Fall Two: Dokidoki feelings

1704 Words
“Oh my... Art may virus `yung desktop mo!” sigaw ni Ecka, siya kasi `yung unang nagbukas. Makikifacebook lang daw saglit. Nagmamadaling lumapit si Art kay Ecka. “What?! Ano ba’ng ginawa mo?” Okay hindi siya galit, more on worried. “I just open it, wala pa nga akong pinipindot, e. I'm sorry,” malungkot na sabi ni Ecka. “Okay lang,” huminga siya nang malalim at saka tumingin sa akin. “Sharmaine okay lang if sa laptop na tayo gumawa? Magsalitan na lang tayo,” suggestion niya. Tumango na lang ako. Wala namang ibang choice, e. “Ecka, don't worry hindi ako galit. I'll bring that na lang bukas sa Apple store,” sabi niya at saka ngumiti. “Ako na lang, it's my fault naman, e. I'll just pick it up tomorrow morning,” malungkot pa rin na sabi niya. Nasabi ko bang bigtime `tong mga kaibigan ko? Hindi ba? Sorry. “You sure?” tanong ni Art. Tumango si Ecka, tapos nung pumasok si Art sa kwarto niya para kuhanin `yung laptop niya may hinugot si Ecka sa desktop ni Art. Hindi ko lang nakita kung ano. Nag-apir sila ni Xel. “It always come in handy,” nakangising sabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, `yung guilty face niya kanina nawala. I'm sure may plano or ginawa `tong dalawa. Tinignan ko siya nang masama. “Ano'ng ginawa mo? You put virus on it?” taas kilay na tanong ko. Umiling siya. “I can't do that.” Tinignan ko siya nang tingin na nagdududa. Hindi man computer related ang course ni Ecka pero I know marami siyang alam when it comes to it. “Promise,” sabi niya sabay taas pa ng kanang kamay. Magsasalita pa sana ako pero biglang bumalik na si Art. “You can use it first. Mag-order lang ako ng food natin,” sabi niya at binaba na niya `yung laptop sa center table. “Xel, veggies?” Napatingin ako kay Xel. Nakangiti siya tapos tumango. Teka ganun sila ka-close? At alam ni Art na veggies lang ang kinakain niya? Pag kaalis ni Art napansin ni Xel na nakatingin ako sa kanya. “What?” tanong niya sa akin. “Gaano kayo ka-close?” kunot-noong tanong ko. “We're cousins kaya medyo super close kami,” nakangiting sagot niya. “WHAT?!” gulat na tanong ko, “Seryoso?! Bakit hindi mo kagad sinabi sa akin?!” “You didn’t ask,” sagot niya sabay kibit-balikat. “Hey, Art. Don’t mind the food. Mag-mall na lang kami ni Ecka, dalin na din namin `yung desktop mo para ma-check up na.” “Okay, if that’s what you want. Mag-ko-commute kayo?” “Nah, may phobia ako sa pag-ko-commute, e. Can we just barrow your car? May license na naman si Ecka.” May kung ano siyang kinuha sa mga sabitan niya sa kitchen. Susi pala. Binato niya ito kay Xel. “Take care, okay? Tawagan na lang namin kayo kapag tapos na kami dito.” *** Hindi ako makapag concentrate, kanina pa kami gumagawa ng project namin pero sa iba na pupunta `yung pag-iisip ko. Masyado siyang malapit sa `kin. Sa sobrang lapit nararamdaman ko `yung paghinga niya... Nakakatakot baka naririnig niya `yung ingay sa loob ng ribs ko. “Are you okay?” tanong ni Art. “Medyo na mumutla ka. Kanina ka pa mukhang uneasy simula nung umalis sila Xel and Ecka. Something wrong?” Umiling lang ako, tapos tinuro na lang `yung laptop. Parang sinenyas ko na ituloy na lang namin yung ginagawa namin. Nakakainis talaga sila Xel. Sabi nila sasamahan nila ako tapos bigla silang umalis. Tama `yun, e. Pero duda talaga ako dun sa virus ek-ek nila, e. Tss. Baka talaga may kinalikot lang si Ecka dun. Kahit kailan talaga ang dalawang iyon. Sana lang makatulong `tong ginagawa nila sa pagsinta ko kay Art. “Sure ka bang okay ka lang? Hindi ka naman nag-ko-concentrate, e,” tinignan niya ako ng may halong duda, “Aminin mo, naiinggit ka kila Xel kasi nag-mall sila, `no?” Umiling ako. “Hindi, `no! Hindi naman ako mahilig mag-mall, sila lang `yun. At saka hindi ko naman afford mag-mall, `yung katulad ng malling na ginagawa nung dalawa na `yun.” Winewave ko pa `yung kamay ko sa harapan niya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla siyang ngumiti. Napangiti na lang din ako. Syet! Puso ko. May dokidoki feelings talaga! Dokidoki : mabilis na pagtibok ng puso> “Let's have a break muna, pahinga ko lang `yung mata ko,” sabi niya at saka tumayo. Pumasok siya dun sa rest room sa kusina nung condo niya. Ang ginawa ko naman, kinalikot ko `yung files niya sa laptop niya. Hindi ako pakielamerang tao pero, may something sa `kin na nagtutulak para buksan `yung mga files niya. “Hmm... ZART?” Ano kaya `to? Kakaiba kasi `yung name niya, most of the files puro school related. In-open ko `yung folder na “ZART” pag open ko puro picture niya na may kasamang magandang babae. Ang ganda nung babae, ang layo layo nung itsura sa akin. Ganito siguro `yung mga gustong babae ni Art. Bigla akong nalungkot sa naisip ko na iyon. “Are you okay?” Nagulat ako nung makita ko na papalapit na si Art sa puwesto ko, agad agad kong isinara `yung folder at pasimpleng tumango tango ako. Medyo kinakabahan kasi akong sumagot. “Ah... Oo, okay lang ako. Ang dami na pala nung nagawa natin,” palusot ko. Kunwari ini-scroll ko `yung ginawa namin, pero ang totoo wala dinadaanan lang nang tingin ko. “Past five na pala, gusto mo sumunod na tayo kila Xel? Kain na din tayo ng dinner? Puwede na naman natin ituloy `yan bukas, since madami na nga tayo nagawa and next week pa naman ang pasahan niyan,” nakangiting sabi niya. “E, `di ba may photoshoot kayo ni Xel? Kaya nga tayo gumawa ngayon, `di ba?” “Bakit alam mo `yun?” nakangiting tanong niya. “Anyway, okay lang naman, hindi naman masyadong matagal `yun. Siguro mga 1-2 hours lang `yun.” Tumango tango na lang ako. Inayos niya na `yung laptop niya, s-in-ave niya na `yung mga nagawa na namin. “Pasok ko lang sa room ko ha?” paalam niya. Tumango lang ako. Pagkapasok niya sa kuwarto nag-ayos naman ako ng sarili ako. Medyo na lukot `yung pantalon ko dahil sa pagkakapuwesto namin sa sala nila. Pero okay lang, hindi naman ako masyado affected sa itsura ko. “Okay lang ba kung mag salamin ako?” Napatingin ako sa kanya, nakasalamin nga siya, pero hindi `yung salamin na pangporma. `Yung salamin na may grado. “E? Malabo mata mo?” gulat na tanong ko. Ngumiti na naman siya. Shit! Art, `wag gan’yan! Mahina puso ko! “Oo, nag susuot lang ako ng contacts pag nasa school. Sabi kasi ng manager namin ni Xel, e.” Tumango tango ako, hindi ko na malayan nagsalita na pala ako. “Bagay naman sa iyo kahit nakasalamin ka, e. Mas gwapo ka pa nga tigna—“ Bigla kong natakpan `yung bibig ko. Ang daldal ko talaga. Napayuko ako, nakakahiya. Narinig ko siyang tumawa, napatingin ako. “Lagi kong naririnig sa iba `yan, pero bakit nung ikaw nagsabi parang ang sarap sa pakiramdam?” Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa niya, ako naman hindi ko talaga magets kung ano nakakatawa dun. Nakakahiya! “Tara na nga! Mag-ko-commute pa tayo!” aya ko sa kanya. Sinuot ko na `yung bagpack ko, tapos nag martsa ako palabas ng condo niya. “Tss! Ano ba `yun! Pinagtawanan ako!” mariing bulong ko sa sarili ko pag kalabas ko. “Miss, hindi po ako marunong mag commute.” Nagulat ako ng biglang nag pop `yung mukha niya sa gilid ng mukha ko. Natawa na naman siya. “Cute.” Ako? Ako ba `yung cute? “Lalo ka pang naging cute! Tara na nga, may motor ako sa baba.” Hinawakan niya `yung kamay ko at hinatak ako papuntang elevator. Shit! Hawak niya `yung kamay ko. Hindi ko `to huhugasan. Hindi niya binitawan `yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa parking lot ng condo niya. `Yung puso ko nagririgidon na. Sobrang lakas ng kabog. Iba na talaga ito. “Suot mo `to.” Binitawan niya `yung kamay ko at inabutan ako ng helmet. “Sigurado ka bang magmomotor tayo? Okay lang sa akin na mag-commute ako,” sabi ko. “Hindi nga po ako marunong. Maliligaw ako,” ngumiti siya, “Don’t worry hindi pa naman ako nadidisgrasya.” Sumampa na siya sa motor niya at nagsuot nang helmet niya. “Sakay na, ako ang bahala sa iyo.” Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na rin. “Humawak ka nang mahigpit.” Humawak ako sa makabilang balikat niya. “Hindi d’yan,” hinawakan niya `yung dalawang kamay ko at ibinaba sa bewang niya, “Dito.” “S-Sure ka?” kinakabahang tanong ko. “Oo,” ini-start na niya `yung motor, “Hawak nang mahigpit, ha?” Nagulat ako nang humarurot siya bigla kaya bigla akong napayakap ng todo sa bewang niya. Hindi ko na alam kung bakit tumitibok ng sobrang bilis `yung puso ko. Dahil ba `to sa pananantsing ko kay Art o dahil sa kaba na baka may hindi magandang mangyari sa amin? Bahala na nga! Lulubusin ko na lang `tong moment na ito, baka bigla akong magising, e! “We’re here.” Nagulat ako nang bigla huminto na kami. Tapos na? Wala nang yakap yakap? Dahan dahan kong inalis `yung pagkakayakap ko sa kanya. Bago ako tuluyang bumaba, hinawakan niya `yung isang kamay ko at inalalayan ako sa pagbaba. Gentleman! Plus pogi points! “Salamat,” nahihiyang sabi ko sa kanya. Tinanggal niya muna `yung helmet niya at saka ako hinarap. “You’re welcome,” nakangiting sabi niya. Inalis ko `yung helmet at inabot ko sa kanya. “Nagulo `yung buhok mo,” puna niya. “Hayaan mo na siya,” walang kemeng sabi ko. Ngumiti siya. Bakit feeling ko ang haba ng hair ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD