Fall Six: Aral muna, bago landi

1779 Words
“Bakit bigla ka na lang umalis kagabi?” bungad na tanong sa akin ni Art nung magkita kami sa student plaza para tapusin `yung project namin. “Kinailangan ko nang umuwi, e,” walang ganang sagot ko, “Tara magsimula na tayo,” nilabas ko `yung laptop at flash drive ko, “Pa-copy naman dito nung mga nagawa na natin, mas mabilis nating matatapos kung pareho na tayong gagawa.” “Okay ka lang ba? Parang may iba sa iyo,” puna niya. “Oo, okay lang ako,” matipid na sagot ko. Hindi na siya nagsalita after no’n. Tahimik na lang kaming gumawa no’ng written report namin. Oo, alam ko ako ang may problema. Bakit ba kasi ako na sasaktan? E, dapat noon pa lang alam ko na `yun. Mabuti pa dati na tinitignan ko lang siya mula sa malayo. Ngayon ang lapit lapit niya nga pero parang ang layo layo pa rin. Habang nag-ta-type ako bigla kong naramdaman na parang may nakatingin sa akin. May kung anong kilabot akong naramdaman sa batok ko. Inikot ko ang paningin ko. Napatingin din ako kay Art. Seryoso siyang nag-ta-type rin. Guni-guni ko lang siguro `yung nararamdaman ko. Wala naman kasi akong nakitang nakatingin sa akin. “Something wrong?” tanong sa akin ni Art. “H-huh? Wala, akala ko lang may nakatingin,” sagot ko. Tumango lang siya at yumuko na ulit para mag-type. Gusto ko sanang samantalahin ang pagtitig sa kanya tutal magkatapat naman kami kaya lang noo lang niya ang kita ko. Ano ba naman `tong iniisip ko? Akala ko sapat na `yung nangyari kagabi para matauhan ako na hindi ako babagay kay Art, pero ito ako gusto ko pa ring pagpantasyahan siya. “Ako na ang magpapasa kay Sir sa Monday,” sabi niya pagkatapos naming gawin `yung written report, “May papapirmahan din naman kasi ako kay Sir na letter.” “A, o sige,” sagot ko. Inayos ko na `yung mga gamit ko. “Hatid na kita.” Tinignan ko siya. “Bakit ba parang inis ka sa akin? May ginawa ba ako sa iyo?” kunot-noong tanong niya. “Tinignan lang naman kita,” defensive na sagot ko, “Hindi pa ako uuwi, dadaan pa ako sa part time job ko, e,” sinukbit ko na `yung bagpack ko, “Sige, una na ako.” *** Pagdating ko sa café nila Ecka ay agad akong nagpalit ng uniform. Medyo late na rin kasi ako. Hindi lang ako pinapagalitan dahil sa kaibigan ko nga si Ecka. Okay lang naman sa akin na mapagalitan ako basta sigurado silang mali talaga ako. “So, kamusta ang study ‘date’ niyo ni Art?” taas-baba ang kilay niyang tanong sa akin. “Ano pa ba? E, `di nag-aral. Psh. Ano ba’ng tingin mong nangyari?” taas kilay na tanong ko. “Wala talaga? Hindi niya ba napansin na mukha ka nang nagsuklay ngayon?” tanong niya pa. “`Yung totoo? Hindi ko alam kung maiinis ako sa tanong mo o ano,” napakamot ako ng ulo, “Pati, puwede ba’ng `wag na natin ipilit `yung sarili k okay Art? Hindi naman ako magugustuhan nung tao, e. Nagsasayang lang tayo ng power at effort.” “Nagulo `yung buhok mo,” inayos niya `yung buhok na kinamot ko, “Anyway, nagsisimula ka pa lang sumusuko ka na?” “Hindi ba dapat naman gano’n? Kung alam kong matatalo rin naman ako sa dulo, bakit ko pa itutuloy?” balik na tanong ko. “So, that’s why you’re pushing him away?” inis na tanong sa akin ni Ecka, “Wala kang suweldo, `kala mo.” “Hoy! Hindi puwede `yan ha! Iba ang trabaho sa private life, umayos ka, isusumbong kita sa Daddy mo,” bata ko. “Tsk. Blackmailing,” umirap siya, “Bakit kasi dito ka sa café nagtrabaho, bakit hindi sa McDonalds? O kaya sa Jollibee.” “E, kung hindi mo na ako tsinitsika para makapagtrabaho na ako?” natatawang tanong ko sa kanya. “Isay, may something sa inyo ni Art na hindi niyo napapansin na nando’n. Nakikita namin `yun ni Xel,” seryosong sabi niya. “Ericka M—“ “Hep! Hinto. `Wag mong ituloy, please?” sabi niya sabay takip sa bibig ko. Tumango ako. “Anyway, Ecka let’s get real. Hindi ako ang tipo ni Art. Ang bagay sa kanya ay `yung mga mala-model na babae. `Yung mga kalahi nila ni Xel, hindi ako gano’n. Sa lahat ng tao kayong dalawa ni Xel ang dapat na nakakaalam no’n.” “P-pero.” Tinignan ko siya nang seryoso. “Fine, but I won’t promise na wala na kaming gagawin.” Nagbelat siya sa akin at tuluyan na akong iniwan. “Ugh! Paano ko ba sila naging kaibigan?!” ginulo ko ulit `yung buhok ko sa sobrang frustrations. *** Tinitigan ko `yung mukha ko sa salamin. Maganda naman daw ako sabi ng nanay ko. Gano’n din ang sinasabi nila Xel at Ecka, minsan gano’n din ang paniniwala ko. Syempre, self support, `di ba? Pero sadya yatang may mga tao talaga na hindi marunong um-appreciate ng mga bagay bagay. “Maganda ka, Isay,” sabi ko sa sarili ko. Huminga ako nang malalim. “Minsa hind talaga sapat ang self support.” “Aba, Isay ilang oras mo gustong magkulong d’yan sa banyo? Ma-le-late ka na!” sigaw ng mama ko. Tinampal ko `yung mukha ko at nilamukos pa ito. “Ma, wala po akong klase ngayong umaga!” sigaw ko pabalik. Tinignan ko ulit `yung sarili ko sa salamin. “Sabi ka nang sabi na ‘let’s get real’ pero ikaw sa sarili mo hindi mo matanggap na hindi ikaw `yung tipo ni Art,” sermon ko sa sarili ko, “Gising gising din pag may time, Isay.” Naghilamos lang ako at lumabas na ako sa banyo. Tinigil ko na ang pag-da-drama dahil baka bigla na lang akong isuka palabas ng banyo namin na labasan ko ng sama ng loob. Baka bigla na lang ako kausapin no’n na wala siyang pake sa mga kadramahan ko sa buhay. “`Nak, saan nga pala galing `yung binigay mong pera?” tanong sa akin ni mama, “Ang laki no’n, ha? Kalahati na ng suweldo ng tatay mo.” Binigay ko nga pala sa kanya `yung nakuha ko sa photo shoot. Ilang araw na iyon, pero ngayon lang na isipan ni mama na itanong sa akin kung saan ko kinuha. “Nakuha po kasi akong extra model para sa isang magazine,” simula ko, “Malaki po `yung binigay nila sa aking bayad. Itinabi ko po sa savings ko `yung kalahati.” “Sigurado ka anak na hindi ka nagbenta ng laman para makakuha no’n?” “Ma!” saway ko sa kanya, “Ano naman po ba’ng akala niyo sa akin? Hindi ko po magagawa `yun, `no. Malinis po `yung ginawa ko para makuha `yung pera,” sumimangot ako, “Kayo talaga, Ma.” “Sinisigurado ko lang, anak. Alam mo naman na sobrang hirap ngayon ng buhay,” ngumiti siya sa akin, “Aral muna ha? Hindi kami nagtatrabaho ng tatay mo para magpabaya ka lang, hangga’t maari at kung maiiwasan huwag munang magnonobyo,” mariing bilin niya sa akin. “Opo, Ma. Alam ko naman po `yan, aral muna bago landi,” sang-ayon ko sa kanya. “Ma, akyat na po ako. Mag-aaral pa po ako.” Tumango lang si mama kaya nagmadali na akong umakyat. Sakto pag-akyat ko may nag-pop na chat sa laptop ko. Online na sila bebelabs. Umupo ako sa tapat ng study table ko at binasa `yung chat. Xel Palma: Good morning mga bebelabs. Inaantok pa akooo~ *yawn* Isay Guinto: Buhusan kita ng kumukulong tubig para magasing ka? >:] Xel Palma: Ang aga-aga ang lakas mo mang-asar. -____-“ Isay Guinto: Sorry naman. Hahaha. ^^v Xel Palma: By the way, ang hirap mong hanapin this past few days. Nagtatampo pala sa iyo si Mommy kasi bigla ka na lang umalis nung birthday niya. :( Isay Guinto: Sorry na, bebelabs. Medyo hindi lang kasi naging maganda pakiramdam ko. :( Ecka Ramos: Late na ba ako? Sorry. Kagigising ko lang, wait maghihilamos lang at magsisipilyo lang ako. Baka maamoy niyo pa panis na laway ko. Hahahaha. Chos! Brb! ;) Isay Guinto: Hahaha. Kailangan mo ngang gawin `yan, Ecka. Naamoy ko! XD Isay Guinto: Xel, sorry na talaga. :( Xel Palma: Sabi sa akin ni Art bigla mo na lang daw siyang iniwan, may nangyari ba? Ecka Ramos: Hay nako malamang nauntog `yan, kasi nung isang araw sabi niya sa akin ‘Let’s get real’ at pinagpipilitan niya na hindi sila bagay ni Art. Isay Guinto: Totoo naman `yung sinasabi ko. Look, alam kong gusto niyo siya para sa akin at gusto ko rin naman iyon, pero sana isipin niyo `yung side ni Art, gusto niya rin ba ako para sa kanya? : Xel Palma: Paano mo malalaman ang sagot kung lalayo ka sa kanya? Ecka Ramos: You will never know what he feels if you’re going to push him away. Isay Guinto: Wow. Pareho pa sila ng sagot. -___-“ Isay Guinto: Naiintindihan ko kayo mga bebelabs, pero sana intindihin niyo rin ako. Ayaw kong ipilit `yung sarili ko sa kanya. Xel Palma: Kaya nga kami `yung pumipilit eh. Let’s try another one? Kung hindi kaya ng make-over then try natin ang magpasikat ka sa kanya. Ecka Ramos: Tama! Show him what you’ve got! Isay Guinto: At `yun ay? Wala akong talent mga bebelabs at alam niyo `yun. -____-“ Xel Palma: E, `di bibigyan ka namin ng talent. >:] Punta tayo sa house nila Ecka. Ecka Ramos: Uhm. Wait… Why here? :O Xel Palma: You have keyboard mas madaling matutunan `yun, e. Pati instant teacher ka pa. Ecka Ramos: Oooohh. Sige sige. Punta na kayo mamaya. Hihihi. Isay Guinto: Paano ko kaya kayo mapapatigil? o_O? Xel Palma: Susunduin kita o pupunta ka? Isay Guinto: Oo na, pupunta na. See you. Out na muna ako, maliligo na. Tss. Wala na akong magagawa. Sigurado naman akong pupuntahan nila ako kapag hindi ako pumunta ng kusa. Ayaw ko pa naman kapag nagpupunta sila dit sa lugar namin. Pinagtsitsismisan kami. Bihira kasi ang may sasakyan sa lugar namin, kaya sikat ka kapag may bumisita sa iyo na de-kotse. Hay. Ano na naman kaya ang mangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD