“That stupid ugly b***h,” inis na bungad sa amin ni Xel nang magkita kami sa school, “Nakakainis talaga `yung hampas lupang Rida na `yon,” tinignan niya ako, “I saw what she did to you. Ipapatapon ko talaga `yon sa Florida, e.”
“`Wag do’n masyadong sosyal, sa basurahan na lang din tutal bagay siya do’n,” inis na gatong pa ni Ecka.
“Chill, girls,” awat ko sa kanila. “Everything happened for a reason, malay niyo kung kinain pala `yun ni Art sumakit tiyan niya, `di ba? Sabi niyo nga always think positive.” Sabay na umikot ang mga mata nila. “Okay okay. Hindi rin okay sa akin `yung nangyari, masakit syempre nag-effort ako tapos gano’n lang ang ginawa niya. Pero hindi niyo ba napapansin? Lahat nang ginagawa natin palpak, kung hindi na a-appreciate ni Art hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na makita.”
“Negativ—“
Hindi ko na siya pinatapos at ako na ang nagtuloy nang sasabihin niya. “Negativity will lead to nothing. Oo, alam ko na `yan and I’ve been trying naman, `di ba? Ginagawa ko naman `yung mga naiisip niyong gawin. Siguro lang kasi talaga we’re not really meant for each other.”
Okay. Hindi ko tanggap lahat ng sinasabi ko. Mahirap tanggapin `yan. Pero kasi `di ba? Nakakainis na. Feeling ko I’m a failure to the nth power.
“Anyway,” pag-iiba ni Xel ng topic, “The magazine turn out so well, Isay! My god, kung alam ko lang na may talent ka sa pag momodel e, `di sana ni-refer na kita dati pa.”
Nagtatakang tinitigan ko siya. “Anong magazine?” tanong ko.
“`Yung magazine na ikaw `yung pumalit sa akin sa photo shoot?” sabi ni Xel.
Nawala na sa loob ko iyon!
“Nakita mo na?” kinakabahang tanong ko. Tumango tango siya.
Gusto kong makita, na parang ayaw. Kasi nga `yung ano… Hindi ko alam kung nando’n `yun sa mismong magazine na. Takte, paano kaya pag nakita `yun ng parents ko? Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. Nahalikan ako ng hindi ko naman boyfriend. Ang malala pa do’n ni hindi nga yata ako gusto nung tao na iyon. Ah~ Hindi ko na alam kung ano
iisipin ko.
“Uy girl! Ano ba `yang iniisip mo? Okay ka lang?” tanong ni Ecka.
“W-wala naman, kinakabahan kasi ako dun sa out come nung magazine, e,” tumingin ako kay Xel, “Uhm… Xel, ano ba `yung mga photos na nasa loob ng magazine?” tanong ko.
Ang totoo niyan, feeling ko naman wala `yung… Ano… `yung alam niyo na sa pinaka-magazine, kasi kung ando’n `yun malamang kinikilig na `tong si Xel. Kaya lang hindi naman gano’n masyadong over `yung reaction niya kaya medyo at ease ako kahit pa paano.
“Oh. Okay naman, you really look pretty at the same time may pagkarebel,” tinitigan niya ako, “Isay try mo kaya minsan mag make-up? As in `yung light make-up lang? Change natin `yung look mo. Promise, nung nakita ko `yung mga photos you really look great.”
“Na naman, Xel?” natatawang tanong ko. “Hindi nga epektib `yun, `di ba?”
“Hindi na naman para kay Art, e. Para sa sarili mo,” sagot niya.
“Nako, hindi na. Masaya na ko sa ganitong itsura. At saka makati sa mukha `yung make-up,” sabi ko. Biglang nangati `yung mukha ko, napakamot tuloy ako.
“Well, sa una lang naman `yun, e. Pag nasanay ka na okay na `yun,” pag pipilit pa ni Xel.
“Hay naku, Xel `wag na nating pilitin ang ayaw. Saka, maganda naman si Isay kahit wala siyang make-up. Natural ika nga.” Nakipag-apir ako kay Ecka. Naiintindihan niya talaga ako. Huhuhu
“Anyway, sabi nga pala sa akin ni ate Chelo if you want na karirin ang pag-momodel just call her daw at siya ang bahala sa iyo.” Chelo? `Yun yata `yung babaeng nag make-up sa akin. Hindi ko maalala, sorry naman. Heheh. “Art!” Napatingin ako, nakita ko si Art `di kalayuan sa amin. Nag wave siya tapos naglakad papunta sa direction namin. Tumingin siya sa akin, pero bigla ako napaiwas.
Hindi ko alam, akala ko okay na ko pag nagkita kami ulit. Hindi pala.
“Hi!” bati ni Art pag kalapit niya sa amin. Tumingin ako saglit sa kanya tapos ngumiti at umiwas ako nang tingin nung tumingin siya sa akin. s**t feeling ko nag ba-blush ako. Umupo siya sa tapat ko, binuksan ko `yung libro sa harapan ko at nagkunwaring nagbabasa. Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.
“Hey! Nakita mo na `yung photos niyo ni Isay?” tanong ni Xel kay Art.
“Actually, papunta pa lang ako sa office para i-check. Mukhang naunahan mo na ako,” sagot naman ni Art.
“Of course. Madami yata akong source,” sabi niya at sinundan pa niya
ng nakakalokong tawa.
“Wait, ano ba title niyang magazine na `yan?” tanong ni Ecka. “I’m a little curious kasi naman hindi ako bumibili ng magazine, pero mukhang mapapabili ako dahil nando’n si Bebelabs Isay.”
“I think sa Vogue Girl nila `yun ipa-publish which I think hindi lang locally isesell.” Napatingin ako kay Xel.
“Wait. Anong hindi lang locally isesell? You mean…”
“Yeah, may possibility na i-release din siya internationally especially dun sa mga country na may magazine na Vouge Girl. Wait, hindi ka nainform?” taas kilay na tanong niya sa akin. Marahang umiling lang ako.
Kaya pala ang laki ng binayad nila sa akin… Kasi… Nakakahiya pa naman ako dun…
“Isay,” napatingin ako kay Art. “Gusto mo sumama sa akin sa office? Para makita mo na din `yung mga photos.” Napatingin ako lalo sa kanya, ewan ko pero feeling ko may something, e. Hindi ko lang maisip kung ano. Is it me or is it me? `Di joke lang, pero parang may something nga kay Art.
“Ah… Ikaw na lang, mag papasa pa ako ng research kay Mr. Catacutan, e.” Okay, wala naman talaga ako ipapasa dun, nag bluff lang ako. Hindi kasi talaga maganda pakiramdam ko, e. Saka, ayaw ko muna siya makasama ng kaming dalawa lang.
“Oh… Sige.” Medyo disappointed siya nung umulis siya.
“Bakit mo i-t-in-urn down `yung invitation niya? Chance mo na `yun, `no!” sabi ni Ecka na parang may halong pangungunsensya.
“Hey, hindi kaya gusto ka na ng pinsan ko? I mean baka nagustuhan ka niya nung photo shoot. I told you, you look prettier dun sa mga photos.” Kumunot ang noo ko. Parang medyo nainis ako sa sanabi na iyon ni Xel.
“Kung magugustuhan niya ako, gusto ko `yung ganitong itsura ko hindi `yung dahil sa napinturahan `yung mukha ko at nagmukha akong maganda kaya niya ako nagustuhan. Hindi ako `yun, at never na magiging ako.” Napapalakpak si Ecka. “Jeez.”
“So, `yan ba ang plano mo?” nakangising tanong ni Xel.
Bigla akong naguluhan. “Huh? Anong plano?”
“We have a deal, `di ba? Na last na `yung cake and if it didn’t work ikaw na ang bahala?” nakangiting tanong ni Ecka.
“Huh?” naguguluhan ko pa rin tanong.
“The Isay’s continuation to the operation make him fall?” winave pa ni Xel `yung kamay niya sa harapan ko. “Hello?”
Bigla akong napaisip. Gusto ko pa nga bang ituloy?
“Malay mo ayaw pala ni Art sa mga mala-model na babae,” tinignan
ako ni Ecka, “Malay mo ang gusto niya pala ay babaeng hindi marunong mag-ayos katulad mo? `Yung babaeng maganda inside and out?”
“Katulad ko?” napatingin kami sa nagsalita. Napangisi kagad ako.
“Florida,” tawag ni Xel sabay irap, “Alam mo kung ikaw `yung tinutukoy namin bakit kahit ano’ng gawin mong pagpapapansin sa pinsan ko hindi ka pa rin pinapansin?” inis na tanong niya.
“`Wag kasi masyadong feeler,” natatawang sabi ni Ecka.
“Wow, kung feeler ako paano pa kaya `yang kaibigan niyo?” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Sana hindi niyo binibigyan ng false hope `yung kaibigan niyo.”
“E, kung tapalan ko kaya `yang bibig mo nang matahimik ka na?” nanlilisik ang mga mata ni Ecka. “Hindi lang kita pinatulan doon sa photo shoot kasi teritoryo mo iyon, pero ngayong nandito tayo sa school, papatulan kita kahit pa ma-suspend ako. Ayaw ko sa lahat `yung nilalait `yung kaibigan ko sa harapan ko lalo na kung mas kalait lait pa `yung nanlalait,” dirediretsong sabi niya.
“I’m speechless, mas kalait lait pa ako? Marunong ka bang magkumpara?” natatawang tanong ni Rida.
“Chill, Ecka,” awat ni Xel. Tinignan niya si Rida. “Nakita mo na ba `yung cover ng Vogue Girl para sa next issue nila?” nakangiting tanong niya.
“Bakit ko naman titignan? Mukha mo lang naman ang makikita ko do’n,” sagot ni Rida sabay irap.
Nakangising umiling si Xel. “Uh uh. You should see it, baka magbago `yang sinasabi mo. My friend is way too beautiful para i-compare sa iyo. `Yung wala pa nga lang siyang make-up mas maganda na siya sa iyo, paano pa kaya `yu—“
“Don’t tell me siya ang cover ng Vouge Girl para sa next issue?”
Ngumiti nang nakakaloko si Xel. “What should I do? Should I spill it?” tinignan niya kami ni Ecka na bigla na lang tumahik sa isang tabi. “One thing is for sure, you will drool because this girl that you’re insulting to the nth power,” tinuro niya ako, “is with the guy you dreamt to be with.”
Ngumisi si Rida. “Oh my. I almost fell for it. You’re bluffing,” maarteng sabi niya.
“See for you self, sweetie,” sabi ni Xel sabay kindat. “See you around, Rida. I’m definitely sure na magkikita ulit tayo real soon.” Tinignan niya kaming dalawa. “Let’s go na mga bebelabs, feeling ko nagtapon ako ng laway para sa isang walang kuwentang tao, bakit gano’n?” natatawang sabi niya.
“Minsan laging kong tinatanong kung bakit ko ba kayo naging
kaibagan, but most of the time nagpapasalamat ako na kayo ang naging best friends ko. Salamat sa inyo!” nakangiting sabi ko.
“We’re always here for you, kasi alam naman namin na you will do the same for us,” nakangiting sagot ni Ecka. Hindi ko na napigilan niyakap ko na sila pareho.
“Make him fall, okay? Hahayaan mo ba siyang mapunta sa hipon na iyon?” tanong sa akin ni Xel sabay kindat.
“Hindi yata!”