“Oy! Tulala ka na naman d’yan!” untag sa akin ni Ecka. Kaibigan ko siya pero magkaiba kami ng course. Tumingin siya sa tinititigan ko. Opo hindi ako tulala may tinititigan. “Sabi na, e! Dakila ka talaga.” Napatingin ako sa kanya, hindi ko gets, e.
“Anong dakila?” naguguluhang tanong ko.
“Dakilang tagasubaybay sa taong hindi ka naman pinapansin. E, mukha ngang hindi ka niya kilala, e!”
Tinapik ko `yung braso niya. “Uy! Kilala niya ako! Magkaklase kaya kami!” depensa ko.
“O, e, ano ngayon kung kaklase ka niya? Por que ba mag kaklase hindi na p’wedeng hindi ka niya kilala?” Inirapan ko lang siya, tapos tumingin na ulit ako kay Art.
Hay. Si Art, si Art na super guwapo! Peste lutang na naman yata ako. Bakit kasi may nilalang na ganito ka guwapo, e. Okay lang sana kung guwapo lang , e, kaya lang matalino rin. E, ako? Simpleng mamamayan at estudyante lang. Baka nga tama si Ecka na hindi ako kilala nito kahit kaklase ko pa siya sa ilang subject. Hay.
“Hala! Ang lalim ng buntong hininga mo d’yan, a! Si Art na naman ba?” Napatingin ako sa nag salita. Si Xel pala.
“Andyan ka na pala,” bati ko sa kanya.
Napaangat `yung isang kilay niya. “Kanina pa, napag-usapan na nga namin ni Ecka `yung about sa kanunununuan niya, e,” mapang-asar na sabi niya. Hindi ko na siya pinansin, asar talo lang ako, e. Tumingin na lang ulit ako kay Art. “Teka lang ha? Aalis lang ako, may susungkitin lang ako na guwapo.” Napatingin ulit ako kay Xel, nakatingin siya kay Art.
Hindi ko magets.
Sorry slow ako ngayon dahil lutang ang utak.
“Ah. Oh sige ingat,” natatawang paalam ni Ecka. Ako, dinedma ko na lang. Tinignan ko na lang ulit si Art.
Ang guwapo niya talaga!
Nakita ko si Xel naglalakad sa direction ni Art. Kinalabit ko si Ecka. “Ecka. Ecka. Si Art ba `yung susungkitin na guwapo ni Xel? Crush niya din ba si Art ha, Ecka?” Pinalo niya `yung kamay ko na walang tigil na
kumakalabit sa kanya.
“Tumigil ka na nga sa kakakalabit. Siguro, ano’ng malay k— Oh! Shocks!” Napa ‘ouch’ naman ako sa nakita namin. Lakas nang pagkakabunggo nung lalaki kay Xel. “Okay lang kaya si Xel?” nag-aalalang tanong ni Ecka.
“Siguro? Hindi naman na niya pinansin `yung lalaki, e. Tignan mo,” tinuro ko si Xel, “Nilagpasan na lang niya.” Kumunot `yung noo ko nang nakarating na si Xel sa puwesto ni Art. Nag-usap sila sandali tapos nakita naming ngumiti si Art at tumingin sa direction ko? Namin? Tapos kumaway pa. s**t! Spell kilig? I-S-A-Y!
Can I just die? As in now na?
***
“Hala ka, hindi siya nakaget over,” pinalo ako ni Ecka sa balikat, “Hoy! Last week pa `yan nangyari ah? Ulit na naman?”
Oo na, alam ko naman na last week pa nangyari `yung kaway kaway ni Art, pero naman kasi! Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.
“Patay tayo d’yan, mukhang napasama pa `yung ginawa ko ah?” natatawang sabi ni Xel. Nag-apir sila ni Ecka tapos nagtawanan.
“Ayos nga, e. Tignan mo hindi siya makausap nang maayos. Medyo tahimik tayo,” sagot naman ni Ecka. Nag-apir ulit sila.
“Ah gano’n?” inis na sabi ko, “Oh sige. Hindi ko na kayo kakausapin. Ayaw niyo pala nang mainggay, e.” Tumalikod ako sa kanila. Kunwari nagtatampo. Naramdaman ko na lang na may bumatok sa akin. “Aray! Makabatok `to,” nakasimangot na sabi ko sa kanila.
“Pa-sensitive pa `to,” natatawang sabi ni Ecka, “Hindi bagay.” Dinilaan ko lang siya. “Uy! Si Art, oh!” Napatingin ako sa tinuro niya. Papasok na sa Chemistry room namin si Art.
“Hala! Late na pala ako. Takte!” hinablot ko lahat ng gamit ko, “Bye girls maya na lang ulit!” Tumakbo na ako papunta sa room. Buti na lang nakita ko si Art kundi malamang sobra ang late ko. Ayaw pa naman ni Mr. Dimaculangan ang late sa klase niya.
“Mr. Sanchez and Ms. Guinto, Anong oras ang klase natin?" tanong ni Mr. Dimaculangan.
“One o'clock sharp po,” sabay naming sagot ni Art.
“And anong oras na?” tanong pa ni Sir. Napatingin ako sa relos ko.
“9:39 po,” sabi ko.
“1:10 po,” sabay na sabi ni Art.
“Ms. Guinto, mukhang alam ko na kung bakit ka na late. Now, since kayong dalawa na lang ang wala pang partner para sa lab project niyo. Kayo na ang magkapartner. Take the seats at the back!” galit na sabi niya.
Grabe spell hiya? I-S-A-Y! Grabe lang huminto na naman `tong loko
loko kong relos. Tsk. Tsk.
“Malas naman,” bulong ko. Hindi malas dahil katabi ko si Art ha? Gusto ko na nga mamatay sa sobrang kilig, e. Kaya lang kasi hindi ko suot ang contact lens ko at wala akong dalang salamin. K, wrong timing lang `tong si Sir. Near sighted pa naman ako. Paano kaya ako magelecture?
“You're saying something?” Napatingin ako kay Art.
OMG! Kinakausap niya ba ako? Ako talaga? As in ako? Si Isay?
“Miss?” tawag niya pa.
“Ah... Ah... Wala... Uhm... Ano nga `yun?” naguguluhang tanong ko. Fail. Grabe lang nawawala ako sa sarili ko. Napayuko na lang ako. Pero naramdaman ko na ngumiti si Art. Hindi ko alam pero sure ako na ngumiti siya.
“Okay class, remember next week ang pasahan ng written report about sa nabunot niyo for your lab project. Okay, dismiss.”
Nagpahuli na akong lumabas, kasi late na nga ako tapos mangunguna pa akong lumabas nahiya naman ako sa sarili ko. Nung medyo... Uhm siguro eight na lang kami sa room, bigla kong napansin na nasa tabi ko pa pala si Art. Sorry, hindi ko talaga siya napansin na nandun pa siya. Usually kasi lagi siyang nag papaunang lumabas. Pero syempre kunwari lalabas na ako kahit ang totoo ayaw ko pa lumabas. Naglakad na ko papunta sa pinto.
“Sharmaine,” tawag ni Art. Sure ako na siya `yun dahil sigurado akong boses niya `yun. Teka, titingin ba ako? Ako ba `yung tinatawag niya? Nyeh, baka iba `yun? Sige magtutuuloy tuloy lang ako pag tinawag niya ulit ako, saka lang ako titingin. “Sharmaine Pamela Guinto...” Yes! Ako nga! Kilala niya ako? In fairness alam niya buong pangalan ko. Tumingin na ako.
“Yes?” sabi ko sa kanya pagharap ko. Inabot niya sa akin `yung I.D. Pagtingin ko. I.D ko pala.
“Nakalimutan mo,” serysosong sabi niya at nilagpasan na niya ako.
“Eh? Ang labo...?”
***
“Talaga? Kilala ka niya? Akala ko pa naman you don't exist in his world,” sabi ni Ecka at sinabayan niya pa ng nakakalokong tawa.
“Ecka naman, e! Sinisira mo `yung momentum ko. Oo nga kilala niya ako, at take note. Alam niya ang full name ko. Saan ka pa?” pagyayabang ko sa kanya.
“Dito sa upuan ko? Saan pa ba?” Akmang babatukan ko siya nang makita ko si Xel naglalakad hindi kalayuan sa amin, kasama niya si Art.
“Napapadalas sila, a,” wala sa loob na sabi ko.
“Sinong sila?" tinignan ni Ecka `yung tinitignan ko, “Ah, alam ko
may project sila together, e. Though hindi ko pa alam `yung full details kasi wala pa namang sinasabi sa `tin si Xel...” Napahinto sa pagsasalita si Ecka kaya napatingin ako sa kanya. `Yung tingin niya sa `kin parang may bigla siyang na-realized. “Don't tell me nagseselos ka?” Pinalo ko siya sa balikat.
“Uy hindi ah!” todong tanggi ko. Pero sa totoo lang, medyo nagseselos ako. Kasi naman, super dalas na talaga, tapos hindi pa nagkukuwento si Xel kung ano’ng mayroon between them.
“Iba sinasabi ng bibig mo sa sinasabi ng mukha mo.” Napayuko at umiling iling na lang siya.
Masyado ba talagang halata na nagseselos na ko? Pero kasi wala naman ako karapatan magselos, `di ba?
“Sharmaine?” Napatingin ako sa tumawag sa `kin.
Can I die?
“A-A-Art... Bakit?” nauutal na sagot ko sa kanya. Ngumiti siya! s**t! Confirm kilala niya talaga ako!
“Ikaw `yung lab partner ko, `di ba?”
Love? Love partner? Kailan pa? Napapa-oo na ba niya ako ng hindi ko na mamalayan?
“Kailan pa?” Naguguluhang tanong ko. Ngumiti na naman siya. s**t! Ano ba?! Hindi ko talaga maalala!
“Kanina lang? Sa Chemistry class? Remember?”
“Oh my... Sino unang nagtapat? Ako ba?” hindi mapakaling tanong ko.
Napanganga siya ng ilang segundo. “What? What confess are you talking about? Sure ka bang ako kausap mo?” taas kilay na tanong niya. Napatingin siya sa likuran niya. “Wala namang ibang tao dito.” Hinawi niya `yung buhok ko sa bandang tenga. Lakas ng t***k ng puso ko. Sabik sa bawat susunod na mangyayari. “Wala ka din namang headphone. Kinakausap mo sarili mo?”
“Ah... Eh... Ano nga ba ulit `yun?” nahihiya kong tanong.
Napailing siya. “Ikaw `di ba `yung laboratory partner ko?” paglilinaw niya.
Failed. Laboratory pala. Bakit kasi Lab ang short term ng laboratory? Nakakahiya.
“Ah, ako nga. Bakit?” mahina kong sagot.
“Uhm. Excuse lang ha? Puntahan ko lang si Xel, you two can take your time.” Abot hanggang tenga `ung ngiti ni Ecka parang timang.
“Well I just thought we need to talk about our written report?”
“Ah. Oo nga pala, wala akong dalang laptop ngayon. Paano ba `to?” Pumitik siya, pitik nga ba tawag dun? `Yung may tunog? Ah basta `yun!
“We can go to my condo if you want. I have my laptop there, may desktop din. We can both work para mas mabilis `yung paggawa natin.” Napanganga ako sa sinabi niya. “Don't worry, ako lang mag-isa sa condo ko, and malapit lang naman dito `yun. You can bring Xel and the other girl if you want,” sabi niya sabay turo do’n sa dalawa.
“Wait, kausapin ko lang sila ha?” paalam ko. Iniwan ko muna siya pagkatapos niyang tumango sa `kin. Sinabi ko dun sa dalawa `yung plano ni Art. Kulang nalang sabunutan ako sa sobrang kilig nilang dalawa. “Ano sasama ba kayo?”
“Ako, okay lang. Wala naman akong gagawin, e. Pati, tapos na klase ko for today. Ikaw Xel?”
“Okay lang din, ay wait may naisip ako,” sabi niya at malanding tumawa. Nag bulungan silang dalawa. Nagpalitan sila sandali nang tingin. “Game?”
Ngumisi si Ecka. “I like that. Game!”
“Uy! Ano `yan?” kinakabahang tanong ko. Tumatawang umiling lang `yung dalawa. “Oy kayo ah!”