“That ugly b***h, siya nga ang ka-partner ni Art sa cover ng Vogue!”
Biglang nagbago ang isip ko sa paglabas sa cubicle na pinagtataguan ko.
“Ugh! Nakakainis talaga!”
Sa dami talaga ng CR dito sa campus dito talaga siya sa CR ng department namin nagpunta, `yung totoo? Coincidence ba ito o ano? Paano ako lalabas ngayon? Panigurado pag nakita nito balahibo ko o kahit siguro anino ko, kakalbuhin ako nito.
“E, ano naman kung siya ang ka-partner ni Art? Tingin mo ba papatulan `yun ni Art? Trabaho lang naman `yung ginawa nila, `no!”
May kasama pala ang hipon. Psh. Inggit lang kayo, `no! Mas maiinggit pa siguro kayo kapag nalaman niyo `yung nangyari sa dulo ng photo shoot namin. Hahahaha. Mangingisay kayo sa inggit!
May biglang kumatok sa cubicle ko. `Yung akala ko yatang tawa ko lang sa isip ko napalakas.
“May tao ba d’yan?” tanong ni Rida. Dahan dahang umupo ako sa toilet. Inangat ko `yung dalawang paa ko para hindi nila makita if ever na sisilip sila. “Narinig ko may tumawa, lumabas ka na d’yan!” Sinubukan niyang itulak `yung pinto. Inulit ulit niya ito. `Yung lock medyo umaalog na at nagbabadya na ang pagbukas nito.
Paano na `to?
Kinalang ko `yung isang paa ko sa pinto. Humawak ako sa flush ng toilet at tinulak pa lalo `yung paa ko para hindi niya mabuksan `yung pinto.
“Kung sino ka man na nand’yan, hindi ako aalis hangga’t hindi kita nakikita!” gigil na sabi niya. Pinagpapalo palo niya pa ulit `yung pinto.
Inipit ko `yung ilong ko at saka nag salita. “Bakit naman ako aalis kung alam kong makikita kita?” mapang-asar na sabi ko, “Papangit lang araw ko kasi makakakita ako ng pangit.”
“Aba! Kilala mo ba kung sino ako?!” matinis na sigaw niya.
“Pakialam ko kung sino ka? Masama ang ugali mo,” I cleared my throat, “Sa ngalan ng buwan, isinusumpa kita na tatadtarin ka ng tigyawat sa loob ng isang buwan!” sabi ko na parang witch ang boses. “Mawawala lang ang sumpa kung mahahalikan ka ng taong totoong nagmamahal sa iyo!” tumawa ako ng parang bruha.
“Kung sino ka mang babae ka, lumabas ka at harapin mo kami!” sabi ng kasama niyang babae at mukhang nakitulong na rin sa pagtulak sa pinto.
Nako! `Wag sana matanggal `yung lock. Baka hindi ko sila kayaning dalawa.
“Hihintayin niyo ba talaga akong lumabas? Tumatae pa kasi ako, e,” seryosong sabi ko, “Baka matagalan pa ako.”
“Yuck at talagang in-announce mo pa!” Hindi ko siya nakikita pero nai-imagine ko kung ano itsura niya. Hahaha. “Tara na nga! Nag-sasayang lang tayo ng oras sa babaeng `yan.”
“Dapat kanina mo pa naisip `yan, nagsayang ka pa ng effort kakakatok, maiisip mo rin pala na walang kuwenta `yang ginagawa mo,” pang-aasar ko pa.
Narinig ko na lang ang gigil na boses niya at ang pagsara ng pinto. Whew. Nangalay ako. Inayos ko na ang upo ko at minasahe ang mga binti ko. Medyo lumawit pa ang paa ko sa labas ng cubicle dahil medyo pinagpala ako sa height mahaba ang binti ko.
“Ay s**t!” sunod sunod ang mura ko ng may humatak sa paa ko. Humawak akong mahikpit sa pinakabunganga ng toilet. “Ahhh!” gigil na sigaw ko habang hinahatak ko ang paa ko. Nakita ko na apat na kamay ang humahatak sa akin. “Putsa! Isa isa lang, mahina kalaban!”
“I think I know you! Lumabas ka ngang babae ka!” sigaw ni Rida.
“Ayaw ko!” parang natataeng sigaw ko dahil sa gigil na gigil ako sa paghatak sa paa ko para mabawi ko. “Hindi ako lalabas dito hangga’t nand’yan kayo!”
“Kababae niyong tao nang bubully kayo.” Napakunot `yung noo. Parang kilala ko `yung boses na `yun. “Rida, you’re one of the model of this school, tapos gumagawa ka nang gan’yan?”
“I’m sorry, Art. `Yung babae kasi dito sa loob nitong cubicle inaasar kami, gusto lang naman namin na lumabas siya, e,” nagpapaawang sabi niya.
Best actress! Clap! Clap! Clap! Psh.
“Let her be, get out,” utos ni Art kila Rida.
Kung alam niya kaya na ako ang nandito, tutulungan niya ako?
“You can come out now,” mahinang sabi niya.
I cleared my throat at medyo iniba `yung tone ng boses ko. “Okay na ako, you can go now. Thank you.”
“Isay, ako ito si Art.” Hala! Alam niya na ako `to? “Labas na, wala na sila.”
Dahan dahan akong tumayo at slow motion ko ring binuksan `yung pinto. Nakayuko lang ako. Sa dibdib niya lang ako nakatingin. Nakakahiya! Bakit ba puro kahihiyan ko na lang ang nakikita nitong pagsinta ko? Hindi ba puwede `yung mga magagandang side ko naman?
“P-paano mo nalaman na ako `yung nasa loob?” nauutal na tanong ko.
“Nakita ko kasi `yung rubber shoes mo, `yan din `yung suot mo nung gumawa tayo sa student plaza nung nakaraan,” inangat niya `yung ulo ko, “Are you okay? Lagi ka ba nilang binubully?” nag-aalalang tanong niya.
Wait. Nag-aalala nga ba? O baka naman feeling ko lang na nag-aalala siya?
“Hindi naman talaga nila ako binubully, parang ako pa nga ang nagsimula, e,” alanganing ngumiti ako, “Salamat pala, ha? Kung hindi ka siguro dumating malamang nakikipaghalikan na ako sa toilet bowl ngayon,” sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Napatingin ako sa kanya nang tumawa siya. “Bakit?” tanong ko.
“Wala lang, iniisip ko lang kasi kung ano `yung ginawa mo para maasar si Rida,” sagot niya.
“Nagkunwari lang akong witch,” inipit ko ulit `yung ilong ko, “Sa ngalan ng buwan, isinusumpa ko na magkakaroon ka ng tigyawat sa loob ng isang buwan!” at sinundan ko ng bruhang tawa.
“You sound so creepy!” natatawang sabi niya.
Parang bigla akong naparalisa sa kinatatayuan ko. Ang sarap pakinggan ng tawa niya.
“Isay?” Bigla akong natauhan nang tinawag niya ang pangalan ko. Naghabol ako nang hininga. Pigil ko pala ang paghinga ko dahil inipit ko ang ilong ko. Sunod sunod ang ubo ko. “Ayos ka lang ba?” tanong niya sabay hagod sa likuran ko.
Huminga ako nang malalim. “O-okay na ako. Sorry.”
“Nga pala, bakit parang iniiwasan mo ako?” biglang tanong niya.
“Kailangan talaga dito tayo nag-uusap sa loob ng CR ng mga babae?” tanong ko para maiba ang usapan.
“Ah. Right!” ngumiti siya at sinenyasan ako na mauna nang lumabas. “Lady’s first.”
Paglabas namin wala nang nagsalita. Naglakad lang kami. Sinusundan niya ako kahit saan ako dalin ng mga paa ko. Pasimple lang akong sumusulyap sulyap sa kanya. Baka kasi isipin niya ang creepy ko kung mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya.
Huminto ako sa tapat ng building nila Ecka.
“Dito na ako,” sabi ko sa kanya.
“Ah, sige.” Hinihintay ko siyang umalis pero nakatayo pa rin siya sa harapan ko.
“Uhm. May hihintayin ka din dito?” tanong ko.
Naging malikot ang mga mata niya. “Hihintayin kita?” patanong na sagot niya.
“Bakit mo naman ako hihintayin?” kunot-noong tanong ko.
“Kasi,” parang bigla siyang napaisip, “Kasi `di ba magkikita kayo ni Xel mamaya? Sasabay na ako.”
Naniningkit ang mga mata kong tinitigan siya. “Okay,” ang tanging naisagot ko.
Ayaw kong mag-isip ng kung ano. Basta kung ano na lang ang sinabi niya `yun ang paniniwalaan ko.
“Uhm. Ayaw mo ba talaga makita `yung sample ng magazine?” biglang tanong niya sa akin.
“Bibili na lang siguro ako pagna-release na siya,” alanganing sagot ko.
“Okay.”
Nagkaroon ng matagal na katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong magsalita. Gusto kong marinig `yung boses niya. Gusto ko. Gusto ko pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
“Uhm,” sabay na sabi namin.
“Sige mauna ka na,” sabi ko naman.
“Ah. Mauna na ako,” mahinang sabi niya. Tumango lang ako. Tumalikod na siya sa akin pero parang biglang may naalala siya at biglang bumaling ulit nang tingin sa akin. “I’m going, bye,” mabilis na sab niya at nagtuloy tuloy na sa pag-alis.
“Sundan mo.” Napatingin ako sa nagsalita. Si Xel pala. “Sundan mo na!” utos niya.
“Bakit?” naguguluhang tanong ko.
“May gustong sabihin `yun sa iyo,” sabi naman ni Ecka na bigla na lang sumulpot galing kung saan. “Kanina pa kami nanonood sa inyo dito, `no,” sabi niya sabay irap.
“Wala `yung sasabihin, ano tara na?” aya ko sa kanila.
“You follow him,” sabay na utos nila at pinagtulakan na ako paalis.
Kakapilit sa akin nila Xel na sundan si Art, wala na kong naging choice. Sinundan ko siya. Nakakainis! Bakit ba hindi ko magawang sundin `yung sinasabi ng utak ko? Wala na yata akong karapatan na magpigil pagdating kay Art. Hay pag-ibig nga naman Love. Ano daw? Ang korni. Nagtaka ako nang hindi dumiretso sa parking lot si Art bagkus nag dirediretso siya nang lakad pa punta sa third gate.
Nagtataka man, sinundan ko pa rin siya. Hindi ako pamilyar sa mga lugar pag labas ng third gate pero alam ko wala namang way dun papunta
sa condo niya.
Saan kaya 'to pupunta?
Siguro mga 30 minutes ko na siyang sinusundan at saka pa lang siya pumasok sa isang malaking gate. Huminto muna ko sa labas tinignan ko `yung signage sa labas.
Eternal Homes? Cemetary `to, ah?
Ano kaya ang gagawin niya dito?
Hinanap ko si Art sa loob, hindi naman ako nabigo kasi hindi pa pala siya masyadong nakakalayo. Nakita ko ulit siya pumasok sa isang parang chapel, pero hindi siya chapel ha? Kasi may nakita akong lapida sa loob, e. Hindi ko kasi alam tawag dun, e. Sorry. Susundan ko pa sana siya kaya lang hinarang ako nung guard na bantay hindi kalayuan.
“Ma'am private property po ito. Hindi na po kayo puwede sa side na po na `to,” sabi sa akin nung guard. Wala akong naging choice kundi ang umalis doon.
Ano kayang ginagawa doon ni Art?