When I Fall: Leonart Sanchez' 3

2148 Words
Fall Three: Photoshoot “Wow, you look beautiful Sharmaine,” bati ko kay Isay paglabas niya sa dressing room. I didn’t expect na mas magiging maganda pa siya. Isay is beautiful, maganda siya kahit hindi siya nag-aayos. But seeing her right now, made me really starstruck. Alam kong plinano ko `to. Plinano ko na huwag papuntahin si Xel at si Isay ang pumalit sa kanya. I don’t think I made a wrong decision. Her looks fit the role. She’s damn sexy too. I slightly pinched my hips. Hindi dapat ako nag-iisip nang gano’n. “Thank you. Medyo asiwa nga ako, kasi hindi talaga ako sanay nang ganito. Medyo masakit din sa paa `tong sapatos ang taas taas kasi, e,” sagot niya sa akin. “Okay nga lang, e, magkasing height na tayo,” sabi ko sa kanya. Hindi ko naiwasan ang hindi siya matititgan. “Pero seryoso, first time mo talaga? Sa ganda mong `yan hindi ka pa nagmomodel kahit minsan?” “Sa itsura ko pag wala akong make up mukha ba akong nag mo-model?” natatawa niyang tanong, “Ang simple kong tao, sino makakapansin sa akin?” “Ako,” mahina kong sabi. Hindi na niya na yata narinig dahil tinawag na rin kami ni Kuya Marky, `yung photographer namin ngayon. I’m slightly glad na hindi niya narinig, what if narinig niya at tinanong niya ako tungkol do’n? Ano’ng isasagot ko? “Place your right hand in her waist, Art. Give us something sexy,” sabi ni Kuya Mark. Sinusunod ko lang ang bawat sinasabi niya. “That’s good. Give me more!” Buti na lang nakakasunod kaagad si Isay. Kinakabahan pero mukhang nadadala na rin at nakukuha niya na ng tama. “You’re doing well,” bulong ko sa kanya. Halos nakadikit kasi sa tenga niya ang bibig ko. “T-thank you,” nauutal na sabi niya. “Art, eye contact!” sigaw ni Kuya Marky. Pinagdikit ko ang mga noo namin. Halos magdikit na rin ang tungki ng mga ilong namin. Pareho kaming nakatitig sa isa’t isa. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko at bahagya ko pang dinikit ang mukha ko sa kanya. “I’m sorry,” bulong ko. Then I kissed her. I slowly open my eyes and slowly pull my face. “Okay! That’s good! Pack-up na tayo.” Tinititigan ko lang siya. Please, say something. “Isay?” tawag ko sa kanya. Bigla siyang natauhan at bahagyang lumayo sa akin. “I’m sorry, nadala lang kasi ako—“ Bigla siyang tumakbo pa layo sa akin. Great, Art! Wrong move! I shouldn’t say na nadala lang ako. In fact, dapat wala akong sinabi! I even say sorry, kahit hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko! This is just great! That’s even my first kiss! Wait— It’s my first kiss, sa kanya rin kaya? Napahawak ako sa batok ko. Parang biglang nagtaasan ang mga balahibo ko do’n. Ano ba kasi `tong naiisip ko? Feeling ko tuloy ang pervert ko. But I’ll be glad if it was her first too. “Ugh! Art stop thinking about it!” sigaw ko sa sarili ko. Mabilis na ang palit ako ng damit. Hindi ko na nga nakuha pang tanggalin `yung eyeliner ko. Nagmadali akong habulin si Isay. “Isay!” tawag ko sa kanya. Buti naabutan ko pa siya dito sa venue. “A-Art! A-Ano… uhm…” “Isay,” tawag ko ulit sa kanya. Paran hindi siya mapakali, e. “Sorry, Art!” mabilis siyang tumakbo palabas. Mukhang mahilig si Isay sa habulan. Napailing iling ako. Kinuha ko na ang mga gamit ko at dumiretso ako sa kotse ko. Naabutan ko pang naglalakad si Isay hindi kalayuan sa venue. “Hop in,” sabi ko sa kanya. “Art, hindi na okay na ako, mamamasahe na lang ako,” sagot niya sa akin. “Walang dumaan na taxi dito, mahihirapan ka lang umuwi,” binuksan ko `yung pinto ng passenger seat, “Come on, ihahatid na kita.” “Hindi na, may dadaan naman siguro dito na kahit tricycle palabas,” tanggi niya pa. “Alright!” bumaba na ako sa kotse ko, “Hindi ako matatahimik kung hindi kita makikitang nakasakay na pauwi, sasamahan na lang kitang maghintay dito kung ayaw mong ihatid kita.” I can’t look at her. Come on, Art, say something. “Abou—“ may biglang humintong taxi sa harapan namin. “May sinasabi ka Art?” umiling na lang ako at sinenyasan siyang sumakay na. “Salamat.” Tumango tango lang ako at pinanood siyang umalis. “Now, I really think I’m crazy.” Napahawak ako sa dibdib ko. What now? Why are you beating like that? *** “Sorry, Tita kung ngayon ko pa `to ginawa. Alam ko namang busy kayo para sa preparation ng birthday mo, pero kasi po,” umupo na ako sa usual seat ko, “I’m having a weird feeling lately. Not the nightmares but,” huminto ako saglit at nag-isip ng magandang term na gamitin, “But when everytime I see this girl she’s giving me a very very warm feeling that makes me want to just look and talk at her,” kinamot ko `yung ulo ko, “Well, something like that.” “Hindi kaya in love ka?” mapang-asar na tanong niya. “Tita!” saway ko sa kanya. “What?” natatawang tanong niya. “The way you describe it, para ka talagang in love.” “Kakakilala ko lang sa kanya, how can it possible na ma-in love na ako sa kanya?” tanong ko. Nagkibit-balikat siya. “You only need a second to fall in love,” nakangiting sabi niya. Umiling-iling na lang ako at saka pumikit na. “Aalis na ako, Lili. Huwag ka nang umasang babalik pa ako!” sigaw ni Daddy kay Mommy. Tinago ko ang sarili ko sa ilalim ng hagdan. Natatakot ako na baka magalit na naman sa akin si Daddy kung makikita niya ako. “Ngayon mo pa talaga `to gagawin, Lito? Ngayon kailangan ng ama ng anak natin,” sabi ni Mommy habang pinipigilan sa pag-alis si Daddy, “Kailangan ka ni Art, nasa edad siya kung kailan curious siya sa lahat ng bagay at tanging ama lang ang matatanungan niya, hibang ka na ba talaga?” Dinuro ni Daddy si Mommy. “Lagi mo na lang sinasangkalan sa pagitan natin si Art, alam mo kasi na kung hindi naman dahil sa kanya wala ako rito. I’ve done enough, Lili. I can’t take this anymore, I can be a father to Art pero to stay as your husband—“ sinampal ni Mommy si Daddy. “Kung hindi lang talaga dahil kay Art…” Kung hindi lang talaga dahil sa akin. “Art, ano na namang ginagawa mo dito?” tinignan ko lang si Zarah. “Galit ka pa rin ba sa akin?” Umiling ako. “Wala na si Daddy, umalis na si Daddy.” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Niyakap niya ako. “He will never come back.” “I will always be here for you, hinding hindi kita iiwan, Art.” Nang magising ako ay napahawak ako sa dibdib ko. Is it still Zarah? “Are you okay?” tanong sa akin ni Tita. “All this time I’ve been asking why they left me,” ngumiti ako ng pilit, “I should have known. Kung hindi lang dahil sa akin, maybe my dad is living his life to the fullest. Kung hindi lang dahil sa ak—“ “Art,” putol sa akin ni Tita, “You don’t need to blame yourself. It’s not your fault,” sabi niya at niyakap ako. “Enjoy your life. Find another hobby bukod sa pag-aaral at pag-mo-model. How about sports?” Pilit na ngumiti ako kay Tita. “I’ll think about it, wala pa kasi akong naiisip na sport na bagay sa akin.” *** “Art!” Tinignan ko `yung tumawag sa akin. Si Xel pala. Tinignan ko rin `yung kasama niya. “Isay?” tanong ko. Tumango siya at tila nahihiyang ngumiti. “You look good,” sabi ko. “Salamat,” mahinang sagot niya. Saglit na parang nagbulungan sila ni Xel. Pinapanood ko lang sila. “Iwan ko muna siya sa iyo, ha? Wala pa kasi si Ecka, wala namang masyadong kilala dito si Isay,” bilin ni Xel at tinulak na papunta sa akin si Isay. “You okay?” tanong ko sa kanya. Hindi na naman kasi siya mapakali. “A—“ “Art! Sabi ko na ikaw `yung nakita ko, e.” Nginitian ko lang si Rida. “Girlfriend mo?” tanong niya sabay tingin kay Isay. “Uh,” napatingin ako kay Isay, “No, she’s a friend,” sagot ko. “I thought so, alam ko naman na you would not go sa plain girl,” maarteng sabi niya. Kumunot ang noo ko. Napangisi ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko umangat `yung lahat ng body heat ko sa ulo ko. “Yeah, so—“ “Excuse me,” paalam ni Isay. Pipigilan ko sana siya kaya lang ang bilis niyang maglakad. “Great, Rida. Pinaalis mo lang ang date ko ngayong gabi, next time kung ibubukas mo `yang bibig mo, make sure you say something nice. It’s really not good to insult people,” inis na sabi ko sa kanya at iniwanan na. “Nasaan na si Isay?” tanong sa akin ni Xel pagpasok ko sa loob ng bahay nila. “She already left,” mahinang sagot ko. Naramdaman ko na kaagad ang masamang tingin sa akin ng pinsan ko kaya hindi ko siya magawang tignan. “It’s not my fault. Sisihin mo si Florida, she push her away.” “Ugh! Bakit nandito `yung hipon na `yun?” inis na tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at umalis na. *** “Bakit bigla ka na lang umalis kagabi?” tanong ko kagad kay Isay nang magkita kami para ipagpatuloy `yung project namin. “Kinailangan ko nang umuwi, e,” sagot niya, “Tara magsimula na tayo,” inabutan niya ako ng flash drive, “Pa-copy naman dito nung mga nagawa na natin, mas mabilis nating matatapos kung pareho na tayong gagawa.” “Okay ka lang ba? Parang may iba sa iyo,” sabi ko. May nag-iba talaga sa kanya. Hindi sa itsura niya. Para bang iniiwasan niya ako. May aura siya na tila ba tinutulak ako palayo. “Oo, okay lang ako,” mahinang sagot niya. Hindi na ako sumagot. Tinitigan ko na lang siya. Why are you pushing me away, Isay? Madami akong tanong. Tulad ng ‘Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag magkalapit kami ni Isay?’ at ‘Bakit gusto ko na lang siyang titigan parati?’. Kung tititigan ko ba siya makukuha ko ang sagot? Kung maghapon ko ba siyang titignan nang gan’to masasagot ang mga katanungan sa utak ko? Napayuko ako at nagkunwaring seryosong nag-ta-type nang biglang tumingin si Isay. Sana hindi niya ako napansin. Pasimple ko siyang sinilip. Hindi siya mapakali at nagpalinga linga pa ang tingin niya. “Something wrong?” tanong ko kay Isay. “H-huh? Wala, akala ko lang may nakatingin,” sagot niya. Tinanguan ko lang siya at yumuko na ulit. Muntik na pala akong mahuli. Buti na lang napansin ko kagad na mag-aangat siya ng ulo. Paano na lang kung nahuli ako? “Ako na ang magpapasa kay Sir sa Monday,” prisinta ko nang matapos kaming gumawa, “May papapirmahan din naman kasi ako kay Sir na letter,” palusot ko. Hindi naman kasi totoong may papapirma ako. Hindi naman talaga kasi ako nakagawa masyado ng part ko dahil nakatitig lang ako kay Isay. “A, o sige,” sagot niya at saka inayos ang bag niya. “Hatid na kita,” alok ko. Tinignan niya lang ako. “Bakit ba parang inis ka sa akin? May ginawa ba ako sa iyo?” malumanay na tanong ko. “Tinignan lang naman kita,” mahinang sagot niya, “Hindi pa ako uuwi, dadaan pa ako sa part time job ko, e,” sinukbit niya na `yung bagpack niya, “Sige, una na ako.” Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa part-time niya. Malapit lang pala kaya naglalakad lang siya. Papasok din sana ako kaya lang nakita ko si Ecka sa loob ng coffee shop. Malamang aasarin ako nito kapag nakita ako. Umalis na lang ako. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD