawang kalalakihang nakasuot ng suit and tie. She can't help but wonder who is the man in front pero nang makita niya ang nameplate nito sa kaliwang dibdib hindi na lamang siya naka-imik. Inabot niya ang inuudyok netong kahon at pinirmahan ang dapat pirmahan. Pinasok niya ito sa loob at pinagmasdan ang nakasulat: Wolff Enterprise, a multi-corporation. Elegante ang card nito, white ang background habang golden plastered ang mga letra. Maingat niyang binuksan ang kahon at sinilip ang laman. She took out a slick uniform that would surely hug her curves. Bumalandra sa kaniya ang iilang heels at isang librong may pangalang Wolff. Pagiging nurse ba talaga ang kanyang pinasok? What is wrong with these heels? Ibang itsura ata ng nurse ang ninanais nila. She is used to wearing flat, closed, white shoes na magandang gamitin in emergency cases kapag tatakbo o may ipapakuha. But not these. Miski ang mga ipinadalang uniform ay parang pang costume party lang. Masyado itong daring, para siyang mang-aakit. From what she had learnt wala siyang nakitang nurse na mapangahas kung magsuot ng uniporme. Samakatuwid, hindi na rin siya magtataka. The company is built and known for its illegal transactions kaya siguro p********e ang tingin sa mga babaeng employees. Sa kaloob-looban, ayaw niyang husgahan ito nang hindi pa kinikilala ng lubusan. She was too hard on judging them. Dapat niyang mag-reconsider. Well, the company needs a nurse. Hindi lamang siya pupunta doon para magpacute. She is going to work and hindi siya komportable sa nirerekomendang susuotin. Since when did she ever apply for this job anyway. She's sure that they are in dire need of a nurse kaya susuotin niya kung ano ang wasto at nababagay sa kanyang propesyon. Kinuha na lamang ni Janine ang libro na sa kanyang pakiwari ay ang manual na naglalaman ng impormasyon sa kompanyang paglilingkuran. Wala namang interesting o kakaiba sa kanilang rules and regulations. Pang typical na kompanya ang kanilang mga alituntunin. Pero may isang naka-agaw pansing impormasyon. "Unnecessary noises are not allowed. Except for the CEO's woman..." Mahina niyang basa. Namilog ang kanyang mata. Anong klase ingay ba ang nais nilang sabihin? ** Tumambad sa kanya ang eksena sa harapan. Another flood of patients flocking the entrance door of the Brion Medical Center. Nag-aatubili siyang nakisiksik sa lipon ng tao at sinisid ang tila nakakasakal na pulutong. Nang masilayan ng guwardiya ang kaniyang bulto, agad rin siyang napapasok. "What are you doing here Janine? Isn't today your day off?" Mapagtakang-wika ni Maricris habang hawak-hawak ang ventilator ng isang naghihingalong pasyente. Inilapag niya ang kaniyang bag at dinaluhan ang nagsusukang pasyente. Kinuha niya ang dalang plastic sa bag at sinalo ang dugong dumadaloy sa bunganga ng pasyente. "Hindi ko kayang tumanganga lang doon Maricris. I know the hospital needs help," Hindi na umimik si Maricris at pinagpukulan na lamang ng pansin ang pasyenteng inaasikaso. Bumukas ang malaking pintuan ng hospital at bumungad ang ilang guwardiya na may buhat-buhat na babae. The emergency department were in frantic shoes nang may inadmit na babaeng manganganak. "Jan! Patake over naman ng post ko sa E.R!" Janine saw her fellow E.R nurse na kasalukuyang naliligo sa dugo matapos sukahan ng pasyenteng may malubhang kondisyon. Tinanguhan niya ito. "Maligo ka agad! Baka mainfect ka!" Aniya habang dinisinfect ang sarili upang maasistihan ang Obgyne at ang kapwa nars. Upon entering, nakita niya ang severity ng lacking bed capacity sa loob. Halos lahat malala ang kondisyon, at tila wala na silang magagawa pa subalit kulang na rin ang kanilang apparatus and resources. Agad niyang tinulungan ang manganganak na buntis na hanggang ngayon ay salo-salo ng guwardiya. "What are we going to do Doc wala ng mahihigaan? Even the operation theater is already occupied. Plus hindi pwede dito maraming infected na pasyente," Tila nagiisip pa ang doctor sa sinabi ng isang nurse. After a while, mukhang nagka-ideya si doktora. "The cafeteria. Sa may kusina tayo sa malaking metal countertop," Tumango silang apat na nurses at agad na inasikaso ang magiging operation room ng manganganak na caesarian section.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD