Fall Five: Hospital
“Art,” tawag sa akin ng doctor. Sinadya ko talagang magpakita sa kanya. Siya rin kasi `yung doctor na nakita ko noong lamay ni Zarah dati. “Kamusta ka na?”
“Ayos lang po, kayo po?” nakangiting tanong ko.
“Mabuti naman at ayos ka na, naalala ko pa no’n totot na totoy ka pa,” natatawang sabi niya, “Ako naman ay mabuti lang din. Maraming pasyente pero ayos lang.”
“Ah, doc, `yung patient po sa room 405, si Sharmaine Guinto, ano pong sakit niya?” tanong ko.
“Si Ms. Guinto? Bakit kaibigan mo ba siya?” Tumango lang ako. “She has a ventricular septal disease. May butas ang puso niya,” pinaliwanag niya pa ang lagay ni Isay.
“Maraming salamat po, Doc,” sabi ko at nagpaalam na.
Pareho pala sila ng sakit ni Zarah. Pero hindi raw katulad kay Zarah na napabayaan, si Isay daw ay alam ang mga tamang gawin para ma-prevent ang mga hindi magandang bagay na puwedeg mangyari sa kanya. Zarah, lived her life to the fullest to the point na hindi na kinaya ng puso ni Zarah. Maraming hindi puwede ang ginagawa ni Zarah, katulad ng mga extreme sports.
“Ano’ng iniisip mo?” tanong sa akin ni Mommy.
“Mommy, what if I fell in love again with a girl that has VSD will you let me to be with her?” tanong ko.
“VSD? Same with Zarah?” tumango ako. “If you really love that girl, then there will be no problem with me. All I want is your happiness, kung masaya ka sa kanya then It’s okay with me,” sabi ni Mommy at niyakap ako.
“Thank you, Mommy,” nakangiting sabi ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.
Kinabukasan maaga akong pumunta sa ospital para dalawin si Isay. Madami akong iniisip pero tuwing iniisip ko si Isay nababaliwala na lang ang mga negative thoughts sa utak ko. For all these years I’ve been blaming myself, it made me crazy pero ngayong nakita ko na ang magpapaliwanag ulit sa buhay ko. Hindi na ako magdadalawang isip na yakapin na lang siya at huwag nang makapawalan pa.
“Gising ka na pala,” nakangiti kong bati kay Isay.
“Nananaginip pa yata ako,” sabi ni Isay at saka kinusot kusot ang mga mata. “Bakit naman dito si Art sa kuwarto ko?”
Ngumiti ako sa kanya. “Nandito nga ako, okay na ba pakiramdam mo?” tanong ko sabay haplos sa mukha niya. “Bakit?” tanong ko.
“Totoo ka nga?” kinurot niya ako sa pisngi. “Ano’ng ginagawa mo dito?!” gulat na tanong niya.
“Binabantayan ka,” ngumiti ako at inabutan siya ng mansanas. “Subuan kita gusto mo?”
“Nasaan si Mama?” tanong niya.
“Uuwi muna daw siya para kuhanin `yung mga requirements para sa PhilHealth,” inilapit ko sa kanya `yung mansanas, “Walang lason `to, tinikman ko na kanina,” sabi ko pa.
“Gayuma?” tanong niya.
“Kailangan ko pa ba no’n?” natatawang sagot ko. “Hindi ba pareho naman tayo ng nararamdaman?”
Padabog niyang kinuha sa akin `yung mansanas at padabog niya rin itong kinain. “Bakit ano ba’ng nararamdaman mo?” tanong niya.
“Hindi ko muna sasabihin, baka magkunwari ka na namang inaantok at paalisin mo na naman ako,” nginitian ko siya, “`Di ba?” sabi ko na parang nang-aasar pa.
“Hindi ba halatang ayaw kitang nandito?” tanong niya.
“Bakit? Nakakahawa ba `yung sakit mo?” tanong ko sa kanya.
“Pag sinabi ko bang nakakahawa aalis ka?” balik na tanong niya.
“Hindi,” seryosong sagot ko. Ilang segundo kaming nagtitigan. Nauna siyang umiwas. “Kahit ano’ng gawin mo hindi mo ako mapapalayo sa iyo.”
“Alam mo, kaysa nag-aaksaya ka ng panahon dito sa pagbabantay sa akin. Lumabas ka maghanap ka ng ibang babae. `Yung babaeng walang sakit,” pabulong na sabi niya.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. “Tinuturuan mo ba ako kung paano ka pagseselosin?” nakangiting tanong ko. Napatingin siya sa akin. Konti na lang ang pagitan ng mga mukha namin. “Huwag mong sasabihin sa akin na layuan ka. Siguro kung noon, puwede. Pero, ngayon hindi ako papayag,” nilapit ko pa lalo ang mukha ko. “Kahit ano pa `yang sakit mo, hindi kita hahayaan na mawala sa akin.”
“Kahit nakakamatay `tong sakit ko?” tanong niya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya ng tangkain niyang lumayo.
“Then, let’s be together until your dying days,” hinalikan ko siya sa noo, “Kung darating man `yung panahon na iyon, sisiguraduhin kong sabay tayong pupunta sa pupuntahan mo. Hindi na ako basta uupo lang sa isang tabi at maghihintay sa wala. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga Niya na lahat ng babaeng magustuhan ko ay may sakit na mayroon ka, pero hindi ko na hahayaan na umalis ka sa buhay ko na wala man lang ako nagagawa para sa iyo.”
“A-Art.”
“Natatakot ako na baka bigla mo rin akong iwanan katulad nang ginawa ni Zarah. Iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko. Kung tama ba’ng samahan kita. Kung mali man, wala na akong pakialam. Wala na akong pakialam sa tama o mali. Ang alam ko lang ay mahal kita at gagawin ko ang lahat para hindi ka Niya kuhanin kaagad sa akin. Narinig mo ba ako?” tanong ko sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha niya at saka marahang tumango. “Aabutin pa tayo ng 100 years na magkasama, kaya `wag mong sasabihing hindi ako dapat manatili sa tabi mo dahil sa sakit mo.”
Tinuloy ko na ang pagpunas sa mga luha niya.
Mahal na mahal kita, Isay. Kaya hindi ko hahayaan na bigla ka na lang umalis sa tabi ko.
“Paglabas mo ipag-bake mo ulit ako nung cake ha? Medyo nabitin ako, e,” sabi ko kay Isay ng medyo nakabawi bawi na siya mula sa pag-iyak niya.
“P-paanong…?”
Ngumiti ako. “Konti na lang `yung napakinabangan, mostly `yung nasa top na lang kaya nabitin ako,” sagot ko.
“Pinulot mo pa `yun?” gulat na tanong niya. Tumango lang ako. “Baliw ka ba?”
“Hindi,” natatawang sagot ko. “Pati, ang galing mong magpiano. Kabisote ka nga lang,” sabi ko sabay kindat. “Sa susunod tuturuan kita magbasa ng score para pag may nagrequest sa iyo mapagbibigyan mo.”
“W-wait. Nando’n ka?” tanong niya pa.
“Hindi ko alam kung maniniwala ka, pero simula nung mapansin kita sa Chemistry class nung na late tayo, lagi na akong makikita kung nasaan ka,” ngumiti ako sa kanya, “Nag-cast ka yata ng spell sa akin nung araw na `yun, e! `Di ba bumubulong bulong ka no’n?” biro ko sa kanya.
“Seryoso ba `yan…? Simula pa no’ng araw na `yun…?”
***
“Isay,” tawag ko sa kanya. “Isay, nasaan ka?”
“Art! Art! Art!” Hinanap ko kung saan nanggagaling ang sigaw niya. “Art!”
“Isay!” Nakita ko siyang hinahatak ni Zarah palayo. Hinawakan ko ang kamay niya. “Huwag kang bibitaw, Isay!”
“Art, tulungan mo ako. Art!
“No!” sigaw ko. Unti-unti nang bumibitiw ang kamay ni Isay. “No!”
“Art!” sigaw pa ni Isay.
“Please, no!” bigla akong nagising. Habol ko ang hininga ko. Tinignan ko kaagad si Isay.
“Are you okay?” tanong niya sa akin. Bigla ko siyang niyakap niyakap. “Hey!”
“Thank, God. Akala ko kinuha ka na nga niya sa akin,” sabi ko sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag.
“Art, you’re having a nightmare?” nag-aalalang tanong ni Xel.
“No, I’m fine,” sagot ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitignan. Tinitigan ko lang si Isay. “I’m fine, it’s just a dream.”
“You’re screaming, tapos sasabihin mo sa akin it’s just a dream?” medyo naiinis na tanong ni Xel.
Nilingon ko na siya. “Xel, I’m fine. I’m okay. So, don’t worry,” sagot ko.
“You should visit mom later,” suggestion ni Xel.
“Why? I said, I’m fine. Okay lang ako,” sabi ko pa.
“Art,” tawag sa akin ni Isay, “If you’re really okay bakit ka natatakot na pumunta kay Tita? You said you’re okay, so everything will be alright, `di ba?”
“Alright, I’m going because you say so,” sumimangot ako, “But I’m really fine, why you don’t just believe me?” sabi ko pa. K-in-iss ko siya sa forehead. “I’ll be back before ka ma-discharge. Maliligo na din muna ako,” paalam ko.
“Siguraduhin mong dadaan ka kay Tita, ha?” bilin niya pa.
“Yes, Ma’am,” sagot ko. Tumingin ako kay Xel. “Take care of her, huwag mong papagurin `yan, ha?” bilin ko.
“Opo, alam ko,” sagot ni Xel sabay irap. “Alis na, tatawag ako kay Mommy para siguraduhin na dumaan ka do’n. Ayaw mong pag-alalahanin si Isay, `di ba?” pangba-blackmail niya.
“Whatever, I’m going,” sagot ko na lang.
***
Dumaan muna ako kay Tita Liz bago ako umuwi ng bahay. Normal naman ang naging test. Siguro raw ay nag-iisip lang ako ng sobra ngayon. So far naman daw lahat ay normal na sa akin. Hindi na raw ako katulad ng dati na parang patay na naglalakad. It’s different na raw this time.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako kagad. Madi-discharge na rin kasi ngayon si Isay.
Tinignan ko `yung phone ko dahil kanina pa nag-ba-vibrate.
Calling Xel…
“Yo?” sagot ko.
“Umuwi na si Isay, nagmamadali, e. Hindi ka na nahintay. Kita na lang daw kayo sa school,” sabi niya.
“Huh? `Di ba sabi ko hintayin niya ako?”
“Ewan ko do’n, hayaan mo na baka pagod na din si Isay. Anyway,
`yun nga kita na lang daw kayo sa school. Bye.”
Hindi na ako nakasagot pa dahil busy tone na ang narinig ko. Ano kaya ang nangyari kay Isay? Bahala na nga. Siguro nga ay pagod lang siya.
Kinabukasan hinintay ko si Isay sa bawat subject namin. Pero hindi siya pumasok. Isang linggo ko siyang inaabangan, pero hindi siya nagpapakita. Tinatawagan ko rin siya pero hindi niya sinasagot. Kahit mga text ko ay hindi rin ni-re-reply-an.
“Nasaan na ba si Isay?” inis na tanong k okay Xel.
“Hindi ko rin alam, okay? Hinahanap ko rin,” sabi ni Xel sabay irap.
“Ecka, nasaan si Isay?” tanong ko kay Ecka.
“Pupunta ako sa kanila ngayon, gusto mong sumama?” parang napipilitang tanong niya. Sunod sunod ang tango ko. “Ikaw, Xel?”
“Sunod na lang ako, may klase pa ako, e.” Tumango tango lang kami at nagmadali na kaming pumunta kila Isay.
“Tita, saan po kayo pupunta?” sabay na tanong namin ni Ecka nang makita namin si Tita na nag-aayos ng maleta niya.
“Nag-ayang umuwi sa Palawan si Isay, do’n daw kami ngayong bakasyon,” sagot sa amin ni Tita.
“Nasaan po si Isay?” tanong ko.
“Nasa kuwarto niya.” Aakyat na sana ako pero pinigilan ako ni Ecka.
“Ako na muna,” sabi nito at pumasok na sa kuwarto ni Isay.
Naghintay ako ng ilang minuto bago ako sumunod kay Ecka.
“Hindi ko siya iniiwasan,” narinig kong sabi ni Isay.
“Ano’ng tawag mo sa ginagawa mo ngayon?” inis na tanong ko. “Isay,” tawag ko sa kanya.
“Marami akong ginagawa, maaga ang flight namin bukas,” malamig na sabi niya.
“`Yan ang tinatawag na pag-iwas, bebelabs,” huminga nang malalim si Ecka, “Kailangan niyong mag-usap at kailangan nang mag-exit ng beauty ko dito.”
“Gaano ka katagal sa Palawan?” tanong ko.
“Babalik ako para makapag-enroll, pero do’n ako sa buong bakasyon,” sagot niya.
“Gaano nga katagal `yun? Ilang araw, linggo o buwan akong maghihintay?” seryosong tanong ko sa kanya.
“Bakit ba ang kulit mo ngayon, Art?” balik na tanong niya sa akin. May bahid ng galit ito.
“Sabihin mo, para alam ko kung ilang araw ang bibilangin ko at alam kong hindi ako maghihintay sa wala,” niyakap ko siya mula sa likuran, “Isang linggo mo akong iniwasan, isang linggo ko ding inisip na baka iniwanan mo na ako. Sabihin mo sa akin, babalik ka, `di ba?”
Ngumiti siya. “Magbabakasyon lang ako, babalik pa ako,” sabi niya.
Hindi. Hindi ka na babalik.
“Bigyan mo ako ng bilang ng araw na hihintayin ko, para kapag hindi ka dumating sa araw na iyon susunduin kita sa Palawan,” determinado kong sabi.
Kumunot ang noo niya. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo d’yan? Babalik naman ako,” huminga siya nang malalim, “Art, habang wala ako puwede kang mag-isip o `di kaya’y maghanap ng ibang babaeng mamahalin. Gawin mo `yung mga bagay na ginagawa mo bago mo ako mapansin sa chemistry class.”
“What are you saying? Bakit ako maghahanap kung nariyan ka naman?!” galit na tanong ko. “Huwag mong sasabihin na gusto mong kalimutan kita habang wala ka? Tingin mo gano’n lang kadali `yun? Mahal kita, Isay.”
“Art, paano naman `yung nararamdaman ko? Tinanong mo ba ako kung mahal din kita?” tanong niya sa akin.
Nagulat ako. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
“Art, magpapaalam lang ako saglit, pero babalik pa naman ako.”
Unti unting nagkakaroon ng blocking sa utak ko. Bumabalik lahat ng alaala mula sa nakaraan.
“Okay, okay,” huminga ako nang malalim at umiwas nang tingin kay Isay, “I get it.”
“A-Art, let me—“
“Art, kailangan lang umalis ni Daddy.”
“Art, kailangan ko ang umalis.”
“No,” sigaw ko, “Stop talking!” sigaw niya. Humarap siya sa akin. “I don’t want to hear another word from you. Naiintindihan ko na. Hindi mo na kailangang isampal sa mukha ako.” Nakikita ko lang si Isay pero hindi ko na naririnig ang boses niya. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang boses ni Daddy at Zarah. “This is just another bad dream,” sabi ko sa sarili ko, “Yeah, another bad dream.”
“Art, wala na si Zarah. Iniwan na niya tayo.”
“Art, she’s gone. She’s gone for good. She will never wake up.”
No this is just a bad dream. Pinapalo ko na ang ulo ko. Hindi sila totoo. Wala na sila. Art, wake up. This is just another bad dreams. You need to wake up.
***
Nagising ako na nasa tabi ko si Isay. Hinawakan ko ang mukha niya para makasiguradong hindi ako nananaginip.
Dumilat na si Isay. “Good morning,” nakangiting bati niya sa akin.
“You’re real, aren’t you?” tanong ko.
“I’m real,” hinawakan niya ang mukha ko, “See?” nakangiting sabi niya.
Ngumiti na rin ako. “I thought I had a bad dream,” sabi ko.
“Walang bad dreams, nasa utak lang natin `yan,” hinawi niya ang buhok ko na tumabing sa mukha ko, “Art, pupunta ako ng Palawan, pero babalik ako after one week. Promise, seven days lang akong mawawala. Dadalaw lang ako kay Papa,” paalam niya sa akin.
“Seven days? Paano kung hindi ka bumalik after seven days?” kinakabahang tanong ko.
“E, `di puntahan mo ako sa Palawan,” nakangiting sagot niya.
Inalok ako ang kamay ko Naka-pinky promise. “Promise?” tanong ko.
“Promise.”
“Ano’ng nangyari kahapon? Feeling ko ang sakit sakit ng ulo ko,” sabi ko sabay masahe sa ulo ko. “May ginawa ba ako na hindi mo dapat nakita?” nahihiyang tanong ko. Feeling ko kasi talaga may nangyari kahapon hindi ko lang maalala kung ano.
Umilis siya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. “Wala, we just had a nice long conversation last night.”
“Sigurado ka?” tanong ko. Tumango lang siya. “What time pala flight mo?”
Tinignan niya ang relos niya. “1pm pa naman, puwede p—“ tumayo na ako. “Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Let’s go, hahatid kita sa airport,” sabi ko.
“H-huh?”
“Para sigurado akong sa Palawan ka talaga pupunta,” ngumiti ako at inabot ang kamay ko, “Bakit? Hindi ba sa Palawan ang punta mo at natatakot kang ihatid kita?” tinignan ko siya ng kahinahinalang tingin.
“Sa Palawan ako pupunta, hatid mo pa ko!” hamon niya sa akin. Kinuha niya na ang maleta ko at inakbayan ako.
“`Yan nga ang gagawin ko.”
***
“Mommy, kuha lang ako ng mangga d’yan sa likod ha? Uuwi na po kasi bukas si Isay. Baka gusto niya lang ng mangga,” paalam ko kay Mommy.
“Okay, basta mag-ingat ka ha?” paaalala niya sa akin.
Umakyat ako sa puno at kumuha ng marami. Sa hindi inaasahang pangyayari nagkamali ako ng tapak at nahulog ako. Medyo mataas ang pinaghulugan ko.
Kaagad naman akong dinala ni Mommy sa ospital. Buti na lang hindi naman masyadong malala, pero pina-confine pa rin ako ni Mommy para raw makasigurado. I-te-text ko sana si Isay na nasa ospital ako pero hindi ko makita `yung cellphone ko. Malamang kinuha na naman ni Mommy. Kay Xel ko na nga lang pasasabi pagnagpunta niya.
“Luh, puwede naman kasing magpapitas nagmamagaling pa,” pang-aasar sa akin ni Xel.
“`Wag ka na nga. Sinabi mo na ba kay Isay? Huwag ka nang gumawa pa ng kuwento ha? Alam mo namang hindi puwedeng ma-stress `yun,” paalala ko sa kanya.
“Oo, alam ko. Sige na magpahinga ka na. Uuwi na rin ako.” Tinanguan ko na lang siya at umalis na siya.
Pinsan ko talaga. Tinignan ko `yung cast sa paa ko. Medyo mabigat kaya nahihirapan akong gumalaw. Hanggang kailan kaya ako rito?
Kinabukasan, nagpadala ako ng wheelchair sa nurse dahil hindi ko na talaga kaya ang pagka-boring ko rito sa kuwartong ito. Bawal akong lumabas dahil `yun ang bilin ni Mommy. Kaya ako na lang ang gagawa ng paraan para makalabas.
Pagkalabas ng nurse ay kaagad akong bumaba at umupo sa wheelchair. Hinatak ko lahat ng unan at hinalera sa kama. Tinakpan ko rin ng kumot para magmukhang may tao.
Puwede na siguro `yan.
Pasimple akong lumabas sa kuwarto at nag-ikot ikot sandali. Pagbalik ko sa kuwarto nakita ko si Isay umiiyak.
“Gago ka Art. Iniwan mo kagad ako. Sabi ko uuwi lang ako ng seven days sa Palawan! Hindi mo na ako hinintay! Hindi ko pa nga nasasabing mahal din kita, e! Iniinis mo talaga ako, e. Hindi ko talaga alam kung bakit sa iyo pa ako nagkagusto, samantalang gwapo ka, ako hindi maganda. Matalino ka, ako average lang. Mayaman ka, ako maykaya lang? Ano ba nagustuhan mo sa akin?” napangiti ako sa naririnig ko. “Ang daya mo naman, e! Art, gumising ka nga d’yan, `wag mo akong iwanan. `Wag mo kaming iwanan.”
Lumapit ako ng konti sa kanya.
“Potek naman na buhay 'to oh? Bakit ang sakit? Bakit ang sakit sakit? Pagnagkita tayo Art sa kabila mababatukan kita,” gigila na sabi niya. “Art mahal kita… Mahal na mahal…”
Lalo akong napangiti sa narinig ko.
“Mahal na mahal din kita Isay,” sabi ko. Bigla siyang nataranta at tila hinahanap ako. “Sabi ko mahal na mahal din kita,” ulit ko sa sinabi ko. Napatingin siya sa akin. “Ikaw ha, mahal na mahal mo pala ako,” biro ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at sinuntok suntok ako sa dibdib ko. “Nakakainis ka,” sabi niya. Hindi niya tinigilan ang pagsuntok sa dibdib ko habang umiiyak siya. “Nakakainis ka!”
Pinigil ko `yung kamay niya at hinalikan ito. “Tahan na,” malambing na sabi ko. Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya. Kinurot niya `yung pisngi ko. “Aray, ano ba?” natatawang tanong ko.
“Buhay ka, sino `yung nasa kama?” pinatayo ko siya at hinatak ko `yung kumot sa ibabaw ng kama. Akala ko mapapamura siya dahil sa nakita niya. “Nakakainis ka talaga!”
“Napakaiyakin mo pala, `no?” natatawang sabi ko. “Isay,” seryosong tawag ko sa kanya. Napahinto ako. “Mahal na mahal kita.”
“Art…”
“Bakit kita nagustuhan? Kasi totoo ka sa sarili mo, hindi naman importante kung mayaman ka o ano. Wala din akong pakialam kung hindi ka sobrang talino. Ang importante sa akin, kung ano `yung talagang ikaw. Ikaw kasi `yung taong, walang pakialam sa itsura, hindi mo na kailangan magpapansin kasi mapapansin ka din naman kaagad,” paliwanag ko.
“Parang sinasabi mo naman na ang pangit ko kaya napapansin kaagad ako,” inis na sabi niya.
“Sino’ng nagsabing pangit ka? Ang sinabi ko lang, kahit hindi ka mag-ayos maganda ka. Kahit hindi ka mag-ayos mapapansin ka, tanga lang ang hindi,” huminga ako nang malalim, parang humuhugot ng lakas ng loob, “Isay…”
“Ah… Art okay lang ba na nand’yan ka?” pag-iiba niya ng usapan. “Sabi ni Xel, nasa critical condition ka daw. Kaya nga akala ko…”
“Na wala na ako? Gusto ko kasi magpahangin sa labas, kaya inayos ko `yung mga unan na gan’yan, hindi kasi ako papayagan ng mga nurse na lumabas ng kwarto, e. Saka anong critical? Nainjury lang `tong paa ko, dahil nahulog ako sa puno, balak ko kasing magdala ng manga sa inyo pag-uwi mo,” paliwanag ko.
Binatukan niya ako. “E, ayun naman pala, e, bakit lumabas ka? Mahiga ka nga dito!” utos niya. Ibinababa niya `yung bakal hawak niya kanina, at inalalayan niya akong makaupo sa kama.
“Isay,” malambing na tawag ko sa kanya. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. “Can you be my— AAAAH!“ hindi ko natuloy `yung sasabihin ko dahil nasanggi niya `yung paa ko na nakasemento.
“Sorry,” nag-aalalang sabi niya. Yumuko siya pero pinigilan ko ang mukha niya at hinarap sa akin.
“Look Isay,” nakangiting sabi ko. “Can you be my girlfriend?” tanong ko.
Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo nang marinig ko ang sagot niya.
“Yes.”