Fall Ten: Candid Camera

1790 Words
Nag ikot ikot muna ako malapit lang sa pinuntahan ni Art, nag-iisip kung hihintayin ko ba siya o hindi na. Naisip ko kasi kung hihintayin ko siya at makikita niya ako dun baka mag taka siya kung ano’ng ginagawa ko dun. Hanggang sa naisip ko na umalis na lang. Pag labas ko sa Eternal Homes pumara kaagad ako ng tricycle at nagpahatid sa school. Pagkaupo ko saka ko lang na ramdaman ang sakit nang paa. Nakita ko kasi `yung haba nung nilakad ko kanina. Ang layo pala... Pagdating ko sa school, pinuntahan ko sila Xel sa puwesto namin kanina, kaya lang wala na sila. Siguro sa tagal kong nawala nainip na sila sa pag hihintay. Hay. Wala na kong klase siguro uuwi na lang ako. “Shar!” Napatingin ako sa tumawag sa akin, actually hindi ko na kailangang manghula kung sino `yung tumawag sa akin. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Shar at `yun ay si... “Zeik, wat ken ay du por yo?” malokong tanong ko sa kanya, inglisero kasi 'to kaya masarap lokohin. Medyo inis `yung itsura niya. “I'm looking for Xel. Nakita mo ba siya?” parang nawawalang batang tanong niya. “Wow, nagtatagalog na siya,” pang-aasar ko. “Kanina mag kasama kami pero iniwan ko sila sa tapat ng CHE pero wala na sila dun pag balik ko.” Naalala niyo pa ba `yung lalaking bumungo kay Xel dati? Si Zeik `yun tranfer dito sa school. Mabait naman kaya nakasundo namin kaagad. “Don't you know kung saan siya nag punta?” Ang sarap kutusan nitong kumag na `to. Kung alam ko e, `di sana pinuntahan ko na sila. Kung hindi lang `to matangkad malamang na batukan ko na `to. Kaya lang 6’2 yata ang height nito. “Tawagan mo kaya?” suggestion niya. Oo nga, bakit nga ba hindi ko naisip `yun kanina? Pero kasi, uuwi na talaga ako, e. Nakakapagod kaya `yung ginawa ko kanina. Pati wala pala akong pantawag. “Wala akong pantawag, itetext ko na lang ha?” Nilabas ko `yung cellphone ko tapos naglakad na palayo sa kanya. Bahala siya mag-text kay Xel. Kunwari wala akong load. Hahahaha. “Isay!” Tumingin ako ng inis. “Ano na naman, Z—“ Pagtingin ko si Art pala. “Ikaw pala Art. `Kala ko si Zeik, e. Sorry.” Napatingin siya sa paligid. “Wala naman si Zeik dito...?” Tinignan ko `yung puwesto kanina ni Zeik wala na nga siya dun. “Anyway, ayaw mo ba talaga sumama sa agency? Tignan lang natin?” aya niya ulit. “`Di ka pa ba galing dun? Umalis ka na kanina, `di ba?” painosenteng tanong ko. Kunwari hindi ko alam `yung pinuntahan niya kanina. “Ah hindi pa, pinatawag kasi ako kanina sa office, e,” sagot niya. Nagulat ako sa sinagot niya, pero hindi ko pinahalata. Bakit kaya siya nag sinungaling? Sino kaya `yung pinuntahan niya dun kanina sa cemetary? “Ah. Pauwi na kasi ako, e,” sabi ko. “Hatid na lang kita mamaya? Ayaw mo ba makita?” tanong niya. Umiling ako. “Bibili na lang ako pag narelease na siya.” Parang nasabi ko na sa kanya `to kanina? “Sige alis na ko,” paalam ko. Naglakad na ko palayo. Pagdating ko sa main gate nakita ko siya nakasakay sa kotse niya at parang may inaantay. Gano’n ba ako kabagal mag lakad at nandito na siya kaagad sa gate? Napatingin siya sa akin, nung nakita niya ako agad siyang bumaba at nilapitan ako. “Puwede mo ba akong samahan sa ibang lugar? Promise hindi tayo pupunta sa agency. Hindi na kita pipilitin dun, pero please samahan mo na lang ako. Importante lang `to,” seryosong sabi niya. Hindi ko alam pero kasi napakaseryoso nung mukha niya at nakikita ko sa mata niya na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Pumayag na lang ako. *** Andito kami ngayon sa clinic ng mommy ni Xel, wala akong idea kung bakit dito ako dinala ni Art. Hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ni Art. Don’t tell me akala niya may sira na ko sa ulo dahil kahit ano’ng pilit niya hindi ko siya sinasamahan sa office nila? Hindi naman siguro, `no? “Hi Art!” napatingin sa akin si Tita Liz, “Oh Isay, bakit magkasama kayo?” tanong niya. “Tita, nag pasama po kasi ako kay Isay, para sa check up ko,” sagot naman ni Art. Nagulat ako. “Check up? Magpapacheck up ka?” tanong ko at nagtatakang tumingin ako sa kanya. “Nagpasama ka, pero parang hindi alam ni Isay kung bakit ka niya sinamahan,” natatawang sabi ni Tita, pero `yung tawa niya, `yung tawang nakakaloko. “Tara na sa loob.” Pumasok na kami sa loob ng clinic ni Tita, direretso sila hanggang dun sa pinakacheck up room, pero bago ako makarating dun pinigilan ako ni Xel, hinatak niya ako papunta sa bintana nung check up room. `Yung bintana niya, `yung parang sa preso? `Yung salamin tapos may mga butas, para marinig mo `yung kausap mo. Parang ganun siya. Ano kaya gagawin nila? Umupo si Art sa parang office chair sa loob tapos pumikit siya at nagpatugtog si Tita. `Yung tugtog parang nakakahypnotize. Napapapikit na rin ako, pero sabi ni Xel, hindi raw ako puwedeng makatulog. So, ayun, naghintay kami ng mga ilang minuto. Si Art tulog na dun sa loob. Hindi ko ma-gets. Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong test. Nagtanong nang nagtanong si Tita, about sa sarili ni Art. Nagulat nga ako dahil nakakasagot si Art kahit tulog siya. Puwede pala `yun, `no? “Ano nararamdaman mo para kay Zarah?” tanong ni Tita. Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Parang may pumana at medyo sumakit. Napatitig ako kay Art, may luhang tumulo sa kanya. “Siya `yung taong mahal ko noon…” Ang tagal niyang hindi sumagot. “Pero hindi na ngayon.” “Hmm. Meron na bang iba?” Hindi siya sumagot. “Art… Bakit mo dinala dito si Isay?” “Gusto kong malaman niya na nakamove on na ako, at handa na akong mag mahal ulit…” Napatitig ako kay Art. Gising ba siya? Baka naman niloloko niya lang si Tita. Ano ba `yang sinasabi niya? Tumalikod ako. “Bakit?” tanong ni Xel. “E, ano ba `yang pinsan mo? Nag jojoke lang hindi pa nakakatuwa,” hindi mapakaling sagot ko. “Ano ka ba Isay? Tulog si Art, at subconscious mind niya lang ang nakakausap ni Mommy, ibig sabihin `yan `yung mga bagay na hindi niya masabi sa personal,” tinitigan niya ako, “May mga bagay na hindi kayang sabihin si Art ng sa sarili niya lang dahil marami siyang takot. Takot dahil sa mga napagdaanan na niya noon. “Pero Xel, hindi naman niya kailangan ipaalam sa akin ng handa na siyang magmahal muli, wala naman akong kinalaman dun,” mariing sabi ko. Humakbang ako ng isang beses nang marinig ko ulit si Tita na nagsalita. “Si Isay na ba `yung bagong mahal mo?” “Oo.” Napahinto ako, hindi ko alam pero parang na semento `yung paa ko at hindi ko magalaw. Dahan dahan kong binalik `yung tingin ko sa bintana. Nakatingin din si Tita sa akin at seryoso `yung mukha niya. “Candid camera ba 'to?” ang tanging nasabi ko. Hindi ko kasi kayang paniwalaan. Maglalakad na sana ako palabas nang makaramdam ako nang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi `to dahil kay Art. Hindi `to dahil sa nararamdaman ko para kay Art. Biglang sumikip ang dibdib ko. “Isay,” tawag sa akin ni Xel. Kaagad siyang lumapit sa akin at inalalayaan ako. “Okay ka lang ba?” “Hindi ko alam, pero sobrang bilis ng t***k ng puso ko,” halos pabulong ko nang sabi. “Mommy! Si Isay p—“ *** Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Hindi na ako nagtaka kung nasaan ako. “`Nak,” nag-aalalang lumapit sa akin si Mama. Hinawi niya `yung buhok na tumabing sa mukha ko. “Ayos ka lang ba? Ano pakiramdam mo? Masyado ka bang nagpapagod? Ano’ng nangyari?” sunod sunod na tanong niya. “Ma, ayos lang ako. Nabigla lang po siguro ako kanina,” sabi ko at ngumiti ako sa kanya. “Isay.” Napatingin ako kay Xel. “Bakit hindi mo sinabi sa amin na may sakit ka?” halos mangiyak ngiyak na tanong niya. “Kung hindi ka pa inatake, hindi namin malalaman,” umiiyak na sabi ni Ecka. Pinalo siya ako sa braso ko. “Ang sama mo!” “Alam ko naman kasi `yung mga bawal sa akin, alam ko `yung mga bagay na makakasama sa akin,” paliwanag ko. Ngumiti ako. “Ngayon ko na nga lang naalala na may sakit pala ako.” “Ano ba `yung tawag sa sakit mo? Bakit tinatanong ng doctor kanina kung gusto mo na raw ba mag undergo ng operation?” nag-aalalang tanong ni Ecka. “Venticular septal disease, may butas `yung puso ko,” sagot ko. Tumingin ako kay mama. “Ma, pakisabi po ayaw ko magpaopera. Pagkakakitaan lang naman nila tayo, e.” “Bakit ayaw mo magpa-opera, bebelabs?” sabay na tanong nila. “Wala naman kasing kasiguraduhan `yun, e. Sabihin natin na tatapalan nila `yung butas sa puso ko, gagastos kami ng malaki pero walang guarantee na gagaling talaga ako,” paliwanag ko. “`Di ba parang magtatapon lang kami ng pera. Ipang-aaral ko na lang `yun,” tumingin ako kay mama, “`Di ba, ma?” “Kausapin niyo `yang kaibigan niyo, kusapin ko lang `yung doctor,” sagot ni mama. Hindi man lang ako pinansin. “Hindi kami makikialam regarding d’yan sa matter na iyan, choice niyo `yan ng family niyo. Kung ano ang tingin mong makakabuti sa iyo `yun ang gawin mo,” sabi ni Ecka. “Dahil ba sa amin kaya ka sobrang napagod? Sumobra na ba kami, bebelabs?” naiiyak na tanong ni Xel. “Oy!” untag ko sa kanya. “Wala kayong kinalaman dito ha? Masyado lang siguro akong napagod. Puro kalokohan kasi ginawa ko ngayong araw.” “Speaking of kalokohan, ikaw `yung pinanggigilan ni Rida, `no?” tanong ni Ecka. “Bakit?” natatawang tanong ko. “May nangtitrip daw kasi sa kanya sa CR ng department niyo, e. Ikaw lang naman ang kilala kong puwedeng gumawa no’n,” natatawang sagot niya. “Details, plea—“ “Isay,” sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng kuwarto. “A-Art.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD