Chapter Eight

1027 Words
Makalipas ang ilang oras ng tumawag siya kay Ethan ay narinig naman niya ang cellphone na nagriring. Kinuha niya ito na nakapatong sa side table at binuksan. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya ng mabasa na si Ethan ang caller. Mabilis niyang pinidot ang answer button. "Hello", aniya. "Tams are you ok? May nangyari bang masama sa iyo?", sunod sunod na tanong nito. "I'm fine Ethan actually kakanina lang kmi dumating dito sa Pilipinas. Sandali nga bat ganyan nalang nf reaction nyo. Tumawag ako kanina pero babae ang sumagot. Is it Joy?" "No, hindi si Joy iyon.", sagot nito. Nakaramdam na siya ng antok siguro ay dahil sa pagod gustuhin niya mang magtanong pa ay hindi niya na kaya. "Ethan pwede bang magkita tayo?", tanong niya rito. "Of course, but Tams kung ok lang sayo pwedeng sa tinutuluyan mo muna tayo magkita. I just want you to be safe.", sabi nito. "May hindi ba magandang nangyayari Ethan?", Tanong ko. "No, wag kang mag-alala. I just miss you so much Tamara at hindi lang ako mapakali dahil sa wakas ay bumalik ka na.", Anito sa kaniya. "Ethan I'm sorry pero isa lang ang dahilan kung bakit ako makikipagkita sayo. Huwag ka sanang mabigla sa malalaman mo bukas hindi ko intinsyong sirain ang pagsasama niyo ni Joy at ng anak niyo. Sige na ibaba ko na ang tawag mo bye Ethan.", Pagkatapos ay deretsong pinindot ang end call at bumuntong hininga. She was nervous paano kung magalit din ito sa kaniya dahil hindi niya agad sinabi ang totoo kay Ethan. Bumuntong hininga ulit siya at ilang minuto lang ay nakatulog na din siya. ************ Ngayon darating si Ethan wala ang mga maids at ang lolo at lola naman ay umalis dahil makikipagkita sa mga kaibigan nila dito. They said that it would be fine without them makikipagkilala lang daw sila kay Ethan kapag pinakasalan siya ulit nito na malabo namang mangyari. She just wore a plain dress and a flat shoes. Simula ng matapos siyang manganak sa quadroplets ay mas naging malaman ang katawan niya, gustohin man niyang magpapayat ay wala na siyang panahon para doon busy siya sa trabaho at pag-aasikaso sa mga bata. Wala naman na siyang paki-alam kung walang lalaki ang magkakagusto ulit sa kaniya, may mga anak na siya at apat pa at ang lalaking pinangarap naman niyang makasana hanggang sa pagtanda ay may asawa ng iba. Maaga ding nagising ang mga bata excited na excited ang mga ito. Siya ang nagpaligo at nagpalit ng mga damit nila. Hindi naman siya kinukulit at panay salita lang ng kung anu-ano na gusto nilang gawin kapag nagbonding sila kasama ang daddy ng mga ito. "Yan ok na",inayos niya ang simpleng pink dress na suot ni Ellie. "Mas lalo pang naging pogi at maganda ang mga baby ko ah", Nakangiti niyang saad habang inaayos naman ang buhok nila Elijah at Ezekiel. " At ang bango bango din", na ngayon nama'y si Ella ang inaamoy. Humagikhik lang naman ang apat at hinintay na matapos siya sa ginagawa niya sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay narinig niya ang busina sa labas ng bahay na agad tumahimik ng mag bukas ang gate. "Babies dito muna kayo ha? Kakausapin ko lang si Daddy tapos pwede na kayong makipag laro sakaniya. Ok ba yon?", mahinahob niyang pakikipag-usap sa mga ito. Tango lang ang sinagot nila sa kaniya. Dali- dali siyang lumabas ng kwarto at mabilis na bumaba. Laking gulat niya ng makababa siya ay hindi si Ethan ang naabutan niya kundi si... "Joy?", hindi niya inaasahang makikita ang kapatid. At paano nito nalamang makikipag-kita siya kay Ethan? Paano nito nalaman ang address niya? Oh god! This is a disaster! "Surprise my dear sister. Nagulat ka ba? Hahaha.Oh come on ipapaalam ko lang sayo na hindi mo na pwedeng makuha si Ethan sa akin! Sa amin ng anak ko! Bakit ka pa bumalik huh? Para gantihan ako? Anong kailangan mo at bigla ka nalang lumitaw ulit?". Sunod sunod na salita nito at nanggagalaiti sa galit ang mukha. Mabuti nalang at sinabihan ko ang mga bata na huwag bumaba. "May importante lang akong sasabihin sa kaniya joy.", Mahinahon kong saad habang nakatingin ng deretso sa mata nito. "Wala naman akong aagawin dahil hindi ako katulad mo.", pagkatapos ay ngumisi ng nakakaloko na biglang nagpatahimik sa kaniya. "Oh bat natahimik ka? Guilty? Kung natatakot kang maagaw ko sayo si Ethan, itali mo para hindi nalang makipagkita sa akin, but he really need to know this as if naman may gagawin kaming masama ng ASAWA MO kapag nagkita kami at sigurado ako na kapag pinatagal ko pa ito ay hindi ka na sisikatan ng araw dahil sa galit niya.",Pinagdiinan ko pang sabihin ang salitang ASAWA mo para ramdam at tagos sa puso niya ang sinasabi ko. Ang plano ko kasi ay kapag hindi niya tinanggap ang mga bata babalik na kami kaagad sa Seattle at doon na talaga mamumuhay. "Nauna lang ako sakaniya ng ilang minuto paniguradong malapit na din yon papunta dito.", sagot niya sa akin habang nakayuko. Ano bang problema nito sinabihan ko lang na hindi sisikatan ng araw bigla ng natahimik? "Nagbago si Ethan simula ng umalis ka Tamara at ako ang dahilan ng pagbabalik niya sa dati, kaya sana huwag mo na siyang guluhin. Huwag mong kunin ang tatay ng anak ko" Pagpapatuloy nito. Kumunot pa ang noo ko dahil sa huling sinabi niya. Umalis din kaagad si Joy matapos sabihin iyon. Nagbago si Ethan ng umalis ako? Eh tama lang naman ang ginawa ko kung sana hinintay nilang maghiwalay kami ni Ethan ng maayos bago gumawa ng milagro edi sana'y hindi ako basta-basta nalang umalis. Inalis niya nalang sa isipan ang nakaraan nagpapasalamat pa nga siya na kung hindi umalis noon ay hindi niya makikita ang lolo at lola na matagal ng gustong makita ng mama niya. Bumalik ulit siya sa itaas para tignan ang mga bata nakita naman niya ang mga ito na nagtatawanan habang naglalaro ng laruang sasakyan. Napangiti nalang siya dahil hindi napansin ng mga ito ang presensiya niya. Ilang sandali pa ay may narinig ulit siyang busina. "Si Ethan na siguro iyon", aniya sa mahinang tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD