Fall Four: Coffee Shop
“Hey, samahan mo naman ako sa coffee shop nila Ecka,” aya sa akin ni Xel. Inangat niya `yung librong nakatakip sa mukha ko. “Samahan mo na ako, wala ka namang ginagawa, e.”
“Natutulog ako,” sabi ko sa kanya. Kinuha ko ulit `yung libro at tinakip ulit sa muha ko. “Pumunta ka pa dito para lang ayain ako? Puwede ka namang mag-text.”
“Text? May cellphone ka ba? Kung mayroon ba binubuksan mo ba `yun? Ni hindi mo nga yata hinahawakan `yun, e.” Nagkibit balikat lang ako at pumikit na ulit. “Hoy! Samahan mo ako!” sigaw niya sa tapat ng tenga ko.
Napabalikwas ako nang tayo at hinawakan ko ang tenga ako. “Nabasag yata `yung eardrums ko,” sabi ko. Naghikab pa ako bago ko siya tinignan. “Kailangan ba talaga kasama ako?” tanong ko.
“Oo, sabi ni Tita Lili bili mo raw siya ng mocha frappe do’n,” sagot niya.
“Bakit do’n pa? Medyo malayo `yun ah? May Starbucks naman d’yan sa malapit. Do’n ko na lang siya ibibili,” sagot ko naman sa kanya at saka nag-inat. “Mamaya na lang, matutulog muna ulit ako.” Bago pa ako tuluyang makahiga ulit hinatak na niya ang braso ko. “Xel, ngayon lang ninais ng katawan ko ang matulog, puwede `wag mo nang istorbohin?”
For the past three years kasi ni-re-reject ng katawan ko ang pagkain, pagtulog at kung anu-ano pang mga gawin na lagi kong gustong gawin bago mangyari ang lahat. Ngayon na lang ulit ako nagkakaroon ng motivation na gawin ang mga iyon dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro nga ay gumagaling na ako.
“Please, Art? Ngayon lang naman, e,” hinatak hatak na niya ako, “Ngayon lang, Art. Ngayon lang.”
“Fine, fine,” tumayo na ako, “Ngayon lang ha? Maliligo lang ako saglit,” paalam ko.
Naghihikab hikab pa ako habang hinihintay rito si Xel sa coffee shop nila Ecka. O-order lang daw siya pero ang tagal tagal. Niyuko ko muna ang ulo ko sa table. Iidlip muna ako dahil ngayon lang talaga ako inantok nang ganito.
Nagising ako dahil sa maingay na boses na. May sinasabi pero hindi ko maintindihan. Napatingin na lang ako sa stage kung saan nando’n ang isang grand piano. Kinuskos ko ng konti ang mga mata ko para tignang maigi kung si Isay nga `yung nakikita ko.
Saglit na dumaan ang tingin niya sa akin. Si Isay nga.
Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.
Calling Mommy…
“Hello, Mommy?” sagot ko.
“Nasaan na `yung frappe ko? Sabi ni Xel saglit lang daw, pero hanggang ngayon wala pa. Saan ba kayo bumili?” sunod sunod na sabi niya.
Nakita ko `yung frappe na nasa harapan ko. “Nandito na, Mommy, pauwi na po ako, saglit lang,” sagot ko. Pinatay ko na `yung tawag at naglakad na ako palabas. Didirediretso sana ako nang marinig ko ang tunog ng piano.
Pinanood ko muna saglit si Isay. Magaling siya, pero halata mong kinabisado niya lang ang mga nota dahil hindi naman siya tumitingin sa score na nasa harapan niya. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Pagkatapos niya ay umalis na rin ako. Mapapagalitan na ako ni Mommy kung magtatagal pa ako.
Si Xel talaga, hindi niya na lang kasi sinabi sa akin na papanoorin ko pala si Isay. Kung sinabi niya e, `di sana hindi na nadamay si Mommy. Palpak talaga kahit kailan. Tsk.
***
“Okay na si Art!” sigaw ng photographer at umalis na ako sa puwesto ko.
Umupo muna ako sa isang tabi at nagpahinga. Medyo nakakapagod din ang ginawa namin ngayon. Ang dami kasing concept. Papalit palit kami ng damit at kung minsan pa ay nilalagyan pa kami ng make up.
“Xel, nasaan ba `yung janitor dito?” Napatingin ako sa nagsalita. Para kasing si Ecka, e. “`Yung ginawa kasing cake ni Isay para kay Art tinapon nung baliw na si Florida, nagmamaganda na naman,” inis na sabi nito.
“Buwisit talaga `yung pangit na `yun!” inis na hinatak ni Xel si Ecka.
Hinanap ko `yung sinasabi nilang cake. Sa paghahanap ko muntik ko pangmatapakan `yung cake.
“Sir, ayan po ba `yung lilinisin ko?” tanong sa akin nung janitor.
“Ah, kuya tingin mo okay pa `yung nasa taas na part? Para sa akin kasi `to, e natapon. Nakakahiya naman do’n sa gumawa kung hindi ko manlang matitikman,” sabi ko kay kuya.
“E, sir kung hindi naman po kayo maselan, puwede pa po nating kuhanin `yung nasa ibabaw mukha naman pong hindi pa natatapakan at `yung ilalim lang naman po talaga ang may sira at nadumihan,” ani niya.
“Ah sige kuya, pakitabi `yung nasa ibabaw iuuwi ko, salamat,” nakangiting sabi ko at iniwan na si Kuya.
Kakausapin ko sana si Florida kaya lang siya na ang nakasalang. Saka
na lang siguro. Hindi ko talaga alam kung ano ang issue no’n kay Isay at para bang lagi na lang niyang iniinis. Tsk.
“Ano `yang kinakain mo?” tanong sa akin ni Mommy pagdating niya sa bahay at naabutan niya akong kumakain.
“Cake,” sagot ko sabay subo ulit.
“Cake? Bakit parang hindi naman cake?” tanong niya.
“Wanna try?” alok ko. “Masarap po siya, hindi masyadong matamis.”
Kumuha siya ng tinidor at sumubo rin. “Masarap nga ha? Sino nagbake?” tanong ni Mommy sabay subo ulit.
“Si Isay, kaibigan ko po,” sagot ko.
“It’s good, sabihin mo magbigay ulit siya sa susunod,” nakangiting sabi niya.
Kung sasabihin ko kaya kay Mommy na nahulog na ito sa sahig kakainin niya pa kaya? Pero kahit naman gano’n masarap pa rin naman talaga.
***
“Kababae niyong tao nang bubully kayo,” sabi ko kay Rida at sa kasama nila. Nakarinig kasi ako ng boses sa loob ng CR kaya tinignan ko. “Rida, you’re one of the model of this school, tapos gumagawa ka nang gan’yan?”
“I’m sorry, Art. `Yung babae kasi dito sa loob nitong cubicle inaasar kami, gusto lang naman namin na lumabas siya, e,” nagpapaawang sabi niya. Tinignan ko `yung paang nakalawit.
Napangiti ako sa loob loob ko. Nandito lang pala `yung babaeng hinahanap ko.
“Let her be, get out,” utos ko sa kanila. Pagkaalis nila tinignan ko `yung cubicle. Wala na `yung paa ni Isay. “You can come out now,” sabi ko.
“Okay na ako, you can go now. Thank you,” sabi ni Isay. Halatang binago niya pa `yung boses niya.
“Isay, ako ito si Art,” pakilala ko. Baka kasi akala niya kung sino lang. “Labas na, wala na sila.”
“P-paano mo nalaman na ako `yung nasa loob?” nauutal na tanong niya.
“Nakita ko kasi `yung rubber shoes mo, `yan din `yung suot mo nung gumawa tayo sa student plaza nung nakaraan,” inangat ko `yung ulo niya. Nakayuko lang kasi siya at nakatingin kung saan. “Are you okay? Lagi ka ba nilang binubully?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
“Hindi naman talaga nila ako binubully, parang ako pa nga ang nagsimula, e,” ngumiti siya, “Salamat pala, ha? Kung hindi ka siguro dumating malamang nakikipaghalikan na ako sa toilet bowl ngayon,” sabi niya sabay kamot sa ulo. Natawa ako. Ang cute ng gesture niya na iyon. “Bakit?” tanong niya.
“Wala lang, iniisip ko lang kasi kung ano `yung ginawa mo para maasar si Rida,” sagot ko.
“Nagkunwari lang akong witch,” inipit niya `yung ilong niya saka nagsalita, “Sa ngalan ng buwan, isinusumpa ko na magkakaroon ka ng tigyawat sa loob ng isang buwan!” at tumawa siya ng parang bruha.
“You sound so creepy!” natatawang sabi ko. She really is by the way. Tinitigan ko siya. Hindi niya pa inaalis `yung kamay niya sa ilong niya. “Isay?” tawag ko sa kanya. Bigla siyang parang naghabol ng hininga. “Ayos ka lang ba?” tanong ko at saka ko hinagod ang likuran niya.
Huminga siya nang malalim. “O-okay na ako. Sorry.”
“Nga pala, bakit parang iniiwasan mo ako?” biglang tanong ko. Baka kasi mawalan na naman ako ng pagkakataon na itanong.
“Kailangan talaga dito tayo nag-uusap sa loob ng CR ng mga babae?” tanong niya.
“Ah. Right!” alanganin akong ngumiti at sinenyasan siya na mauna nang lumabas. “Lady’s first.”
Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos no’n. Nahihiya rin kasi akong magsalita. Baka kasi bigla na naman niyang ilihis ang usapan. Tuwing tatanungin ko na lang siya gano’n ang ginagawa niya.
Huminto kami sa tapat ng building nila Ecka.
“Dito na ako,” sabi niya.
“Ah, sige,” mahinang sagot ko.
“Uhm. May hihintayin ka din dito?” tanong niya.
Nataranta ako sa tanong niya. Ano isasagot ko? “Hihintayin kita?” patanong na sagot ko.
“Bakit mo naman ako hihintayin?” balik na tanong niya.
“Kasi,” saglit na nag-isip ako, “Kasi `di ba magkikita kayo ni Xel mamaya? Sasabay na ako,” palusot ko.
“Okay.”
Art, magsalita ka. Hindi puwede `yung gan’yan. Sabihin mo sa kanya `yung gusto mong sabihin. Sabihin mo na you think you like her. Hindi `yung gan’yan na para kang natotorpe na ewan. Sabihin mo na!
“Uhm. Ayaw mo ba talaga makita `yung sample ng magazine?” biglang tanong ko.
“Bibili na lang siguro ako pagna-release na siya,” sagot niya.
“Okay.” Dead end na naman ako.
“Uhm,” sabay na sabi namin.
“Sige mauna ka na,” sabi niya. Mauna na ako?
“Ah. Mauna na ako,” mahinang sabi ko. Tumango siya kaya
tumalikod na ako.
Tumingin pa ulit ako sa kanya bago ako umalis. Hindi ko talaga magawang buksan `yung bibig ko.
“I’m going, bye,” paalam ko.
Naglakad na ako palabas ng school. Pumunta ako sa Eternal Homes. Matagal tagal na rin nung huling beses akong dumalawa sa kanya. Natatakot kasi ako na nagpunta ako sa kanya ay bigla na lang akong bumalik sa dati.
“Hi Zarah! Kamusta ka na? Sorry hindi na kita masyado madalaw ha? Medyo naging busy kasi ako, e, kahit hindi naman ako magpaliwanag alam ko namang alam mo kung anu-ano `yung mga nangyayari sa `kin, e,” hinawakan ko `yung mukha niya sa litrato, “Ilang taon na nga ba ang nakaraan? Three years? Ang tagal na 'no?” Kinuha ko na ng tuluyan yung photo frame niya, umupo ako sa upuan sa malapit. “Pupunta ako mamaya kay Tita, sa mommy ni Xel. May check up kasi ulit ako. Hindi ko nga alam kung bakit palagi ako nagpapacheck up. Kung tutuusin, I feel better na. Hindi ko na masyado naiisip `yung mga nangyari dati. Tingin mo bakit?”
Tumayo ako at binalik `yung picture ni Zarah. “Za, okay lang naman na magkagusto na ko sa iba, ‘di ba? Hindi ko naman sinasabi na pinapalitan na kita. Pero kasi may nakilala ako… Kaibigan siya ni Xel, hindi siya magaling mag-ayos katulad niyo ni Xel, simple lang siya, wala siyang pakialam sa kung ano `yung suot niya o kung ano man ang itsura niya. Pero maganda siya, hindi niya lang napapansin `yun. Wala kasi siyang tiwala sa sarili niya, e. Nakakatawa pa, sine-set-up siya sa `kin ni Xel at ni Ericka, ay hindi mo nga pala kilala si Ericka, ‘no?”
“Best friend din siya ni Xel. Pero `yun nga, parang timang lang `yung pinsan ko,” natatawa kong sabi habang inaalala `yung mga ginawa ng pinsan ko. “Hmm. Noong una, accidentally kaming naging magkapartner sa Chemistry class namin. Alam mo ba nakakatawa siya no’n. Nahulog kasi `yung ID niya, hindi ko pa siya no’n kilala, kahit kaklase ko siya hindi ko inaalam yung pangalan niya, pero hindi naman ibig sabihin hindi ko na siya napapansin. Tinawag ko `yung buong pangalan niya na nakalagay sa ID niya, sa totoo lang napangiti ako sa naging reaction niya. Ang cute kasi, e. Alam mo ba, after no’n kinausap ko siya, hindi ko alam pero bigla ko na lang siya nilapitan at kinausap, noong una hindi ko alam idadahilan ko pero pagkalapit ko sa kanya, sinabi ko na lang na gumawa na kami ng research para sa project. Ang cute niya din that time, para siya laging wala sa sarili...”
“Siya `yung taong mag papaexcite sa buhay mo, hindi mo kasi maprepredict kung ano `yung mga gagawin niya. Tulad nung sinimulan na namin `yung research namin, iniwanan kami kasi ng magagaling niyang kaibigan. Sa totoo lang napahanga niya ako that time, alam ko namang naiilang siya dahil super magkalapit kami, pero namanage niya na magawa `yung mga dapat naming gawin…”
“Praning na din ata ako katulad ni Xel, kasi `yung photo shoot dapat namin ni Xel siya ang pinalit ko. Hindi ko alam kung bakit ko naisip `yun, bigla na lang siya nag pop out sa utak ko,” napangiti ako habang inaalala ‘yun, “Ito na ba `yun Zarah? Ganitong ganito din kasi ako no’n nung nakilala kita. Nakakaisip ng mga kapraningang bagay. Mamaya pag punta ko kay Tita, kung ano man `yung magiging resulta ng test ko mamaya, gusto ko marinig `yun ni Isay, alam ko naman na alam niya na `yung nangyari sa `tin, e. Madaldal kasi si Xel, kaya sigurado ako do’n. Mamaya `yung magiging result ng test ang magiging batayan ko kung pinapayagan mo na kong magmahal ng iba,” hinawakan ko ulit `yung picture niya, “Za, hindi man tayo nag karoon ng pagkakataon para sa forever natin, sana maging masaya ka para sa akin. Ikaw pa rin ang unang babaeng nagparamdam sa akin ng ganito kaya hinding hindi kita makakalimutan.”
Pagkatapos kong kaupsapin si Zarah, lumabas kaagad ako sa Eternal Homes at dumiretso sa school. Tumakbo na ako, dahil alam kong malayo layo ang school dito. Kung nilakad ko ng 30 minutes kanina, 11 minutes ko lang tinakbo. Hinanap ko kagad si Isay sa puwesto nila kanina, wala na sila do’n. Tumakbo kagad ako papunta sa main gate, hindi naman ako nagkamali nando’n nga si Isay.
“Isay!” tawag ko sa kanya.
Inis na nilingon niya ako. “Ano na naman, Z— Ikaw pala Art. `Kala ko si Zeik, e. Sorry.”
Hinanap ko si Zeik sa paligid. “Wala naman si Zeik dito...? Anyway, ayaw mo ba talaga sumama sa agency? Tignan lang natin?” aya ko ulit.
“`Di ka pa ba galing dun? Umalis ka na kanina, `di ba?” tanong niya.
“Ah hindi pa, pinatawag kasi ako kanina sa office, e,” pagsisinungaling ko.
“Ah. Pauwi na kasi ako, e,” sagot nya sa akin.
“Hatid na lang kita mamaya? Ayaw mo ba makita?” tanong ko ulit.
Mariing umiling siya. “Bibili na lang ako pag narelease na siya. Sige alis na ko,” paalam niya at naglakad na palayo.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kotse ko at nagmaneho papunta sa main gate.
“Puwede mo ba akong samahan sa ibang lugar? Promise hindi tayo pupunta sa agency. Hindi na kita pipilitin dun, pero please samahan mo na lang ako. Importante lang `to,” sabi k okay Isay nang makita niya ako sa labas ng gate.
Hindi na naman ako nabigo this time. Sumama na siya ng kusa sa
akin.
Sorry, Isay, pero I need you to see this.
***
“Hi Art!” bati sa amin ni Tita Liz, napatingin siya kay Isay. “Oh Isay, bakit magkasama kayo?” tanong niya.
“Tita, nag pasama po kasi ako kay Isay, para sa check up ko,” sagot ko.
“Check up? Magpapacheck up ka?” gulat na tanong ni Isay.
“Nagpasama ka, pero parang hindi alam ni Isay kung bakit ka niya sinamahan,” natatawang sabi ni Tita. “Tara na sa loob.” Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
Umupo na ako sa usual seat ko at sinimulang ipikit ang mga mata ko.
“Art, wala na ang Daddy mo, hindi na siya babalik,” sabi ni Mommy at saka ako niyakap.
Umiyak lang ako ng umiyak.
Kasalanan ko `to. Kasalanan ko kung bakit umalis si Daddy. Kung wala ako sigurado akong hindi sila mag-aaway ni Mommy. Hindi iiwanan ni Daddy si Mommy.
“Art,” narinig kong may tumawag sa akin. “Art,” tawag ulit.
Humiwalay ako sa yakap ni Momy at hinanap ang tumawag sa akin. Paglabas ko ng bahay nakita ko ang mommy ni Zarah.
“Hijo, wala na si Zarah,” sabi niya at niyakap ako.
“Po?” naguguluhang tanong ko. “Sabi ko naman po sa kanya huwag siyang umalis, e. Kailangan ko po siya ngayon.”
“Wala na siya, Art. Wala na si Zarah. Iniwanan na niya tayo,” sabi nito at naririnig ko ang paghikbi niya.
“Iniwan?” naguguluhan ko pang tanong. Napahiwalay ako kay Tita Suzette nang makita ko ang pagdaan ng isang ambulansya. “Zarah?” tanong ko sa sarili ko. Tumakbo ako at sinundan ko ito. “Zarah! Zarah!”
Huminto ang ambulansya, binuksan nito ang pinto sa likod at do’n ko nakita ang natutulog na si Zarah. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya.
“Zarah, wake up,” malambing na tawag ko sa kanya. “Za, wake up, please?” nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. “Hey, Za come on wake up.”
“Art, she’s gone,” sabi ng Tito Sergio. “She’s gone for good. She will never wake up.”
“No, she promise that we will be together!” galit na sabi ko. Hinatak ko si Zarah patayo. “Come on Za, let’s go. Paano na `yung pangako nating forever? Za!”
No this is just a memory. Everything is just a memory. Memory.
Bigla kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Tita Liz na parang natataranta.
“Thank, God bumangon ka na. Dinala sa ospital si Isay,” nag-aalalang sabi niya.
“Po?!” gulat na tanong ko. “Bakit po dinala sa ospital?”
“I don’t know, para siyang inatake sa puso. Hindi naman alam ni Xel kung may sakit si Isay o kung an—“
Hindi ko na pinatapos si Tita. Umalis na kagad ako at nagpunta na sa ospital. Hinanap ko kagad kung saang room siya. Papasok na sana ako nang makita ko ang isang middle age woman na lumabas sa kuwarto ni Isay. Sinalubong din siya ng doctor.
“Misis, I’m encouraging you again, for the third time na pinilitin na si Sharmaine na mag-undergo operation. Makakatulong din ito sa kanya,” sabi ng doctor.
“Doc, okay lang po sa akin kaya lang `yung anak ko mismo ang may ayaw. Ayaw naman po namin siyang pilitin,” sagot naman ng Mommy ni Isay.
“Kayo po ang bahala, pero mas maganda po habang bata pa si Isay ay maisagawa na natin ang operation, sige po misis,” paalam nito.
“Tita,” tawag ko sa Mommy ni Isay. Napatingin siya sa akin. “Okay lang po ba si Isay?” nag-aalalang tanong ko.
“Ayos na siya, hijo. Kaibigan ka ba niya?” Tumango lang ako. “Sige, pumasok ka na nand’yan sila Ecka sa loob. Bibili lang muna ako ng mamimiryenda niyo.
“Sige po, salamat po, Tita,” paalam ko at pumasok na.
“A-Art,” sabi ni Isay nang makita niya akong pumasok.
Iniwanan muna kami ni Xel at Ecka para makapag-usap.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.
“Okay na naman yata ako,” mahinang sagot niya.
Huminga ako nang malalim. “Kasalanan ko ba?” tinignan ko siya. “Kasalanan ko ba kung bakit ka na ospital?”
“Bakit ba lahat kayo tinatanong kung kayo may kasalanan?” inis na tanong niya. “Kasalanan ko `to kasi nakalimutan ko `yung mga bagay na bawal sa akin, wala kayong kasalanan, okay?” tinitigan ko lang siya. “Nakalimutan ko na bawal akong mapagod, ma-stress, malungkot at—“
“I’m sorry,” hingi ko ng paumanhin.
“Para saan? Wala ka namang ginagawa, pati, `di ba sabi ko nga wala naman kayong kasala—“
“Sorry dahil dinala kita sa clinic. Sorry kasi pinilit kita sa isang bagay na ayaw mo naman. Kung ano man ang narinig mo do’n sana paniwalaan mo,” sabi ko.
“Wala akong narinig,” sagot niya at umiwas nang tingin sa akin.
“Then I’ll say it,” seryosong sabi ko. “Isay, I lo—“
“No,” pigil niya sa akin. “Inaantok na ako.” Humiga siya ng todo sa kama. “Nakakaantok talaga.” Tumingin siya sa akin saglit at tuluyan nang nagtalukbong.
“Okay.”
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.
“Magpahinga ka nang mabuti,” sabi ko at p-in-at siya sa ulo.
Babalik na lang siguro ako.
Hindi ako susuko sa iyo, Isay.
Hindi ngayon.
Hindi bukas.
Hindi kailan man.