Fall Five: Pagpapaganda

1878 Words
Tinignan ko nang masama sila Ecka at Xel nang magkita kami. Hindi sila nagsasalita, tinititigan lang din nila ako. “Blooming ka ngayon,” puna sa akin ni Ecka. “Tigilan mo po ako,” walang ganang sabi ko, “Baka may gusto kayong ipaliwanag sa akin?” tanong ko. “Ako wala, ikaw ba Ecka?” tanong ni Xel. “Ako? Ipapaliwanag ko kung bakit blooming si Isay? Hindi ko alam kung paano,” natatawang sagot niya. “Seryoso? Lokohan na tayo ngayon?” inis na tanong ko. “Si Art, o!” Mabilis na napatingin ako sa tinuro ni Xel. “`Yan ang dahilan kung bakit siya blooming.” Tinignan ko siya nang masama. “Trip niyo talaga akong dalawa, `no?” “Bagay naman kasi kayong dalawa, e,” sabi ni Ecka. “Bagay? Hindi kaya, pagtumabi ako sa kanya mukha akong katulong,” nakasimangot na sabi ko. “Matuto ka kasing mag-ayos, tignan mo sarili mo,” hinawakan niya `yung buhok ko, “Hindi ka nagsusuklay kahit ang gulo gulo nang buhok mo.” Hinawi ko `yung kamay niya. “Ayan na naman tayo sa buhok ko, ano ba’ng masama sa buhok ko?” “May klase ka pa ba?” biglang tanong ni Ecka. “Wala na, bakit?” Automatic na tumaas kagad ang kilay ko. “Kung may pinaplano na naman kayo, utang na loob, huwag na.” “Magpapasama lang kami sa salon, magpapagupit lang ako,” sagot niya sabay ngiti. “`Yang ngiti mo na `yan,” tinuro ko siya, “Minsan hindi napagkakatiwalaan.” “Grabe, masyado kang tamang hinala. Hindi ba puwedeng magpapasama lang talaga ako sa iyo?” natatawang tanong niya. “Oo nga, Isay,” tumayo si Xel at hinawakan na ako sa braso, “Halika, samahan na natin si Ecka.” “Sasamahan lang talaga, ha?” paglilinaw ko. Sabay silang ngumiti at tumango. Ngayon pa lang, sigurado na ako na may pinaplano ang dalawang ito. Tsk. *** “Ateng! Ikaw na ang bahala sa kanya, ha?” sabi ni Xel sa baklang beautician at pinagtulakan na nila ako. “Sabi ko na, e!” inis na sabi ko. “Ano na naman, `to?” “Ecka and Xel’s Operation Make Him Fall for you,” kinikilig na sabi nila. “Seryoso? Tingin niyo dapat pinipilit natin na magkagusto siya sa sa akin?” napailing-iling ako, “Hindi ko sure kung paano ko kayo naging kaibigan, sigurado naman akong hindi ako baliw.” “Hala ka nagmamalinis,” natatawang sabi ni Xel, “Sa atin kayang tatlo sino ang baliw? Ang baliw na baliw kay Art?” Sinenyasan niya si Ateng. “Hala sige! Simulan nang pagandahin si Isay!” Bigla na lang akong nakulong sa isang kuwarto kasama `yung Ateng na magpapaganda kuno sa akin. Inabutan niya ako ng bathrobe. “Hubad,” utos niya. “Seryoso?” nagtatakang tanong ko, “Kahit sabihin nating pareho na tayong may dibdib,” tinignan ko `yung halos lumuwa ng dibdib niya, ang laki! “Beki ka pa rin. Alam mo `yun? Half half ka pa rin,” mahinang sabi ko. “Arte,” tumalikod siya, “Hala sige na, dalian na.” Ginawa ko nang mabilis `yung inutos niya. Sinuot ko kagad `yung bathrobe. Sinimulan niya akong ahitan ng kilay. Akala ko tatanggalin niya lahat. Kinabahan ako. Huhuhu. Sinunod niya `yung binti ko. Naglabas siya ng mga gamit pang-wax. “Wait!” pigil ko sa kanya. “A-Anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ko. “I-wa-wax `tong binti mo, binti ng lalaki, e!” maarteng sabi niya. “Aba! Bastos ka, makalait `to!” inangat ko `yung binti ko at tinignan `yung sinasabi niyang binti ng lalaki, “OA, hindi naman gano’n kadami `yung balahibo ko, a!” bulong ko. “Dalian mo at isusunod pa natin `yung kili-kili mo.” Ngumisi ako sa kanya. “Uh uh,” nag-no sign ako sa kanya, “Makinis kili-kili ko, sa lahat `yan ang ipinagmamalaki ko,” mayabang na sabi ko. “Ay!” Bigla niyang hinatak `yung binti ko at pinahiran na nung wax cream ba `yun? “Ateng, please `wag! Masakit `yan, e!” angal ko. “`Wag ka na magreklamo, para kasing kinis na rin `to ng kili-kili mo,” dinikit na siya `yung parang tape, “Ayaw mo no’n dalawa na ang maipagmamalaki mo!” At walang sabi sabing hinatak niya `yung tape. “AAAHHH! Shiiiiit!” sigaw ko. Ngumiti nang nakakaloko si Ateng habang tinitignan niya ako. “Ate, ayaw ko na, masakit, e.” “Hindi puwede,” parang batang nang-aasar na sabi niya. Dinikitan niya ulit ng tape `yung iba part ng binti ko. “Pag hindi ko `to hinatak, hindi mapapanta—“ “AAAAAHHH!” naiiyak na sigaw ko. “Ate, hindi ba puwedeng huwag biglaan?” pinunasan ko `yung luhang kumawala sa kaliwang mata ko, “Masakit talaga, e.” Makalipas ang ilang beses na sigawan at iyakan sa loob. Pinalabas na niya ako. Feeling ko hindi ako makakalakad, tapos `yung binti ko feeling ko wala. Ibang iba `yung pakiramdam. Pag may hangin na tumatama para akong nagkakaroon ng kung anong kiliti. Nakakainis. “Kamusta?” sabay na tanong nung dalawa. “Nilapastangan niya ako, mga bebelabs,” mangiyak ngiyak na sabi ko. “Next na, Ateng,” parang walang narinig na utos ni Xel sa baklang lumapastangan sa akin, “Trim mo lang `yung buhok niya, split ends lang naman ang problema niyan, e.” “I-hot oil mo na rin, hindi kasi `yan masyadong mahilig magsuklay, e,” dagdag pa ni Ecka. “Nagtatapon lang kayo ng pera,” paalala ko sa kanila. “Don’t worry, hindi kami nagtatapon ng pera. Alam naman kasi namin na magagalit ka kung gagastos kami ng gagastos, kaya kinuha namin `yung mga gift certificates ng parents namin para `yun ang ipambabayad,” paliwanag ni Xel. “Sige na, lubusin na ang pagpapaganda,” excited na sabi ni Ecka. Matapos ang ilang oras na ‘pagpapapaganda’ raw sa akin ay nagpunta naman kami sa tindahan ng mga damit. Hindi ako sa mall dinala nung dalawa dahil alam nilang maiinis ako, nagpunta kami sa mga tindahan ng mga damit kung saan `yung 500 pesos mo ay maraming mabibili. `Yung tipong may damit ka na makakabili ka pa ng sapatos. “Miss, patingin nga nung dress na `yun,” sabi ni Xel. Inabutan siya nung sales lady ng isang floral na dress. Lumapit siya sa akin at tinignan kung bagay sa akin. “Bagay `to sa iyo, bebelabs. Sukat mo.” Kaysa makipagtalo sa kanila sumunod na lang ako. Paglabas ko ngumiti na kagad si Xel at tumango tango. “Miss, kukuhanin na naming `yan, wait 250 na ba talaga last price? Bibili rin kami ng sapatos, bawasan mo pa.” “Ito, ang cute nitong doll shoes na `to, o.” Inabot sa akin ni Ecka `yung hawak niyang plain light pink na doll shoes. “Iniisip ko kung heels kaya lang kasi matangkad ka na kaya, flats na lang.” “Magkano `yan?” tanong ni Xel kay Ecka. “200, magkano ba budget?” balik na tanong niya. “400, 250 na `tong dress,” sabay silang tumingin dun sa sales lady, “Ate 400 na lang `tong dalawa, please?” nagpretty eyes pa si Xel. Parang nagdadalawang isip pa `yung sales lady. “Picture-an niyo na lang ate si Xel, tapos post mo d’yan sa labas,” suggestion ni Ecka, “Pagnakita `yan ng mga dumadaan na bumili ng damit dito si Xel, sure ako `yung 50 na bibigay mong discount sa amin mababawi mo pa,” dagdag niya pa. “Sige na nga,” kinuha sa amin ni Ate `yung dress at sapatos, “`Yung picture, ha?” Nag-high five si Ecka at Xel. Success na naman ang pakikipagtawaran nila, e. “Proud na naman kayong dalawa, `no?” sabi ko sa kanila paglabas namin sa tindahan, “Sabi siguro nung babae, ang yayaman niyo kung makipagtawaran kayo wagas,” natatawang sabi ko. “Hayaan mo siya, sa pinanganak akong kuripot kung minsan, e,” natatawang sagot naman ni Xel. “By the way, birthday bukas ni Mommy, punta kayo ha?” tumingin siya sa akin. “`Yan suot mo, okay?” “Opo,” masunuring sagot ko. *** “Happy birthday po, Tita,” bati ko kay Tita Liz at inabot `yung leche flan na ginawa ni mama. “Pinabibigay po pala ni Mama.” Ngumiti siya sa akin at kinurot `yung tungki ng ilong ko. “Mas maganda ka ngayon, hija,” kinuha niya sa akin` yung leche flan, “Sira na naman ang diet namin nito ni Jerykah.” “Mommy, punta lang kami sa labas,” paalam ni Xel at hinatak na ako palabas ni Xel. “Hoy Jerykah Rexel Palma, ano ang meron at nagmamadali ka?” natatawang tanong ko. “Nandito na siya,” kinikilig na sabi niya. Itatanong ko pa sana kung sino kaya lang nakita ko na. “Art!” tawag niya dito. Tinignan ako ni Art. Pasimpleng ngumiti ako. “Isay?” nakangiting tumango ako, “You look good.” “Salamat,” mahinang sagot ko. Humawak ako sa laylayan ng dress ni Xel at pasimpleng hinatak hatak. “Nakakahiya, Xel,” bulong ko sa kanya. “Iwan ko muna siya sa iyo, ha? Wala pa kasi si Ecka, wala namang masyadong kilala dito si Isay,” bilin ni Xel at pinagtulakan na ako. Pinandilatan ko siya ng mga mata at sinesenyasan na huwag akong iwanan. Pero iniwanan niya pa rin ako. Kahit kailan talaga. Huhuhu. Napatingin ako kay Art, at mabilis bumalik sa alaala ko `yung nangyari sa photo shoot. Umiwas kagad ako nang tingin. Umiinit `yung pisngi ko. “You okay?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Titignan ko ba siya? “A—“ “Art! Sabi ko na ikaw `yung nakita ko, e.” Napatingin ako sa babaeng nagsalita, maganda siya. Napatingin siya sa akin. “Girlfriend mo?” taas kilay na tanong niya. “Uh,” naramdaman ko na tinignan ako ni Art, “No, she’s a friend.” “I thought so, alam ko naman na you would not go sa plain girl.” Feeling ko hindi na maipinta `yung mukha ko. Tumalikod ako sa kanila at umirap. Grabe, nilait ba niya ako nang harap harapan? “Yeah.” Napatingin ako kay Art. Did he just agree…? “Excuse me,” paalam ko. Grabe. Ang sakit! Parang nawala lahat nung effort ko sa pagtitiis sa pagpapaganda kuno ko kahapon. Bakit gano’n? Plain pa rin ako para kay Art, halos hindi ko na nga makilala `yung sarili ko dahil sa ‘pagpapagandang’ ginawa nila sa akin. Siguro nga, hindi ako pasok sa standard ni Art. Syempre ang gusto niya nga naman ay `yung mala-model na mga babae. Gising kasi Isay! “Isay, saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Ecka nang makasalubong ko siya sa gate. “Uuwi na ako,” paalam ko. “Kadarati—“ Hindi ko na tinapos `yung sasabihin niya, nagtuloy tuloy na lang ako basta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD