“Si Art Sanchez `yan, `di ba?” bulong nung isang babae. Bahagyang napayuko ako. “Sino `yung kasama niya? Girlfriend niya ba?”
“Gaga, mukha bang girlfriend? Baka katulong?” sabat naman nung isa. “Sure akong katulong `yan.”
“Baka nga, tignan mo naman ang itsura oh.”
Napatingin ako sa itsura ko. Ayos lang naman, a? Ano ba ang masama sa t-shirt at pants? Psh. Lumayo ako ng konti kay Art at nakayukong naglakad. Nakakahiya. Gano’n ba ako kapangit para sabihin nilang katulong ako ni Art? Sumulyap ako sa kanya ng konti. Sabagay kung kasing guwapo naman ba nito ang kasama ko baka nga mapagkamalan akong katulong sa itsura ko na ito.
“Uy, bakit ang layo mo?” Napatingin ako kay Art. May isang dipa na ang layo namin sa isa’t isa. “Kasama mo ako, baka nakakalimutan mo,” natatawang paalala niya at lumapit siya sa akin. Lumayo naman ulit ako.
“Keep distance, please,” sabi ko at pinigil siya.
Kumunot ang noo niya at naniningkit ang mga matang tinignan ako. “Why should I keep my distance?” may bahid ng inis sa tono ng boses niya.
“E, kasi… Ano…” nag-paikot-ikot `yung tingin ko sa kung saan saang parte ng mall.
“Don’t mind them, okay? Hindi naman totoo `yung sinasabi nila. Inggit lang `yan dahil kasama mo ako,” inabot niya sa akin `yung kamay niya, “Tara nasa P. Fashion daw sila Xel, sabay sabay na tayong mag-dinner.”
“Hahawakan ko ba `yung kamay mo?” naguguluhang tanong ko.
Tinignan niya saglit `yung kamay niya at saka binawi. “No,” mahinang sabi niya at nag simula na ulit na maglakad. Sinundan ko na lang siya.
Pagdating namin sa P. Fashion na abutan naming may kausap or rather nakikipagtalo si Xel sa kausap niyang lalaki.
“Sino `yang kaaway ni Xel?” tanong ko kay Ecka na natatawa lang na nanonood sa dalawa.
“`Yung lalaking laging nakabunggo kay Xel,” kinikilig na sagot niya.
“Siya `yun? Guwapo sa malapitan, ha? Ano pinag-aawayan nila?” Nagkibit balikat lang siya. “Xel,” tawag ko.
“Ano?!” inis na balik niya sa akin, “Isay, ikaw pala `yan. Ito kasing bakulaw na ito pinaiinit ulo
ko.”
“Ayos ka lang?” natatawang tanong ko. Tinignan ko `yung lalaki. In fairness, guwapo nga talaga at matangkad. “Hi!” bati ko sa kanya, “Isay,” pakilala ko sabay alok ng kamay ko.
“Zeik,” sagot naman niya sabay abot sa kamay ko. “How can you tolerate her annoying voice?” mahinang tanong niya sa akin.
“Sana kapag bumubulong `yung hindi ko naririnig,” inis na sabi ni Xel, “Art, tara na nga, ilibre mo kami ng dinner. Ginugutom ako nitong bakulaw na ito, e.”
“How dare you call me bakulaw?” inis na tanong ni Zeik.
“Do you even know what bakulaw means?” natatawang tanong ni Art.
“No, but base on how she said it, I’m pretty sure it’s negative. She’s probably insulting me,” sabi niya sabay buntong hininga.
“Wow,” tumingin si Art kay Xel, “Couz, sagutin mo na, `to. I think bagay kayong dalawa,” mapang-inis na sabi niya.
“Huh! As if,” kinuha niya `yung mga paperbag niya at hinablot na ang braso namin ni Ecka, “Let’s go, girls. Lalo lang ako nagugutom. Sinabayan pa ng topakin kong pinsan.”
***
“You and me, sitting on a tree K-I-S-S-I-N-G~ Hey day dreamer~” Kanta ko, habang nakatambay kami dito sa verandah ng kwarto ni Xel. Wala, inspired lang ako ngayon. Hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kahapon.
“Sayang `yung ganda nung panahon, ay bakit gano’n? Parang dumidilim na?” pang-aasar ni Ecka. Babatukan ko na sana siya kaya lang nakaiwas siya. “Nakasampong ulit ka na yata sa kakanta niyang Hey Day Dreamer na `yan,”
“What ever, mainggit ka,” walang pakeng sabi ko.
“Pero `yung totoo, bakit mo ba paulit-ulit na kinakanta `yan? Si Art na naman?” tanong ni Xel. “May hindi kinukuwento `yang si Isay. Ano nangyari nung iniwanan namin kayo kahapon?”
“Wala,” nakangiting sagot ko sa kanila.
“Hala, wala raw,” hindi makapaniwalang sabi ni Xel.
“E, kasi ano… Nayakap ko siya kahapon,” kinikilig na kuwento ko, “Kaya lang napagkamalan akong katulong nung mga nakakita sa amin. Sino nga naman ba ang hindi makakaakala na hindi ako katulong pagtumabi ako sa kanya?” huminga ako nang malalim, “Kahit sa iyo nga
lang Xel, pagtumabi na ako para mo na akong PA.”
“Dapat ang kinakanta ni Isay ay `yung... Langit ka, lupa ako~ Hanggang tanaw na lang ba tayo~” kanta niya. `To talagang si Ecka panira ng moment. Hindi na ko sumagot. Medyo nakakainis kasi, e. Inaasar na naman nila ako, dahil sa pagsinta ko kay Art. Tsk.
“Tignan mo`to hindi na mabiro,” singit ni Xel.
“Pinapatawa lang kita, Isay!” sabi ni Ecka. Nginitian ko na lang siya.
“Lakas talaga ng tama mo sa pinsan ko, `no? Ay ay may papakita ako.” Pumasok siya sa kwarto niya tapos may kinuha. Malamang may ipapakita nga siya, `di ba? Hahaha. Pagbalik ni Xel may hawak siyang photo album. “Dali tignan mo `to.” Tinignan ko. Puro picture ng isang cute na batang lalaki. Don't tell me si... “Si Art `yan.” Kinuha ko `yung photo album tapos lumayo ako ng konti sa kanila, ako muna ang titingin. Heheh. Ang cute cute niya pala nung bata pa siya.
Matagal kong tinignan bawat pahina ng photo album. Parang kinakabisado ko `yung bawat sulok nung mukha niya. Mula pagkabata niya nando’n sa photo album, feeling ko tuloy nasubaybayan ko `yung pag laki niya.
“Xel—“ Napahinto ako sa pag tawag ko kay Xel nung makita ko `yung sumunod na picture, si Art kasama niya `yung babae dun sa pictures sa ZART sa laptop ni Art. Biglang sumikip `yung dibdib ko. Hindi ko alam pero parang nasaktan talaga ako.
“Oh, may picture pa pala d’yan si Zarah akala ko natanggal niya na.” Kinuha na niya `yung photo album tapos tinanggal niya `yung picture nung Zarah. Gusto ko siyang tanungin kung sino si Zarah at bakit kailangan tanggalin `yung picture niya dun sa photo album pero pinanghihinaan ako ng loob. Natatakot ako sa isasagot sa `kin ni Xel.
“Xel.” Napatingin kami sa pinto, si Art, lalong sumikip `yung dibdib ko. Hindi maganda pakiramdam ko sa mangyayari. “Nandito daw si Sharmaine, ayain ko na siya gumawa ng project.”
“Uy Art! Sakto,” inabot niya `yung picture. “Here.” Kinuha naman ni Art `yung picture pagtingnin niya, parang medyo hindi naging maganda `yung itsura nung mukha niya. `Yung facial expression niya galit, pero parang may sorrow sa mga mata niya. Walang sali-salitang lumabas siya sa kuwarto ni Xel.
Sino kaya talaga `yung Zarah na `yun?
“Xel, bakit gano’n `yung naging reaction ni Art nung nakita niya `yung picture nung Zarah?” tanong ni Ecka.
“Ah, si Zarah kasi `yung girlfriend niya.” Napakunot `yung noo ko. Akala ko ba walang girlfriend si Art? Parang may pana na tumama sa puso ko. Ang sakit. “Noon. Girlfriend niya noon. Pero nung mawala kasi si Zarah hindi naman sila nagkaroon ng clear na break up kaya ang iniisip ni Art hindi pa sila break. Kaya nga hanggang ngayon ginagamit niya pa din `yung ZART na pangalan.”
“Ano `yun? Zarah plus Art equals ZART? Uso ba `yun dati?” natatawang tanong ni Ecka. “Until now hindi pa siya nagmomove on? Iniwan na pala siya nung Zarah, e,” dagdag niya pa.
“Hindi naman gano’n kadali `yun, e. Nawala si Zarah ng walang paalam, tapos na balitaan na lang namin na ayun kinuha na pala siya ni Lord. Masakit `yun para kay Art. Sabi nga ni Mommy, baka medyo matagalan pa sa pag momove on si Art kasi 15 lang siya nung nangyari `yun. Sabihin na natin na emotionally ready na siya, pero mentally hindi pa. Parang gano’n iniisip na lang niya na mahal niya pa si Zarah pero ang totoo utak na lang niya `yung nag-iisip ng gano’n,” paliwanag ni Xel.
Sa haba nang sinabi ni Xel, parang wala akong naintindihan. Pero nalulungkot ako. Gano’n pala ang nangyari sa kanila nung Zarah. Gusto kong matuwa kasi `yung akala ko kasing karibal ko wala na pala, pero hindi ko makuhang matuwa dahil nasasaktan ako dahil nag-sasuffer pala si Art ng gano’n.
“Pero, tuwing nakikita ko si Art parang hindi naman niya nararanasan `yun. Kasi iba siya sa school, e,” sabi ni Ecka, “Cool lang siya sa school, pala ngiti rin, hindi talaga halatang may pinagdadaanan siya.”
“Siguro, medyo nakakatulong `yung therapy na ginagawa ni Mommy sa kanya.” Psychiatrist nga pala si Tita Liz, Mommy ni Xel. “Isay, okay ka lang?”
“Huh? Ah. Oo, okay lang ako,” inabot ko `yung baso sa table tapos uminom ako, “Grabe pala `yung nangyari sa kanya `no? Pero mas grabe ka Xel, dapat hindi mo na binigay `yung picture ni Zarah kay Art. Nagalit yata.” Nagkibit balikat lang si Xel, parang wala lang sa kanya `yung ginawa niya.
“Normal `yung pinsan ko, ha? `Wag sana mabago `yung tingin mo sa kanya dahil dito, I still like you to be his girlfriend,” sabi niya sabay kindat sa akin. “Uhm by the way, may photo shoot ulit kami bukas punta kayo ha?” Tumingin siya kay Ecka at kumindat.
“Hoy! Ano na naman `yan?” tamang hinalang tanong ko.
“Secret,” sabay nilang sabi.
Ano na naman kaya plano nila? Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Sigurado akong hindi ko ikakatuwa ang mangyayari bukas.